You are on page 1of 6

Karapatan at Tungkulin

Ang karapatan ay mga pangangailangan ng tao


na dapat
makamit upang makapamuhay nang maayos.
May kalakip na
tungkulin ang bawat karapatan. Tinatawag na
tungkulin ang mga
bagay na dapat gawin ng tao.
Mga Karapatan ng Bata
1. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga.
2. Maisilang at mabigyan ng pangalan.
3. Mabigyan ng sapat na pagkain, kasuotan at
maayos na tirahan.
4. Maglaro at maglibang.
5. Mapaunlad ang kakayahan.
6. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
7. Mabigyan ng proteksyon laban sa karahasan
at panganib.
Mga Tungkulin ng Bata
1. Mahalin at igalang ang iyomg magulang at
kapatid.
2. Pangalagaan ang sarili at pangalan.
3. Kumain ng wasting pagkain, tipirin at
ingatan ang gamit.
4. Pangalagaan ang mga gamit sa parke.
5. Ibahagi sa iba ang angking talento.
6. Mag-aral nang mabuti.
7. Sumunod sa batas at igalang ang mga
tagapangalaga ng kaayusan at kapayapaan.

You might also like