You are on page 1of 36

Batayang Kaalaman

sa Mapanuring
Pagbasa
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Natutukoy ang kahulugan at pangunahing layunin ng


mapanuring pagbasa;
2. Natutukoy ang mga uri at antas ng mapanuring
pagbasa;
3. Natutukoy ang pagkakaiba ng Scanning at skimming;
4. Naisasagawa anmg scanning at skimming sa pagbasa
ng teksto at;
5. Nakagagawa ng anotasyon ng mga tekstong binasa.
Kahalagahang Pangkatauhan

“ Ang kasanayan sa kritikal na pagbasa


ay taglay ng sinomang nagiging pantas sa
iba’t ibang larang at disiplina.”
Bokabularyo
Scanning- mabilisang pagbasa ng isang teksto
na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago bumasa.
Skimming-mabilisang pagbasa na ang layunin
ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,
kung paano inorganisa ang mga ideya o
kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang
pananaw at layunin ng manunulat
Ano ang Pagbasa?

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming


a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito
ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng
koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan
ng impormasyon. Sa pagbasa mahalaga ang imbak na
kaalaman ( stock knowledge) ng isang mambabasa upang mas
malalim na maunawaan ang mga konsepto at impormasyong
natatagpuan sa tekstong binasa.
Mahalaga rin ang mga nauna ng kaalaman sa wika
at pagkaka-ayos nito upang maunawaan ang
binabasa. Ang mga kaalaman na ito ay maaring
makuha mula sa napakinggan, nakikita at
kabuuang pagdanas ng isang mambabasa sa
realidad, lagpas pa sa nababasa mula sa
teksto.Sinasabi rin na ang pagbasa ay isang
kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas
sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha
at makabuo ng kahulugan
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Nahati sa dalawang pangkalahatang
kategorya ang mapanuring pagbasa: Intensibo
at Ekstensibo. Mula sa kahulugan ng mga
salita, mahihinuha na ang intensibong pagbasa
ay may kinalaman sa masinsin at malalim na
pagbasa ng isang tiyak na teksto habang ang
ekstinsibong pagbasa naman ay maghahatid sa
mambabasa tungo sa pinakadulong proseso.
Sa pag-aaral na “Top Ten Principles for Teaching
Extensive Reading” nina Richard Day at Julian Bamford
(2002), tinutukoy nila ang sampung katangian ng
matagumpay na programa sa ekstensibong pagbasa:
1. Angkop ang materyales sa kakayahang
panglinggwistika ( bokabularyo at gramatika ) ng
mga mag-aaral.
2. Mayroong magagamit na sari-saring materyales sa
iba’t ibang paksa.
3. Pinipilin ng mga mag-aaral ang gusto nilang
basahin
4. Nagbabasa ang mga mag-aaral ng
napakaraming teksto hangga’t maari.
5. Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan
sa interes at kasiyahang-loob ng mambabasa,
pagkuha ng impormasyon , at pangkalahatang
pag-unawa.
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong
gantimpala sa pagbabasa at hindi ano pa
mang grado at premyo
7. Mabilis ang pagbasa.
8. Ang pagbasa ay indibiduwal at
tahimik.
9. Ipinapaliwanag ng guro sa mga mag-
aaral ang kabuuang layunin ng programa.
10. Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral
sa kasikhayan sa pagbasa.
Uri ng Pagbasa
Scanning- mabilisang pagbasa ng isang teksto
na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago bumasa.
Skimming-mabilisang pagbasa na ang layunin
ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,
kung paano inorganisa ang mga ideya o
kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang
pananaw at layunin ng manunulat.
Antas ng Pagbasa
1. Primarya- pinakamababang antas ng pagbasa at
pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.
Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay
kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na
datos at ispesipikong impormasyon gaya ng
petsa,setting,lugar o mga tauhan sa isang teksto.
2. Mapagsiyasat- sa antas na ito, nauunawaan
na ng mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o impormasyon
tungkol dito. Sa pamamagitan nito,
nakapagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebuy sa isang teksto
ang mambabasa upang matukoy kung
kakailanganin niya ito at kung maari itong
basahin nang ma malaliman.
3. Analitikal- sa antas na ito ng
pagbasa, ginagamit ang mapanuri o
kritikal na pag-iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng manunulat. Malalim
at mapanuri na ang antas na ito, ngunit
hindi rito nagtatapos ang layunin ng
pagbasa.
4. Sintopikal- Ang salitang syntopical ay
binuo ni Mortimer adler mula sa salitang
syntopicon na inimbentyo at ginamit niya sa
aklat na sa A Syntopicon: An Index to the
Great Ideas ( 1952), na nangangahulugang “
koleksiyon ng mga paksa.” Tumutukoy ito sa
uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng
paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda
na kadalasang magkakaugnay.
Limang hakbang tungo sa sintopikal na
pagbasa;
1. Pagsisiyasat- pagtukoy agad ng lahat ng
mahalagang akda hinggil sa isang paksang
nais mong pag-aralan.
2. Asimilasyon –tinutukoy rito ang uri ng
wika at mahahalagang terminong ginamit ng
may akda upang ipaliwanag ang kaniyang
kaisipan.
3. Mga Tanong- tinutukoy mo ang mga katanungang
nais mong sagutin na hindi pa nasasagot o malabong
naipaliwanag ng may-akda.
4. Mga Isyu- ang isyu kung kapani-pakinabang at
makabuluhan ang nabuo mong tanong tungkol sa isang
paksa at may magkakaibang pananaw ang mga binasang
akda tungkol sa particular na suliraning ito.
5. Kumbersasyon- Ang pagtukoy sa katotohanan batay
sa sintopikal na pagbasa ay hindi ang pangunahing
punto at layunin sapagkat lagging kuwestiyonable
ang katotohanan.
Mga Kasanayang sa
Mapanuring
Pagbasa
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na: 1.
Naipaliliwanag ang mga uri at anyo ng iba pang mga tekstong
mahalaga sa pagsulat ng saliksik.
2. Nakilala kung ang tekstong binasa ay naglalahad,
naglalarawan, nagsasalaysay, o nangangatuwiran.
3. Natutukoy ang paksang tinalakay ng iba’t ibang tekstong
binasa.
4. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng buod, abstrak at rebyu ng
aklat.
5. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kakayahang kumuha ng tala
ng mahahalagang puntos sa binasang teksto.
6. Nakasusulat ng rebuy ng isang aklat ; at
7. Nakapagsusuri at nakapagbibigay ng sariling opinion batay sa
binasang teksto.
Bokabularyo
Elaborasyon-ay ang pagpapalawak at
padaragdag ng bagong ideya sa impormasyong
natutuhan mula sa teksto. Organisasyon-
pagbuo ng koneksyon sa pagitan ng iba’t
ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa
teksto.
Pagbuo ng Biswal na imahen- paglikha ng mga
imahen at larawan sa isipan ng mambabasa
habang nagbabasa.
Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa
Iba’t iba ang kasanayan na dapat
paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng
pagbasa. Sa kabuuan, mahahati ang mga
kasanayan sa tatlong bahagi: Bago
Magbasa, Habang Nagbabasa, at Pagkatapos
Magbasa
Bago Magbasa
Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng
tekstong babasahin. Sa bahaging ito, iniuugnay
sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at
kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung
anong uri ng teksto ang babasahin. Nakakabuo
ng mga tanong at matalinong prediksyon kung
tungkol saan ang isang teksto batay sa
isinagawang pagsisiyasat. Ito ay pagsisimula
ng kognitibong proseso.
Habang Nagbabasa
Sa bahaging ito, sabay-sabay na
pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t
ibang kasanayan upang lubusang maunawaan
ang teksto. Ang kaniyang mga naunang
tanong at prediksyon bago magbasa ay
pinanghahawakan niya upang panatilihin ang
pokus sa aktibong pag-unawa sa binasa. Sa
bahaging ito lumalawak at umuunlad ang
bokabularyo ng mambabasa.
Narito ang ilan pang pamamaraan upang
maging epektibo ang pagbasa:

 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa.


 Biswalisasyon ng binabasa
 Pagbuo ng koneksyon
 Paghihinuha
 Pagsubaybay sa komprehensiyon.
 Muling Pagbasa
 Pagkuha ng kahulugan mula sa
konteksto
Mababaw ang komprehensyon kung hindi
mananatili sa isip ng mambabasa ang
natutuhan nila.Sinisimulan ng isang
aktibong mambabasa ang paglilipat ng
impormasyon sa matagalang memorya sa
pamamagitan ng Elaborasyon, Organisyon at
Pagbuo ng Biswal na Imahen.
Pagkatapos Magbasa
Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa
at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang
proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng
isang mambabasa ang sumusunod:
 Pagtatasa ng Komprehensyon
 Pagbubuod
 Pagbuo ng sintesis
 Ebalwasyon
Kapag nagawa nang isang mambabasa ang
mga nabanggit, natitiyak na magiging
makabuluhan ang karanasan sa pagkatuto at
makakuha ng mahalagang impormasyon na
hindi agad mawawal sa alaala ng mambabasa.
Bukod sa mga nabanggit na kasanayan na
dapat linangin habang nagbabasa,
makatutulong din ang iba pang pamamaraan
sa pagpapayaman ng karanasan sa pagbasa.
Pagkilala sa Opinyon o Katotohanan
Ang pagtukoy kung opinion o katotohanan
ang isang pahayag ay mahalagang kasanayan
ng isang mambabasa, lalo na’t napkarami
nang iba’t ibang impormasyon ang maaring
makuha sa Internet. Ang KATOTOHANAN ay
mga pahayag na maaring mapatunayan o
mapasubalian sa pamamagitan ng empirical
na karanasa,pananaliksik,
o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
Ang OPINYON naman ay mga pahayag na
nagpapakita ng preperensiya o ideya batay
sa personal na paniniwala at iniisip ng
isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga
panandang diskurso tulad ng “ sa opinion
ko, para sakin, gusto ko, o sa tingin ko.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng
Teksto
Layunin- tumutukoy sa nais iparating at motibo
ng manunulat sa teksto.
Pananaw- tumutukoy sa kung ano ang preperensiya
ng manunulat sa teksto. Damdamin-
ipinahihiwatig ang pakiramdam ng manunulat sa
teksto. Maaring nagpapahayag ito ng kaligayahn,
tuwa,galit,tampo,o kaya naman ay matibay na
paniniwala o paninindigan tungkol sa isang
pangyayari o paksa
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at
Rebyu

Paraphase- tumutukoy sa muling pagpapahayag


ng ideya ng may-akda sa iabnag pamamaraan at
pananalita upang padiliin at palainawin ito
para sa mambabasa.Tinutukoy nito ang
pinagmulan ng isang ideya o kaisipan at
ipahayag ito sa pamamaraan na makautulong sa
pananaliksik.
Abstrak- isang buod ng pananaliksik, tesis ,
o kaya ay tala ng isang komperensiya o
anomang pagaaral sa isang tiyak na disiplina
o larangan.
Rebyu- isang uri ng pampanitikang krisismo
na ang layunin ay suriin ang isang aklat
batay sa nilalaman, estilo,at anyo ng
pagkaksulat nito.Naglalaman ito ng pagtataya
o ebalwasyon ng akda batay sa personal na
pananaw ng mambabasa na nagbigay ng rebyu

You might also like