You are on page 1of 2

Alam mo ba?

Ang dulang pantanghalan na inyong mababasa ay nagmula sa bansang Hapon, tinatawag itong
Kyogen. Ito ay marikit na dulang katatawanang isinisingit sa pagpapalabas ng Noh – isa pa ring uri ng
dulang pantanghalang may marubdob at mapwersang aksiyon.

Noh at Kyogen

• Ito ay magkasabay na umusbong noong ika-14 na siglo sa panahon ng Muromachi Period (1333-
1573).
• Sa kasalukuyan hindi mapaghihiwalay ang dalawang dulang Nooh at Kyogen na tinawag na Nogaku.
• Ang mga ito ay nagsisilbing eksklusibong palipasan o aliwan ng aristokrasya.
• Ang Kyogen ay nakatatawang pagtatanghal sa pagitan ng mga pangunahing pagtatanghal ng Noh.
• Noong 2001, idinagdag ng UNESCO ang Nogaku o tambalang Noh at Kyogen sa listahan ng
Intangible Cultural Heritage bilang Masterpiece of Oral and Intangible Heritage of Humanity.

Basahin Natin!

ANG TAGAHULI NG IBON SA IMPIYERNO


Mga Tauhan:
Yama, ang hari ng Impiyerno Mga Demonyo
Koro Kiyoyori, isang tagahuli ng ibon

Yama: Ako ang hari ng Impiyerno, si Yama! At andito ako upang dumalo sa pulong ng anim na paraan. Yai, yai,
nandiyan baa ng aking mga alalay?
Mga Demonyo: Ha! Narito kami.
Yama: Kapag may dumating na mga makasalanan, itaboy niyo sila sa Impiyerno.
Mga Demonyo: Masusunod po mahal na hari.
Kiyoyori: Lahat ng tao’y makasalanan at dahil hindi ako naiiba sa karamihan ano baa ng dapat mong ikatakot?
Ako si Kiyoyori, isang tagahuli ng ibon. Isang bantog na tagahuli sa kapatagan. Pero ang buhay ko’y
umabot na sa katapusan. Tinangay ako ng hangin ay ngayo’y naglalakbay sa kadiliman. Walang bahid ng
pait ay iniwan ko ang mundong aking kinamulatan. Tinangay ako ng aking mga paa dito sa anim na paraan.
Sa aking palagay, sa langit pa rin ako mahihimlay.
Mga Demonyo: Ha! Ha! May naaamoy akong parating na tao. Sigurado akong isa itong makasalanan at may ihaharap
na kami sa’yo Haring Yama. Mahal na Hari, ang unang makasalanan ay dumarating na.
Yama: Bilisan ninyo’t itulak kaagad siya sa Impiyerno.
Mga Demonyo: Abot-kamay lang ang impiyerno kaya halika na. ang langit ay hindi madaling marating kaya sumama
ka na. (May hihila sa kamay ni Kiyoyori ngunit manlalaban siya.) Yai! Yai! Ibang klase ito sa mga makasalanan sa balat
ng lupa. Ano baa ng pinagkakakitaan mo sa lupa?
Kiyoyori: Ako si Kiyoyori, ang kilalang tagahuli ng ibon.
Demonyo: Tagahuli ng ibon? Kumikitil ka ng buhay mula umaga hanggang gabi. Mabigat ang kasalanan mo.
Nasisiguro kong sa impiyerno ang tuloy mo.
Kiyoyori: ang katotohanan ay hindi ako kasinsama ng katulad ng iniisip ninyo. Mas makabubuti siguro kung sa langit
ninyo ako papupuntahin.
Unang Demonyo: Hindi pwede! Itanong ko muna sa Hari ang tungkol sa kaso mo. Ipagpaumanhin ninyo mahal na
hari!
Yama: Ano ang kailangan?
Unang Demonyo: Sabi ng bagong dating na makasalanan isa raw siyang tagahuli ng ibon sa kapatagan. Kaya sabi ko
sa kanya na dahil kumikitil siya ng buhay araw at gabi, nakagawa siya ng mabigat na kasalanan at karapat-dapat
lamang na pagdusahan niya ito sa Impiyerno. Pero ayaw niyang sumang-ayon at iniisip niyang hindi patas ang
panghuhusga natin sa kanya.
Yama: Dalhin mo ang makasalanan na ‘yan dito.
Kiyoyori: Susunod ako.
Demonyo: Heto na po ang makasalanang pinatawag ninyo.
Yama: Halika rito ikaw na makasalanan! Nalaman kong buong buhay mo ay ginugol mo sa panghuhuli ng ibon. Iyan
ay paglapastangan sa buhay. Ngayon din ay dapat kang mapunta sa impiyerno.
Kiyoyori: Hindi kayo nagkakamali sa tinuran ninyo tungkol sa akin, pero ipinakakain sa mga palkon ang mga ibong
hinuhuli ko. Wala naming ibang nasasaktan sa ginagawa ko.
Yama: Isang uri din ng ibon ang palkon, di ba?
Kiyoyori: Tama kayo.
Yama: Sa tingin ko ay hindi nga ganoong kabigat ang iyong kasalanan.
Kiyoyori: Mabuti naman po at umaayon kayo sa akin. Mas kasalanan naman talaga ng palkon ‘yon kaysa sa akin.
Kaya hinihiling ko pong ako’y papuntahin ninyo sa langit.
Yama: At dahil hindi pa ako nakatitikim ng ibon sapul na ako’y maging hari. Ihuli mo ako ng isa at gusto kong
matikman ngayon din. Pagkatapos ibibigay ko sa iyo ang hiling mo nang walang away.
Kiyoyori: Napakadali niyan. Manghuhuli ako ng ilang ibon ngayon at iaalay ko sa inyo.
Koro: (kakantahin) Manghuli, manghuli, kailangang manghuli at lumabas na nga sila, isang kumpol na ibon at pinukol
na ang panghuli upang sa gayon ay maihaw na at maialay sa hari ng impiyernong may kapangyarihang taglay.
Yama: Sige, sige! Titikman ko. Meri, meri! Yum, yum! Ang sarap, ibang-iba ang lasa!
Kiyoyori (sa mga demonyo): Gusto niyo bang tikman?
Mga Demonyo: Salamat, gusto namin. Hmmmmm… masarap nga.
Yama: Wala pa akong natikmang kasinsarap nito. Dahil sa napakasarap ang handog mo sa amin, maaari ka ng
bumalik sa lupa. Doo’y puwede kang manghuling muli ng mga ibon sa loob ng tatlong taon pa.
Kiyoyori: Tatanawin ko itong malaking utang na loob.
Koro: Babalik sa lupa, upang doon manghuli ng ibon. Iba’t ibang klaseng hindi makatatakas sa iyong patibong. Pero
bago siya tuluyang bumalik pinabaunan siya ng koronang sa bato ay hitik. Babalik na siya sa kapatagan at doo’y
magsisimula ng bagong buhay.

SAGUTIN NATIN!
1. Sino si Yama? Ano ang utos niya sa kanyang mga kasama?
2. Ilarawan si Kiyoyori. Ano ang kanyang pinagkakakitaan noong nabubuhay pa siya?
3. Bakit itinuturing na makasalanan si Kiyoyori?
4. Sa iyong palagay, bakit sinabi ng demonyong mas madaling magpunta sa impiyerno kaysa sa langit? May
katotohanan ba ito? Bakit?
5. Bakit sinabihan ni Yama si Kiyoyori na naiiba ang kaso niya?
6. Posible bang mangyaring hilingin ng isang yumaong pabalikin siya sa lupa at bigyan pa ng isang pagkakataon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
7. Ilahad ang iyong naramdaman habang binabasa ang maikling dula.
8. Ano ang mabuting aral na iniiwan ng dula sa mga babasa nito?

You might also like