You are on page 1of 27

Balik-Aral

ANO ANG ATING TINALAKAY NA ARALIN NOONG NAGDAANG ARAW?


Bigyang pansin ang sumusunod na
mga larawan sa kasunod na slide
Gamt ang mga emoticons
Papaano kung ito ay:
Papayag ka ba?
Munting Pagsinta

Anoang inyong mahihinuha


buhat sa pamagat ng akda?
Pagbasa ng akda/Video Clip
Ipagagawa ang Gawain 4. Ayusin
Mo!

 Pahina 155. sa batayang aklat


 Isa-isahin ang mga bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang
buhay?
 Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong
merit?
 Tama bang hilingin ang bendisyon ng magulang sa pagpapasiya? Bakit?
 Anong damdamin ang nagingibabaw pagkatapos basahin ang akda?
Ipaliwanag.
Pangkatang Gawain
Ang dula ay isang uri ng panitikan na
itinatanghal sa mga tanghalan o
entablado.
Elemento ng Dula

 Iskrip - tinatwag din na kaluluwa ng isang dula


 Dayalogo - mga linyang binibitawan ng actor sa dula
 Aktor - ito ang nagsasabuhay ng mga tauhan sa isang dula. Sila ang
nagpapakita ng aksyon, damdamin at nagbibigkas ng dayalogo sa isang dula
 Tanghalan - ito ang lugar kung saan itinatanghal o ipinapalabas ang isang
dula.
 Direktor - ang direktor ang nagbibigay interpretasyon sa iskrip. Nagbibigay ng
suhestyon sa mga aktor kung paano gagampanan ang tauhan sa dula.
 Manonood - grupo ng tao sumasaksi o nanonood ng dula.
 Tema - tinatawag din itong paksa ng dula. Ito ang pinaka ideya ng isang dula
Uri ng Dula

 Komedya-Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga


tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
 Melodrama- Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na
parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang
problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang
mapanonood sa mga de seryeng palabas.
 Tragikomedya- Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya
ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa
tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y
nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang
mga bida.
Sangkap ng dula:

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring


isinaad
sa dula
2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot
ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga
pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
Eksena at tagpo:

 Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan


samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang
tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

You might also like