You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE

S.Y. 2019-2020

Pangalan: ______________________________________Petsa: ____________________


I.Panuto: Kilalanin ang panahunan ng mga sumusunod na pandiwa. Isulat ang titik GN kung ginawa
na, GP kung ginagawa pa at GPL kung gagawin pa lang ang pandiwa.

__________1. nagdilig
__________2. magbabasa
__________3. nagsusulat

4. Ang magkakapatid ay _________________ noong nakaraang Linggo.


A. namamasyal B. namasyal C. mamamasyal D. mamasyal

5. Kami ay _______________ sa dagat ngayong darating na Sabado.


A. maliligo B. nagligo C. nagliligo

6. ________ palagi ni Yvonne ang kaniyang alagang aso.

A. Pinakain B. Pinapakain C. Papakainin

7. Alin sa mga pangungusap ang ginamitan ng salitang kilos na nagawa na?


A. Naglaro ang mga bata ng taguan kahapon.
B. Naglalaro ngayon ang mga bata ng taguan.
C. Maglalaro bukas ang mga bata ng taguan.
D. Maglaro ang mga bata ng taguan.

8. Aling salita ang nagpapahiwatig na ang pandiwa ay ginagawa pa?


A. kahapon B. ngayon c. bukas

9. Magsisimba kami sa Antipolo sa Biyernes. Ano ang panahunan ng pandiwang may salungguhit?
A. Nagawa na C. Gagawin pa
B. Ginagawa pa D. Katatapos pa lang

II.PANUTO: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang
letra ng tamang sagot.
Ang Nais Ko

Nais kong maging mabuting hari


Nais kong ang tauha’y may ngiti
Ilalagay ko sa tamang gawi
Pangangalagaan silang lagi

Kailangan nila’y pagbibigayan


Kami ay laging magtutulungan
Malalaman ang kahalagahan
Nitong aming isang kaisipan.

10. Ilang taludtod mayroon ang isang saknong?


A. dalawa B. apat C. anim D. walo
11. Ang tulang “Ang Nais Ko” ay mayroong _______ ritmo sa bawat taludtod.
A. pitong B. walong C. siyam na D. sampung
12. Anong pares ng mga salita ang magkakatugma sa unang saknong?
A. maging – tauhan C. hari – ngiti
B. ilalagay – magtulungan D. nais – gawi

13. ______________ ang lapis ni Peter kaysa kay Noli.


A. Matulis B. Mas matulis C. Pinakamatulis D. Matutulis

14. Halo – halo ang pinakamasarap kainin kapag tag – init. Ano ang kaantasan ng pang – uring
may salungguhit?
A. lantay B. pahambing C. pasukdol D. walang sagot

15. ______________ ang punong niyog sa lahat ng puno sa aming bakuran.


A. Mataas B. Mas mataas C. Pinakamataas D. Matataas

III. Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Sagutan ang mga katanungang nasa ibaba.
Araw ng Pamilya
Akda ni Virginia C. Lizano

Tuwang –tuwang pinanonood nina Tatay Julios at Nanay Malyn sina Luisa at Jeus na
naglalaro sa parke. Naghabulan ang magkapatid. Nagpadausdos sila sa slide. Sumakay din
sila sa duyan at seesaw. Walang pasok kaya nagkaroon sila ng mahabang oras para ipasyal
ang mga bata. Nang mapagod ay masayang nagsalo salo ang pamilya Villenes sa pagkaing
inihanda ni Nanay Malyn.

____ 16. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


A. Tatay Julios, Nanay Malyn, Luisa at Jeus C. Pamilya Villegas
B. Tatay Julios at Nanay Malyn D. Nanay Malyn

____ 17. Saan naganap ang kuwento?


A. sa bahay B. sa paaralan C. sa parke D. sa simbahan

____ 18. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nangyari sa kuwento?

A. Tuwang-tuwang pinanood nina Tatay Julios at Nanay Malyn ang kanilang mga anak.
B. Masayang Nagsalo salo ang pamilya Villenes sa pagkaing inihanda ni Nanay Malyn.
C. Nanood sila ng masayang palabas sa sinehan.
D. Sumakay sila sa duyan at seesaw

19. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Araw nina Nanay at Tatay C. Araw ng Pamilya
B. Araw ng mga Anak D. Araw ng Pasko
20. Wala ang nanay at tatay ni Bimbi, kaya’t mababakas ang panglaw sa kanyang mukha. Ano
ang kahulugan ng salitang panglaw?
A. takot B. lungkot C. saya D. taka

21. Aling salitang may klaster ang wastong papantig na baybay?


A. kra-yola B. trap-o C. plat-i-to D. gra-sa

22. Aling salita ang may wastong pagkabaybay?


A. pum-asok B. ti-ting-nan C. pan-ana-kit D. si-si-w
23. Tukuyin ang pang-ukol na ginamit sa bawat pangungusap. Ang mga bayani ay nag-alay ng
buhay para sa bayan.
A. bayani B. para sa C. nag-alay D. buhay

24. Marami ang namatay sa sakit na dengue ayon sa balita


A. ayon sa B. marami C. namatay D. dengue

25. Higit na alam ng magulang ang mga bagay na nakabubuti sa mga anak kaya sinusunod
palagi ni Troy ang bilin at paalala ng kaniyang ina. Ano ang katangian ni Troy?

A. magalang B. masipag C. masunurin D. mapagkakatiwalaan

26. Binigyan ni Lina ng bulaklak ang kaniyang ina noong kaniyang kaarawan. Si Lina ay __.
A. maalalahanin B. matiyaga C. masinop D. matulungin

Panuto: Basahin ang pangyayari. Pagsunod-sunurin ang mga ito gamit ang Una, Ikalawa,
Huli pangyayari. Piliin ang titik ng wastong sagot.
_________27. Inilagay ni Tina ang mga bulalak sa plorera.

_________29. Inilagay ni tina ang plorera ng bulaklak sa altar.

_________29. Namitas si Tina ng mga bulaklak sa hardin.

Panuto: Isulat ang pangungusap sa ibaba nang may wastong gamit ng malaking letra,
bantas at espasyo ng mga salita.

30. sino kaya ang susunod na magiging pangulo ng pilipinas?

_________________________________________________________

You might also like