You are on page 1of 15

Karapatan ng Iba, Igagalang

ko
Madalas mong naririnig ang salitang karapatan ngunit
nauunawaan mo ba ito?
Ano nga ba ang kahulugan nito? Para sa iyong kaalaman, ang
karapatan ay tumutukoy sa batayan ng mga karapat –dapat na
kalayaang tinatamasa ng lahat ng tao anumang gulang, kasarian,
katayuan sa lipunan, relihiyon at nasyonalidad.
Pagkasilang pa lamang ay taglay mo na ang mga karapatang ito.
Ang mga ito ay hindi dapat balewalain ninoman. Ang bawat isa
sa atin ay may tungkuling igalang ang karapatan ng bawat isa.
Ang mga karapatan ng bata ay pinangangalagaan at
pinoprotektahan ng batas at mga mamamayan. Mayroong Women
and Children’s Protection Desk sa bawat tanggapan ng mga
kapulisan sa buong bansa. Maliban dito, nariyan din ang
Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bawat
munisipalidad upang matulungan at maproteksyonan ang mga
batang nakararanas ng pangaabuso sa kanilang karapatan.
Ang bawat karapatan ay may kaakibat na pananagutan at
tungkuling dapat isagawa. Sa pamamagitan nito, maisasaalang-
alang mo ang paggalang sa karapatan ng iba.
Isinasaad sa tula ang mga karapatan ng isang batang
katulad mo. Nararapat lamang na makamtan mo ang mga ito
upang ikaw ay lumaking masaya at may pananagutan sa
kapwa. Ang pagrespeto sa karapatan ng bawat isa ay
nagpapakita rin ng paggalang sa dignidad at halaga ng bawat
indibidwal na nilalang ng Diyos.
Narito ang iba’t-ibang pamamaraan upang maipakita
natin ang paggalang sa karapatan ng ibang bata:
 pangangalaga sa pangangailangan nila
 pagpayag o pagsang-ayon sa kanila na maabot
ang pinakamataas na antas ng kanilang
kakayahan
 hindi pakikialam o pagtapak sa karapatan ng
iba upang kanilang matamasa ang naturang
karapatan nang ganap at ligtas.
Karapatan Ko
a. Karapatan sa sapat na edukasyon
b. Karapatang isilang at mabigyan ng pangalan
c. Karapatan sa sapat na pagkain at malusog na
pangangatawan
d. Karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar
e. Karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang magaaruga
f. Karapatang mapaunlad ang kakayahan
g. Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw/opinyon
h. Karapatang mabigyan ng pagkakataong
makapaglaro/makapaglibang
i. Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso
j. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
Iguhit ang puso (puso ) kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng paraan
ng paggalang sa karapatan ng bata at kamay ( ) kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Pagbibigay ng sapat na pagkain sa mga anak.

2. Pagtawag sa isang bata sa kaniyang alyas sa halip na gamitin ang


totoong pangalan.

3. Pag-aaruga ng mag-asawang Lino at Rosa sa kanilang mga anak.

4. Pagganyak sa isang batang gawin ang lahat ng kaniyang makakaya


upang magtagumpay sa gawain.

5. Pangungutya sa kapitbahay na nagpositibo sa COVID-19.


6. Si Elvin na hindi pinapayagang maglaro ng kaniyang mga magulang.

7. Si Arvin na sa halip na nag-aaral sa murang edad ay


naghahanapbuhay upang makatulong sa kaniyang pamilya.

8. Pagpipilit na pakinggan ang iyong opinyon kahit batid mong hindi ito
ang gusto ng nakararami.

9. Si Jocel na puro pag-aaral na lamang ang ginagawa at hindi na


nakapaglilibang dahil ito ang gusto ng kaniyang mga magulang.

10. Pagkumbinsi sa kaklase na huwag ng sumama sa paligsahan sapag-


awit sapagkat hindi siya ganoon kahusay sa pag-awit.
May natandaan at natutunan ka ba sa ating aralin ngayon? Nais kong
kumpletuhin mo ang “flower web” sa ibaba. Isulat ang mga karapatan ng
bata sa bawat talulot ng bulaklak. Sagot lamang ang iyong isulat sa
sagutang papel.

Karapatan
ng mga bata
Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga
batang katulad mo ay nag-aaral naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man
ng pinapasukang paaralan, iisa lamang ang
ipinapahiwatig nito na kayong lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapagaral.
Anong karapatan ang tinutukoy dito?
a. Karapatang maglaro at maglibang
b. Karapatan sa sapat na Edukasyon
c. Karapatan sa pagkain at malusog na pangangatawan

2. Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa


kaniyang mga magulang. Nagsilbi silang pangalawang mga magulang ng bata. Anong
karapatan ang tinatamasa niya ngayon sa piling ng bagong mga
magulang?
a. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
b. Karapatang mabigyan ng pangalan
c. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa
karapatang maabot ang pinakamahusay na kakayahan?
a. Palaging sinusuportahan ni Aling Mila ang kaniyang anak sa
tuwing lumalahok ito sa patimpalak ng pag-awit at pagsayaw sa
kanilang lugar at karatig lugar.
b. Ayaw ni Aling Vicky na sumasali sa pag-eensayo ang kaniyang
anak lalo na sa paglalaro ng basketbol dahil ayaw niyang
napapagod ito.
c. Paghadlang ni Aling Alona sa mga nais matutuhan ng kaniyang
anak tulad ng pagpipinta at pagtugtog ng mga instrumentong
pangmusika dahil nanghihinayang siya sa perang gagamitin sa
pagbili ng mga gamit para rito.
4. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad
mo?
a. Malimit na pangangantiyaw sa batang pilay at tuwang-tuwa ka pang
ipagsigawan na tawagin siyang “Pilay”.
b. Pagtawag sa tunay na pangalan ng iyong kamag-aral kaysa sa alyas
nito o anumang nais mong itawag sa kaniya.
c. Si Jiro na tinatawag mong “Duling” kaysa tawagin siya sa tunay niyang
pangalan.
5. Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay
isinilang at ipinarehistro sa pamahalaang lokal sa inyong bayan at lalo pa
itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong karapatan ang tinamasa
mo?
a. Karapatang igalang at mahalin
b. Karapatang mabigyan ng pangalan
c. Karapatang makapaglibang
6. Ibinibigay ng mga magulang mo ang lahat ng iyong pangunahing
pangangailangan at inaalagaan ka rin nila palagi maysakit ka man o wala.
Anong karapatan ang mayroon ka rito?
a. Karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
b. Karapatang isilang at mabigyan ng pangalan
c. Karapatang mapaunlad ang kakayahan

7. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraang nagpapakita ng paggalang


sa karapatan ng batang katulad mo maliban sa isa, alin ito?
a. Pakikialam sa iyong mga karapatan at paghadlang para matamo ang
mga ito.
b. Pangangalaga sa iyong mga pangangailangan.
c. Pagpapahintulot na maabot mo ang pinakamahusay na kakayahan.
8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagtatamasa ng
karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar?
a. Mga batang namamalimos sa daan at halos sa tabing kalsada na rin natutulog gamit
ang karton na higaan.
b. Isang batang palaboy na nakikituloy lamang sa mga kakilala kung saan abutin ng
gabi.
c. Isang batang nakatira sa isang payak na tahanang nasa gitna ng kabukiran kasama
ang kaniyang pamilya.

9. Nakararanas ng pagmamaltrato si Eunice sa kaniyang tiyuhin. Lagi siyang sinasaktan


nito kapag hindi kaagad nakakasunod sa ipinag-uutos nito. Hindi niya na matiis kaya
nagtungo siya sa DSWD upang matulungan siya ng mga
ito. Anong karapatan ang natamo niya sa kaniyang pagpunta sa DSWD?
a. Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso
b. Karapatang mabigyan ng sapat na Edukasyon
c. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
10. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa iyong
mga karapatan bilang bata maliban sa isa. Alin ito?
a. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
b. Karapatang kumuha at makialam sa pagmamay-
ari ng iba
c. Karapatang makapagpahayag ng sariling
pananaw/opinyon

You might also like