You are on page 1of 2

Filipino 10

MAHABANG PAGSUSULIT

Pangalan ___________________________________ Iskor ________


Pangkat ____________________________________ Petsa________

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Pillin lamang ang titik ng tamang
sagot. Isulat sa inyong papel.

1. Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap
sa buhay ng isang sikat o tanyag na tao.
a. Parabula b. Kuwentong Katatawanan

2. Ang pamamaraan ni Mullah upang siya ay tanghalin na pinakamahusay sa larangan ng


pagpapatawa ay ang__.
a. Pamamaraang nagkukuwento ng katatawanan ngunit may kahulugan.
b. Mahilig siyang umalis ng entablado at bumabalik na lang kinabukasan.

3. Kahanga-hanga ang ipinakita ni Saadi nang nagalit sa kanya ang sultan dahil sa hindi pagyuko nang
dumaan ang hari. Ano ang katangiang ito?
a. May paninidigan b. Mataas ang tingin sa sarili

4. Ang mga pahayag ay ang kilos at galaw ni Liongo maliban sa:


a. Nagsanay nang husto kung paano kumanta.
b. Nagsanay nang husto sa pagpana at nanalo sa paligsahan.

5. Sa akdang “Maaring Lumipad ang Tao” namalas na kaisipan ay mga sumusunod maliban sa:
a. Ang konsepto ng pag-asa na makakatakas ang mga kasalukuyang naghihirap sa Aprika.
b. Naipapakita nito ang mga indibidwal na sa naghihikahos na kasama nila

6. Bukod sa Ungwana sa Tara Delta at Shangha sa Faza o ang isla ng Pate. Ano pa ang kaharian ang
pinamunuan ni Liongo ayon sa mitolohiya?
a. Ozi b. Kenya

7. Ang talinhaga o pinakapuso ng tulang “Hele ng Ina sa kanyang Panganay”


a. Ang maging mandirigma ang kanyang anak na magtatanggol sa kanyang kaaway
b. Ang ina ay nangangarap na maging matapang na mandirigma at maging pinuno ng mga
kalalakihan.

8. Sino ang persona o nagsasalita sa tulang “Hele ng Ina sa kanyang Panganay”?


a. Ang may akda b. Ang mandirigma

9. Ibaon mo na sa hukay ang kanyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. Itago b. Kalimutan

10. Ang tanikalang bakal ay sumisimbolo ng ___________________________


a. Kadena b. Kawalan ng kalayaan

11. Ano ang ipinahihiwatig ng sanaysay ni Mandela: Bayani ng Aprika at sa tulang “Hele ng Isang
Ina sa kanyang Panganay?”
a. Kalayaan at Pagbabago ang kailangan ng Africa.
b. Maging mahusay sa pakikipaglaban alang-alang sa bayan.

12. Paano ipinaglaban ni Mandela at Toby ang kanilang kauri sa binasang Sanaysay at Mitolohiya?
a. Lumaban bilang pangulo ng Africa at tinulungan ni Toby ang mga alipin na makalipad gamit ang
mahika ng paglipad ng tao.
b. Iniwan ang Timog-Africa at manirahan sa ibang bansa upang maiwasan ang madugong labanan.

13. Ang sanaysay ay naiiba sa ibang akdang tuluyan gaya ng nobela dahil ito ay
a. May karakter at pangyayari na may kaunting halo ng pagpapakatotohanan.
b. Isang komposisyon na naglalaman ng pananaw ng mga akda na nagpapahayag ang kanyang
damdamin at saloobin kaugnay ng isang paksa.

14. Kaugnay ng talumpati ni Mandela, ano ang mahihinuha mong katangian niya na kung ihahambing
kay Okonwko ng nobelang Paglisan?
a. May katangian siya kung saan isinulong niya ang mga bagay na ikabubuti ng lahat.
b. Ginagamit ang pondong pederal sa paglikha ng lehislasyon sa pagkontrol ng mga sandatang
kumbensyonal.
B. Panuto: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating binasa.
Piliin ito sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang titik lamang.

a. Pera c. Dalaga e. Deboto


b. Amerika d. Babae f. Pari

15. Bubuyog: Bulaklak : Binata: _________


16. Pilipinas:Peso : _____: Dolyar
17. Makabayan:Pamahalan : _____: Simbahan

C. Panuto: Tukuyin kung tuwirang pahayag o di-tuwirang pahayag ang mga pangungusap.
Isulat ang A kung Tuwirang Pahayag at B kung Di-tuwirang Pahayag.
_______18. Ayon sa estadistika, tumaas ang bilang ng mga teen-age pregnancy.
_______20. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring dahilan upang mas maraming tao ang magutom.
_______21. Binanggit niya sa lahat na “Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang
inaakalang maliitna kakayahan ng kapwa”.
_______22. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.”

Teoryang Pampanitikan
Panuto: Suriin ang talata at tukuyin ang pananaw/teoryang pampanitikan batay sa bahagi ng mga akdang
babasahin. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik lamang sa patlang.
a. Teoryang Realismo c. Teoryang Naturalismo e. Teoryang Historikal
b. Teoryang Eksistensyalismo d. Teoryang Romantisismo f. Teoryang Humanismo

23. Binibigyang-halaga sa __________ ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas pagtakas


mula sa realidad o katotohanan, nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan.

24. Ang ginawang desisiyon ni Okonkwo na mula sa pagiging tanyag ay nahambing lamang siya sa
isang inilibing na aso. _______

25. Ang nobelang Paglisan ay isang _________ dahil ipinakita dito ang mga nangyari sa kanilang lugar
lalo na sa mga ginawa o nangyari sa mga tao sa Nigeria.

26. Pinatunayan ni Okonkwo na naiiba siya sa kaniyang ama, pinamunuan at pinamahalaan niya ang
siyam na nayon, dahil dito siya ay nagtagumpay. Sa talatang ito, __________ ang teorya
pampanitikan ang masasalamin.

27. Ang pelikulang Dekada ’70 ay nakabase sa kwento ng isang pamilya na binubuo ng nanay, tatay at
lima nilang anak na lalaki. Natalakay dito ang mga naransan nilang pamilya sa panahon ng Batas
Militar lalo na sa mga anak. Nakabase din ito sa kung paano nagsimula at ano-ano ang mga
naranasan ng mga tao sa panahon ng Martial Law. Nangibabaw ang teoryang ______________.

Panuto: Piliin ang tamang pang-ugnay upang magkaroon ng kaisahan ang mga pangungusap sa bawat
bilang. Titik lamang ang isulat sa papel.

28. Masaya ang naging buhay ni Jojo sa bagong trabaho nito _____ sa galing at diskarte niya.
a. dahil sa b. kaya naman

29. Malapit nang bumaba ang presyo ng bigas ______ malaki na ang matitipid sa ating budget.
a. kung gayon b. nang

30. Hindi lang mga players ang nagrereklamo sa mga trash talks sa kanila ______ ang mga coaches at
pamunuan ng Philippine Basketball Association.
a. maging b. gaya ng

"Ang tagumpay ay hindi aksidente. Ito ay pagsusumikap, pagtitiyaga, pag-aaral, pag-aaral,


pagsasakripisyo, at higit sa lahat, pag-ibig sa iyong ginagawa o natututong gawin. ” - Pelé

Inihanda ni:

CATHERINE O. CERTEZA
Guro III/Tagapangulo- Kagawaran ng Filipino

#COCERTEZA042023

You might also like