You are on page 1of 7

Pangalan:

Baitang: Pangkat: Petsa:

Tula: Kultura at Damdamin


Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula (F9PN-Ie-41)

Alamin Natin!
Biyaheng Pilipinas na naman tayo! Tuklasin natin ang ikatlong aralin sa unang
markahan tungkol sa isang akdang pampanitikan na naglalahad ng damdamin. Sa
bahaging ito, magkakaroon kayo ng pagkakataon na ipahayag ang inyong sariling damdamin sa
tatalakaying tula na mula sa Timog-Silangang Asya.

Subukin Natin!
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Ikahon ang emoticon ng wastong
sagot. Bibigyan ko kayo ng limang minuto.
1. Isang akdang pampanitikan na ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw-iw, ito ay
nangangailangan ng masusing pagpili ng salita, pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng
magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag
ng manunulat.
☺Maikling Kuwento ☺Nobela ☺Tula ☺Sanaysay
2. Sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan ang ritmo ng pag-awit, kislot ng pagsayaw, may
haplos ng pag-aalay, may lambing na panunuyo, tangis ng pamamaalam, inihain ng
pagsamba’t prusisyon at sinasalamin ang pasko’t pistang bayan. Ano ang tawag sa mga
gawaing ito?
☺Tungkulin ☺Pamumuhay ☺Paniniwala ☺Kultura
3. Kamukha mo si Paraluman
Noong tayo ay bata pa
Ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o chacha
-Huling El Bimbo ni Eraserheads-
Ano ang layon ng awit na ito?
☺Mapaglarawan ☺Mapagpanuto ☺Mapang-aliw ☺Mapang-uroy
4. “Ang iyong mayuming ngiti ang nagpapatalon ng aking puso.” Ano ang damdaming
ipinahayag ng pangungusap?
☺Pagkatakot ☺Pagkatuwa ☺Pagkagalit ☺Pagkalungkot
5. “Ang kabiguan ng anak ay kasawian din ng magulang.” Ano ang damdamin na
ipinahayag?
☺Pagkatakot ☺Pagkatuwa ☺Pagkagalit ☺Pagkalungkot

• Tapos na ang limang minuto!

• Isulat ang inyong nakuhang puntos sa loob ng hugis parisukat.

Aralin Natin!
Basahin at suriin ang tulang naglalarawan na mula sa Pilipinas.

Alam niyo ba na bahagi ng buhay natin ang kultura? Oo, ito ay nakaugat na sa
ating buhay simula’t sapol. Ito ang nagbubuklod at gumagabay sa atin bilang
mamamayan. Upang lalo nating maunawaan, ating galugarin at tuklasin ang kalagayang
panlipunan at mga kultura sa mundo ng panulaan.
KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at Buhay ng Kinabukasan
ni Pat V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan


paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.

Sagutin ang gabay na tanong.


1. Ano-ano ang panahong binanggit sa tula?
• Tama! Noon, Ngayon, at Bukas ang binanggit na panahon sa tula.
2. Isa-isahin ang kulturang Pilipino na nabanggit ng may-akda sa tula.

K •May ritmo ng pag-awit •May kislot ng pagsayaw •May


haplos ng pag-aalay •May lambing ng panunuyo
u •Tangis ng pamamaalam Noon

l
•Inihain ng pagsamba’t prusisyon •Sinasalamin ang
t
pasko’t pistang-bayan •Pinaaawit ng pasyon Ngayon
u •Pagsasabuhay ng Poon

r
• Gagalang sa mga bata’t matanda •Rerespeto sa mga
a
babae’t may kapansanan •Pagbabayanihan at Bukas
pagkakapatiran •Kasaliw ng mga awiting bayan at
katutubong sayaw •Pagsasadula’t pagbabalagtasan

• Oo, tama! Ang lahat ng nakakahong salita ay ang mga kulturang nabanggit sa tula.

3. Magbigay ng tatlong pahayag na naglalarawan sa kultura batay sa bawat panahon.


• Noon
*matuwid na landas
*gaano man kalayo
*kaunti man o marami
• Ngayon
* nag-uumapaw sa ating diwa
*nagbabanyos sa ating damdamin
*kulturang may halong sigla at tuwa
• Bukas
* mananatiling repleksyon ng kabutihan
* magkakapantay sa kalayaan at karapatan
*lahing magiting, kapuri-puri, at marangal

• Magaling! Dito natukoy ninyo ang ilang pahayag na naglalarawan sa tula.

4. Sa iyong pagsuri, paano nabuo ang layon ng tula?


*Nabuo ito sa pamamagitan ng pagbibigay paglalarawan sa kultura ng Pilipinas,
mula noon, ngayon at inaasahan sa kinabukasan.
• Oo, tama!

5. Sa iyong nabasa, naging mabisa ba ang layon ng tula?Bakit?


*Opo, naging mabisa sapagkat naipahayag at naipakita sa pamamagitan ng tula
kung gaano kahalaga ang kultura at kung paano ito bibigyang buhay upang
manatili hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na henerasyon.

• Mahusay ka sa iyong obserbasyon!

Gawin Natin!
Suriin ang pahayag mula sa taludturan ng tulang kultura. Isulat ang titik ng
wastong sagot mula sa kanang bahagi na nakatapat sa pagpipiliang sagot. Isulat
din ang sariling damdaming ayon sa Pagkatakot, Pagkatuwa, Pagkagalit, at Pagkalungkot sa
damdaming inihayag ng tula.
Bibigyan ko kayo ng pitong minuto.

Pahayag na ang Kultura Damdamin Titik Pagpipiliang Sagot


ay:
1. Sinubok ng maraming a. Pagpapahayag ng I
taon pagmamahal
2. Binhing nakatanim d. Hindi patitinag sa hamon D
ng buhay
3. Regalo ng kasalukuyan m. Buhay ang K
pananampalataya
4. Lambing ng panunuyo n. Mahalin at ipagpatuloy A
at tangis ng ang nasimulan
pamamaalam
5. Inihahain ng o. Mag-uugat at Mananatili M
pagsamba’t prusisyon sa buong pagkatao

• Tapos na?
• Ngayon iwawasto natin gamit ang susi ng pagwawasto.
• Anong salita ang nabuo natin?
Mahusay!
• Ngayon, upang higit ninyong maintindihan ang ating aralin, sagutin ang isa pang
pagsasanay.

Sanayin Natin!
Sagutin at hanapin sa crossword puzzle at bilugan ang kasagutan batay sa tulang
KULTURA ni Pat V. Villafuerte.
Limang minuto para sa pagsasanay na ito.

Katangungan: P A S K O A T P I S T A
1. Sinasalamin ng kuturang ito ang D M S L O I A K I S B N
P A A U O H H G N A A N
pagkakabuklod-buklod at mapayapang
A G M H P A U L A R N A
pagsasama. M L A D D L B N B U S H
2. Layon ng tulang Kultura B A N G A Y O N U T A I
3. Ang panahon ng tula na ang kultura ay A R A G A M N K K L A N
pinayayabong ng panahon. N A S M I O I U A U Y A
4. Ang panahon ng tula na ang kultura ay S W A W O K W N S K A Y
pagyayamanin pa ng lahi. A A A N B U K A S W B A
N N P A N A H O N N S B
5. Ang buong bansa ay naghahanda ng pagkain.
Para sa mga Pilipino, ito ang panahon ng kasiyahan.
• Tapos na ang limang minuto, iwasto ang inyong pagsasanay gamit ang susi ng
pagwawasto.
• Kung nakakuha kayo ng puntos na apat hanggang lima, naintindihan na ninyo ang ating
aralin. Ngunit kapag nakakuha kayo ng puntos na tatlo pababa, marapat na basahing muli
ang Mag-aral Tayo.

Tandaan Natin!
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap ayon sa pangkalahatang
mensahe ng aralin. Tatlong minutong pagsagot para dito.

Ang tulang (1)_______________ ay nagpapahayag ng pagpapahalaga o maaaring


pagkamuhi ng may-akda sa isang kalagayan, pook, o pangyayari. Ang halimbawa nito ay
ang tulang may pamagat na (2)_______________: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan na sinulat ni Pat V. Villafuerte, ang tula na mula
sa Pilipinas. Ang tulang ito ay nagpahayag ng (3)_______________ tungkol sa bawat kultura
na ibinahagi ng iba’t ibang panahon. Kung paano natin pinahalagahan sa nakaraan,
minahal at (4)_______________ ngayon, at payayamanin sa kinabukasan. Ang kultura na
minahal, minamahal, at (5) _______________ ng bawat Pilipino saanmang sulok ng mundo.

Suriin Natin!
Punan ang dayagram batay sa katanungan na nasa ibaba tungkol sa tulang Buhay.
Isulat sa loob ng hugis bilog ang paliwanag, isa hanggang dalawang pangungusap
lamang. Sampung minutong pagsagot.

BUHAY
ni Delsie Porras

Ang buhay ay parang paligsahan


May pangyayaring hindi mo inaasahan
Kahit anong ingat, hindi uso salitang kaligtasan
Sapagkat sa mundong ito’y walang matatakasan

Minsan di mo namalayan, kasama ka sa nahagip


Nitong hampas ng hanging problema’t pighati ang ihip
Minsan din naging dahilan ng pagkalito ng isip
Nais paniwalaan, ang lahat ay isang panaginip

Ngunit walang makakaiwas sa katotohanan


Kaya ang marapat na gawin ay iyong labanan
Ang lahat ng pagsubok na ‘yong napagdadaanan
Manalangin! upang laban ay mapagtagumpayan
Gulong ng Buhay

1 2

1.

3 4 5

Katanungan:
1. Anong damdamin ang ipinahayag ng may-akda sa tulang Buhay?
2. Ano ang iyong sariling damdamin sa damdaming ipinahayag ng may-akda?
3. Kung ikaw ay isa sa nahampas ng hanging problema’t pighati ang ihip, ano ang iyong
gagawin upang malabanan ito?
4. Naniniwala ka ba, na sa mundong ito ay hindi ka makakatakas?Bakit
5. Paano mo hinaharap ang mga pagsubok sa buhay bilang mag-aaral at bilang anak?

• Tapos na?
• Iwasto natin.
• Ngayon naman, higit pa nating payabungin ang inyong kaalaman at natutunan sa ating
aralin. Gawin ang susunod na pagsasanay.

Payabungin Natin!
Sumulat ng isang isang saknong ng tulang damdamin na may temang Pag-ibig sa
Magulang. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para sa pagsulat ng tula.

Pamagat:
Rubriks sa Pagwawasto

Kategorya 5 4 3 1
Ang tula ay may Ang tula ay may Hindi malinaw Hindi angkop ang
Nilalaman malinaw na malinaw na ang tunguhin at tunguhin at tema
tunguhin at tema tunguhin ngunit tema ng tula ng tula
hindi angkop ang
tema
Kinakailangan: Walang mali sa Mayroong kulang Mayroong kulang Hindi nasunod
•Wastong pagbabaybay , na isang na dalawang ang lahat na
baybay ng salita wasto ang gamit pangangailangan pangangailangan pangangailangan
•Wastong gamit ng bantas at sa tula sa tula ng tula
ng bantas mayroong
• Wastong Sukat wastong sukat

Puntos: ____/10

• Ang sampung minuto ay tapos na, iwasto natin gamit ang rubriks sa pagwawasto.
• Isulat sa nakalaang pagsusulatan ng nakuhang puntos ang nakuhang puntos.
• Mahusay!

Pagnilayan Natin!
Bahagi ng buhay ang ating kultura, kultura na nagsimula sa ating mga ninuno. Sila
ang bumuhay at nagregalo sa atin sa kasalukuyan at inaasahan na tayo ang
magbibigay nito bilang handog sa kinabukasan. Ang bawat kultura ay puno ng iba’t
ibang damdamin na naipahahayag lamang natin kung isinasabuhay ito nang buong puso. Kaya
bilang Pilipino na biniyayaan na maranasan ang bawat kultura ng Pilipinas, atin itong
pahalagahan at bigyang buhay na kapara ng ibinigay na buhay sa atin ng Panginoon.

Writer: Delsie L. Porras


Illustrator: Insert Name Here
Template developer: Neil Edward D. Diaz, PDO II – LRMS, Davao del Norte

Answer key to Activities (Separate Sheet)

You might also like