You are on page 1of 4

Antipolo Lady of Lourdes School

Antipolo City

Unang Markahang Pagsusulit sa EPP 4

Pangalan:_____________________________________Petsa:_______________Iskor:_____

Baitang/Pangkat:_________________________________________ Guro: Bb. Den Andres

I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagtanggal ng dumi, pawis at amoy sa damit.


a. paglalaba c. pananahi
b. pamamalantsa d. pagsasampay
2. Ito ay paraan nang paglalaba sa sinisiguro para mawala ang bahid ng sabon sa damit.
a. pagbababad c. pagkukula
b. pagbabanlaw d. pagsasabon
3. Ito ay tumutukoy sa paraan nang pagtanggal ng mga lukot o gusot sa damit.
a. paglalaba c. pagkukula
b. pamamalantsa d. pagtatagpi
4. Ito ay paraan nang paglalaba kung saan ibinibilad sa sikat ng araw ang damit para mas
lalo itong pumuti.
a.pagkukula c. pagsasabon
b.pagpapatuyo d. pagsasampay
5. Ang pagsabi ng “po” at “opo”, pagmamano o paghalik sa kamay ng nakatatanda ay
nagpapakita ng anong katangian?
a. pagiging madasalin c. paggalang sa nakatatanda
b. pagiging matapat d. mapagbigay na pakikitungo
6. Ito ay tumutukoy sa tungkulin na kaakibat ng bawat kasapi ng pamilya.
a. aktibidad c. panuntunan
b. gawain d. responsibilidad
7. Siya ang itinuturing na tagapangasiwa ng tahanan.
a. ama c. ina
b. ate d. lola
8.Siya ang miyembro ng pamilya na tumutulong sa ama sa pagkukumpuni,
paghahahalaman at iba pang mabibigat na gawain.
a. ate c. kuya
b. ina d. tiyuhin
9. Siya ang tumutulong sa ina sa paghahanda ng pagkain, paglilinis ng tahanan, at
paglalagay ng palamuti sa tahanan.
a. ama c. lola
a. ate d. tiyahin

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi isinasaalang – alang sa panahon ngayon kung kaya ang
lalaki at babae ay tinuturuan ng mga gawaing – bahay?
a. kalusugan c. posisyon
b. kasarian d. tungkulin
11. Ito ay tumutukoy sa paggawa ng responsibilidad sa tahanan nang hindi na kailangang
utusan.
a. kooperasyon c. pakikisama
b. kasarian d. pagkukusa
12. Alin sa mga sumusunod ang nakaugaliang gawain ng mga Pilipino pagkatapos ng
pagdarasal o pakikinig ng misa?
a. pagbabahagi ng pagkain c. pagmano sa magulang
b. pagbisita sa mga kaibigan d. panonood ng sine
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng malakas na pananalig sa Diyos?
a. pakikitungo c. pagrorosaryo
b. pagnonobena d. pagsisimba
14. Ito ang ginagamit para wisikan o wiligan ng tubig ang tuyong damit bago plantsahin.
a. balde c. palanggana
b. batya d. spray bottle
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nang pakikibahagi sa kasiyahan ng pamilya?
a. pagbabahagi ng mga di kanais-nais na pag- uusap
b. paggawa ng gawaing-bahay ng hindi tinatapos
c. pagpunta sa parke kasama ang mga kaibigan
d. pagsali sa mga laro at bakasyon ng pamilya

II. Isulat ang salitang TSEK kung ang pangungusap ay tama at EKIS naman kung
nagpapahayag ng maling ideya. Isulat ang sagot sa patlang.

________1.Ang mga kasapi ng pamilya ay walang pananagutan sa tahanan.


________2.Matibay na nagbubuklod-buklod ang mag-anak kung nagdadamayan sa oras
ng kalungkutan at kaligayahan.
________3.Ang bahay ay nagiging tahanan kapag ang mga kasapi ay nagmamahal at
iginagalang ang bawat isa.
________4.Ang matibay at masayang pamilya ay sama-samang nagkakagalit,
nagdadamutan, at hindi nagtutulungan.
________5.Sa pagbibigay ng tungkulin sa tahanan dapat isaalang-alang ang edad at
kondisyon ng kalusugan ng bawat kasapi ng pamilya.

III. Pagtukoy: Isulat ang titik M kung ang pangungusap at tumutukoy sa tungkilin ng mga
magulang at titik A kung tungkulin ng mga anak. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Mag –aral nang mabuti.
_________2. Magbigay ng maayos at disenteng tahanan.
_________3. Tumulong sa pagpapanatili ng malinis at maayos na tahanan.
_________4. Magbigay ng sapat na pagkain para sa pamilya.
_________5. Pagpapapasok ng bata sa magandang paaralan.
_________6. Tumulong sa paghahanda ng pagkain para sa pamilya.
_________7. Pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan.
_________8. Maging matapat at magalang.
_________9. Pagtuturo ng magandang asal at pagkakaroon ng takot sa Panginoon.
_________10. Ingatan ang sarili at iwasan ang mga bisyo.

IV. Basahin at unawaing mabuti an gang bawat pangungusap. Salungguhitan ang tamang
sagot.

1. Nasasalamin sa pananamit ng isang tao kung paano niya inaalagaan ang


(iba,sarili,kaibigan) at personal na kagamitan.
2. Ang (pag-iwas ,paglayo,pagsali) sa kasiyahan ng pamilya ay nagiging daan para
magsama- sama ang magkakamag-anak.
3. Ang ama at ina ay maaaring (magpalit,magbukod, magkanya-kanya) ng tungkulin o
magsama sa tungkulin sa pangangalaga ng pamilya.
4. Sa panahon ngayon ang mga anak ay (hayaan, nararapat,pakitaan) turuan na
gumawa ng lahat ng uri ng gawaing-bahay.
5. Maipapakita ang pagmamahal sa pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng
simpleng regalo sa mga (espesyal,magarbo,ordinary) na okasyon.

V. Ayusin ang mga nagulong letra.


1. ababdabgap - __________________________
2. asasnobgap -___________________________
3. appautgapoy -__________________________
4. hihilaywagpa -__________________________
5. tsanam - ______________________________

VI. Sumulat ng maikling sanaysay ang bawat tanong. (5 puntos bawat bilang).
 Bakit mahalagang magampanan ang mga tungkulin at pananagutan ng bawat kasapi
ng mag-anak?

 Paano mo mailalarawan ang isang masayang pamilya?

You might also like