You are on page 1of 32

MGA TEKSTO:

-IMPORMATIBO
-DESKRIPTIBO
-NARATIBO
Tekstong Impormatibo:Para
sa Iyong Kaalaman
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Naipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong
impormatibo at ang ikinaiba nito sa ibang uri.
2. Natutukoy ang mga uri ng tekstong impormatibo.
3. Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong
impormatibo.
4. Nakabubuo ng impormatibong patalastas o
makapagsagawa ng panel discussion sa napiling
paksa.
Bokabularyo

Impormatibo-tinatawag din ekspositori o


anyo ng pagpapahayag na naglalayong
maipaliwanag at maibigay ng
impormasyon.
Tekstong Impormatibo:

Para sa Iyong Kaalaman Ang tekstong impormatibo,


na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay isang
anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong na ano, kailan,saan, sino at
paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto
ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang
paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Ang ilan sa tiyak na halimbawa ng tekstong
impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na
matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopediao almanac,
papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at
mga balita sa diyaryo.
Upang mas madaling maunawaan ang anomang
tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang
manunulat ng iba’’t ibang pantulong upang gabayan ang
mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang
impormasyon.
May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo
depende sa estraktura ng paglalahad nito. Ang
mga estraktura ito ay sa pamamagitan ng
pagtalakay ng sanhi at bunga, paghahambing,
pagbibigay-depenisyon, at paglilista ng
klasipikasyon.
SANHI at BUNGA-
Estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong ang kinalabasan ay nagging resulta ng mga
naunang pangyayari Ipinaliliwanag ng manunulat ang
malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay
ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay(sanhi)
at ano ang resulta nito (bunga)
PAGHAHAMBING- ang ganitong estraktura ay
kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,
konsepto, o pangyayari.
PAGBIBIGAY-DEPINISYON- ipinaliliwanag ditto
ang kahulugan ng isang salita, terminoo konsepto.
Sa ganitong uri ng teksto mahalagang pag-ibahin
ang mga kahulugang denotatibo o kontatibo.
PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON- dito
naman sa uring ito ay kadalasang naghahati-
hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t
ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistema ang pagtalakay. Maaring nagsisimula
sa pangkalahatang katogorya at pagkatapos
ay bibigyang depenisyon at halimbawa ang
iba’t ibang kalsipikasyon o grupo sa ilalim nito.
PAGPAPAGANA NG IMBAK NA KAALAMAN-
may kinalaman ito sa pag-alala ng mga salita
at konseptong dati nang alam na ginamit sa
teksto upng ipanunawa ang mga
bagongimpormasyon sa mambabasa. Ang
pag-alaala at pagbuo ng ugnayan ay
makatutulong upang mabilis na maunawaan
ang isang teksto.
PAGBUO NG HINUHA- ito naman ay may
kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto
na hindi na gaanong malinaw sa pamamagitan ng
pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw.Ito
ay matalinong paghula ng maaring kahulugan ng
isang bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliwanag sa teksto.
PAGKAKAROON NG MAYAMANG KARANASAN-
mahalaga ito sa pagbasa ng iba’t ibang teksto at
pagdanas ng mga ito.Halimbawa, kung ang isang
mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-
unawa sa iba’t ibang uri ng hayop,ms magiging mdali na
sa kaniya ang pagbuo ng kategorya at pag-unawa sa
iba’t ibang grupo nito batay sa mga katangiang kaniya
nang nasaksihan. Sa ganitong pagkakaton, mas nagiging
konkreto ang pagbabasa para sa mag-aaral dahil alam
nila kung ano ang inutukoy sa teksto.
Tekstong Deskriptibo:Para sa
Iyong Kaalaman
Tekstong Deskriptibo:
Makulay na Paglalarawan Ang tekstong deskriptibo ay
may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang particular na karanasan.Dagdg pa
nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas
ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag. Layunin
ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at
detalyadong imahen na makpukaw sa isip at damdamin ng
mga mambabasa.
Pinatatatag ng paglalarawan ang anumang
porma ng sulatin kung mahusay at angkop ang
pakamgamit nito. Samakatuwid, mahalagang
gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa atensyon
ng mambabasa upang maipaliwanag ang
oryentasyon ng isang malikhaing akda.
Kinapapalooban ito ng paglikha at paglalarawan
sa tauhan at lunan o setting ng isang akdang
pampanitikan.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
Narito ang tatlong ktangian ng tekstong
deskriptibo na maaring gumabay sa pagsulat nito.

1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw


at pangunahing impresyon na nililikha sa mga
mambabsa.
2. Ang tekstong naratibo ay maaring maging obhetibo o
suhetibo, at maari ding magbigay ng pagkakataon sa
manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa
paglalarawan. Ang obhetibong paglalarawan ay mga
direktang pagpapakta ng katangiang makatotohaan at di
mapasusubalian.Ang subhetibong paglalarawan naman
ay maaring kapalooban ng matatalinhagang
paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon
o kung ano ang nararamdaman ng manunulat
3. Ang tekstong deskriptibo ay
mahalagang maging espisipiko at
maglaman ng mga konkretong
detalye. Ang pangunahing layunin nito
ay ipakita at iparamdam sa
mambabasa ang bagay o anumang
paksa na inilalarawan.
Tekstong Naratibo: Mahusay
na Pagkukuwento
Bokabularyo
Piksiyon- Hindi makatotohanan
Di- Piksiyon- Makatotohanan
TEKSTONG NARATIBO
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o
magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo
man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na
naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang. Maaari ding ang
paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o
pantasya lamang.
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng
mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon
(nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon
(memoir, biyograpiya, balita, malikhaing
sanaysay). Kapwa gumagamit ito ng wikang
puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang
imahen, metapora at simbolo upang maging
malikhain ang katha.
IBA’T IBANG ELEMENTO NG NARATIBONG TEKSTO
1. PAKSA. Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang kuwentong
nais isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa
ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito.
2. ESTRUKTURA. Kailangang malinaw at lohikal ang
kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang
ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibaang estilo ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
3. ORYENTASYON. Nakapaloob dito ang kaligiran ng
mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung
kalian nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na
nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot
ang mga batayang tanong na sino, saan, at kalian.
4. PAMAMARAAN NG NARASYON. Kailangan ng
detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang
senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at
mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng
pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.
IBA’T IBANG PARAAN NG NARASYON
 DIYALOGO- sa halip na direktang pagsasalaysay ay
gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang
isalaysay ang nangyayari.
 FORESHADOWING- pagbibigay ng mga pahiwatig o
hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari
sa kuwento.
 PLOT TWIST- tahasang pagbabago sa direksyon o
inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.
 ELLIPSIS- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung
saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong
antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest
Hemingway.
 COMIC BOOK DEATH- isang teknik kung saan pinapatay ang
mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
magbigay -linaw sa kuwento.
 REVERSE CHRONOLOGY- nagsisimula sa dulo ang salaysay
patungong simula.
 IN MEDIAS RES- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng
kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan, at
tension sa pamamagitan ng mga flashback
 DEUS EX MACHINA (God from the machine)-
isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa
kaniyang “Ars Poetica’ kung saan nabibigyang-
resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng
awtomatikong interbensyon ng isang absolutong
kamay. Nababago rin ang kahihinatnan ng kuwento at
nareresolba ang matitinding suliranin na ‘ytila walang
solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng
isang tao, bagay, at pangyayari na hindi naman
naipakilala sa unang bahagi ng kuwento.
5. KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN. Karaniwang
nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan.
Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging
batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at
disposisyon ng mga tauhan.
6. RESOLUSYON. Ito ang kahahantungan ng
komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang
resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging
kapalaran ng pangunahing tauhan.
Pagsulat ng Creative Non-Fiction (CNF)
Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang
literary non-fiction o narrative non-fiction. Ito ay isang
bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit
ng istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo
ng makatotohanan at tumpak na salaysay o
narasyon. Iba ito sa peryodismo o teknikal na
pagsulat dahil kahit naghayag ito ng katotohanan,
mahalaga pa rin ang poetika at literariness ng akda.
Ilan sa mga katangian at layunin ng CNF ang
maging makatotohanan, ibig sabihin ay naglalahad
ng tunay na karanasan, naglalarawan ng realidad ng
natural na mundo, at hindi bunga ng imahinasyon.
Ang pangunahing layunin nito ay maglahad ng
impormasyon sa malikhaing paraan. Ang iba’t ibang
porma ng CNF ay biography, food writing/blogging at
iba pang uri ng blog, literary journalism (feature
writing), memoir, personal essay, at travel writing.
Mahalaga rin ang insight o nalilikhang pananaw ng
isinasalaysay na karanasan. Ang CNF ay hindi lamang
basta nagkukuwento ng karanasan kundi layon nitong
ipakita ang mas malalim na implikasyon nito sa karanasan
ng nakararami at ng kabuuan ng lipunan. Maaaring tuwiran
o hindi tuwiran ang inilalahad na insight ng akda. Ang mga
akdang dituwiran ang insight ay gumagamit ng mga
simbolismo o nagsasalaysay ng tiyak na karanasan upang
maipakita ang aral at pananaw ng akda, habang ang
tuwiran naman ay direktang sinasabi ng may-akda ang
kaniyang pananaw sa tiyak na karanasan.

You might also like