You are on page 1of 1

ESP

MJEL KEZHIA L. BARRIETA GRADE 5- ZAMORA

1. Batay sa binasang sanaysay, ano ang nararamdaman mo?

Batay sa aking nabasang sanaysay ,ako ay nalungkot kasi marami sa mga


kabataan ang inaabuso ang karapatan.May mga kabataang naulila sa magulang
na minamaltrato ng tiyahin, mga batang pinagtrabaho sa illegal na pagawaan ng
paputok, mga bata na nirerekrut para dalhin sa Manila upang magtrabaho at
pinatira sa lumang gusali at pinatulog sa karton, pinapatrabaho tulad ng kabayo
ngunit hindi pinapasweldo ng maayos.Ilan lamang ang mga ito sa mga pang-
aabuso ng kabataan na kung maririnig at mababasa ko sa balita ay sobrang
nakakalungkot .

2. Bilang bata alam mo ba ang iyong karapatan?

Opo ,alam ko po ang aking karapatan bilang isang bata. Bilang isang bata
karapatan kong isilang at magkaroon ng pangalan, magkaroon ng nasyonalidad,
magkaroon ng pamilyang mag-aaruga, manirahin sa tahanang payapa at tahimik
na lugar, magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan, mabigyan
ng sapat na edukasyon at higit sa lahat mabigyang proteksyon laban sa mga pang-
aabuso at karahasan.

3. Bukod sa mga nabanggit sa sanaysay, ano-ano pang karapatan ng mga bata.

Ang mga karapatan ng bata ay:

1. Maisilang at magkaroon ako ng pangalan.

2. Magkaroon ng nasyonalidad.

3. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga.

4. Manirahin sa tahanang payapa at tahimik na lugar.

5.Magkaroon ng sapat na pagkain,malusog na pangangatawan.

6. Mabigyan ng sapat na edukasyon.

7. Mabigyang proteksyon laban sa mga pag-aabuso at karahasan.

4. Sa iyong palagay,paano dapat pakitunguhan ang mga batang tulad mo?

Sa aking palagay dapat na mahalin, alagaan , bigyan ng tamang edukasyon ,


proteksyonan laban sa mga pang-aabuso at karahasan at dapat igalang ang bawat
batang katulad ko dahil kahit kami ay bata pa may karapatan din kami dito sa
mundo.

You might also like