You are on page 1of 4

PERYODIKAL NA PAGSUSULIT

FILIPINO 9

Pangalan: _________________________________________________
Baitang:_______________________________________________ SCORE: ____
Seksyon:___________________________________________
Petsa: __________________________________

I. PAGTUKOY

A. Panuto: Tukuyin kung sinong tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ang pinapatungkulan ng
sumusunod na mga pangungusap. (2 puntos bawat isa)

_____________________________1. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara.


_____________________________2. Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
_____________________________3. Siya ang tagapamahala ni Crisostomo ni Ibarra sa pagpapagawa
ng kaniyang paaralan.
_____________________________4. Tanging babaeng Makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni
Ibarra sa alaala ng ama.
_____________________________5. Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng
kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisosotomo Ibarra. Siya ay humihingi ng danyos sa
nangyari ngunit dahil sa pagtataboy sa kaniyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi
sa mga tulisan.
_____________________________6. Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at
asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin. Siya rin ang ama ni Sinang.
_____________________________7. Isa sa mga nagging kapitan ng bayan ng San Diego na nagging
kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa.
_____________________________8. Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara.
_____________________________9. Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang
pagsasama ng kaniyang kabiyak na si kapitan Tiyago ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay matapos
maisilang si Maria Clara.
_____________________________10. Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
_____________________________11. Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat
kilos ni Crisostomo Ibarra.
_____________________________12. Nakatatandang anak ni Sisa na isang sacristan at tagatugtog ng
kampana sa kumbento.
_____________________________13. Isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo
Ibarra.
_____________________________14. Iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan
ng San Diego.
_____________________________15. Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring
nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael.

B. Tukuyin kung saang kabanata matatagpuan ang mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang
sagot sa patlang.

_________________1. Handaang ginanap sa bahay ni Kapitan Tiyago.


_________________2. Natakot at nangamba si Sisa nang umuwing sugatan si Basilio.
_________________3. Napatunayan ni Ibarra at Maria Clara na ang pitong taong kanilang
paglalayo ay hindi maaaring makahadlang sa kanilang dalisay na pagmamahalan.
_________________4. Malugod na ipinakilala ni Kapitan Tiyago sa mga panauhin si Crisostomo
Ibarra.
_________________5. Napag-usapan ang alitan sa pagitan nila Padre Damaso at Ibarra.
_________________6. Ipinaagos sa ilog ang bangkay ng ama ni Ibarra, si Don Rafael.
_________________7. Pinagbintangan si Sisa sa salang pagnanakaw.
_________________8. Nagtungo si Sisa sa kumbento upang hanapin ang anak na si Sisa.
_________________9. Binagtas ng karwahe ni Ibarra ang San Gabriel at ilang sandali pa ay
tumatahak na sila sa isa sa magugulong distrito ng Maynila.
_________________10. Pinaniniwalaang mas makapangyarihan ang mga Prayle at Alperes kaysa
kay Kapitan Tiyago, Kapitan Heneral at kapitan.

C. Suriin ang ilang mahahalagang pahayag sa talahanayan na may kinalaman sa mga suliraning
kinahaharap ng mga Pilipino. Lagyan ng tsek ( ) ang hanay ng iyong sagot pagkatapos ay
magbigay ng mga patunay batay sa iyong obserbasyon at gayundin ng ilang mungkahing
solusyon kung ito ay mayroon ngang katotohanan.

Mga suliranin Patuloy pa ring Hindi na Mga patunay Mga mungkahing


nagaganap sa nagaganap sa solusyon
bansa bansa

Mataas na
pagpataw ng buwis
sa pamahalaan.
Pagsasamantala sa
kapangyarihan ng
mga taong nasa
katungkulan.

Pagsasawalang-
kibo o pananahimik
ng mga
mamamayan sa
katiwaliang
nagaganap sa
lipunan.

II. Sanaysay

Panuto: Mula sa iyong sariling pagkakaunawa, bumuo ng sanaysay tungkol sa katagang “ Mahirap
maging mahirap” . Isulat ang sagot sa likurang bahagi ng papel. 100 salita.

Pamantayan Iskor
Naipahahayag ng maayos ang saloobin 5
May kalinawan ang naisulat na sanaysay 3
Tamang balangkas/gramatika 2
Kabuuan 10

“ Lumaban ka ng patas nang sa gayo’y bandang huli’y masabi mo sa sarili mong karapat-dapat ang iyong
pagkapanalo”
- Ma’am Ali

Inihanda ni:
ALYSSA JOY R. DAPROZA

Iniwasto ni:
DOMINGO M. CABARTEJA
Principal

You might also like