You are on page 1of 4

Escueta III, David Christian C.

4/15/2020
XII-St. Salvador Panukalang Proyekto

BALANGKAS NG ISANG
PANUKALANG PROYEKTO
Pag-iiwas at Pagkokontrol ng COVID-19
sa Barangay Muzon, Lungsod ng Malabon

I. PROPONENT NG PROYEKTO:
• Cortez, John Carlo
• Escueta III, David Christian C.
• Hernandez, CeeJay
• Hernandez, Gracia
• Garcia, Irah Porras
• Garcia, Jjunjun

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: “COVID go away! Don’t come back another


day!

III. PONDONG KAILANGAN: Php 14,592.50

IV. KATEGORYA: Pangkalusugan, panlipunan, pangkalikasan.

V. PETSA: ika-5 ng Abril 2020; hanggang matapos ang lockdown sa bansa.

VI. RASYONAL
Ang proyekto na ito ay isa sa mga plano na isasagawa ng Muzon Youth
Committee (MYC), isang grupo sa Barangay Muzon na gumagawa ng mga
konkretong plano ukol sa mga problemang panrelihiyon, panlipunan, pang-
ekonomiya at pangkalikasan, na pinamumunuan ni si G. CeeJay
Hernandez. Ang pagsasagawa ng proyekto ito ay mahalaga hindi lamang sa
sanitasyon at kalusugan ng mga miyembro ng komunidad, kundi rin sa
kanilang kabutihan at kaligtasan mula sa pagkakalat ng COVID-19
(coronavirus disease 2019). Sa ngayon, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan,
umabot ang bilang ng mga kaso sa 3,246; 152 ay namatay, at 64 ay
gumaling.

Ito ay kinakailangan para mabawasan ang posibilidad ng pagkakalat


ng virus na nagdudulot ng mga kagaw at sakit sa mga residente. Bukod pa
rito, isinasagawa ito para may alam ang mga residente kung ano ang
COVID-19, paano ang pagkalat nito, at paano nila maiiwasan ito. Maaaring
ipamahagi ang mga face mask, hand sanitizer, alkohol, mga bitaminang
pampalakas ng resistensya ng mga bata at matatanda, iba pang gamot at
mga panglinis sa bahay. Puwede ring punuin ng alkohol ang mga plastik na
boteng walang laman bilang isang alternatibong paraan ng pamamahagi na
mabuti sa kalikasan.

VII. DESKRIPSYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO


Deskripsyon
Ito ay magsisilbing paraan upang mag-ingat ang mga residente at
para makaiwas sila sa mga taong nahawa kung sakali lalabas sila ng
barangay para bumili ng pagkain sa mga tindahan at palengke. Bukod dito,
ito ay ang pagpatibay ng disiplina sa mga taong lumalabas at pumapasok sa
Barangay Muzon, kapag mayroong mga checkpoint para mangasiwa ang mga
pulis sa mga dadaang motorista o mga residenteng lumalabag sa batas.
Layunin
Layunin ng proyektong ito na protektahan ang komunidad mula sa
pagkalat ng COVID-19 at upang hindi dadami ang mga bilang ng mga taong
nagkakasakit o namamatay sa krisis na ito. Inaayos rin dito ang sanitasyon
upang maging mas malinis ang lugar at para matanggal ang mga
pinanggalingan ng mga sakit at kagaw, sa paraan ng pagtatanggal ng mga
basura sa mga palaisdaan at gilid ng mga kalsada at pagwiwisik ng mga
daanan gamit ng mga trak na may disinfectant.

VIII. KASANGKOT SA PROYEKTO


Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
● Edgardo Cristobal - kapitan ng Barangay Muzon
● Jaye Lacson-Noel - isang kongresista ng Malabon City.
● Muzon Youth Committee (MYC)
● Muzon Ladies’ Brigade (MLB)
● Mga pulis galing sa Hulong Duhat at Concepcion
● Mga doktor at nars mula sa Ospital ng Malabon.
● Mga non-government organizations (NGOs):
○ CARE Philippines
○ Health Futures Foundation Inc. Philippines
○ Philippine NGO Council on Population, Health and Welfare

IX. KAPAKINABANGANG DULOT


Makakatulong ang proyektong ito sa pagaayos ng sanitasyon ng
Barangay Muzon at pagtulong ng mga residenteng labanin ang COVID-19.
Bukod pa rito, maaaring magkaroon ng libreng medikal na check-up at
testing para sa mga residente upang siguraduhin kung may mga tao sa
komunidad na nahawa o hindi at para hindi nila kailangang pumunta ng
ospital at gumastos pa. Dahil dito, makakatulong rin ito sa mga mahihirap
na pasyente o mga taong walang pera o trabaho upang merong mag-aalaga
sa kanila kung sakali nahawa sila sa birus. Nabanggit rin kanina na may
mga trak na mangongolekta ng basura at magwiwisik sa mga kalsada upang
siguraduhin at manatiling malinis ang lugar at para rin matanggal ang mga
pinanggalingan ng dumi na nagdudulot ng mga nakakahawa na sakit. At
tsaka, ang mga residente ay hinihimok na gamitin ang mga ubos na bote
bilang lalagyan ng mga disinfectant para makatipid sila sa kalikasan at para
hindi masayang ang mga bote. Mag-iisyu ng kapitan ang mga “quarantine
pass” sa mga taong lalabas at bibili ng pagkain sa mga tindahan at hindi
pinapalabas o pinapasok ang mga taong walang pass, mask, at
identification card.

X.TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

PETSA MGA GAWAIN PANGALAN LUGAR/


(kung sino ang LOKASYON
gagawa)

4/5/2020 Paglilinis at Jaye Lacson Noel Barangay


pagtatanggal ng - kongresista ng Muzon,
mga basura sa Malabon Malabon City
kalsada.

4/6/2020 Libreng medikal Mga doktor at MAC Basketball


na check-up at nars galing sa Court
diagnosis sa mga Ospital ng Barangay
residente ng Malabon. Muzon,
Malabon. Malabon City

4/9/2020 Pangogolekta ng CeeJay Barangay


mga boteng Hernandez - lider Muzon,
walang laman ng Muzon Youth Malabon City
para punuin ng Committee
disinfectant.

Simula Misa (online) Muzon Youth San Juan


4/5/2020 Committee Bautista Chapel
(tuwing linggo) kasama ni Rev. Barangay
Fr. Rev. Tim Muzon,
Guarin Malabon City (via
FaceBook)

Simula Paglalagay ng Edgardo Sa mga labasan


4/5/2020 mga checkpoint Cristobal malapit sa
malapit sa mga (barangay Concepcion,
lindero ng captain) at mga Baritan at
Muzon. pulis. Dampalit.
XI. BUDGET

Kagamitan Bilang Presyo Total

Face Masks 10 na kahon Php 150 Php 1,500

Sanitizer 50 na piraso Php 34 Php 1,700

Alcohol 50 na bote Php 63.25 Php 3,162.50


(500mL)

Spray Bottles 20 na bote Php 40 Php 800

Hose 5 meters Php 100 Php 500

Bleach 20 na galon Php 95 Php 1,900

Tissue Paper 50 na rolyo Php 20 Php 1,000

Vitamin C 200 na piraso Php 6.25 Php 1,250


(500 mg)

Pandesal 30x30 = 900 Php 2 Php 1,800

Keso 2 Php 55 Php 110

Peanut Butter 1 na container Php 100 100

Kape 10 na pack (20 Php 52 Php 520


piraso bawat
pack)

Tubig 10 na gallon Php 25 Php 250

TOTAL: Php 14,592.50

You might also like