You are on page 1of 3

Palawan National School

Puerto Princesa City


Filipino Department

FILIPINO-9

Panimulang Pagtataya
Ikaapat na Markahan

Pangalan____________________________Seksyon______________Petsa_______Iskor________

PANLAHAT NA PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat aytem.
Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot.
I.Pagkuha ng impormasyon.
Piliin ang titik ng wastong sagot.

____1.Ang nobela ay nagsimula sa isang pagtitipon sa bahay ni kapitan Tiyago upang ipakita ang:
a. Ang iba’t ibang uri ng mga tao sa Maynila c.masasamang hilig ng mga Pilipino
b. Ugnayan ng mga Pilipino at mga kastila d.kapalaluan ng mga prayle
____2.Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay katulad ng Pilipinas na bukas para sa lahat ngunit sarado sa:
a. Pangangalakal at makabagong isipan c.mga taong makasarili at mapagsamantala
b. Mga taong makasarili at mapagsamantala d.mga impluwensya ng makabagong kabihasnan
____3.Ang pagsasabi ni Pari Damaso ng mangmang at pabaya ang mga indiyo ay ngangahulugang ng?
a.lubos na pagkakakilala ng pari sa mga Pilipino c.walang takot sa pagsasabi ng katotohanan
b.kawalan ng paggalang sa may handa d.pagtatakip sa sariling kapintasan
____4.Ang sagutan nina Pari Damaso at Tenyente Guevarra ay nagpapakita ng:
a.masamang ugnayan ng simbahan at pamahalaan
c.katapatan ng hari ng Espanya
b.kapangyarihan ng simbahan at kahinaan ng pamahalaan
d.matalinong pagtutunggali ng dalawang panig
____5.Ang pagkakabilanggo ni Don Rafael Ibarra ay nagpapakita ng:
a.kasamaan ng mga lihim na kaaway c.kapabayaan ang ganti sa pagmamagandang-loob
b.kawalan ng katarungan d.kataksilan ng mga dating kaibigan
____6.Si Kapitan Tiyago ay nagkaroon ng pangalan ng lipunan nang____
a.mapangasawa si Pia Alba c.manungkulan bilang gobernadorcillo
b.ipinanganak si Maria Clara d.pagsisipsip ng dugo ng mahihirap
____7.Sina Kapitan Tiyago at Don Rafael ay nagkasundong pagtaliin ang puso nina Maria Clara at Ibarra
sa dahilang:
a.mapangalagaan ang kanya-kanyang kapakanan c.pareho silang may pangalan sa lipunan
b.nag-iibigan ang dalaga’t binate d.ito’y kahilingan ng yumaong ina ng binata
____8.Hinukay ng tagapaglibing ang bangkay ni Don Rafael sapagkat?
a.siya’y kinagalitan at pinagpapalo ng kura c.ililipat sa magandang libingan
b.iniutos ito ng kura d.aayusin ang libingan
____9.Ayon kay Pilosopo Tasyo, ang pagdupikal ng kampana ay___
a.hudyat ng oras ng pagdarasal c.mapanganib kapag kumukulog
b.babala ng nagbabantang panganib d.paghahanapbuhay ng mga prayle
____10.Ang gawain ng magkapatid na Basilio at Crispin ay____?
a.agwador b.magsasaka c.sakristan d.pastol
____11. Ang ina nina Crispin at Basilio?
a.Pia Alba b.Tiya Isabel c.Donya Victoriana c.Sisa
___12.Si Basilio ay sagisag ng mga batang__?
a.mapagmahal sa ina c..tumtutol sa bisyo
b.mapangarap ng magandang kinabukasan d.may pagmamahal sa paggawa
B.Piliin ang tamang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

___13.Napatda ang lahat nang biglang sirain ni Pari Salvi ang aklat ng gulong ng kapalaran.
a.nabigla b.nagulat c.natakot d.nagalit
___14. Ang langay ng mga binibini, magulang at utusang babae ang naglalakbay patungo sa may gawing
lawa.
a.grupo b.tangkay c.puno d.kababaihan
___15.Sinaway ni Tiya Isabel ang mga kadalagahan sa kanilang pagtatawanan dahil sa nakabubulahaw ang
mga ito sa mga taong natutulog pa.
a.nakagagalit b.nakaiinis c.nakaiistorbo d.nakababanas
Pagkilala sa mga tauhan
C. Piliin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A

A. B.

___16. Siya ang pinakamayaman sa Bayan ng San Diego A.Don Rafael Ibarra

___17. Mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang B. Donya Victoriana


Inang si Donya Pia kay Pari Damaso

___18. Babaing nagpapanggap ma mestisang kastila kung kaya


Abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. C. Tenyente Guevarra

___19. Isang matapat na opisyal ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay


Kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama D. Kapitan Tiyago

___20. Kinainggitan nang labis ni Pari Damaso dahil sa yaman kung E. Maria Clara
Kung kaya’t tinaguriang erehe.

D. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang A-E

____21. Siya ang naging ama ni Don Rafael Ibarra na siyang ama ni Ibarra
____22. Dumating ang isang matandang kastila na may katatasang magsalita ng tagalog.
____23.Binili ng matandang kastila ang gubat sa mga nagpapanggap na may-ari
____24.Dumating ang isang binatang tila mestisong kastila na anak ng yumaong matanda.
____25.Di nagtagal, natagpuan ng mga pastol ang bangkay ng matanda.

E. Piliin sa kahon ang tinutukoy na kabanata sa sumusunod na talata sa ibaba.


Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Kabanata XVI Si Sisa D. Kabanata XVII Si Basilio

B. Kabanata XIV Si Tasyo Ang Baliw o Pilosopo

C. Kabanata III Ang Hapunan E. Kabanata XII Araw ng mga patay

______26.Isa-isa nang nagtungo ang mga panauhing pandangal ni Kapitan Tiyago sa hapag-kainan. Ibat
ibang reaksyon ang makikita sa kanilang mga mukha at mga kilos. Waring nasisiyahan si Pari Sibyla, at
bugnot na bugnot naman si Pari Damaso na pabarumbadong sinisikaran ang mga upuang nakaharang sa
kanyang daraanan.

______27.Nang gabing iyon, sa pagitan ng mga ikasampu at kalahati at ikalabing-isa, si Sisa’y nagsaing at
nag-ihaw ng tawilis na binili niya ng dalawang kuwalta habang naghihintay sa pagdating ng pinakamamahal
na mga anak.

______28.Sa mga sandaling ito, may dalawang lalaking naghuhukay. Ang isa ang tagapaglibing-ay
mabagal na naghuhukay;ang isa naman ay di mapalagay,nagpapawis, panay ang hithit ng sigarilyo at lura
nang lura.
Hindi mapalagay ang ikalawa dahil sariwa pa ang bangkay na hinuhukay.

______29.Sa lansangan, lagging mapapansin ang isang matandang lalaki na palakad-lakad na wari ay
walang tiyak na pupuntahan. Kilalang-kilala siya sa tawag na Don Anastacio o ang Pilosopo ng mga taong
may pinag-aralan dahil sa tayog ng kanyang kaisipan at tasyo sa mga mangmang at di nakakaunawa.

______30.Anino’y isang matanda na kung mangusap, iniisa-isa niya sa ina ang kanyang binabalak.
Makikipagkita raw siya sa bagong dating na anak ni Don Rafael upang siya’y maging tagapangalaga ng
mga hayop ni Don Crisostomo Ibarra.

You might also like