You are on page 1of 26

9

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 2:
Paghahatol o Pagmamatuwid
Filipino – Baitang 9
Kwarter 1 – Modyul 2: Paghahatol o Pagmamatuwid

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng


karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-
akda at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha
ang pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi
kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-
ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Aileen B. Forescal


Editor: Lovely C. Ariola
Oliver D. Merciales
Tagasuri: Nora J. Laguda
Elisa E. Rieza
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye


ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul
na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon
sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel
ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa
bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang
modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para
sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.


Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong


susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Paghahatol o Pagmamatuwid

Panimula:

Naranasan mo na ba yung nagbabasa ka


ngunit hindi mo maunawaan ang ibang ideyang
nakapaloob dito kung kaya‟t nagagawa mong bigyan
ito ng sariling pagpapakahulugan?

Nangyayari ang bagay na iyan sapagkat ikaw mismo ay nakakabuo


ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa
akda.

Hilig mo man o hindi ang pagbabasa ay tiyak na mas mapapadali


parin sa iyo ang mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito sapagkat
susubukin nito ang talas ng iyong isipan at pagdedesisyon tungkol sa
paksa.

Kaya ano pang hinihintay mo. Halika! Simulan na natin.

Sa modyul na ito, inaasahan na nabubuo


mo ang sariling paghahatol o
pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Mga Salita Kahulugan


Paghatol Pagbibigay ng pasya o desisyon
Pagmamatuwid Pagtatama
Pagbuo Pagsasaayos
Akda Babasahin

Ano ba ang alam mo na sa


ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Basahin natin.

Ang Ama
Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng


mga bata ang kanilang ama. Ang takot sa alaala ng isang lasing na
suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang
araw sa labi. Ang hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot ay sa pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa‟y iniuuwi
ng ama – malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at
gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng
ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa;
pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina
2
pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng
kaniya kaniyang parte ang lahat -kahit ito‟y sansubo lang ng
masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata
lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa
maliliit. Anim lahat ang mga bata. Ang pinakamatanda ay isang
lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito
kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng
bagay kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit.
May dalawang lalaki, kambal, nuwebe anyos, isang maliit na babae,
otso anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-
aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na
sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito -sadyang nag-uwi
ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at
masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin.
Kahit na ang ina nila‟y masayang nakiupo sa kanila at kumain ng
kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayo‟y
hindi na nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya‟y ipinapalagay
ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at
nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo‟y umaasa pa rin sila, at
kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ang ama, naninipat ang mga
matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tale
sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-
dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata‟y magsisiksikan,
takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit
sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas
iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at
kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya‟t
mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na
katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga
bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at
ninenerbiyos na pagtawa, at malakas na bulalas at pag-ungol mula
sa kanilang ama, at sila‟y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

- Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9. 17-20

3
Panuto: Batay sa kuwentong binasa. Bumuo ng sariling
paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob dito.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

O, di ba kayang-kaya mong magbigay


ng bumuo ng sariling paghahatol o
pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Basahin at unawain mo.

Ang Ama
Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga


bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok
sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa‟y iniuuwi ng ama –
malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang
totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay
napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa
mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniyakanyang parte
ang lahat – kahit ito‟y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga
pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni
katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Bakit magkahalo ang takot at pananabik ng


mga bata sa kapag naghihintay?

Tama! Magkahalo ang takot at pananabik dahil alam


nila na may dalang pagkain ang ama subalit maaaring sila ay
makatikim ng pananakit mula dito.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang


lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit
4
na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay
kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May
dalawang lalaki, kambal, nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso
anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila
ng ama ng kaluwagang-palad nito – sadyang nag-uwi ito para sa kanila
ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang
pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina
nila‟y masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti.

Ano kayang nararamdaman mag-anak ng


gabing iyon? Bakit mo nasabi?

Mahusay! Sobrang saya ng mag-anak ng gabing iyon


sapagkat marami silang kinaing pansit na dala ng kanilang
tatay.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayo‟y hindi


na nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya‟y ipinapalagay ng mga
batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng
kanilang ina. Sa kabila niyo‟y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila
paguwi sa gabi ang ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung
may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung
umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang
pagkain, at ang mga bata‟y magsisiksikan, takot na anumang ingay na
gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang
pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang
mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na
humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at
mata niyon ay mamamaga, kaya‟t mahihiya iyong lumabas upang
maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi
paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang
uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa, at malakas na
bulalas at pag-ungol mula sa kanilang ama, at sila‟y magtatanong kung
ano ang ginagawa nito.
Kung isa ka sa mga anak ano ang gagawin mo
kapag may dumadapong suntok sa mukha ng
nanay mo? Bakit?

5
Kung isa ako sa mga anak, sasawayin ko ang tatay sa
panununtok niya sa nanay kahit ako ang mapagbalingan niya.
Dahil hindi dapat sinisuntok ang asawa. Isusumbong ko siya
sa DSWD. Sapagkat pang-aabuso sa kababaihan ang
kaniyang ginagawa.

Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing
kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang
dahila‟y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang
kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay
mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti,
na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong paulit-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang
siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ng
paghiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang
pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas
siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses;
pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si
Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito‟y nakakabulahaw na sisigaw, at
kung hindi pa iyon huminto, ito‟y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din
ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang
kabuwisitan.
Sapat bang dahilan na pagbuntunan ng galit ang
mga anak? Bakit?

Hindi po dapat na pagbuntunan ng galit ang mga anak


kung may problema ang mga magulang sapagkat hindi pa
sapat ang kanilang pagkaunawa sa mga problema.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla


dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna
ng isang mahabang halinghing at di mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayong binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-
ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata
na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa
inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng
malamig na tubig.
6
Anong uring ama ang tauhan sa kuwento?
Pangatuwiran.

Isang iresponsableng ama. Sapagkat wala na siyang


inuuwing pagkain, sinasaktan pa niya ang kaniyang asawa at mga
anak.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay,


at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay
inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro
ang layo, doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na
nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa
ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang
kanilang pakikiramay, dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho.
Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa
mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang
matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di‟y nagdesisyong
kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak.
Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling
pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong
iabot sa asawa ng lalaki imbes na sa lalaki mismo.

Ano kaya ang nasa isip ng ama habang


nakamukmok ito maghapon? Patunayan

Iniisip ng ama kung ano ang kanyang nagawa at


bakit niya ito nagawa. Humihingi siya ng kapatawaran
sa kaniyang anak sapagkat hindi ito ang nararapat na
mangyari sa kaniya.

Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda
nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang
lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin. Ngayo‟y naging
napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang
ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang
dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas
na pagmamahal sa patay na bata, kaya‟t madalamhati siyang
nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!” Nakita

7
niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod – payat, maputla, at
napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na ang iba‟y lumayo na
may luha sa mga mata at bubulong-bulong, “Maaaring lasenggo nga siya
at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata.”
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka
tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na
siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo
sa asawa (na kiming iniabot naman nito agad sa kanya, tulad ng
nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi
niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na
lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kaya ito
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan.
Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote
ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong
malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang
dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita,
pero iyon ba‟y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti.
Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtalo ang
mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang
lalaki‟y biskwit; nakakita na siyang maraming kahong tulad niyon sa
tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang
babae ay kendi, y‟ong katulad ng minsa‟y ibinigay sa kanila ni Lau Soh,
na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng Nanay. Ang
kambal ay nagkasya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na
sila ano man ang laman niyon. Kaya‟t nagtalo at nanghula ang mga bata,
takot na hipuin ang yaman na walang senyas mula sa ama. Inip nilang
lumabas ito ng kanyang kuwarto.

Anong masasabi ninyo sa dating amo ng ama? Sa


ama?

Ang dating amo ng ama ay may mabuting kalooban sapagkat


ibinalik siyangmuli sa trabaho upang may maitustos sa kaniyang
pamilya.
Ang ama naman ay nagsisisi sa kaniyang nagawa sapagkat
magmula ng mailibing si Mui Mui ay nagbago na ito ng pag-
uugali.

8
Ipagpatuloy mo ang pagbasa at
sagutin ang mga tanong

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at


dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa
mga batang ilapat ang mga kamay sa pinagiinteresang yaman. Kinuha
nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na
mawala sa mata ang yaman na sa wari‟y kanila na sana, nagbulungan
ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng
ama. “Tingnan natin kung saan siya pupunta.” Nagpumilit na sumama
ang kambal, at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa
karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang
bumalik sa bahay, pero ngayo‟y nasa isang bagay lamang ang isip nito at
hindi man lang sila napuna.

Saan kaya pupunta ang ama at ano ang gagawin


niya doon?

Dinalhan niya ng kendi ang anak sa semnteryo sapagkat iyon ang


naisip niyang paraan upang patawarin siya ng kanyang anak sa
pagkamatay nito. Hindi po tama ang ginawa ng ama sapagkat hindi na
siya maririnig ng anak at hindi na rin ito makakakain ng mga kendi.
Sana sa mga anak na lang na buhay pa niya ibinigay ang mga ito.
-
- Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9. 17-20

9
Ipagpatuloy mo.

Sa paanong paraan Nakakabuo ako ng sariling


ka nakabubuo ng paghahatol o pagmamatuwid sa mga
sariling paghahatol ideyang nakapaloob sa akda sa
o pagmamatuwid sa pamamagitan ng masusing pagsusuri
mga ideyang sa mga pangyayari nito.
nakapaloob sa akda.
Ano ang kahalagahan ng
pagbubuo ng sariling
paghahatol o
pagmamatuwid sa mga
ideyang nakapaloob sa
akda?

Mahalaga ang pagbubuo ng sariling


paghahatol o pagmamatuwid sa mga
ideyang nakapaloob sa akda sapagkat sa
tulong nito ay mas nauunawaan pa natin
ang nilalaman ng akdang ating binabasa
at Malaya tayong nakakapagpahayag ng
ating saloobin ukol dito.

Yehey! Nakakabuo ka na ng sariling


paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

10
Simulan mo na ang iba’t
ibang gawain.

Basahin at unawain.
Pagsasanay 1

Panuto: Ibigay ang iyong sariling pagmamatuwid o paghatol sa mga


ideyang nakapaloob sa mga sumusunod na talatang kinuha sa binasa
mong akda.

1. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay
dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon,
pero sa natira sa kanilang nailigtas ay nagsalo-salo sila tulad sa
isang piging na alam nilang „di nila mararanasang muli.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti
siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang inilagay ng
kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa
kanya, tulad ng nararapat).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod – payat,
maputla, at napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga
kapitbahay, na ang iba‟y lumayo na may luha sa mga mata at
bubulong-bulong, “Maaaring lasenggo nga siya at iresponsable,
pero tunay na mahal niya ang bata.”
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

11
4. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman.
Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya
ng mga bata. Saan kaya ito pupunta, tanong nila. Sinundan nila
ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila
na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong


malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito
ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang
nakita, pero iyon ba‟y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang
mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Dahil madali mo lang nasagutan ang


unang pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman.
Pagsasanay 2

Basahin at unawaing mabuti.

Panuto: Bumuo ng sariling paghatol o pagmatuwid sa mga ideyang


nakapaloob sa akda. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

TALATA MULA SA AKDANG SARILING PAGHAHATOL O


BINASA PAGMAMATUWID
1. Pero pagkaraan ng dalawang
araw, si Mui Mui ay namatay, at
ang ina lamang ang
umiyak habang ang bangkay ay

12
inihahandang ilibing sa
sementeryo ng nayon may isang
kilometro ang layo, doon sa tabi ng
gulod.
2.Ilan sa taga-nayon na
nakakatanda sa sakiting bata ay
dumating upang makiramay. Sa
ama na buong araw na nakaupong
nagmumukmok ay doble ang
kanilang pakikiramay, dahil alam
nilang nawalan ito ng trabaho.
3.Nangolekta ng abuloy ang isang
babae at pilit niya itong inilagay sa
mga palad ng ama na dikawasa,
puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulang humagulgol.
4.Nang makita niya ang dati niyang
amo at marinig ang magaganda
nitong sinabi bilang
pakikiramay sa pagkamatay ng
kanyang anak, ang
lalaki ay napaiyak at kinailangang
muling libangin
5.Ngayo‟y naging napakalawak ang
kanyang awa
sa sarili bilang isang malupit na
inulilang ama na ipinaglalamay
ang wala-sapanahong pagkamatay
ng kanyang dugo at laman. Mula
sa kanyang awa sa sarili ay
bumulwak ang wagas na
pagmamahal sa patay na bata,
kaya‟t madalamhati siyang
nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui
Mui! Kaawa-awa kong anak!”

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

13
Balikan ang mga natutuhan sa
naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.
Pagsasanay

1. Nagtalo ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki‟y biskwit; nakakita na siyang maraming
kahong tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit
naman ng pinakamatandang babae ay kendi, y‟ong katulad ng
minsa‟y ibinigay sa kanila ni Lau Soh, na nakatira doon sa
malaking bahay na pinaglalabhan ng Nanay.

2. Ang kambal ay nagkasya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik;


masaya na sila ano man, ang laman niyon. Kaya‟t
nagtalo at nanghula ang mga bata, takot na hipuin ang
yaman na walang senyas mula sa ama. Inip nilang lumabas ito ng
kanyang kuwarto.

3. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at


dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na
nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-
iinteresang yaman.

4. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay.


Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na sa wari‟y
kanila na sana, nagbulungan ang dalawang
pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama.
“Tingnan natin kung saan siya pupunta.”

5. Nagpumilit na sumama ang kambal, at ang apat ay sumunod nang


malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na
makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayo‟y
nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila
napuna.

14
Panuto: Ibigay ang iyong nabuong paghahatol o pagmamatuwid sa mga
ideyang nakapaloob ayon sa naunawaan mo sa akdang binasa. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 19.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  

Ang bahaging ito ng modyul ay


susukat sa mga natutuhan mo sa loob
ng aralin. Huwag kang matakot dahil
alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

1. “Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa‟y iniuuwi ng


ama – malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at
gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng
ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-
isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na
kanina pa aali-aligid sa mesa”.

2. “Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang


lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito
kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat
ng bagay kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang
maliliit. May dalawang lalaki, kambal, nuwebe anyos, isang maliit
na babae, otso anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng

15
iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga
pinag-aagawan”.

3. “Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na


walang pagkain, at ang mga bata‟y magsisiksikan, takot na
anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina;
madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing
tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay
mamamaga, kaya‟t mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa
malalaking bahay na katabi nila”.

4. “Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla


dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay
nasa gitna ng isang mahabang halinghing at di mapatahan ng
dalawang pinakamatandang bata gayong binalaan nilang papaluin
ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa
nakangusong mukha ng bata natumalsik sa kabila ng kuwarto,
kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis
nanaglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo.
Nahimasmasan ng ina angbata sa pamamagitan ng malamig na
tubig.”

5. “Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay


madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero
mabaitna tao, na noon di‟y nagdesisyong kunin siya uli, para sa
kapakanan ng kanyang asawa at mga anak”.

Panuto: Bumuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang


nakapaloob sa talatang nagmula sa akda. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 20.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  
16
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain
at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain
Panuto: Mula sa mga nabasa, napakinggan o napanood
mong akda, o maikling kuwento, isulat mo ang nabuo mong
paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang
mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

17
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok
1. Ang ama sa kuwento ay hidi ulirang ama.
2. Sarili po niya ang inuuna at t malupit siya sa kanyang asawa at mga
anak.
3. Hindi makatuwiran sapagkat dapat po minamahal ang kanyang
asawa at mga anak at dapat po siya ang nagsisilbing haligi ng tahanan.
4.Nasabi ko po ito, dahil mas inuuna niya ang kanyang sarili. Hindi
niya iniisip kung kumain na ang kanyang mga anak at asawa.
Pagsasanay 1

1. Nais niyong ipahiwatig na sabik sa pagkain ang mga anak. Ito


ang naging saloobin ng mga bata sapagkat bihira nila itong
maranasan at ang pagkakataong iyon ay maaaring hindi na
muling maulit pa.

2. Mahihinuhang ang magiging isang mabuting ama na ito sapagkat


nagsisi na siya sa kanyang mga ginawa.

3. Ipinahiwatig nang Nakita ng ama na larawan o itsura ng anak ay


palatandaan na nagparamdam ang kaniyang anak upang
patawarin na ang kanyang ama sa mga nagawa nitong mga
pagkukulang sa kanya.

4. Patunay na ang ama ay tuluyan nang kakikitaan ng pagbabago


sa pamamagitan ng hindi niya gagastahin sa alak.

5. Ipinakita ng ama ang pagbabago sa pamamagitan ng pag-uwi


niya ng mga pagkain para sa mga anak.

18
19
Pagsasanay 2
1. Hindi dapat sinapit ni Mui mui ang maagang pagkamatay kung
naging responsable lamang ang kanyang ama.
2. Ipinadama ng mga ka-nayon na kahit masama ang ugali ng ama
ay nakiramay pa rin sila at ipinakita rin nila ang pagpapahalaga
sa tradisyong nating mga Pilipino na handang tumulong sa mga
nangangailangan.
3. Sa kabila ng kahirapan, ipinakita pa rin ang malasakit sa kapwa.
4. Nakadama ang ama ng labis na kasiyahan dahil sa narinig sa
amo kahit na siya ay hindi naging mabuting manggagawa
ipinakita pa rin sa kanya ang kabutihan at pagtulong sa kanyang
sitwasyon.
5. Nagkaroon ng realisasyon ang ama sa mga nangyari lalo na ang
pagkawala ng kanyang anak na siya rin ang naging dahilan.
Kaya siya ay nakapag-isip na magbago na at humihingi ng tawad
sa anak kahit patay na. Ipinakita niya ang pagtanggap sa
kanyang mga kamaliang
nagawa
MARKA PAMANTAYAN
10 Malinaw na malinaw na naipahayag/naisulat ang sariling
paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
sa akda
7 Malinaw na naipahayag/naisulat ang sariling paghahatol
o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
5 Bahagyang naipahayag/naisulat ang sariling paghahatol
o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
3 Hindi malinaw na naipahayag/naisulat ang sariling
paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
sa akda
Pagsasanay 3
1. Pagtatalo ng magkakapatid kung ano ang laman ng kahon sapagkat
hindi sila sanay na nagdadala ng ganito ang kanilang ama.
2. Nagpapakita na takot pa rin sila sa ama maaring dahilan ay ayaw
nilang matulad sa kapatid na si Mui mui.
3. Pananabik ng mga anak sa senyas ng ama upang matikman nila ang
dala nitong nasa supot. At pagnanasa ng mga anak sa pagkain.
4. Pag-aabang ng mga anak sa mga gagawin ng ama at pagnanasa sa
dalang pagkain ng ama.
5. Nanatili ang nararamdaman ng mga anak ang takot na masigawan
sila kapag Nakita na sila ay sumusunod sa ama.
20
Panapos na Pagsubok
1. Hindi po, dapat po ay paghati-hatian ng buong pamilya upang walang
magutom.
2. Hindi po ako sang-ayon sa mga ginawa ng kaptid na panganay
sapagkat bilang nakatatanda sila dapat ang nagpapakita ng mabuting
halimbawa sa kanyang mga kapatid.
3. Para po sa akin, hindi po tama na hinahayaan na lamang na siya ay
saktan ng kanyang asawa. Dapat siya ang maging ilaw ng tahanan
upang magabayan niya ang kanyang mga anak at sana ipaglaban niya
ang kanyang karapatan bilang babae na ayon sa batas ay hindi dapat
minamaltrato ang mga kababaihan.
4. Sana po nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mui mui at sana
po hindi niya naranasan ito sa kanyang sariling pamilya.
5. Sang-ayon po ako sa ginawa ng kanyang amo. Ipinakita po ng amo
ang pagmamalasakit sa kanyang mga tauhan kahit pa hindi naging
mabuting manggagawa. Dapat pong tularan angginawa ng amo.
PAMANTAYAN Puntos Marka sa Marka
Sarili ng
Guro
1.Makikita ang malinaw na
kahalagahan ng pagbibigay ng
sariling paghahatol o pagmamatuwid
sa mga ideyang nakapaloob sa akda
2. Taglay ng talata ang mensaheng
nakakaakit sa iba lalo na sa
kabataan upang magbigay ng
sariling paghahatol o pagmamatuwid
sa mga ideyang nakapaloob sa akda
KABUOANG MARKA
5-Napakahusay 2- Di-gaanong
Mahusay
4-Mahusay 1 – Sadyang Di- Mahusay
3- Katamtaman
21
Karagdagang Gawain
Guro ang Magwawasto
Pamantayan Puntos
Nakapagbigay ng maayos na 5
paghahatol at pagmamatuwid.
May kaisahan ang kaisipan. 5
KABUUAN 10PUNTOS
Sanggunian:

Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, Kagawaran ng Edukasyon


2014

22
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

23

You might also like