You are on page 1of 41

KABANATA II

SITWASYONG PANGWIKA SA
PILIPINAS AT KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
Inihanda ni:
Bb. CRIS-ANN C. LAPUEBLA, LPT
Aralin 2
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino: Lingguwistiko o Gramatikal
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino:
Lingguwistiko o Gramatikal

Matutunghayan sa araling ito ang


kahalagahan ng paglinang ng kakayahang
pangkomunikatibo ng mga Pilipino.
Binibigyang-diin ng aralin na hindi sapat na
tayo ay marunong magsalita; mahalaga ring
wasto ang mga salitang gamit natin sa
pakikipagtalastasan sa iba.
Panuto:

Piliin ang titik na katapat ng


makikita mong mali sa
pangungusap. Kung wala ay
isulat ang titik D.
1. Paano ba makatutulong sa lipunan
A B
ang isang batang tulad mo. Walang mali.
C D
2. Marami ang naniniwala sa kakayahang
A B
ng mga kabataang pilipino. Walang mali.
C D
3. Sila ay mahusay sa iba’t ibang larangan.
A B C
Walang mali.
D
4. Maraming salik
A
ang nakakaapekto sa moralidad at pag-iisip
B
ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
C
Walang mali.
D
5. Gabayan at paalalahan sina
A B
sa kanilang pangarap sa totoong buhay.
C
Walang mali.
D
Batay sa iyong marka, masasabi bang
matagumpay ka kung kagalingang
pragmatika ang pang-uusapan?
Sa iyong palagay, ang isang tao bang
nakasagot nang tama sa lahat ng
katanungan ay maituturing na isang
mahusay na komyunikator? Bakit oo o
bakit hindi?
Kakayahang
Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na
matutuhan lang ang mga tuntuning
panggramatika. Ang pangunahing layunin sa
pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa
mga angkop na sitwasyon upang maging maayos
ang komunikasyon, maipahatid ang tamang
mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang
dalawang taong nag-uusap.
Kapag umabot na rito, masasabing ang taong
ito ay nagtataglay na ng kakayahang
pangkomunikatibo o communicative
competence at hindi na lang basta kakayahang
lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya
ay maituturing na isa nang mabisang
komyunikeytor.
Ang terminong kakayahang
pangkumunikatibo o
communicative competence ay
nagmula sa linguist,
sociologist, anthropologist, at
folklorist.
Dell Hathaway
Hymes
Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J.
Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon
sa kakayahang lingguwistika (linguistic
competence) na ipinakikilala naman ni Noam
Chomsky.
Sa pagtatamo ng kakayahang
pangkomunikatibo, kailangang pantay na
isaalang-alang ang pagtalakay sa mensaheng
nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian
(gramatika) ng wikang ginamit sa teksto
Higgs at Clifford
1992
Ang paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabang idudulot nito: sa mag-aaral, na
matutuhan ang wika upang silá ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa
kanilang kapwa, at mapahalagahan nang
lubusan ang kagandahan ng bú hay na
kanilang ginagalawan.
Dr. Fe Otanes, 2002
Komponent ng kakayahan
pangkomunikatibo
Sa naunang framework o modelo ng mga
lingguwistang sina Canale at Swain (1981) ay
may tatlong component silang iminungkahi.
Kakayahang Lingguwistiko o
Gramatikal

Kakayahang Sosyolingguwistiko

Kakayahang Istratedyik at Pragmatik


Kakayahang Lingguwistiko o
Gramatikal

Kakayahang Sosyolingguwistiko

Kakayahang Istratedyik at Pragmatik

Kakayahang Diskorsal
Kakayahang Lingguwistiko o
Gramatikal
Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang
gramatikal ay pag-unawa paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya,
sintaks, semantika, gayundin ang mga
tuntunting pang-ortograpiya.
Kakayahang Lingguwistiko o
Gramatikal
Ang komponent na ito ay magbibigay
kakayahang sa taong nagsasalita upang
magamit ang kaalaman at kasanayan sapag-
unawa at pagpapahayag sa literal na
kahulugan ng mga salita.
Mungkaing Komponent ng
Kakayahang Lingguwistiko o
Gramatikal
(Celce-Murcia, Dornyei, at Thurel (1995)
SINTAKS
pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kabuluhan.
Estruktura ng pangungusap
Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong,
pautos, padamdam)
Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan,
hugnayan, langkapan)
Pagpapalawak ng pangungusap
Morpolohiya
Sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema
(morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may
kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng
pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita
na may payak o kumplikadong kahulugan. Ang mga
morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi,
artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad
ng intonasyon at stress o diin.
Morpolohiya
Iba’t ibang bahagi ng pananalita
Prosesong derivational at inflectional
Pagbubuo ng salita
Leksikon
Ang leksikon ay kilala din sa tawag na
vokabularyo ng wika. Ito ay tumutukoy sa mga
salita na ginagamit sa isang wika ng mga
mananalita nito. Ito rin ay tumutukoy sa iba't
ibang paraan ng pagbuo ng mga salita.
Leksikon
Pagkilala sa mga content words (pangngalan,
pandiwa, pang-uri, pang-abay) at function words
(panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig,
pang-ukol at pang-angkop)
Konotasyon at denotasyon
Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang
subordinate na salita)
Ponolohiya o Palatunugan
Sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga
tunog o ponema (phonemes) ng isang wika, ang
pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba
pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga
tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog
na may kahulugan.
Ponolohiya o Palatunugan
Segmental (katinig, patinig, tunog)
Suprasegmental (diin, intonasyon, hinto)
Ortograpiya
Masusi at maingat nag pag-aaral may patungkol
sa pag-babaybay ng mga salita. Kasama din dito
ang pagiging tama sa pagbuo ng mga salita
gamit ang tamang letra sa pamamagitan ng
ispeling.
Ortograpiya
Mga grafema (letra at di-letra)
Pantig at palapantigan
Tuntunin sa pagbaybay
Tuldik
Mga bantas
GAWAIN
PANUTO: Bashing mabuti ang usapan
o pahayag na hango mula sa radyo at
telebisyon. Palitan ng mas angkop na
salita o pangungusap ang nakikita mong
pagkakamali pangramatikal sa mga ito.
1. Host: Balita ko wall-to-wall daw ang
carpeting ng bagong bahay mo.
Bisita: Naku hindi naman, sa sahig lang!

Ano ang puwedeng gawin o paano mo babaguhin


ang tanong ng host para mas maintindihan ito ng
bisita at nang masagot niya ito nang maayos?
2. Host: Isa kang tunay na bayani! Biro mo, na-
save mo lahat ng taong 'yan sa sunog. Ano'ng
ginawa mo?
Bisita: Presence of mind lang. Nung nakita ko
ang sunog, kinuha ko agad ang fly extinguisher.

Anong salita ang aayusin mo sa sagot ng bisita para


umangkop ang sagot sa tanong?
3. Host: Why so many billions of dollars for debt
payment?
Bisita: Because it's needed to retain our fiscal
reputation- pambayad ng utang panlaba ng
bansa!

Ano ang aayusin mong sagot ng bisita para


umangkop ang sagot sa tanong?
4. Host: Why are you such a big fan of (name of
star)?
Bisita: Kasi, ang giling-giling niya talaga!

Anong salita ang aayusin mong sagot ng bisita para


umangkop ang sagot sa tanong?
5. Reporter: Nakita mo ba ang iniluwal niya
kaya nabagabag ang mga tao sa paligid?
Kausap: Ano iyon? Hindi kita maintindihan.

Ano-anong salita sa tanong ng reporter ang


papalitan mo nang mas simple at mas angkop para
maintindihan siya ng kausap at masagot nang tama?

You might also like