You are on page 1of 4

Pagbasa/Pagsusuri

Gustave Flaubert
Huwag kang magbasa gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga
matatayog upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay
isang manunulat na pranses
Rolda-
-Anderson et.al (1985), sa aklat na becoming a nation of readers, ang pagbasa ay
isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na tektso. Ito ay isang
kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't iba at
magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon.
-Tiniyak nina Wixon et al. (1987) sa artikulong " New Direction in statewide
Reading Assessment" na nailathala sa pahaygang the reading teacher ang mga
pinagmumulan ng kaalaman ng pagbabasa. Sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa,
tinukoy nila ito bilang isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon:
1) Imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) Impormasyon ibinibigay ng tekstong binabasa at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
-sumusuhay ang pagpapakahulugan nila ni Wixson sa naunang inilahad na kahulugan ng
pagbasa sapagkat binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng konteksto ng pagbasa at
imbak na kaalaman ng mambabasa.
-minsan kinikritik, minsan dinadagdagan
-Ang proseso ng pagbasa ay nangangailangan ng patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad,
at pagpipino ng kasanayan. Dagdag pa, kailangan ang pagiging malikhain at kritikal
na pagiisip sa pagbabasa.
-Hindi sapat angpagpapakahulugan sa pagbasa bilang simplistikong pagsasalin ng
nakalathalang simbolo sa pasalitang anyo. Laganap na ang mga pag-aaral na hindi
nakokompleto ang proseso ng pagbasa ng teksto hangga't hindi nagagamit ang
makabuluhan at angkop na imbak na kaalaman upang komprehensibo itong unawain.

Intensibo at Ekstensibong Pagbasa

1. Intensibong Pagbasa

*Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994)

-sa kanyang aklat na Teaching by Principles: An interactive approacto to Language


Pedagogy na ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang
diskurso at iba pang detalye sa estraktura upang maunawaan ang literal na
kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda.
-Inilarawan niya ang ang intensibong pagbasa bilang isang gawaing gumagamit ng
estratehiyang zoom lens o ng malapitan at malalimang pagbasa sa isang akda.

*ayon naman kina Long Richards (1987)

-sa kanilang aklat na MEthodology in TESOL: A book of Readings, ang intensibong


pagbasa ay detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng
gabay ng isang guro kung paano ito susuriin.
-Madalas na tinatawag ding " narrow reading" ang intensibong pagbasa sapagkat
piling babasahin lamang hinggil sa isang paksang pinagtutuunan ng pansin ng
mambabasa o kaya ay iba't iba ngunit magkakaugnay na paksa ang iisang manunulat.
-ang uri ng pagbasang ito ay kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa
pagkakaugnay-ugnay,struktura at uri ng diskurso sa loob ng tekstom pagtukoy sa
mahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na
paghahanda ng kahulugan.
-Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o paggawa ng larawang
konseptuwal upang lubos na maunawaan ng magaaral ang isang teksto.
2. Ekstensibong Pagbasa
Ayon kina Brown (1994), ang ekstensibong pagbasa ay siinasagawa upang makakuha ng
pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
-Dagdag pa nina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag
ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kanyang
interes, mga babasahin kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinakda sa
anomang.
-Kadalasan ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
lamang ang "gist" o pinaka-esensya at kahulugan ng ibanasa nahindi pinagtutuunan ng
pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan
-Layunin ng ekstensibong pagbasa na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at
hindi ang mga ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
-ayon kay stephen Krashen (1995) sa pagaaral niyang "free Voluntary Reading:
Linguistic and affective arguments and some new applications" na nasa Second
Languagege Acquisitition: Theory and Pedagogy nina Eckman et al., ang malaya at
boluntaryong pagbasa ay maaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang
komunikatibo at akademiko sa wika
- Pinatunayan din ito ng empirikal na pananaliksik ni Warwick Elley(1996) na
"Lifting Literacy LEvels in Developing Countries: Some implications from an IEA
Study" Kung saan naging saklaw ng pananaliksik ang 210,000 magaaral at 32 sistemang
pang-edukasyon sa buong mundo.
- Ayon sa pananaliksik, ang mga programa sa pagtuturo at pagbasa ay nakatuon sa mga
istrikto at ginabayang gawain ng guro na may pokus sa mga tiyak na kakayahan ay mas
mahina at hindi gaanong epektibo sa pagpapataas ng antas ng literasi kung
ikokompara sa mga programang may kinalaman sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral
at malaya at indibidwal na pagbasa nila ng mga teksto nais bilang basahin
- Sa pag aaral na "Top Ten Principles for Teaching Extensive Reading" nina Richard
day at Julian Bamford (2002), tinukoy nila ang sampung katangian ng matagumpay na
programa sa ekstensibong pagbasa:
1. Angkop ang materyales sa kakayahang panglinggwistika (bokularyo at gramatika) ng
mga mag-aaral.
2. Mayroong maggaamit na sari-saring materyales sa iba't ibang paksa/
3 Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang basahin.
4. Nagbabasa ang mga magaaral ng napakaraming teksto hanggat maaari.
5. Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang-loob ng
mambabasa, pagkuha ng impormasyon, at pangkalahatang pag-unawa.
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpala sa pababasa at hindi ano pa mang
grado o premyo
7. Mabilis ang pagbasa.
8. Ang pagbabasa ay indibiduwal at tahimik
9. Ipinaliliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang kabuuang layunin ng programa.
10. Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa kasiyahan sa pagbasa.
-tumataas ang antas ng literacy.

Scanning at Skimming na Pagbasa ( Extensibong Pagbasa)


- Ang Scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maari
ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown (1994), ang
dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.
1. SCANNING
- ito ay ang mabilisang pagbasa ng teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapalooban ito ng bilis at talas ng mata
sa paghahanap hanggang makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon
- Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak
na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat
gamitin.
2. SKIMMING
- ito naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto
at kung ano ang pnanaw at layunin ng manunulat.
- mas kompleks ang skimming kaysa sa scanning dahil nangangailangan ito ng
mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alala sa panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na
impormasyon sa loob nito.
- may pagunawa
Antas ng Pagbasa
-Tinukoy ni Motimer Adler at Charles Van DOren (1973) sa kanilang aklat na How to
read a book ang apat na antas ng pagbasa. Ito ang primaryang antas (elementarya),
mapagsiyasat na antas 9inspectional), analitikal na antas (analytical) at
sintopikal na antas(syntopical) na bumubuo ng isang hakbang-hakbang na proseso.
Hindi m aaring umusad sa pinakamataas na antas (sintopikal) hanggat hindi
pinagdadaanan ang nauna o mas mababang antas.
Primarya (extensibo)
-Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa.
-Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapalolooban lamang ng pagtukoy
sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga
tauhan sa isang teksto.
Halimbawa:
- sa pagbasa ng isang maikling kwento, natutukoy mambabasa kung sino ang mga
tauhan, katangian nila, setting at ang mga pangyayari sa kuwento, ngunit hindi niya
mabubuo ang kabuoang interpretasyon nito
- Sa antas na ito hindi rin agad nauunawaan ang metapora, imehan at iba pang
simbolismong ginamit sa akda.

Mapagsiyasat (extensibo)
-Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuoang teksto at nakapagbibigay
ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng
mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang
matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas
malaliman.
-maaring gamitin ang skimming sa antas na ito. Tinitingnan ng mambabasa angf
titulo, heading at subjeading.
- Pinapasadahan rin niya ang nilalaman ng teksto upang maunawaan ang kabuoang
estruktura ito. Paimbabaw ang katangian ng pagbabasang ito sapagkat halos panlabas
na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan.
Hindi rin pinag-iisipan nang malalim para magbigay ng interpretasyon o pinag
uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi mauunawaan sa teksto.
-Kabuuang mensahe lng hahanapin.
Analitikal
- Sa antas na ito ng pagbasa ginagamit ang mapanuri o kritikal na pagiisip upang
malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pnanaw ng manunulat.
Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan
o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Upang makamit ito kailangan isagawa ng mambabasa ang sumusunod:
-Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.
-Ibabalangkas ang teksto batay sa estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda.
-Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may akda.
-Unawain ang mahalagang terminong ginamit ng may-akda tungo sa pag-unawa ng
kabuoang teksto.
-Sapulin ang mahahalagang proposiyon ng may-akda.
-Alamin ang argumento ng may-akda.
-Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may-akda ang suliranin
ng teksto.
-Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang, nagkamali, o naging ilohikal ang
pagpapaliwanag ng may-akda.
-Sa kabuoan ang mapagsiyasat na antas ng pagbasa ang maghahawi tungo sa analitikal
na pagbasa. Malalim at mapanuri na ang antas na ito, ngunit hindi rito nagtatapos
ang layunin ng pagbasa.

You might also like