You are on page 1of 4

Antipolo Lady of Lourdes School

Antipolo City

Unang Markahang Pagsusulit sa EPP 5

Pangalan:_____________________________________________Petsa:__________________Iskor:_____________

Baitang/Pangkat:_______________________________________________Guro: Bb. Medialyn N. Andres

I. Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang tamang letra ng sagot sa patlang.

1. Ito ay kabilang sa pamana ng ating kultura.


a. ari-arian c. ideya
b. emosyon d. tradisyon
2. Ano ang tinutukoy ng pahayag na “ang bawat kagamitan ay may kani-kaniyang
kinalalagyan at ito ay nasa tamang lugar”.
a. matipid na paggamit ng pinagkukunan.
b. katanggap-tanggap na moralidad
c. maginhawang kapaligiran
d. responsibilidad sa lipunan
3. Ito ang bumubuo sa isang bahay upang maging isang tahanan.
a. magarang bahay c. mamahaling kagamitan
b. maginhawang buhay d. masayang pamilya
4. Alin sa mga sumusunod na gawain ng pamilya ang hindi nakapagpapasigla ng buhay
ispiritwal?
a. pagbabasa ng kuwento sa Bibliya
b. pagdalo sa ispiritwal na aktibidad
c. pagdalo sa mga salo-salo ng kamag-anak
d. pagdarasal ng sama-sama
5. Ito ay tumutukoy sa dakilang pamana ng mga magulang sa kanilang mga anak.
a. edukasyon c. kayamanan
b. kabuhayan d. pera
6. Ito ang bumubuo sa isang tahanang kaakit-akit at maayos na kabahayan.
a. kasiya-siya at maginhawa c. may mamahaling kasangkapan
b. mamahaling dekorasyon d. napaliligiran ng mga halaman at bulaklak
7. Sino ang gumagawa ng pangunahing desisyon para sa mag-anak?
a. ama c. ina
b. ate d. kuya
8. Ang kaalaman sa _____ ay makakapagligtas sa isang biktima bago dumating ang doktor.
a. pagsalba c. pangunang lunas
b. pagsagip d. pangunang tulong
9. Sino ang itnuturing na kahalili ng ina kung wala ito sa tahanan?
a. bunsong kapatid na babae c. nakatatandang kapatid na lalaki
b. nakatatandang kapatid na d. pangalawang kapatid na babae
babae
10. Tungkulin niyang bigyan ang kanyang mga anak ng sapat na pagkalinga, pagmamahal,
proteksyon at pag-aaruga.
a. ama c. ina
b. ate d. lola
11. Ang aspetong ______ ay tumutukoy sa buto at kalamnan sa buong katawan.
a. emosyonal c. pisikal
b. intelektwal d. sosyal
12. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ang isang mag-anak na maunlad at masaya ay
nagiging daan sa pagkakaroon ng magandang ugnayan sa kaanak,kaibigan at
kakilala?
a. mabuting pagsasamahan c. maramot na samahan
b. mapagkunwaring samahan d. marangyang pagsasama
13. Ang tahanan na may katanggap-tanggap na ____ ay isang tahanang nagtuturo nang
tama sa bawat kasapi ng pamilya.
a. itsura c. moralidad
b. kaisipan d. talino
14. Ito ay nangangahulugan na ang tahanan ay kaakit-akit, halimbawa ay paglalagay sa
angkop na pwesto ng mga kagamitan.
a. kaakit-akit at maayos na kabahayan
b. maginhawang kapaligiran
c. marangya at glamorosong kabahayan
d. matipid na paggamit ng pinagkukunan
15. Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga hindi lamang sa sarili kung hind imaging sa iba din.
a. responsibilidad sa iba c. responsibilidad sa pamilya
b. responsibilidad sa lipunan d. responsibilidad sa tahanan

II. Tukuyin ang mga sumusunod. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

a. ammonia f. pagkukusa
b. kuya g. pagpapabaya
c. mga anak h. petrolium jelly
d. mapagparaya i. termometro
e. pagdarasal j. wastong nutrisyon

____1.Ito ay tumutukoy sa kasapi ng pamilya na nagbibigay respeto at sumusunod sa


magulang at may kakayahang paunlarin ang sarili.
____2.Ito ay tumutukoy sa katangian nang maunlad at masayang mag-anak na kahalintulad
ng pagiging maunawain.
____3.Ito ay tumutukoy sa isa sa mga maling pag-uugali kung kaya’t nagkakaroon ng sakuna
o aksidente sa tahanan.
____4.Siya ang katulong ng ama sa pagkukumpuni ng sirang kagamitan o di kaya ay
pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.
____5.Ito ay tumutukoy sa magandang katangian na hindi na naghihintay na utusan ng
magulang.
____6.Ito ay isa sa mga gawain na nagpapalakas sa ating buhay ispiritwal at pananalig sa
Diyos.
____7.Ito ang ginagamit upang malaman ang temperatura ng katawan ng taong may sakit.
____8.Ito ay tumutukoy sa malusog na pag-iisip at mga galaw ng katawan ng tao.
____9. Ito ang inilalagay na panglunas sa nasunog na balat at bahagyang namula.
____10.Ito ang inilalagay sa balat kung may kagat ng insekto o sting.

III. Isulat ang salitang TSEK kung ang pangungusap ay tama at EKIS naman kung
nagpapahayag ng maling ideya. Isulat ang sagot sa patlang.

______1.Bigyan ng pagkain o pangpurga ang pasyente kapag hindi alam ang dahilan ng
pagsakit ng tiyan.
______2.Hinimatay ang ate ni Cris binigyan niya ito ng pangunang lunas, itinaas niya ang
paa na mas mataas kaysa sa ulo at winisikan ng malamig na tubig ang mukha.
______3.Ang pakikinig ng musika kung sumasakit ang ulo ay nakpagdudulot ng ginhawa.
______4. Kapag hinhawakan ang matutulis na bagay gaya ng gunting o kutsilyo, dapat na
nakaturo papalayo sa iyo ang matulis na bahagi nito.
______5.Patuloy lang sa pagkusot ng mata kapag napuwing dahil mabisa itong
pangpatanggal ng puwing.

IV. Buuin ng maayos ang mga magulong letra upang ito ay mabasa ng wasto.
Isulat ang sagot sa patlang.

1.TKIOR-_________________
2.LOAGS-________________
3.GNATLA-_______________
4.LUBSABOS-_____________
5.TUSGA-________________

V. Pag iisa-isa. Ibigay ang hinihingi ng bawat sumusunod.

Mga dapat na nilalaman ng Kabinet ng mga Gamot

1. 5.
2. 6.
3. 7.
4.
Tatlong (3) Katangian ng Maunlad at Masayang Mag-anak
1.
2.
3.
Dalawang (2) dapat Malaman kapag Mayroong Maysakit sa Pamilya
1.
2.
Magbigay ng (3) Aspetong sakop sa Pag-unlad ng Bata
1.
2.
3.
VI.SANAYSAY: Sumulat ng maikling sanaysay sa bawat tanong. 5 puntos ang bawat bilang.

1. Bakit mahalagang gampanan natin ang ating tungkulin at pananagutan sa ating


pamilya?

2. Paano mo mabibigyang kasiguraduhan ang kaligtasan sa loob ng inyong


tahanan?

You might also like