You are on page 1of 2

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Ormoc City Senior High School


Address/ Kinatatayuan: Brgy. Don Felipe Larrazabal, Ormoc City
Pamagat: MGA KADAHILANAN NA NAGING IMUWENSIYA SA PAGPILI NG
MGA MAG-AARAL SA HUMSS STRAND
May-akda: Tamdoy, Izabelle; Sugarol, Kathlene; Suhitado, Jonalyn; Sulapas,
Genelyn; Suco, Allanie Marie
Strand: Humanities and Social Sciences
Pondo: Personal at sa mga magulang
Petsang nagsimula: Ika-5 ng Enero taong 2019
Petsang natapos: Ika-4 ng Marso taong 2019

I. Panimula

Ang pagdedesisyon at ang pagpipili ay isang napakahalagang gawain kung kaya't


nararapat lamang na magkaroon ng masusing pag-iisip bago ito gawin upang hindi
magkaroon ng pagsisisi sa huli. Sa pag-aaral na ito, kinikilala ang mga iba't-ibang
kadahilanan sa pagpili ng mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang sa Academic Strand
na Humanities and Social Sciences o HUMSS sa paaralang Ormoc City Senior High
School.

II. Mga Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay naglalayong maghanap ng mga kasagutan sa mga sumusunod na


tanong:
1. Ano-ano ang mga kadahilanan na nakapagimpluwensiya sa mga HUMSS students
sa pagpili sa naturang strand?
2. Paano umuugnay ang kanilang sariling kakayahan sa piniling strand?
3. Bakit kailangan ng mga mag-aaral ng mga mag-iimpluwensiya sa kanila sa pagpili
ng strand?
4. Paano kung ang kursong kukunin sa kolehiyo ay hindi naaayon sa napiling strand
sa senior high school?

III. Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang na mga
HUMSS students sa Ormoc City Senior High School.

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik patungkol sa Mga Kadahilanan Na


Naging Impluwensiya Sa Pagpili Ng Mga Mag-aaral Sa HUMSS Strand na isang uri
ng qualitatibo at quantitatibo na pananaliksik na kung saan ay gumawa ang mga
mananaliksik ng survey questionnaires na ipinamigay sa mga napiling tutugon na
kung saan nakapaloob ang mga katanungan na nakabatay sa pananaliksik at
nagsagawa ng interbyu sa mga napiling mag-aaral sa kada seksyon sa ika-11 baitang
na mga HUMSS students.

V. Buod ng Natuklasan at Kongklusyon

Base sa naging resulta na nakalap batay sa ginawang pananaliksik, ang pangunahing


dahilan na nakapag-impluwensiya sa mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa pagpili ng
strand na HUMSS ay ang mga payo ng ibant tao.

VI. Rekomendasyon

1. Mas naaayon na gumamit ng qualitative method at quantitative method para sa


pananaliksik na gagawin.
2. Ang paksa ay dapat napapanahon.
3. Pumili dapat ang mga mag-aaral batay sa kanilang gusto.
4. Dapat sa pagpili ng mga strand ay naaayon sa kung ano ang pasya at gusto ng isang
mag-aaral.

You might also like