You are on page 1of 5

St. Camillus College of Manaoag Foundation, Inc.

Barangay Licsi, Manaoag, Pangasinan


(075) 519-5200; 529-1246
www.stcamillus.edu

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VII

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ___________


Baitang: ________________ Marka: __________

I. MARAMIHANG PAGPILI (15 puntos)


PANUTO: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng Pamilya?


a. Ang Pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa
pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae.
b. Ang pamilya ay mayroong misyon, batayan , ipakita, at ipadama ang
pagmamahal .
c. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at
pagmamahal.
d. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang unit ng lipunan. Ito ang pundasyon
ng lipunan at patuloy na sumusuporta ditto dahil sa gampanin nitong
magbigay – buhay.
2. Ang pamilya ay binubuo ng _________________.
a. Ina, ama at anak
b. Kaibigan, katrabaho, at kaklase
c. Kainuman, ka-barkada, at kasugal
d. Kakilala, Kakuwentuhan, at Kaaway
3. Ano ang gampanin ng isang anak sa pamilya?
a. Nagbibigay sakit ulo sa magulang
b. Tumutulong sa mga gawaing bahay
c. Matulog at maglakwatsa buong araw
d. Hindi sumusunod sa utos ng magulang
4. Ang gampanin ng isang ina ay ang ___________ ang tahanan.
a. Sirain b. palawakin c. pangalagaan d. pagsilbihan
5. Ang ama ay siyang _________upang magkaroon ng ligtas na tirahan, sapat at wastong
pagkain.
a. naghahanap-buhay c. nagbabadyet
b. nagluluto d. nag-aalaga
6. Ano ang kahulugan ng pagpaplano sa pamilya?
a. Gabay sa paggawa ng isang bagay upang di magkamali.
b. Nakakatulong ito upang madaling matukoy at mapaghandaan ang mga
pangangailangan.
c. Hakbang upang gawin ang isang bagay nang maayos.

Serving Communities in 37 Countries


d. Sinusundang hakbangin para gawin ang isang bagay ng tama.
7. Ang mga balakid sa pamilya sa pagganap ng tungkulin ng pamilya ay nalalagpasan kung
ang bawat kasapi nito ay …?
a. nagmamalasakitan c. nagmamahalan
b. nagkakaisa d. nagrerespetuhan
8. Ano ang gagawin ng bawat kasapi upang magampanan ng pamilya ang anumang misyon
nito?
a. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa layunin nito.
b. Sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa iba pang kasapi ng pamilya
c. Sa pamamgitan ng pakikibahagi ng panahon , oras at sarili.
d. Lahat ng nabanggit.
9. Bilang isang anak, paano ka higit na makatutulong sa kaayusan ng pamilya?
a. Kakausapin ang bawat kasapi ng pamilya.
b. Magiging mahinahon sa panahon ng pagsubok.
c. Aalamin at gagawin ang tungkulin sa loob ng tahanan.
d. Magpapalakas ng loob ng mga magulang.
10. Bawat kasapi ng pamilya ay may kaniya kaniyang gampanin o tungkulin. Ito rin ang
katotohanan sa iba pang institusyon katulad ng paaralan at pamahalaan. Ang
pinakamalaking kaibahan nga lang nito sa iba ay…
a. Sa loob ng pamilya ay ama, ina, at anak ang mga may tungkulin.
b. Sa pamilya ay higit ang pagmamahal ang katumbas sa bawat tungkulin
nakaatang.
c. Maaring ang tungkulin ng bawat isa ay batay sa kani-kanilang sitwasyon.
d. Walang hangganan sa pagtupad ng isang obligasyon sa pamilya.
11. Ang pagpaplano ay _________________.
a. isang bagay na ginagawa o sinusunod bago gawin ang isang bagay upang ito
ay maging maayos at organisado
b. isang hakbangin para gawin ang isang bagay nang tama.
c. Isang proseso sa pagkamit ng maayos na proyekto.
d. Isang gabay sa paggawa ng isang bagay nang may pag – iingat.
12. Paano mo ilarawan ang isang masaya, buo, at matatag na pamilya?
a. Madalas mag – away ang bawat kasapi ng pamilya.
b. Sama – samang namamasyal at nanonood ng sine.
c. Nagtuturuan ang magkapatid na gawin ang mga gawaing bahay.
d. Nagsusugal ang mga magulang araw – araw at napapabayaan ang mga anak.
13. Ang mga magulang ang namumuno sa loob ng tahanan. Paano mo ipadarama sa kanila na
ikaw ay isang mabuti kang anak?
a. Susundin ang bawat utos nila.
b. Hindi sila susuwayin.
c. Igagalang at mamahalin sila.
d. Lahat ng nabanggit.
14. Bakit mahalagang sundin ang mga tungkulin natin bilang isang miyembro ng pamilya?
a. Nagpapakita ito ng matibay na samahan, pagmamahalan at pagtutulungan sa
isa’t isa.
b. Nagpapakita ng paggalang na kailangan sundin ang mga tungkuling ito.
c. Nagpapakita na may pagpapahalaga ang bawat miyembro ng pamilya.
d. Naipapakita na bawat miyembro ay masunurin sa lahat ng tungkulin.
15. Ang pamilya ay sinasabing una at hindi mapapalitang paaralan ng panlipunang buhay
dahil …?

Serving Communities in 37 Countries


a. Sa loob ng tahanan unang natutunan ang pakikisalamuha sa kapwa.
b. Ito ang pinakamaliit na institusyon sa lipunan.
c. Sa pamilya unang namumulat ang isang tao.
d. Ang konsepto ng pagkakaroon ng tungkulin ay unang nagagampanan sa loob
ng pamilya.
II. PAGTUTUKOY ( 5 Puntos)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang isinasaad bawat
bilang at isulat ang tamang sagot sa patlang.
______________ 16. Ito ang pinakamaliit na sangay ng lipunan.
______________ 17. Siya ang haligi ng tahanan at nagtataguyod para sa pamilya.
______________18. Siya ang ilaw ng tahanan, nagbabadyet at gumagawa ng mga
gawain sa bahay.
______________19. Gampanin nito ang igalang, sundin at tulungan ang magulang sa
mga gawaing bahay.
______________20. Ito ay hakbang upang gawin ang isang bagay nang maayos.

II. TAMA O MALI (15 puntos)


Basahin at suriin ang mga pahayag sa ibaba . Isulat kung T kung Tama ang pahayag
na ibinigay at M kung mali.

_____________21. Ang pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan.

_____________22. Ang pamilya ang nagtuturo nang maling gawain sa bawat miyembro nito.

_____________23. Sa pamilya unang natutunan kung paano tayo kumilos, magsalita,


magbigay, tumanggap, at makisama sa kapwa.

_____________24. Ang isang pamilya ay binubuo ng ama, ina at anak.

_____________25. Ang isang pamilya ay di dapat nagmamahalan at nagkakaunawaan.

_____________26. Ang pamilya ang humuhubog sa pagpapahalaga , kaugalian , at katangian


ng bawat indibidwal.

_____________27. Ang pamilya ay may pagmamahalan, pagkakaisa at pagkakaunawaan.

_____________28. Sa pamilya nagmula ang mga bagay tungkol sa atin.

_____________29. Sa pamilya nag – uugat ang ating paniniwala at pananaw sa mga bagay –
bagay.

_____________30. Nagtutulungan ang mag – anak sa paggawa ng kanilang tungkulin sa


tahanan.

_____________31. Madalas nag – aaway ang magkapatid dahil sa lagi nilang pagbibilang at
pagtuturuan sa mga gawaing bahay.

_____________32. Binibigyan ng sapat na panahon ng mga magulang ang kanilang mga


anak para makipagkuwentuhan at makipaglaro sa kanila.

_____________33. Nagsusugal ang mga magulang kahit alam nilang higit na kailangan ng
mga anak ang pera para sa kanilang mga proyekto sa paaralan.

_____________34. Sama – samang namamasyal at nanonood ng sine ang mag – anak.

Serving Communities in 37 Countries


_____________35. Masayang pinag – uusapan ng mag – anak ang tagumpay na nakakamit.

III. PAGPAPAHAYAG (15 Puntos)


Panuto: Basahin at ibigay ang sagot sa bawat katanungan.
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa mga tungkulin natin sa ating pamilya. (5
puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sumulat ng isang mensahe o liham para sa isang miyembro ng inyong pamilya na nais
mong pasalamatan. (5 puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bilang parte o miyembro ng isang pamilya, Paano mo ilarawan ang isang masaya, buo, at
matatag na pamilya? (5 puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni:

Serving Communities in 37 Countries


JOHN LLOYD G. VINLUAN
GURO SA ASIGNATURANG E.S.P. VII

Iniwasto ni:

DOMINGO M. CABARTEJA Ed.D.


PUNONG-GURO

Serving Communities in 37 Countries

You might also like