You are on page 1of 4

1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 (4TH QUARTER)

PANGALAN: ________________________________________
BAITANG at SEKSIYON: ______________________________ PETSA_______________

I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. ISULAT ANG TITIK BAGO ANG BAWAT BILANG.

1. Isang obra maestro ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang
Latin na nangangahulugang ___.
a.Huwag Mo Akong Apihin
b.Huwag Mo Akong Galitin
c.Huwag Mo Akong Linlangin
d.Huwag Mo Akong Salingin
2. Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me
Tangere?
a. Iliad & Odyssey
b.Les Miserables
c.Pride & Prejudice
d.Uncle Tom’s Cabin
3. Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa kanyang
buhay.Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa kanyang kapatid na si Paciano na madalas
niyang hingan ng payo?
a.Don Rafael Ibarra
b.Kapitan Tiyago
c.Pilosopo Tasyo
d.Tinyente Guevarra
4. Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero,”ang
kwento ni Tinyente Guevarra kay Crisostomo.Alin ang kahulugan ng salitang “erehe”?
a.isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan
b.isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
c.isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
d.isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan
5. Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa?
a.pagkakakulong ng dalawang anak
b.pagkamatay ni Crispin
c.pagkawala ng dalawang anak
d.pagpaparusa kay Basilio
6. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nag-aral sa Europa at nangarap na makapagtayo
ng bahay-paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San
Diego.
a. Elias
b. Crisostomo Ibarra
c. Andeng
d. Lucas
7. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa ___.
a. GOMBURZA
b. kasintahan
c. pamilya
d. Inang Bayan
8. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV
b. Kanser
c. Dengue
d. Tuberculosis
9. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay ___.
a. mangmang
b. tamad
c. erehe
d. indiyo
10. Ito ay ang kalagayan na kung saan itinatakwil o itinitiwalag mula sa simbahang
katoliko ang isang makasalanang tao.
a. Indulgencia
b. Excomunion
c. Reverencia
d. Erehe
11. Ang paring nag-utos kay Kapitan Tiyago na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang
dibdib ni Maria Clara kay Ibarra.
a. Padre Damaso
b. Padre Martin
c. Padre Sibyla
d. Padre Salvi
2
12. Isa itong uri ng makina na walong metro ang taas at tinutukuran ng apat na
malalaking troso na pinagkabit-kabit sa tuktok ng malalaking pako. Ginagamit itong
pambuhat ng mabibigat na bagay.
a. Panghugos
b. Telegrama
c. Agnos
d. Onsa
13. Sila ang mga tauhan ng Noli Me Tangere na nagpapakita ng Kaisipang Kolonyal
(Colonial Mentality).
a. Maria Clara, Crisostomo Ibarra, Elias
b. Don Filipo, Don Saturnino, Don Rafael
c. Donya Consolacion, Donya Victorina, Kapitan Tiyago
d. Sisa, Crispin, Basilio
14. Mga taong kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego.
a. Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiyago
b. Pilosopo Tasyo at Don Filipo
c. Gobernadorcillo at Kapitan ng bayan
d. Kura paroko at Alperes
15. Ang huling pag-ibig ni Jose Rizal ay si ___.
a. Josephine Bracken
b. Leonor Rivera
c. Segunda Katigbak
d. Maria Clara
16. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere
___.
a. Paciano Rizal
b. Ferdinand Blumentritt
c. Maximo Viola
d. Valentin Ventura
17. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
a. pampolitika
b. panrelihiyon
c. panlipunan
d. pampamilya
18. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, maraming
tunggalian, at masalimuot ang mga pangyayari.
a. sanaysay
b. nobela
c. maikling kwento
d. dula
19. Kaibigang Aleman ni Rizal na pinagpaliwanagan niya ng kanyang layunin kung bakit
isinulat ang nobelang Noli Me Tangere.
a. Ferdinand Blumentritt
b. Andres Bonifacio
c. Maximo Viola
d. Valentin Ventura
20. Petsa ng kapanganakan ni Jose Rizal.
a. Hunyo 19, 1861
b. Hunyo 19, 1862
c. Hunyo 20, 1861
d. Hunyo 20, 1862
21. Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal sa Calamba, sa gulang na walang taon lamang.
a. Sa Aking mga Kabata
b. Ang Aking Huling Paalam
c. Isang Alaala ng Aking Bayan
d. Sa Kabataang Pilipino
22. Alin sa mga sumusunod na kanser ng lipunan ang HINDI ipinakita sa nobelang Noli Me
Tangere?
a. Pananakot ng mga prayle sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan.
b. Kawalang pansin sa kahalagahan ng edukasyon
c. Pang-aabuso sa mga kababaihan
d. Pagpapautang nang may patubo sa kapwa
23. Tawag sa larong pinagkakaabalahan ng mga kadalagahan at kabinataan sa lugar ng
piknik.
a. Patintero
b. Gulong ng kapalaran
c. Luksong-lubid
d. Palo Sebo
24. Ang sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara ng Noli Me
Tangere.
a. Segunda Katigbak
b. O-Sei San
c. Nelly Bousted
d. Leonor Rivera
25. Ang unang bahagi ng Noli Me Tangere ay naisulat sa taong 1884 sa bansang ___.
a. Madrid, Spain
b. Berlin, Germany
c. Paris, France
d. Tokyo, Japan
26. Pinalitan ng Mercado ang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni
Gobernador Narciso Claveria na nag-aatas na gamitin ng lahat ang mga apelyidong
Espanyol noong 1849. Ang Mercado ay nangangahulugang ___.
3
a.palengke
b.pera
c.talino
d.yaman
27. Samantalang ang apelyidong ‘Rizal’ ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang
pamilya sa bisa rin ng kautusan ni Gobernador Claveria noong 1849 na nangangahulugan
namang ___.
a.katalinuan
b.luntiang bukid
c.pagsasaka
d.palengke
28. Ang Noli Me Tangere ang binubuo ng ___ na Kabanata.
a. 34
b. 44
c. 54
d. 64
29. Alin sa mga sumusunod na elemento ng nobela ang tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari sa nobela?
a. Banghay
b. Tagpuan
c. Tema
d. Pananaw
30. Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog?
a. Alejandro G.Abadilla
b.Lope K.Santos
c.Pascual Poblete
d.Virgilio Almario

II. Tukuyin kung sinong tauhan ang nagwika ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

a.Basilio
b.Elias
c.Pilosopo Tasyo
d.Tinyente Guevarra
e. Tiya Isabel

___ 31. “Ang mga taong kinamumuhian ay hindi lamang ang mga kriminal kundi maging ang
mga may magandang kalooban.”
___ 32. “Makikiusap po ako kay Don Crisostomo Ibarra na gawin akong tagapastol ng
kanyang mga hayop at hihingi po ako ng kapirasong lupa upang sakahin.”
___ 33. “Ang pagpipyesta ay paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang .”
___ 34. “Ikinagagalak kong makilala ang anak ng itinuturing kong pinakamarangal na tao
sa bayan ng San Diego.”
___ 35. “Ang pagpapalit ng kasintahan ay hindi parang nagpapalit lamang ng damit.”

III. Kilalanin kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa
kahon.

Sisa Tinyente Alfonso Basilio

Guevarra Linares
Alperes Pia Alba Padre Salvi Gumamela
Tribunal Rosas Kapitan Nobyembre 11
Heneral
Padre Crispin Nobyembre 10 Tiya Isabel
Damaso
Don Nol Juan Kapitan Padre Martin
Tiburcio Tiyago

_______________36. Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay kaagad matapos na

maisilang niya ito.
_______________37. Mapanghusgang kurang napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod
ng matagal na panahon sa San diego.
_______________38. Sunud-sunuran sa mga prayle sa paniniwalang ang mga Kastila ay
karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga.
_______________39.Bagong kura ng San Diego na pumalit kay Padre Damaso.
_______________40.Binatang nanggaling mula sa Europa na inireretong makasal kay Maria
Clara.
_______________41.Pinuno ng mga gwardiya sibil at asawa ni Donya Consolacion.
_______________42.Tagapangasiwa sa pagpapatayo ng bahay-paaralan ni Crisostomo Ibarra.
_______________43.Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
_______________ 44.Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas na gumawa ng paraan upang
maalisan ng pagka-excomunion si Ibarra.
_______________45.Ina ni Basilio at Crispin na minalas na nakapag-asawa ng lalaking
iresponsable.
_______________46.Ang nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga
makapangyarihan at mayayaman sa bayan ng San Diego.
_______________47.Bulaklak na inihalintulad ni Pilosopo Tasyo sa pananaw ni Crisostomo
Ibarra.
4
_______________ 48. Ang sakristan na napagbintangang nagnakaw ng dalwang onsa o
halagang P32.00.
_______________ 49. Petsa kung kalian ipinagdiriwang ng taumbayan ang bisperas ng
pista sa San Diego.
_______________ 50. Kastilang napangasawa ni Doña Victorin na nagpapanggap na doktor
ng medisina at espesyalista sa lahat ng sakit.

IV. PAGSULAT
PANUTO: ISULAT ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE.(50PTS)

_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

INIHANDA NI: NINOTAHAN NI:

FELIBETH S. SALADINO ORIENTE P. BELLO

Guro sa Filipino Punongguro

You might also like