You are on page 1of 3

Mga Uri ng Teksto Ayon sa Paksa, Kahulugan at Katangian ng Salitang Ginamit

Ano ang Teksto?


Maliban sa sariling karanasan, alam mo bang ang ating mga kaalaman atpagkatuto ay napupulot
din natin sa pagbabasa ng iba’t ibang uri ng teksto? Karamihan sa mga ito ay makikita sa mga pocket
book, magasin, aklat at iba pang uri ng babasahin. Sa kasalukuyang panahon mas nawiwili ang
karamihan sa pagbabasa gamit ang internet o iba’t ibang application sa mga gadget na nagtataglay
ng mga teksto.
Sa madaling salita, teksto ang tawag sa mga pangunahing salita sa anumang babasahin na
nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon. Maaari rin itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng
sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag.
Masasabi ring teksto ang dokumento ng mga salita o pahayag ng isang awtor kabilang ang
kaniyang mga puna, paliwanag, karanasan, paglalarawan ng mga bagaybagay, pagbibigay ng
paglalahat, impormasyon o pag-aanalisa. Sa akademikong uri ng HYPERLINK
"https://takdangaralin.ph/talumpati-tungkol-sapag-aaral/" \t "_blank" \o "talumpati tungkol sa pag aaral"
pag-aaral, ang teksto ay maaari ring isinulat na akda katulad ng mga pelikula, programa sa
telebisyon,
patalastas, awitin, at iba pang nakalimbag na paalala.

Iba't ibang Uri ng Teksto:


1. Paglalahad o Ekspositori ay nagbibigay ng tiyak na impormasyon ukol sa isang
bagay, lugar, pangyayari, o tao. Ito ay batay sa katotohanan at kadalasang nasa
tonong obhektibo na sumasagot sa tanong na ano, sino, saan, bakit at paano.
Mga Halimbawa:
1. Sanhi: COVID - 19 Bunga: Takot sa mamamayan
2. Ang pilosopiya ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa
karunungan.
2. Pangangatwiran o Argyumentatibo ay naglalahad ng pananaw, paniniwala, at
kuro-kuro tungkol sa isang isyung mahalaga o maselan. Layunin nito na hikayatin ang
mga mambabasa na tanggapin ang argumentong inilalahad sa pamamagitan ng
pangangatwiran at patunay ng mga katotohanang ipinahahayag nito.
Mga Halimbawa:
1. Sa kabila ng kagandahan ng Pilipinas, nasa likod nito ang napakaraming
problema. Una na rito ang kahirapan na dulot ng labis na pulitika, kawalan ng
hanapbuhay at malaking populasyon.
2. Pagkakaroon ng isang mataas at matatag na edukasyon ang sandalan upang
mabago ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Edukasyon na hindi lamang
mula sa mga aklat o mga bagay na natutunan sa paaralan.
3.Paglalarawan o Deskriptibo ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa
katangian ng bagay, lugar, pangyayari, at tao.
Mga Halimbawa:
1. Ang matipid na ngiti ay bahagya lamang ng pagkipot ng labi.
2. Ang pagtawa ay nakatutulong upang pagaanin ang problema ng tao.
4. Pagsasalaysay o Naratibo ay nasa anyong pasalaysay na tila nagkukwento ukol
sa isang tiyak na pangyayari. Ito ay naglalayong magbigay kabatiran at kawilihan sa
mga mambabasa mula sa pananaw ng nagsasalaysay.
Mga Halimbawa:
1. Talambuhay Andres Bonifacio
2. Alamat nina Bugan at Wigan
5.Panghihikayat o Persuweysib ay naglalayong humikayat ng mga mambabasa o
tagapakinig. Karaniwang ginagamit ito sa radyo at telebisyon. Ang mga pahayag dito
ay ginagamitan ng mga salitang pangganyak upang maging kapanipaniwala at
makubinsi ang mambabasa o tagapakinig. Nagiging sabdyektib ito dahil nakatuon sa
damdamin ng may-akda.
Mga Halimbawa:
1. Patalastas ng isang produkto
2. Talumpati ng mga kandidato tuwing kampanya bago ang eleksyon.
6. Pamproseso o Prosidyural ay nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang, Layunin nitong ipaalam ang tamang hakbang na dapat gawin, pahayag, o
pangyayari. Ito ay karaniwang tumutugon sa tanong na paano.
Mga Halimbawa:
Paggawa ng Basket:
1. Gamit ang lumang dyaryo o magasin, gumawa ng strips ng dyaryo o magasin na magiging
pangunahing materyales ng basket.
2. Tiyakin na ang bawat strips ay may katamtamang kapal upang tumayo nang maayos ang basket.
3. Gamit ang labindalawang strips ng dyaryo o magasin, ihilera ito ng pahiga ng
pa krus sa bawat isa hanggang makabuo ng sapat na pang ilalim para sa basket na bubuuin.
4. Gamit ang kapirasong karton, gumupit ng kasing lapad ng isang strip ng dyaryo
o magasin.
5. Pagdikitin ang dalawang dulo ng karton upang makabuo ng bilog na magiging ilalim ng basket.
6. Ilala ng salit salit ang mga strips na nakapalibot o nakapalibot sa pinagdugtong na karton hanggang
sa maporma ang basket.
7. Ipagpatuloy ang pag lala hanggang sa dulo ng mga strips ng dyaryo o magasin.
8. Gumupit muli ng karton na kasinsukat ng strips at pagdugtungin muli ang dalawang dulo nito.
9. Gamitin itong pampatigas sa itaas na bahagi ng basket at idikit sa dulo ng mga strips upang
maisara ang mga dulo ng basket.
Hangong halimbawa sa: https://brainly.ph

Pagsasaalang-alang sa Katangian at Kalikasan ng Iba’t ibang Teksto sa Pagsulat

Katangian at Kalikasan ng Iba't ibang Teksto


A. Tekstong Impormatibo o Ekspositori - naglalayong magpaliwanag at magbigay
ng impormasyon.
Katangian:
1. Paglalahad ng sanhi at bunga
2. Paghahambing
3. Pagbibigay-depinisyon
4. Paglilista ng klasipikasyon

B. Tekstong Deskriptibo - layunin nitong maglarawan


Katangian:
1. May malinaw at pangunahing impresyon.
2. Maaaring maging obhektibo o subhektibo at maaari gumamit ang
manunulat ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3. May espisipiko at naglaman ng mga konkretong detalye
C. Tekstong Persuweysib - Layunin nitong kumbinsihin ang mambabasa hinggil sa
isang isyu
Katangian:
1. May malalim na pananaliksik
2. Mulat sa iba't ibang persepsyon at paniniwala tungkol sa isyu.
3. Malalim ang pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu
D. Tekstong Naratibo- layunin nitong magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak
na pangyayari.
Katangian:
1. May paksang mahalaga at makabuluhan
2. Malinaw at lohikal ang estruktura
3. May oryentasyon ang salaysay na kung saan nakapaloob dito ang kaligiran
ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kalian nangyari ang
kwento
4.May pamamaraan ito ng narasyon upang madetalye ng mahusay ang
kabuoang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang selling at mood.
5.Nagtataglay ito ng komplikasyon o tunggalian na maaaring batayan ng
paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan.
E. Argumentatibo - nangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang
paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan,
kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng
empirikal na pananaliksik.
Elemento:
1. Proposisyon – may pahayag na inilalaan upang pagtalunan
2. Argumento – may inilalatag na mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran ang isang
panig,
Katangian:
1. Mahalaga at napapanahon ang paksa
2. Maikli ngunit malaman at malinaw
3. Lohikal ang transisyon
4. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga talata.
5. Matibay ang ebidensya para sa argumento.

F. Prosidyural - malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng mga gagawin.


Gumagamit ito ng mga payak ngunit angkop na salita. Kadalasang may lakip na
mga larawan o ilustrasyon
Kalikasan at Katangian:
1. Isang espesyal na uri ng tekstong expository (nagpapaliwanag)
2. Naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang inaasahang pagkakaunawa.

You might also like