Professional Documents
Culture Documents
MIDTERM
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay
tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot
nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan,
sino, at paano. Pangunahing layunin ng
impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga
mambabasa tungkol sa anumang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.
Kaiba sa piksiyon, naglalahad ito ng kuwento ng
mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga
konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari.
Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong
impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyong
matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia, o
almanac, papel-pananaliksik sa mga journal,
siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo.
Mahalaga ang pagbasa ng mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon sapagkat
napauunlad nito ang iba pang kasanayang
pangwika gaya ng pagbasa, pagtatala, pagtukoy
ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan,
pagsusuri, at pagpapakahulugan ng
impormasyon.
Upang mas madaling maunawaan ang anumang
tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang
manunulat ng iba't ibang pantulong upang gabayan ang
mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba't ibang
impormasyon. Kabilang dito ang talaan ng nilalaman,
indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo,
mga larawan at ilustrasyon, kapsiyon, o iba pang uri ng
palatandaan para sa mga larawan, graph, at
talahanayan.
Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga
datos sa isang impormatibong teksto. Bukod sa
katumpakan, mahalaga rin na napapanahon ito at
makatutulong sa pag-unawa tungkol sa isang
mahalagang isyu o usaping panlipunan. Upang
masiguro ang katumpakan ng datos, mahalagang
sumangguni sa mga babasahin at iba pang
pagmumulan ng datos na mapagkakatiwalaan.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
May iba't ibang uri ng tekstong
impormatibo depende sa estruktura ng
paglalahad nito. Ang mga estrukturang ito ay
sa pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at
bunga, paghahambing, pagbibigay-
depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon.
Sanhi at Bunga
Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng
manunulat ang malinaw na relasyon ng dalawang
bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari
ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga).
Paghahambing
Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura
ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba
at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay,
konsepto, o pangyayari.
Pagbibigay-depinisyon
Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng
isang salita, termino, o konsepto. Maaaring ang paksa
ay tungkol sa isang kongkretong bagay gaya ng uri ng
isang hayop o puno, o kaya naman ay mas abstraktong
mga bagay gaya ng katarungan, pagkakapantay-
pantay, o pag-ibig. Sa ganitong uri ng tekstong
impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga
kahulugang denotatibo o konotatibo.
Pagkaklasipika
Ang estrukturang ito naman ay kadalasang
naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa
iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistema ang pagtalakay. Nagsisimula ang
manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at, pagkatapos, ay bibigyang-depenisyon
at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo
sa ilalim nito.
Mga Kasanayan sa Pagbasa ng Tekstong
Impormatibo
Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulong "Developing
ESL/EFL Learners' Reading Crisis: Why Poor Children
Fall Behind," mahalagang hasain ng isang mahusay na
mambabasa ang tatlong kakayahan upang unawain ang
mga tekstong impormatibo. Ang mga kakayahang ito ay
ang: (1) pagpapagana ng mga imbak na kaalaman, (2)
pagbuo ng mga hinuha, at (3) pagkakaroon ng
mayamang karanasan.
Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay may
kinalaman sa pag-alala ng mga salita at konseptong
dati nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa
ang mga bagong impormasyon sa mambabasa. Ang
pag-alala at pagbuo ng ugnayan ay makatutulong
upang mabilis na maunawaan ang isang teksto.
Halimbawa, kung nagbabasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba't ibang uri ng
pamumuno, maaari niyang balikan ang nauna na niyang nalalaman tungkol sa
presidente, minister, o iba pang uri ng pinuno upang lugnay ang mga ito sa mga
bagong matutuklasang impormasyon.
Ang pagbuo ng hinuha naman ay may kinalaman
sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto na hindi gaanong
malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba
pang bahagi na malinaw. Ito ay matalinong paghula
sa maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi
direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto.
Mahalagang sanayin ng mambabasa ang kritikal na
pag- lisip sa ganitong mga kaso upang hindi
maantala ang pagbasa sa kabuuan ng teksto.
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang
karanasan sa pagbasa ng iba't ibang teksto at
pagdanas sa mga ito. Sa ganitong pagkakataon, mas
nagiging kongkreto ang pagbabasa para sa mag-aaral
dahil alam na niya kung ano ang tinutukoy sa teksto.
Halimbawa, kung ang isang mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-
unawa sa iba't ibang uri ng hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang
pagbuo ng mga kategorya at pag-unawa sa iba't ibang grupo nito batay sa mga
katangiang nasaksihan na niya.
Mga Bahagi ng Pahayagan
1. Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita
2. Editoryal o Pangulong Tudling
3. Balitang Pandaigdig
4. Balitang Panlalawigan
5. Pitak Pantahanan
6. Panlibangan
7. Obitwaryo
8. Anunsyo Klasipikado
9. Palakasan
1. Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita
3. Balitang Pandaigdig
Mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t
ibang bahagi ng mundo.
4. Balitang Panlalawigan
Mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating
bansa.
5. Pitak Pantahanan
Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto
ng buhay sa lipunan.
6. Balitang Panlibangan
Patungkol ito sa mga balita sa artista, palikula, telebisyon, at iba
pang sining. Dito rin makikita ang mga komiks at larong
krosword.
7. Obitwaryo
Anunsyo ito para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung
saan nakaburol at kung kalian ililibing ang namatay.
8. Anunsyo Klasipikado
Makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uri ng
hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang
ipinagbibili.
9. Palakasan
Naglalaman ito ng mga balita patungkol sa isport, labas o loob
man ng ating bansa.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
MIDTERM
Ang tekstong deskriptibo ay may layuning
maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad sa kakayahan ng manunulat na bumuo
at maglarawan ng isang partikular na karanasan.
Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng
pagkakataon na mailabas ng manunulat ang
masining na pagpapahayag.
Layunin ng sining ng deskripsiyon na
magpinta ng matingkad at detalyadong imahen
na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga
mambabasa.
Dahil ang deskripsiyon ay isang uri din ng
paglalahad at naisasagawa rin sa pamamagitan
ng mahusay na eksposisyon, madalas na
nahihirapan ang mga manunulat na gumawa ng
sulating purong paglalarawan lamang ang
nilalaman.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang
malinaw at pangunahing impresyon na
nililikha sa mga mambabasa.
2. Ang tekstong naratibo ay maaaring maging
obhetibo o subhetibo, at maaari ding
magbigay ng pagkakataon sa manunulat na
gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa
paglalarawan.
Obhetibo at Subhetibo
Ang obhetibong paglalarawan ay mga direktang
pagpapakita ng katangiang makatotohanan at 'di
mapasusubalian.
SEMI-FINAL
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o
magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo
man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na
naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na
pangyayari, o kathang-isip lamang. Maaari ding ang
paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o
pantasya lamang.
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng
mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon
(nobela, .maikling kuwento, tula) o di-piksiyon
(memoir, biograpiya, balita, malikhaing sanaysay).
Kapwa gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at
kumakasangkapan ng iba't ibang imahen, metapora,
at simbolo upang maging malikhain ang katha.
Ayon kay Patricia Melendrez-Cruz (1994) sa
kaniyang artikulong "Ideolohiya Bilang
Perspektibong Pampanitikan" na nasa aklat na
Filipinong Pananaw sa Wika, Panitikan at Lipunan,
kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang
siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat
para kay Melendrez-Cruz, ang mahusay na panitikan ay
kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng
lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.
Kailangang isaalang-alang ang sumusunod na
mahahalagang elemento sa pagbuo ng mahusay na
narasyon.
1. Paksa. Pumili ng paksang mahalaga at
makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na
karanasan ang kuwentong nais isalaysay,
mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang
panlipunang implikasyon at mga kahalagahan
nito.
2. Estruktura. Kailangang malinaw at lohikal
ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas
na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon
ang iba't ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
3. Oryentasyon. Nakapaloob dito ang kaligiran
ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon
kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw
dapat na nailatag ang mga ito0 sa pagsasalaysay
at nasasagot ang mga batayang tanong na sino,
saan, at kalian.
4. Pamamaraan ng Narasyon. Kailangan ng detalye
at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa
unang bahagi ng kuwento upang maipakita ang
setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa
kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis
ang daloy. May iba't ibang paraan ng narasyon na
maaaring gamitin ang manunulat upang maging
kapana-panabik ang pagsasalaysay. Hindi laging
epektibo ang mga pamamaraang ito.
Diyalogo - sa halip na direktang pagsasalaysay ay
gumagamit ng pag- uusap ng mga tauhan upang isalaysay
ang nangyayari.
SEMI-FINAL
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto
na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang
posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang
mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay
na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan,
at resulta ng na pananaliksik. Ang empirikal na
pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos
sa pamamagitan ng pakikipanayam, sarbey, at
eksperimentasyon.
Mga Elemento ng Pangangatwiran
Ang dalawang elemento ng pangangatwiran ay
proposisyon at argumento. Ayon kay Melania L. Abad
(2004) sa Linangan II: Wika at Panitikan, ang proposisyon
ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-
usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago
ilahad ang katuwiran ng dalawang panig. Magiging mahirap
ang pangangatwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat
hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang
panig.
Ang pangalawang elemento ng pangangatwiran ay
argumento. Ito ang paglalatag ng mga dahilan at
ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang
panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at
talas ng pagsusuri sa proposisyon upang
makapagbigay ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
Mahalaga at napapanahong paksa. Upang
makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba't
ibang napapanahon at mahahalagang isyu na may
bigat at kabuluhan. Makatutulong din kung may
interes sa paksa, ngunit hindi ito: sapat. Kailangan
ding pag-isipan kung ano ang makatuwirang
posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at
ebidensiya.
Maikli ngunit malaman at malinaw.
Pagkakaroon ng limitado o maikling kaisipan
ngunit, kinapapalooban ito ng sapat na
impormasyon upang makuha at maunawaan
ng mga mambabasa o mga tagapakinig.
Malinaw at lohikal. Kung walang lohikal na
pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod
ang mambabasa sa argumento ng manunulat at
hindi magiging epektibo ang kabuuang teksto sa
layunin nito. Nakatutulong ang transisyon upang
ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at
magbigay ng introduksiyon sa susunod na
bahagi.
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
Kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang
ideya lamang. Ito ang magbibigay-linaw at
direksiyon sa buong teksto. Tiyakin ding maikli
ngunit malaman ang bawat talata upang maging mas
madaling maunawaan ng mambabasa. Kailangan
ding isaalang-alang ang lohikal na koneksiyon ng
bawat
Matibay na ebidensiya para sa argumento. Ang
tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng
detalyado, tumpak, at napapanahong mga
impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta
sa kabuuang kaisipan.