You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Masbate
TANQUE NATIONAL HIGH SCHOOL
Tanque, Pio V. Corpus, Masbate

FILIPINO 9
Ikatlong Markahan
Pagbibigay-puna sa Pagbigkas
ng Elehiya o Awit

GAWAING PAGKATUTO BILANG 3

Jessa L. Manatad
Guro sa Filipino

Mauricia M. Toling
Punong-Guro I

1
Gawaing Pagkatuto Bilang 3

Pangalan: ____________________________ Seksyon: ______________

Asignatura-Antas: Filipino 9 Petsa: _________________

I. Panimulang Konsepto

Isa ang pananampalataya sa dahilan kung bakit nananatiling matatag


at nagkakaisa ang lahat, sa gitna ng mga krisis na ating kinakaharap.

Bagaman may kani-kaniyang paniniwala at pananampalataya ang


bawat isa ay hindi maitatangging isa ito sa mga sandatang nagsisilbing
kalasag natin sa mga pagkakataong tayo ay humaharap sa mga pagsubok.

Sa tuwing tayo ay nagdarasal ay hindi natin nakakalimutang magpuri


at magpasalamat sa ating Diyos na Lumikha sa mga biyayang
ipinagkakaloob Niya sa atin. Kaya sa ating aralin ngayon, matututuhan mo
ang isang panitikan na tumatalakay sa pananampalataya.

Sa tulong din ng Gawaing pagkatuto na ito’y mapagtatanto mong may


mga salitang pareho lamang ang kahulugan ngunit magkakaiba ang tindi o
sidhi ng damdaming ipinahihiwatig. Alam kong nasasabik ka na, kaya tayo
na at magsimula na!

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Inaasahang pagkatapos ng araling ito, naisasagawa na ng mag-aaral
ang mga sumusunod:
A. nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o
awit (F9PD-IIIb-c-50); at
B. nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng
damdamin (F9WG-IIIb-c-53).
III. Mga Gawain

BALIKAN!

2
Bago natin palawakin ang iyong kaalaman tungkol sa dalit o himno, halika’t
magbalik-tanaw muna tayo sa paksa tungkol sa elehiya. May inihanda
akong gawain para sa iyo at natitiyak kong kayang-kaya mo ito.

#KKK (Kuwadro, Kuwento, Karanasan)

Panuto: Sa hiwalay na papel, gayahin at itala sa loob ng kuwadro ang


kuwento ng iyong karanasan o saloobin tungkol sa pagkawala ng mahal mo
sa buhay.

TUKLASIN!

Naranasan mo na bang mawalan ng isang matalik na kaibigan?


Gaano ito kasakit at kahirap para sa iyo?

Panuto: Basahin ang halimbawa ng elehiya at sagutin ang mga


katanungang may kaugnayan dito sa hiwalay na papel.

Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan


Ni April Joyce A. Bagaybagayan

Napakabilis nang takbo ng oras


Para sa paglalakbay na ngayon ay lumipas
Para sa aking kaibigang tunay

3
na ngayon nga’y nasa hukay
Pamilya’t kaibigan mo’y labis ang lumbay

Ang naiwang alaala ng iyong matamis na ngiti


Na sa akin ngayon ay nagbibigay ng hikbi
Ang dating pagsasamang walang kasingsaya
at ang mga payo na magsisilbing paalala
Na mabuhay nang masaya sa gitna ng sakuna

Hanggang dito na nga lang ba?


Pagsasama nating dalawa
Minsan naitanong sa Diyos kung bakit ikaw pa?
Kung bakit sa libo-libong tao ay ikaw pa ang napili Niya
Wala mang makuhang kasagutan batid kong may dahilan Siya

Tila ba gumuho ang sanlibutan


Nang ikaw ay inihatid na sa iyong hantungan
Huling pagkakataong ika’y masisilayan
Pangakong kailanma’y hindi malilimutan
Paalam sa’yo mahal kong kaibigan

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa hiwalay na papel.


1. Ano ang tema ng akdang binasa?
2. Paano ipinadama ng may-akda ang kaniyang pagdadalamhati sa tula?
3. Kung ikaw ang may-akda, paano mo ipadarama ang pagmamahal mo sa
isang tao?
4. Ano ang kaibahan ng pagbigkas ng elehiya sa iba pang uri ng tula?
5. Paano nakatutulong ang mga pang-uring nagpapasidhi ng damdamin sa
pagsulat ng elehiya?

SURIIN!
Panuto: Basahin ang dalit o awit sa tulong ng magulang o
nakatatanda sa iyo na nakaaalam ng tono upang higit mo itong
maunawaan. Maaari ka ring magsaliksik nang sa gayon ay
malaman mo ang tono nito.

Ang mga Dalit kay Maria


Mula sa unang himno:
Matamis na Virgeng pinaghahandugan,
cami nangangaco naman pong
mag-alay
ng isang guirnalda bawat isang araw
at ang magdudulot yaring murang camay.

Coro:
4
Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit
sa mahal mong noo'y aming icacapit,
lubos ang pag-asa't sa iyo'y pananalig
na tatangapin mo handog na pag-ibig.
Mula sa ikalawang himno:
Halina at magsidulog
cay Mariang Ina ni Jesus
at ina ng tanang tinubos
nitong Poong Mananacop;
sintahin nati't igalang
yamang siya'y ating ina.
Coro:
Halina't tayo'y mag alay
Nang bulaclac cay Maria.
Mula sa "Dalit"
O Mariang sacdal ng dilag
dalagang lubhang mapalad,
tanging pinili sa lahat
nang Dios Haring mataas
Coro:
Itong bulaclac na alay
nang aming pagsintang tunay
palitan mo Virgeng mahal
nang toua sa calangitan.

Alam mo ba na ang akdang, ‘Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan” at


“Ang mga Dalit kay Maria” ay mga uri ng tulang liriko?

Ano ba ang pagkakatulad at pagkakaiba ng elehiya at dalit o awit?


Ang elehiya at dalit ay parehong uri ng tulang liriko na
nagpapahayag ng damdamin ng makata kung saan direktang sinasabi ng
makata sa mambabasa ang kaniyang sariling damdamin, iniisip at
persepsyon.
Ang pagkakaiba naman ng elehiya at dalit ay ang pinakapaksang
tinatalakay dito, ang elehiya ay tungkol sa pagkawala ng isang mahal sa
buhay samantalang ang dalit o awit naman ay ang pagpupuri, luwalhati,
kaligayahan, pasasalamat at pagpaparangal sa Diyos.

Tandaan na gaya ng iba pang uri ng tula, ang mga dalit o elehiya ay
may mga paraan ng pagbigkas.
Narito ang ilang mga patnubay sa tamang pagbigkas ng tula:

Mga Patnubay sa Tamang Pagbigkas ng Tula


1.Hikayat
 Masasabing malakas ang hikayat o dating sa mga manonood
kung nagagawa niyang patawanin o paiyakin ang mga
tagapakinig o manonood.
2. Tindig
5
 Ito ay ang impresyong ibinibigay ng bumibigkas sa kanyang
mga tagapakinig. Bahagi pa rin nito ay ang tindigan ng bibigkas
ng tula. Sa tayo o tikas pa lamang ng katawan ay makikita na
ang husay ng isang manunula. Ang bigat ng katawan ay dapat
nasa dalawang paa.
3. Tinig
 Isa sa mahalagang elemento sa pagbigkas ng tula ay ang
kalidad ng boses. Dapat buo, swabe, at maganda ang dating sa
nakikinig. Nakabatay sa diwa ng tula ang maaaring maging
tinig ng manunula. Posibleng ito ay pabulong o pahiyaw, ang
importante ay alam ng manunula kung kailan dapat lakasan at
hinaan ang kanyang tinig.
4. Tingin
 Isa sa mga dapat tandaan sa tuwing bumibigkas ng tula ay ang
pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood o
tagapakinig. Tinitingnan din ang pagkislap ng mata na
nagpapakita ng katapatan ng bumibigkas.
5. Himig
 Sa pagbigkas ng tula, dapat iwasan ang mistulang ibong
umaawit. Kinakailangan na ang himig ng manunula ay kahali-
halina sa pandinig.
6. Pagbigkas
 Ito ay pagpapahayag ng tula kung saan gumagamit ng wastong
diin sa pagbigkas. Malinaw ang pagsasalita at gumagamit ng
wastong pagputol.
7. Pagkumpas
 Sa bawat kumpas ng kamay ay dapat may layunin at
kinakailangang damhin ang nais ipahayag ng tula. Ang paraan
ng pagkilos at paggalaw ng tumutula mula sa paghakbang
pauna, pakaliwa o pakanan man, pagkumpas ng kamay pataas,
pababa, pakaliwa o pakanan man. Kasama rin ang paggalaw ng
ulo kung sumasang-ayon; pag-iling kung ito ay may pagtutol.

Sa pagsulat ng isang tula o awitin ay gumagamit ng mga salitang may


iisang kahulugan. Halimbawa na lamang ay ang salitang lungkot at lumbay.
Kapansin-pansin na ang dalawang salita ay may iisang ibig sabihin lamang
ngunit nagkakaiba ito sa antas o tindi ng pagpapahayag nito.
Upang mas maunawaan mo ito, basahin at unawaing mabuti ang mga
karagdagang impormasyong nasa ibaba tungkol sa pagpapasidhi ng
damdamin. Ano nga ba ang tinatawag na pagpapasidhi ng damdamin?

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng


saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Ginagamit ang
mga pang-uri o mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa
pagpapasidhi ng damdamin. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba
ng mga salitang may ugnayang magkatulad.
Tingnan ang halimbawa sa kasunod na pahina, ang salitang
paghanga ang nasa pinaka-ibabang bahagi dahil ito ang may

6
pinakamababang sidhi ng damdamin, sinundan ng salitang pagsinta na
may kaunting sidhi ang damdamin, kasunod nito ang pagliyag na may
masidhing damdamin at ang salitang pagmamahal naman ang may
pinakamasidhing damdamin.

Gayundin ang salitang inis, na may pinakamababang sidhi ng


damdamin at ang galit naman ang may pinakamatinding sidhi.

PAGYAMANIN
Masusubok na sa bahaging ito ang lahat ng iyong natutuhan.
Basahin at unawaing mabuti ang bawat panuto sa mga gawain.

Gawain 1. Binasa Mo, Puna ko


Panuto: Bigyang-puna ang nabasa o napakinggang, “Ang mga Dalit
kay Maria” batay sa paraan ng pagbigkas at ang ginamit na mga pang-uring
nagpapasidhi ng damdamin. Gamitin ang grapikong pantulong at gawin ito
sa hiwalay na papel.
Ang mga Dalit kay Maria

Mga puna sa paraan


ng pagbigkas ng tula

Ginamit na pang-uring
nagpapasidhi ng
damdamin

Gawain 2. Gamit-Salita

7
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang angkop na pang-uring may
pinakamasidhing damdamin sa loob ng panaklong. Gawin ito sa hiwalay
na papel.
1. Pagpapasidhi ng salitang “gutom”
(nagugutom, hayok na hayok, kumakalam ang sikmura)
Pangungusap: ___________________________________________________________
2. Pagpapasidhi ng salitang “mayaman”
(masagana, mariwasa, marangya)
Pangungusap: ____________________________________________________________
3. Pagpapasidhi ng salitang “mahal”
(crush kita, mahal kita, sinasamba kita)
Pangungusap: ____________________________________________________________
4. Pagpapasidhi ng salitang “takot”
(nangangatal, nanginginig, ninenerbiyos)
Pangungusap: ____________________________________________________________
5. Pagpapasidhi ng salitang “galos”
(daplis, hiwa, saksak)
Pangungusap: ____________________________________________________________
Gawain 3. Isagawa
Binabati kita! Narito ka na sa bahagi kung saan ipamamalas ang
iyong mga natutuhan. (Paalala: Kakailanganin mo rito ang tulong ng iyong
tagapangalaga o kaya naman ay nakatatandang kapatid). Handa ka na bang
maging hurado?

Tawag ng Tanghalan
Alam kong marami kang natutuhan mula sa ating aralin, kaya naman
ngayon nais kong isagawa mo ang isang pagsasanay na susukat sa iyong
kakayahan sa pagmamarka sa pagbigkas ng tula.
Panuto: Ipabigkas sa isang miyembro ng iyong pamilya o sinomang
kakilala ang akdang, “Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan na mababasa
sa pahina 3-4 sa itaas na bahagi.” Gamit ang pamantayan sa ibaba, lagyan
ng tsek (🗸) ang angkop na puntos sa kaniyang pagbigkas at gumamit ng
mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin sa pagbibigay-
puna.
Pamantayan sa Pagbigkas ng Tula
5 4 3 2
Pamantayan Puntos Puntos Puntos Puntos
Dating sa Tagapakinig
8
Nahihikayat o napupukaw
ng manunula ang
atensyon ng mga
tagapakinig
Bigkas at Tindig
Malinaw ang mga salitang
binibitawan, ang tindig ay
dapat nauuna ang kanang
paa at nakikitaan ng
kumpiyansa
Kumpas at Ekspresyon
ng Mukha
Naaayon sa diwa ng tula
ang mga kumpas o galaw
ng kamay gayondin ang
ekspresyon ng kaniyang
mukha.
Wastong gamit ng mga
pang-uring nagpapasidhi
ng damdamin
Kabuuang Puntos
Puna

IV. Rubrik sa Pagpupuntos


Sa bahaging ito naman ay mamarkahan ka ng iyong guro sa iyong
paraan ng pagbibigay ng komento o puna sa pagkakabigkas ng tula
gayondin ang paggamit mo ng mga pang-uring nagpapakita ng sidhi ng
damdamin. Narito naman ang pamantayang gagamitin sa pagmamarka sa
iyo.
Pamantayan ng Guro sa Pagkakasulat ng Puna o Komento
Puntos Wastong gamit ng mga Pang- Maayos na nailahad
uring nagpapasidhi ng ang mga komento o
Damdamin puna
5 Napakahusay sa paggamit ng Napakaayos at
mga pang-uring nagpapakita ng detalyado ang
sidhi ng damdamin sa pagkakalahad ng mga
pagbibigay ng mga komento o komento o puna
puna
4 Mahusay sa paggamit ng mga Maayos ang
pang-uring nagpapakita ng sidhi pagkakalahad ng mga
ng damdamin sa pagbibigay ng komento o puna
mga komento o puna
3 Katanggap-tanggap ang mga Hindi gaanong
pang-uring nagpapakita ng sidhi maayos ang
ng damdaming ginamit sa pagkakalahad ng mga
pagbibigay ng komento o puna komento at puna
2 Mas mapaghuhusay pa ang Kinakailangang mas
9
paggamit ng mga pang-uring mapaghusay pa ang
nagpapakita ng sidhi ng pagbibigay ng
damdaming ginamit sa komento o puna
pagbibigay ng komento o puna
1 Nangangailangan na ng tulong Nangangailangan ng
sa wastong paggamit ng mga tulong upang mas
pang-uring nagpapakita ng sidhi mapaghusay ang
ng damdamin sa pagbibigay ng paraan ng pagbibigay
komento o puna ng komento o puna

V. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Binasa Mo, Gawain


Gawain2:3:Gamit-
Isagawa
Puna ko Salita

(Ang pagmamarka ay 1.Ang kasagutan


hayok ay batay sa
na hayok
nakabatay sa mga VI. 2.ibinigay
marangyana pamantayan sa
kasagutan ng mga mag- Sanggunian 3.pagpupuntos.
sinasamba kita
aaral) 4. nangangatal
Peralta, Romulo N., 5. saksak
Lajarca, Donnabel C.,
Cariño, Eric O., Lugtu, Ma.
Aurora C., Tabora, Marygrace A., Trinidad, Jocelyn C., Molina, Sheila
C., Carpio, Lucelma O., Rivera, Julieta U., Ambat, Vilma C., Modyul 9
2016. Panitikang Asyano Modyul ng mga mag-aaral sa Filipino 9. Aralin
3.3 Elehiya., pp. 204-213.

Inihanda ni:

Jessa L. Manatad
Guro sa Filipino

10

You might also like