You are on page 1of 2

KATITIKAN NG PULONG NG ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAINS

NG BAGONG BAYANI
REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG LUZON
BAYAN NG BAGONG BAYANI

KATITIKAN NG PULONG NG ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAINS NG BAGONG


BAYANI NA GINANAP SA MUNISIPYO NG BAYAN NG BAGONG BAYANI,
LALAWIGAN NG LUZON NOONG IKA-3 NG HULYO, TAONG 2018
MGA DUMALO:
JAMIL NATIVIDAD DOLATRE - MAYOR
JEN KERLY BAUA - VICE MAYOR
ISCARLIEPS SALVADOR RUIZ - SECRETARY
RAZEYMAY CASSANOVA BARTOLOME - CAPT. BONIFACIO EAST
KATHLEEN KATE VIERNES DELA CRUZ - CAPT. BONIFACIO WEST
JOAN PONCE LA TORRE - CAPT. RIZAL
JENNIFERGALABAY AGTARAP - CAPT. MELCHORA
LOVELIE DESCARTEN AREGLADO - CAPT. JACINTO
SHERELLE JANE PAGUYO CORPUZ - CAPT. MABINI WEST
JOY PERUCHO DEL ROSARIO - CAPY. MABINI EAST
HONEY GRACE NOGUIRAZZA MANUEL - CAPT. AGUINALDO WEST
SHENNETH CORSINO MANUEL - KGWD. JACINTO
ANGELIKA BUNDAME FELIPE -REPRESENTATIVE NG MARCOS
MELODY RUIZ GALLO - REPRESENTATIVE NG AQUINO
ANSHERINA JOY GALDORES VIERNES -REPRESENTATIVE NG MANUEL

Nagsimula ang pagpupulong sa ganap na ika-3:24 ng hapon. Nahuli sa pagdating ang


mayor, kaya, sinimulan ang pagpupulong ni Bb. Iscarlieps S. Ruiz, kalihim, sa pagtatala kung sino
ang mga dumalo at mabuti ay walang hindi dumalo si pagpupulong.
Bago magsimula ang talakayan, nagkaroon muna ng halalan para sa mga tatayong opisyal
ng Association of Barangay Captains.
Nailuklok si Bb. Joan La Torre sa pagiging pangulo, Bb. Angelika B. Felipe sa
pangalawang pangulo, Iscarlieps S. Ruiz ang kalihim at Bb. Joy P. Del Rosario bilang taga ingat
yaman.
Pagkatapos ng halalan, tinalakay agad ang gagamiting pondo para sa pista. Dalawang
milyong piso (P2,000,000) ang inilaan badyet na nagmula sa pondo ng bayan.
Karagdagan, sa kabutihang loob ng mga dumalo, nagkaroon ng pagbibigay ng mga
donasyon. Si Bb. Melody Gallo ay magbibigay ng limang libong piso (P5000) na dinagdagaan
naman ni Bb. Razeymay C. Bartolome ng limang daang libong piso(P500,000). Nangako naman
ang Vice Mayor na si Jen Kerly T. Baua na siyang sasagot sa mga papremyo sa bawat patimpalak.
Si Bb. Ansherina Joy G. Viernes at Bb. Angelika B. Felipe ay magbibigay ng limang milyong
piso(P5,000,000). Sa kabuuan, ang nagkaroon ng P7.6 Milyon na pondo na siyang gagamitin para
sa pagdaraos ng pista.
Nagpatuloy ang talakayan at ipinaliwanag ang mga magaganap sa araw ng pista at
napagkasunduang idaraos ito ng labing anim na araw, magmula Agosto 2- 18, taong kasalukuyan.
Ang talahanayan sa ibaba ay ipinapakit ang mga kaganap sa bawat araw ng pista.

Araw Kaganapan
Agosto 2  Opening Program
 Parada
Agosto 3-4  Dental Check-up
Agosto 5-8  Libreng Gupit at Tuli
Agosto 9  Evaluation of Clean and Green
Barangay
Agosto 10  Fun Run
Agosto 11  Cook Fest
Agosto 12  Evaluation of Booth
Agosto 13  Citizens’ Night
Agosto 14  Childrens’ Night
Agosto 15  Pre-pageant
Agosto 16  Dance Tournament
Agosto 17  Basketball Championship
Agosto 18  Ginoo at Binibing Bagong Bayani

Sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag ng butihing mayor, pansamantalang naantala ang


pagpupulong dahil sa pagtawag ng congressman na nagpapatawag din ng pagpupulong para sa
mga lider ng bawat bayan sa lalawigan.
Pagkatapos, sa ganap na ika-3:50 ng hapon, sa pangunguna Hon. Jamil N. Dolatre at
Hon. Jen Kerly T. Baua ay natapos ng matiwasay ang pagpupulong.

Inihanda ni:
Jayson Tolentino Laurel
Kalihim
Nagpatotoo:
Jamil Natividad Dolatre
Mayor

You might also like