You are on page 1of 2

Karapatan ko Ipaglalaban ko!

Ang karapatan ay maaring pang tao,


bagay,pamilya,pamamaraan sa
buhay,pagpapakita ng talento at
talino,pagiging mabuting tao at iba pa.

Ang bawat bata ay may Karapatan na alamin detalye na maaring makabuti sa kanila.Kapag ang isang bata ay
maganda at maayos ang kinalakihang buhay maaring ang mga ito ay lumaki ng magalang at natutong
rumespeto sa ibang tao.

Alamin natin! Mga Karapatan ko bilang bata.


1. Karapatan ko bilang isang bata na maipanganak ng maayos, mabinyagan at mabigyan ng Legal na rehistradong
pangalan,nasyonalidad at ang ilang detalye tungkol sa pamilya ko.
2. Karapatan ko na magkaroon ng mapagmahal na magulang na tutulong sakin sa lahat ng bagay.
3. Karapatan ko na magkaroon na bahay, pagkain , damit at ilang pangangailangan hanggang sa paglaki.
4. Karapatan ko na makapag-aral hanggang makapag tapos at magkaroon ng sariling kompiyansa sa paghahanap ng
trabaho.
5. Karapatan ko magkaroon ng totoong kaibigan,maglibang at makisama ng tama.
6. Karapatan ko na hindi sumang ayon sa batas na makakasama sa akin bilang isang bata.
7. Karapatan ko matuto ng ibat-ibang larangan at ipakita ang talento ko sa maayos na paraan.
8. Karapatan ko mag diwang ng aking kaarawan kasama ang aking pamilya at kaibigan.
9. Karapatan ko lumahok sa ibat-ibang kompetisyon na kaya ko.
10. Karapatan ko na ipaglaban kung ano ang mas tama sa aming pamilya.
11. Karapatan ko magkaroon ng trabahong permanente paglaki ko.
12. Karapatan ko maglabas ng sama ng loob sa taong kinaiinisan ko.
13. Karapatan ko magbigay ng patas na trato para maiwasan ang di magandang pakikitunggali.
14. Karapatan ko ishare ang lahat ng natutunan ko sa aking kaibigan lalo na sa aking pamilya.
15. Karapatan at Kalayaan sa pagkuha ng idedetalye para sa sarili.
16. Karapatan maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
17. Karapatan na mabigyan ng proteksyon at pribadong pamumuhay.
18. Karapatan makihalubilo,maglibang at mag pahinga.
19. Karapatan mag isip para sa sariling ambisyon.
20. Karapatan bigyan ang sarili ng maraming pagkakataon para sa sariling tagumpay.

Karapatan sa ari-arian ng magulang.


Bilang legal na anak ng iyong ama at ina karapatan ninyo na malaman kung ano ang mga bagay na pwede ipamana sa
inyo maaring ito ay bahay, lupa,sasakyan at ilan pang mga lote na nakapangalan sa inyong magulang. Ito ay isang
Karapatan para maiwasan ang gulo na pwedeng humantong sa inyong magkakapatid sa kasalukuyan.
I. Basahin mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba at Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A.Karapatan maglingkod sa bayan B. Karapatan para sa sarili.


C. Karapatan sa namanang ari-arian.
D. Karapatan para sa magulang.
E. Karapatan mamili ng sariling pamumuhay at
ikabubuhay. F. Karapatan sa pakikipagkapwa kaibigan.

___1. Masaya kame naglalaro at nag kwe-kwentuhan sa tabi ng daan.


___2. Ang computer at printer na ito ay para sa panganay ko na anak.
___3. Bumili ako ng ilang damit,sapatos,tsinelas,relo at ilan pa na gamit para sa sarili ko.
___4. Tumulong ako magbigay ng relief goods galing sa Brgy.
___5. Gumawa ako ng sulat para sa magulang ko.
___6. Paglaki ko gusto ko maging photographer at magtayo ako ng studio bilang kabuhayan ko.
___7. Masaya ang aking magulang na malaman na nanalo ako sa contest.
___8. Kaya kita tulungan mag aral at makapasa pero dapat marunong kang gumalang sa guro natin.
___9. Ginagamit mo pa ba ito? Kase kung hindi na hihingin ko nalang sana.
___10. Sinama ako ng tita ko para mag aral sa paglelektor.Naisip ko makakatulong ito sa amin bilang daan sa pagiging
katoliko. Kaya’t kada Sabado pumupunta ako sa simbahan para sa ilan pang dapat pag aralan.

II. Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan na nasa ibaba.

You might also like