Professional Documents
Culture Documents
Mga Tauhan:
Mga Demonyo
Koro
Yama: Ako si Yama, ang hari ng Impiyerno, dumadalo sa Pulong ng Anim na Paraan. Yai, yai, Nariyan
ba ang mga alipores ko?
Yama: Kapag may dumating na mga makasalanan, itaboy nyo sila sa Impiyerno,
Kiyoyori: Lahat ng tao'y makasalanan, at hindi ako naiiba sa karamihan. Ako si Kiyoyori, isang kilalang
manghuhuli ng ibon. Pero ang buhay ko, tulad ng lahat sa mundo'y, umabot na sa katapusan, at ako'y
tinangay ng maglalahong hangin. Papunta ako ngayon sa mundo ng kadiliman. Walang binagpris ng
pamamaalam. Walang bahid ng pagsisisi.
Tinalikuran koʻng mundong may hangganat, at habang naglalakbay ako nang walang gabay,
Abá, ita na nga ang Pulong ng Anim na Paraan ng Pamumuhay. Matapos kong mapagwari ang lahat,
gusto ko pa ring pumunta sa Langit,
Mga Demonyo: Ha! Ha! May naaamoy kaming tao. Kaya naman palá! May dumarating na makasalanan.
Ipagbibigay-alam namin kaagad ito kay Yama. Mahal na hari! Dumarating na ang unang makasalanan
Mga Demonyo: Ngayon din, mahal na hari. Halika, ikaw na makasalanan! Madaling makarating sa
Impiyerno, pero hindi sa Langit. Bilisan.mo, (Isang demonyo ang hihila kay KIYOYORI pero manlalaban
siya. Yai! Yai! Ibang klase ito sa mga makasalanan sa balát ng lupa. Ano ba'ng pinagkakakitaan mo sa
lupa?
Unang Demonyo: Manghuhuli ng ibon? Nang-aagaw ka ng buhay mula umaga hanggang gabi. Di hamak
na mabigat ang mga kasalanan mo Kailangang maitaboy ka sa Impiyerno ngayon din.
Kiyoyori: Huwag! Hindi ako kasinsama ng makasalanang pinalalabas mo Pakiusap lang, dalhin ninyo ako
sa Langit.
Filipino 9 – DULA
A.Y 2020-2021
Alma M. Dayag et al. Pinagyamang Pluma 9
Unang Demonyo: Hindi puwede! Itatanong ko muna sa Hari ang tungkol sa kaso mo, Ipagpaumanhin
ninyo mahal na hari.
Unang Demonyo: Sabi ng bagong dating na makasalanan na isa raw siyang kilalang manghuhuli ng ibon
sa lupang ibabaw. Kaya sabi ko sa kanya na dahil kumikitil siya ng buhay araw at gabi, nakagawa siya ng
mabigat na kasalanan at karapat-dapat lamang na pagdusahan niya ito sa Impiyerno. Pero nagpoprotesta
siya't ang sabi'y di makatarungan ang paghuhusga natin sa kanya. Ano'ng gagawin natin sa kanya?
Yama. Dalhin mong makasalanan na 'yan dito, Sumunod ka sa akin. Gusto kang makita ng Haring Yama.
Yama: Halika rito ikaw na makasalanan! Nagkasala ka sa tanang buhay mo sa paninilo ng mga ibon, at
tunay ngang lapastangan kang tao. Ipatataboy kaagad kita sa Impiyerno.
Kiyoyori: Hindi kayo nagkakamali sa tinuran ninyo tungkol sa akin, pero ipinakakain sa mga palkon ang
mga ibong hinuhuli ko. Wala namang seryosong nasasaktan sa ginagawa ko.
Yama: Buweno! Ibang klase ang kaso mo at naiiba rin ang basehan sa paghuhusga sa iyo. Hindi ko
maituturing na mabigat ang sala mo.
Kiyoyori: Mabuti naman po kung ganoon. Mas kasalanan naman talaga ng palkon "yon kaysa sa akin.
Yaman din lang na ganyan ang pasiya ninyo hinihiling kong ipadiretso na ninyo ako sa Langit.
Yama: Dahil ako, ang makapangyarihang hari ng Impiyerno'y hindi pa nakatitikim ng ibon, ihuli mo ako
ng isa, at gusto kong matikman ngayon din. Pagkatapos ibibigay ko sa iyo'ng hiling mo nang walang
kesyo-kesyo.
*Ora mismo mula sa gawing timog ng bundok ng kamatayan, Maraming ibong nagkukumpulan. Simbilis
ng isang iglap, pumailanlang ang manghuhuli ng ibon at maraming nasilo sa kanyang panghuli.
Kiyoyori: lihawin ko'ng mga nahuli ko para sa hari. Heto na, bagong ihaw yan. Tikman n'yo'ng isa.
Filipino 9 – DULA
A.Y 2020-2021
Alma M. Dayag et al. Pinagyamang Pluma 9
Meri, meri! Yum, yum!
Malinamnam!
Yama: Wala pa akong natikmang kasinsarap nito. Dahil sa kasiya-siya ang handog mo sa amin.
pababalikin kita sa lupa. Doo'y puwede kang manghuling muli ng mga ibon sa loob ng tatlong taon pa.
Koro: Tatlong taon pang laan para manghuli ng mga ibon! Maya, pabo, tagak, at iba pa sa loob ng tatlong
taon. Matapos mapagpasiyahan ang kanyang kaso, tumalima si Kiyoyori sa utos ni Yama na bumalik sa
daigdig. Pero bago siya tumuloy pinagkalooban rin niya si Kiyoyori ng koronang natatamnan ng mga
hiyas. Sa wakas, sumulong ang ating manghuhuli ng ibon pabalik sa mundo, upang doo'y simulan ang
ikalawang buhay.
Filipino 9 – DULA
A.Y 2020-2021
Alma M. Dayag et al. Pinagyamang Pluma 9