You are on page 1of 19

Iba’t ibang

Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng
Damdamin
Layunin nitong ipakita ang iba’t ibang ekspreyon sa
pagpapahayag ng damdamin
1. Mga pangungusap na
Padamdam- mga pangungusap na
nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Ginagamitan ito ng bantas na
tandang padamdam (!)
Mga Halimbawa:
Sandali! Sandali!
Hintay! Hintay!
Ah! Ganito ang kalagayan ninyo.
Sandali! Tigre!
Ah! Walang kuwenta!
Patawad!
2. Maikling Sambitla- mga
salitang iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Mga Halimbawa:
Ah! Wow! Ngek! Ayy! Yeheey!
3. Mga pangungusap na nagsasaad ng
tiyak na damdamin ng isang tao. Mga
pangungusap na may anyong
pasalaysay kaya’t
nahihinuhang hindi gaanong matindi
ang damdamin.
Mga halimbawa:
1. Pagkaawa: Labis na nakakaawa ang
Tigre kay bumalik ang lalaki at
tinulungan siya.
2. Pagkalungkot: “Wika ng baka, kapag
kami tumanda na pinapatay at gawing
pagkain.”
4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig
ng damdamin sa hindi diretsahan
paraan.
Mga halimbawa:
1. Naglaway ang tigre habang naglakad
paikot sa lalaki.
2. Sige Tigre, pawiin mo na ang iyong
gutom.
5. Mga salitang naglalarawan para sa
pagpapahayag ng damdamin ng tao.
Mga halimbawa:
1. Gutom na gutom na at hapong-hapo na
ang tigre.
2. Malumanay at walang ligoy na
nagsalita ang kuneho.
6. Mga patalinghagang pagpapahayag ng
damdamin o saloobin ng tao.
Mga halimbawa:
1. Tumindig ang aking balahibo nang
nakita ko ang malaking ahas.
2. Nasusunog na ang balat ko sa araw.
Pagsasanib ng Gramatika
Alam mo ba na….
Ang modal ay tinatawag na malapandiwa?
Ginagamit ang mga ito na pantulong sa pandiwang
nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay
ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad
ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang
hindi nagbabago, limitado kapag binabanghay, o
walang aspekto.
Mga Halimbawa: ibig, nais,gusto, kailangan.
Gamit ng Modal
1. Bilang Malapandiwa
Gusto niyang makaahon sa buhay.
Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.
2. Bilang panuring na may kahulugang tulad pandiwa ay
nagbibigay aral may ….
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbay na
isang pandiwang nasa anyong pawatas.
Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog
ang tigre.
(Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa
salitang makita na isang pawatas.)
Narito ang mga Uri:
1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad, at
pagkagusto
Mga halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
2. Sapilitang Pagpapatupad
Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng
Panginoon.
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-
aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya?
Puwede kang aasenso sa buhay.
Pagsasanay 3:
Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa
pangungusap. Letra lamang ang isulat sa inyong sagutang
papel.
Mga Pagpipilian:
a. Nagsasaad ng posibilidad c. Hinihinging mangyari
b. Nagsasaad ng pagnanasa d. Sapilitang mangyari
1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng Oso sa pabula.
2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano
ang mayroon ka ngayon.
4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng
pagpapahalagang ginagawa ng mga taga-Korea.
7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka
ng mabubuting asal.
8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng pilipinas at
Korea.
9. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.
Pagsulat ng talata tungkol sa paksang
“Pangarap ko, Makakamit ko ito”
Gamitin ang mga modal na napag-
aralan
PAMANTAYAN:
NILALAMAN – 5
KAAYUSAN/ KALINISAN – 5
BALARILANG GINAMIT AT MODAL - 5
Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin (F9WG-IIc-48)
Sumulat ng isang diyalogo sa pagitan
ng dalawang hayop na nag-uusap
tungkol sa kanilang kalagayan bilang
mga alaga sa bahay. Gagamit ang mga
hayop ng mga pahayag na nagpapakita
ng iba’t ibang emosyon o damdamin.

You might also like