Layunin: Nailalahad ang kahulugan ng Diskurso Ang Diskurso ay ang gamit ng wika na bunga ng komunikasyon na nagreresulta sa pagbuo ng mga talata, pagsisimula at pagpapatuloy ng kumbersasyon, pag- iintervyu, atbp. Nang may pagkakaugnay- ugnay ang paraan ng paglalahad. Paraan ng Paglalahad. Ang diskurso ay ang malayang pagsabi ng tao ng kanyang saloobin. “ Ako nalang, ako nalang ulit.” - Bea Alonzo Ang diskurso ay ang pagsabi ng tao ng kanyang kaisipan. “walang Himalaya, ang Himalaya ay nasa puso ng tao.” Ang dikurso ay ang paglalahad ng idea kahit sa anomang lahi ng tao sa mundo. Nagmula ang salitang Diskurso sa salitang Latin na Discursus na nangangahulugang “running to and from”. Binubuo ito, ayon kay Strega (2005), ang paggamit ng wikang pasulat o pasalita o maging ng lenggwaheng pasenyas at multimedyang paraan ng komunikasyon. Ayon kay Hatch (1992:1), ang diskurso bilang gamit ng wika ay bahagi ng sistema ng mga artbitraryong simbolo ng tunog, sintaks at semantiks. Ngunit, bukod sa pag-unawa sa wika bilang bahagi ng sistema ng mga arbitraryong simbolo. Isang aktibadad kung saan ang pag-uusap ay ‘ di lamang pagpapalitan ng ideya kundi pagpapalawig ng talakayan at pagpapakahulugan. Sa diskurso, ang isang bagay o isyu ay tuloy-tuloy na pinag-uusapan ng isang sektor., isang buong komunidad o grupo ng isang tao, o isang lipunan. Dalawang uri ng Diskurso Pasalita at Pasulat na Diskurso Pasalita.
Ang pasalitang pagdidiskurso ay hindi
gaanong napaghahandaan at bukas sa intervensiyon ng tagatanggap. Pasulat.
Sa pasulat na diskurso, karaniwan na ang
teksto ay napaghahandaan. Pagkakatulad.
Ang diskursong pasulat ay
napaghahandaan o napaplano. Magkagayunman, may mga uri ng diskursong pasalita na napaghahandaan tulad ng mga miting, talumpati atbp. TEKSTO AT KONTEKSTO NG DISKURSO Ang teksto ay ang lawak ng wika na binibigyang kahulugan nang walang konteksto (Cook, 1989). Ang teksto ay higit pa sa mga nakasulat na dokumento o binibigkas na talumpati. Kabilang sa teksto ang lahat ng simbolikong mga gawain pasulat at pasalita o di-verbal. Ang konteksto ay ang panlipunan at pisikal na kaligiran na nakikipag-interak sa teksto upang makalikha ng diskurso. Ang konteksto ay binubuo ng ;
Tagapagsalita o nakikipag-ugnayan
Ang reaksyon sa pagitan ng mga tagapagsalita o nag-uugnayan.
Ang sirkumtansya ng pag-uusap
Ang paksang pinag-uusapan;
Ang layunin ng pag-uusap
Mga Pagdulog o Teorya ng Diskurso Pagdulog etnografiko o entnometodolohiya Ang pagdulog na ito ay pagtatangkang tuklasin ang pagpapakahulugan ng tao o grupo ng tao sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pag-oobserba sa mga gawaing pantao. Speech Act Theory Ang mga akto ng pagsasalita ay tumutukoy sa kung ano ang aksiyon o reaksiyon ng tagapakinig sa mga sinsabi sa kanya nang naaayon sa kung paano niya ito binibigyang-kahulugan. Sa Teoryang ito, anumang mga binibigkas o sinasambit (utterances) ay may dalawang kahulugan batay sa distinksyon na ginagawa ni Austin (Richards, et al., 1993:342-343) -- Locutionary meaning— kahulugan na nakabatay sa lingguwistikong pahayag.
Ilocutionary meaning— tumatalakay sa tamang
tono, damdamin, motibo o intensiyon at gamit ng pahayag.
Perlocutionary Act- Epekto ng mismong pahayag
o pagsasagawa ng kilos. Halimbawa Nakahanda na ang pagkain.
Ano ang kahulugan?
Ano ang intensiyon? Ano ang reaksiyon? Teorya ng Akomodasyon o Accomodation Theory. Ang konsepto sa teoryang ito ay mula kay Howard Guiles na tumutukoy sa pagbabago ng paraan sa pagsasalita ng isang tao upang maging katulad o di- katulad sa paraan ang pagsasalita ng isang tao upang maging katulad o di katulad sa paraan ang pagsasalita ng kausap. komverjens o pakikihalubilo na nagpapakita na kapag ang isang indibidwal ay nakikipag- usap sa kapwa, ang kanyang pakikipag-usap.
-paggaya sa bilis ng pagsasalita, sa haba at
igsi ng pagbibigkas, sa dalas ng paghinto, sa paggamit ng mga rejister ng kausap, intonasyon, at iba pa. Dayverjens o sadyang pag-iiba o pag-iiba o paglayo sa paraan ng pagsasalita ng kausap upang ipakita o ipadama na naiiba ang nagsasalita o ipadama na naiiba ang nagsasalita sa kinakausap. Santos, A. L., Hufana, N. L., Magracia, E.B., Barcelona, E. M., Garcia, T.P., (2012). Ang akademikong Filipino sa komunikasyon. Mutya Publishing House; Malabon City.