You are on page 1of 7

Ang 

Pagkalat ng African Swine Fever sa Pilipinas ng 2019–20 o sa simpleng 2019–20 African


Swine Fever outbreak in the Philippines ay isang transmitted disease na naipapasa sa baboy
galing sa kapwa baboy ito ay may kahalintulad sa Hog cholera; (Trangkasong baboy), na
naibabalita na natala sa Pilipinas nitong Pebrero hanggang Oktubre 2019. Maalala na noong ika
2007 Gitnang Luzon hog cholera o 2007 Central Luzon hog cholera outbreak, ay kumalat rin ang
disease na ito sa gitnang luzon
Ang sakit na ito ay hindi naililipat at walang banta sa katawan ng isang tao, ito ay carrier sa
madadapuan nito.[1]

Pag laganap
1. Ang mga tinamaang mga lalawigan at siyudad na ito ay ang mga; Rodriguez,
Rizal, Antipolo, Guiguinto, Malolos, Lungsod Quezon at maging na rin sa mga lalawigan
ng Pampanga at Pangasinan ay dinapuan rin ng Hog cholera. Ang lalawigan ng Cavite, Laguna at
maging ang Batangas ay nag hihigpit ng isang Checkpoint inspeksyon, pa-labas man o pa-pasok.[2][3]
[4]

Karagdagang impormasyon: Pagkalat ng ASF sa Calabarzon


2. Rodriguez, Rizal ang unang tinamaan ng ASF maliban sa Lungsod Quezon at Marikina.
Karagdagang impormasyon: Pagsilakbo ng ASF sa Lambak ng Cagayan
3. Noong Pebrero 2020 - Marso 16, 2020 ikatlong linggo tinamaan ng African swine fever ang
lalawigan ng Isabela sa bayan ng Gamu, Noong ika 4-na linggo ng Pebrero may naitalang kaso ng
ASF ang bayan ng Laurel, Batangas, Marso 2020, tinamaan ang lungsod ng Naga ng ASF, 736 na
baboy ang pinatay.
4. Noong Enero 24, 2020 ay nag-deklara ng state of calamity ang bayan ng Binmaley sa
Pangasinan dahil sa banta ng African swine flu, Tumawid ang nasabing virus mula sa mga bayan at
lalawigan na dinaanan nito papunta sa Binmaley hindi pa tukoy ng mga otoridad kung saang bayan
nang-galing ng delivary track para sa mga baboy na ilalagay sa lalawigan ng Pangasinan.
Karagdagang impormasyon: Pagsilakbo ng ASF sa Gitnang Luzon
5. Ang mga bayan ng Guiginto, Bulacan at Malolos ay isa sa mga bayan/lungsod na tinamaan ng
African Swine fever dahil sa pag-import ng baboy noong Agosto 2019.
Karagdagang impormasyon: Pagkalat ng ASF sa Rehiyon ng Bicol
6. Mula Pebrero 20 - Marso 3 tinamaan ng ASF ang lungsod ng Naga sa Rehiyon Bicol at Marso 17,
2020, mahigit 217 ang cinulled sa piggery sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Mindanao, 2020[baguhin | baguhin ang batayan]


Karagdagang impormasyon: Pagsilakbo ng ASF sa Rehiyon ng Davao
1. Noong Enero 2020 sa bayan ng Don Marcelino, Davao Occidental ay mayroong unang naitalang
kaso ng ASF sa isla ng Mindanao, mahigit 3000+ na baboy ang na-iculled ayon sa Gobernador ng
Davao Occidental hanggang umabot sa karagtig probinsya sa Davao del Sur sa Lungsod ng
Davao at Santa Cruz. Nagsasagawa ang rehiyon ng Soccsksargen ng Animal Quarantine sa mga
lungsod ng Heneral Santos at Kidapawan mula papasok at pa-labas, May naitala ring kaso sa
lungsod ng Koronadal bago mag buwan ng Pebrero 2020.
2. Kasalukuyan Hulyo 2020 nang tinamaan ng African swine fever ang isang bayan
sa Magpet, Cotabato.
aliwas sa lumalaking pangamba ng ating mga kababayan hinggil sa African Swine Fever
(ASF), ang virus, na nakamamatay at mabilis kumalat sa mga baboy ay hindi naman
nakapipinsala sa kalusugan ng tao. Ito ang pagtitiyak mula sa iba’t ibang sangay ng
pamhalaan gaya ng Department of Health (DOH), Department of Science and
Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD),
Department of Agriculture (DA), World Organization for Animal Health, at iba pang
ahensyang may kinalaman sa kalusugan maging ng hayop at tao.

“The African Swine Fever virus is a contagious viral disease impacting only pigs, not
people, so it is not a public health threat or food safety concern,” halos pare-pareho sila
nang sinasabi.

Ayon naman sa World Health Organization, ang African Swine Fever ay nakahahawang
sakit sa mga baboy at hindi man ito direktang nakahahawa sa mga tao, posible naman
itong maisalin ng tao sa baboy ang virus kapag nakakain o nakahawak ito ng
kontaminadong karne.

Higit na nakikita ang ASF bilang isang sakit na naglilimita sa negosyong pangkalakalan
sa dahilang ang mga bansa o rehiyong may kumpirmado nang kaso nito ay
napapailalim sa mga paghihigpit sa internasyonal o pang-rehiyong eksportasyon ng
karneng baboy at iba pang mga pork product, sapagkat layon ng mga bansa o rehiyon
na mabawasan ang panganib na maapektuhan din ang kanilang lugar sa pamamagitan
ng naturang trade restriction.

Ano ba ang ASF?

Ang virus ay unang nakita sa Sub-Saharan Africa noong taong 1920, kahit na ang unang
outbreak ay naitala sa bansang Portugal noong taong 1957. Sa kabila ng masusing
pananaliksik sa mahabang panahon para makahanap ng bakuna para rito, wala pa ring
opisyal na nadiskubreng vaccine na napatunayan na kayang puksain ang naturang virus.

Ang ASF ay tinukoy din bilang isang transboundary na sakit ng hayop o ang mahigit sa
isang bansa o boundary ang maaaring apektado.

Ang sakit ay sanhi ng isang double-stranded na virus ng DNA na humahantong sa isang


nakamamatay na hemorrhagic fever sa apektadong hayop. Kabilang sa mga sintomas
ng impeksiyon ng ASF ang pagkawala ng gana sa pagkain, pamumula ng balat,
pagsusuka at pagtatae. Ang pagkontrol at pag-iwas sa impeksyon ang higit na
binibigyang halaga ng mga pamahalaan dahil mabilis itong makahawa at ang sakit ay
mahirap na makita agad. Gayundin, ang virus na sanhi nito ay maaaring mabuhay na sa
katawan ng ilang araw bago makita ang anumang karaniwang sintomas sa mga alagang
baboy.

Hindi kalaunan, ang ASF ay tumalon mula sa Africa patungo sa Europa sa pamamagitan
ng pag-export ng kontaminadong karne. Sa paglipas ng mga taon, ang virus ay mabilis
na kumalat sa lahat ng mga bansa sa Europa, Africa, Amerika at Asya. Kamakailan
lamang, ang virus ay pumasok sa mga hangganan ng Tsina - na humantong sa culling
ng higit sa isang milyong baboy hanggang sa kasalukuyan kung saan apektado na rin
ang ating bansa sa pagkumpirma ng DA na may kaso na ng ASF dito kamakailan lang.

“Specifically, ASF was already contained in Barangay Pritil, Guiguinto, Bulacan, and in
several barangays in Rodriguez, San Mateo and Antipolo, Rizal – and not in the entire
country,” ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Upang mabawasan ang banta ng ASF sa ibang lugar sa bansa, patuloy pa rin
nakabantay ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang hindi na
kumalat pa ang ASF virus.

Kamakailan, ipina-recall ng Food and Drug Administration ang may 30 brand ng mga
processed meat pork products matapos itong magpositibo sa ASF. Karamihan sa mga
produktong ito ay galing sa bansang China at pwedeng kontaminado ito ng ASF virus.

Sa mga paliparan at pantalan, bukod sa pagkumpiska mula sa mga pasahero ang dalang
pork product, naglagay din ang mga awtoridad ng mga foot bath at sniffing dog. Ang
mga lokal na pamahalaan naman ay nagdaraos ng mga forum para sa mga nag-aalaga
ng baboy kung paano makaiiwas sa kontaminasyon ng ASF.

Bukod dito, nitong Setyembre 11 ay naglabas ang Department of Budget and


Management ng P82.5-milyon, upang paigtingin ang preventivemeasure ng
pamahalaan laban sa ASF.

Nakahanda na rin magpautang ang DA ng P30,000 interest-free loan, na maaaring


bayaran sa loob ng tatlong taon. Bibigyan din ang mga hog raiser ng P3,000 sa bawat
baboy na dumaan sa culling procedure.

Bagaman ang virus ay hindi nakakapinsala sa kalusugan ng tao, may kaugnayan ito
upang mapataas ang mga hakbang sa seguridad upang maiwasan ang pagkalat ng
virus--alinsunod sa mataas na rate ng infection, kakulangan ng lunas, at kakayahan ng
virus na manatiling mapanganib sa kabila ng pagluluto ng karne. Nabanggit din na ang
virus ay maaari pa ring mabuhay kahit sa naproseso na ang karne tulad ng pork and
beans, bacon, at maling. (PIA-NCR)

(UPDATE) Nagpositibo sa African swine fever (ASF) ang blood samples ng ilang namatay na baboy
sa bansa, sabi ngayong Lunes ni Agriculture Secretary William Dar.

Sa 20 blood samples ng mga namatay na baboy mula Rizal at Bulacan na ipinadala sa United
Kingdom (UK), 14 ay nagpositibo sa ASF, sabi ni Dar sa isang press conference.

Sa ngayon, hinihintay pa raw ng DA ang resulta ng isa pang laboratory test mula UK para malaman
kung gaano ka-viral ang dumapong virus sa mga baboy na naging sanhi ng ASF.

Tiniyak ni Dar na nakontrol na ang virus bago pa man ito kumalat sa ibang mga lugar.

Bunsod nito, ipinag-utos ng DA Crisis Management Task Force ang mahigpit na pagpapatupad ng
"1-7-10" protocol.

Sa ilalim ng protocol, may quarantine checkpoints, at pinapatay ang mga baboy sa loob ng isang
kilometrong radius ng mga lugar, at agad inililibing.

Sinu-surveillance o binabantayan naman ang lahat ng babuyan kung may impeksiyon sa loob ng 7
kilometrong radius.

Ipinag-uutos naman ang agarang pag-ulat kung may kakaibang pagkamatay ng mga baboy sa 10
kilometrong radius.

Sa kabila ng kaso ng ASF sa bansa, tiniyak ng DA at Department of Health (DOH) na ligtas pa rin
ang pagkain ng karneng baboy.

Sinabi rin ng DA na maglalaan sila ng pondo para mamigay ng biik sa mga magbababoy pero
hinihintay munang lumipas ang isang buwan para matiyak na wala nang virus.

Iginiit din ng DOH na hindi nakahahawa sa tao ang ASF.

Kumpiyansa naman ang Malacañang na kahit nakapasok ang ASF sa bansa ay makokontrol ito ng
DA.

Tiniyak naman ni Rosendo So, pangulo ng agriculture group na Samahang Industriya ng Agrikultura
(Sinag), na walang magiging problema sa suplay at presyo ng baboy sa merkado.

Wala pa ang banta ng African swine flu (ASF) sa Pilipinas pero posible umano itong magdulot ng
"malaking problema" sakaling mahawa ang suplay ng baboy ng bansa, ayon sa miyembro ng isang
agricultural group.
Bagaman iginiit ng Bureau of Animal Industry (BAI) na hindi nakakahawa sa tao ang karneng may
ASF, may negatibo umanong epekto ang pagkakaroon ng epidemya, ayon sa chairman ng Samahan
ng Industriyang Agrikultura na si Rosendo So. 

Maaari pa umano itong ikamatay ng maraming baboy at ikalugi ng industriya. 


 
"We are supplying mga 95% of local [products] dito sa ating local market. Kung makapasok ito,
malaking problema yan sa ating industriya and their consumer dahil malaki 'yung supply natin," ani
So. 

Maaaring may ASF ang isang baboy kung mayroon itong sintomas ng lagnat, pulang pantal sa
katawan, at pagdurugo ng internal organs na ikamamatay nito sa loob ng dalawa hanggang 10 araw. 

Para maiwasan pang madagdagan ang mga kaso, nagsimula nang ipatupad ng BAI ang "B.A.B.E.S"
na layong maiwasang magdulot ng outbreak sa bansa. 

 B-an pork imports from 13 countries; 


 A-void swill feeding; 
 B-lock entry at international ports; 
 E-ducate our people; 
 S-ubmit our samples. 

Nagsimula nang maglagay ng disinfection foot mats sa mga paliparan at pantalan ang mga
awtoridad. 

Sinimulan na rin ang pangongompiska ng mga produktong karne na galing sa mga bansang apektado
ng ASF. 

 Pag-aangkat ng baboy sa mga bansang may African swine fever, ipinagbabawal

Nauna nang ipinagbawal ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagpasok ng mga karneng baboy
at pork-based na produkto mula sa 13 bansang apektado ng ASF. 

Mga bansa na pinagbabawalan ng DA na mag-angkat ng pork at pork-based na produkto sa


Pilipinas: 

 China
 Hungary
 Belgium
 Latvia
 Poland
 Romania
 Russia
 Ukraine
 Bulgaria
 Czech Republic
 Moldova
 South Africa
 Zambia
Itinigil na ang pagkuha ng baboy mula Belgium at Hungary, kung saan aktibong nag-aangkat ang
bansa, dahil sa naturang outbreak. 

Ipinagbabawal na rin ang swill feeding, o pagpapakain sa mga baboy ng tirang pagkain. 

"Basta it came from an ASF-infected country, hindi nila papapasukin 'yung product... possible kasi
na meron pa ring remnant yung virus doon kahit pa 'yan processed food," ani Joy Lagayan, focal
person for communications ng BAI. 

Nakiusap din si Lagayan sa publiko na huwag munang mag-uwi ng mga processed meat na galing
umano sa mga bansang apektado ng swine fever outbreak. 

Ano ang African swine fever?


Ang ASF, ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS), ay isang nakakahawang
sakit na nakakaapekto sa mga baboy. Kapag tinamaan ng ASF ang isang baboy,
mawawalan ito ng ganang kumain at magkakaroon ng mataas na lagnat. Magdurugo
ang balat nito, pati na rin ang mga lamang loob. Sa pagitan ng dalawa hanggang
sampung araw, mamamatay na ang baboy. Wala pang nadidiskubreng gamot para rito.

Ano ang ginagawa ng gobyerno para pigilan ang


pagkalat ng ASF?
Sa Quezon City, ipinagbawal na ang pag-aalaga ng mga baboy sa mga bakuran ng
tahanan. Nakiusap naman si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa
mga nag-aalaga ng hayop na ipagbigay alam agad kung may pinaghihinalaan silang
kaso ng ASF para di na ito kumalat pa. Simula pa noong isang taon ay ipinagbawal na
ang pagpapapasok ng mga baboy at mga produktong may baboy mula sa ilang bansa.

Nagpapatupad din ang gobyerno ng “1-7-10 Protocol” sa mga lugar na apektado ng


outbreak.

Pwede bang magkasakit ang tao dahil sa African


swine fever?
Hindi banta sa kalusugan ng tao ang ASF, ayon sa NMIS. Pero, pwedeng maging
carrier ang tao sa pagpapakalat ng sakit kung nakakain ito ng maysakit na baboy o di
kaya ay lumapit sa laman ng baboy na may ASF. Ang virus ay nabubuhay kahit na
inilata o naproseso na ang laman. Hinihinala ni Dar na dala ng ilang Pilipino ang sakit
mula sa mga bansang may ASF
Ano ang posibleng epekto ng ASF sa industriya ng
pagbababoy?
Isang banta ang sakit na ASF sa 260B pisong industry ng baboy sa bansa. Milyon-
milyong pamilyang Pilipino ang umaasa rito para sa kanilang ikinabubuhay. Halos 65%
ng buong industriya ay kinabibilangan ng mga maliliit na babuyan na nasa mga bakuran
ng tahanan lamang. Ang Pilipinas, sa ngayon, ay may 12M baboy sa imbentaryo nito.

May 82M pisong pondo ang DA para pigilan ang pagkalat ng sakit. Kasama na rin dito
ang pagbibigay ng 3,000 pisong tulong sa bawat apektadong baboy.

Ano ang pwedeng maitulong ng publiko sa pagsawata


ng African swine fever?
Sa mga nag-aalaga ng baboy, pinaalalahanan sila ng DA na pag-ibayuhin ang mga
hakbang para sa seguridad ng mga alagang hayop at ipagbigay alam agad ang
anumang di pangkaraniwang kamatayan ng mga alagang hayop. Di inirerekomenda ng
DA ang pagpapakain ng kaning-baboy sa mga ito.

Sa mga mamimili, pinapayuhan ng gobyerno na maging mapagbantay sa mga binibiling


baboy at mga produktong may baboy. Siguraduhing may selyo ng NMIS ang produkto.
Hinihiling din na ipagbigay alam sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ang
anumang sakit ng alagang hayop.

Tataas ba ang presyo ng baboy sa mga pamilihan?


Hindi inaasahan ni DA Secretary William Dar ang pagtaas ng halaga ng laman ng
baboy dahil sa African swine fever. Sapat ang supply ng baboy hanggang Disyembre
kaya di magbabago ang presyo nito.

Ganun din, ayon kay Dar, posibleng galing sa mga tirang pagkain mula sa mga hotel at
restaurant ang sakit. 15 piso kada sako ibinebenta ang mga tirang pagkain na ito na
direktang ipinapakain naman sa mga baboy nang di man lang niluluto.

You might also like