You are on page 1of 1

I.

Tukuyin ang kaparatan ng bata na tinatamasa sa sitwasyon sa bawat bilang. Bilugan ang iyong sagot.

1. Tuwing pagkatapos magsimba ng Pamilyang Sore, dinadala nila ang kanilang mga anak sa parke. 
a. Karapatang makapaglaro at makapaglibang
b. Karapatang magkaroon ng sapat na pagkain
c. Karapatang makapag-aral
d. Karapatang maisilang
2. Kahit sa hirap ng buhay nila Romel, pinag-aaral pa rin siya ng kanyang mga magulang.
a. Karapatang makapag-aral
b. Karapatang magkaroon ng tahimik at payapang lugar
c. Karapatang maproteksiyonan laban sa  mga karahasan
d. Karapatang magkaroon ng sapat na pagkain
3. Kahit nasa murang edad pa si Ethan, nabibigyan siya ng pagkakataon na makapagpahayag ng kanyang sariling
opinyon tungkol sa isyu ng COVID-19.
a. Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw
b. Karapatang makapaglaro at makapaglibang
c. Karapatang magkaroon ng aktibong katawan
d. Karapatang maisilang 
4. Nagsilang si Elma ng isang malusog na sanggol at pinangalanan niya itong Erin.
a. Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw
b. Karapatang makapaglaro at makapaglibang
c. Karapatang magkaroon ng aktibong katawan
d. Karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan
5. Lumipat ng tahanan ang pamilya ni  Gng. Abby dahil sa kaguluhan sa kanilang barangay. Ayaw niyang masangkot
sa gulo ang kanyang mag-anak.
a. Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw
b. Karapatang makapag-aral
c. Karapatang magkaroon ng tahimik at payapang lugar
d. Karapatang maisilang

II. Kumpletuhin ang isang maikling pagpapahayag ng pasasalamat sa tinatamasang karapatan batay sa larawan na
ipinakikita. Piliin ang titik ng iyong sagot.

6. Kami ay lubos na nagpapasalamat dahil kami ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral at makapaglibang. Kaya
karapat-dapat lang na ____________________ ang aming mga magulang.
A. irespeto b. ipagyabang c. isawalang- bahala
7. Ako si Pedro na lubos na nagpapasalamat sa tinatamasang karapatan na maisilang at mabigyan ng pangalan ng
aking mga magulang. Karapat-dapat lang na ______________ sila.
a. ikahiya b. itakwil c. mahalin
8. bilang isang bata kami ay may karapatan mabigyan ng sapat na edukasyon at mapaunlad ang aming kakayahan sa
loob ng paaralan. Ang pagpapaunlad ng angking talento at kakayahan ay _______________ na dapat pasalamatan.
a. isang kakahiyan b. isang regalo c. isang sumpa
9. ako ay nagpapasalamat sa ating gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa aming barangay. Dahil
dito dapat lang na ___________________ sa lahat ng batas na ipinapatupad ng gobyerno.
a. hindi sundin b. huwag pansinin c. suportahan
10. lubos kaming nagpapasalamat sa mga magulang at mga taong nakapaligid sa amin dahil sa pagbibigay ng
pagkakataong makapaglaro at makapaglibang. Dapat nating _____________ ang karapatang ating tinatamasa.
a. ipagyabang b. ipagmalaki c. pasalamatan

You might also like