You are on page 1of 2

3rd Quarter Written Test No.

1&2 ESP 2

Pangalan:_________________________________ Grade and Section:_________


I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong kwadernong panggawain.

1. Karapatan ng bawat bata ang maisilang at magkaroon ng pangalan sa paanong


paraan mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa karapatang tinatamasa?
A. Igalang ang buhay at ipagmalaki ang pangalang ibinigay.
B. Makipag-away at kutyain ang pangalan ng iba.
C. Maging masaya at walang pakialam.

2. Ang bawat bata ay may karapatang makakain ng sapat at masustansyang


pagkain. Paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa karapatang ito?
A. Kumain ng subra.
B. Pumili ng masustansyang pagkain.
C. Bumili ng matatamis gaya ng tsokolate.

3. Ang mga bata ay dapat makapag-aral. Sa paanong paraan mo maipakikita ang


iyong pasasalamat sa karapatang tinatamasa?
A. Mag-aral ng mabuti.
B. Maging tamad.
C. Tatahimik ako.

4. Ang matutunan ang magandang asal at kaugalian ay dapat matamo ng bawat


bata. Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pasasalamat hinggil dito?
A. Magmano sa mga nakatatanda at gumamit ng po at opo sa
pagsasalita.
B. Maging masungit sa lahat at walang pakialam.
C. Magsa walang kibo sa lahat ng panahon.

5. Ang makapagpahayag ng sariling pananaw ay dapat tinatamasa ng isang batang


gaya mo. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pasasalamat sa karapatang
ito?
A. Malayang nakapagsasabi ng saloobin.
B. Nahihiyang sabihin ang opinyon.
C. Tinatago ang nalalaman.

6. Ang iyong mga magulang ay nagsusumikap para mabigyan ka ng edukasyon


nang magkaroon ng magandang kinabukasan.
A. Mag-aaral ako nang mabuti.
B. Hindi ako papasok sa paaralan.
C. Papasok ako sa paaralan ngunit hindi ako mag-aaral ng mabuti.
7. Isa sa mga Karapatan ng isang bata ay ang maisilang at mabuhay.
A. Pababayaan ko ang aking katawan.
B. Magdadasal ako sa Poong Maykapal upang magpasalamat
sa buhay na kanyang ibinigay.
C. Maglalaro at maglalakwatsa ako lagi upang masulit ko ang aking
karapatang tinatamasa.

8. Ang isang bata ay nararapat lamang na magkaroon ng malusog na


pangangatawan kaya ang iyong mga magulang ay laging naghahanda ng
masusutansyang pagkain.
A. Magagalit ako sa aking mga magulang dahil ayaw ko ng pagkaing
kanilang inihahanda.
B. Tutulong ako sa mga gawaing bahay at susunod sa mga utos ng
aking mga magulang.
C. Maiinis ako sa aking mga magulang dahil paulit-ulit ang uri ng
pagkaing kanilang inihahanda.

9. Habang nagtatalakayan, may naisip kang magandang ideya tungkol sa inyong


paksa at bilang isang bata Karapatan mong maipahayag ang iyong sariling
pananaw.
A. Ipagwawalang bahala na lang ang naisip at baka ito ay mali.
B. Tatahimik na lang hanggang matapos ang klase.
C. Itataas ang kamay at hingiin ang permiso ng guro na maipahayag
ang ideya.

10. Mas pinili ng iyong mga magulang na tumira sa probinsya kaysa sa siyudad
dahil nais nilang mabigyan ka ng payapa at tahimik na tirahan. Sasang-ayon ka
ba sa desisyon nila?

A. Oo, dahil wala naman akong magagawa.


B. Hindi, dahil mapapalayo ako sa aking mga kaibigan.
C. Oo, dahil bilang isang anak dapat kong sundin ang gusto ng aking
mga magulang.

You might also like