You are on page 1of 12

Mga Katulong sa Bahay Ni Vei Trong Phung

Salin ni Florentino A. Iniego

Inihanda ni:
Roscell D. Reyes
Guro 1
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Magbibigay ng mga pahiwatig galing sa nobela at ito ay bibigyan
ng kahulugan ng klase batay sa kanilang pang-unawa sa binasang
akda.
1. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila.
2. Buti na lamang hindi ako nag-iisa.
3. Nalungkot ako sa liwanag ng buwan.
4. Kapiling nila ang mag pusali na may alingasaw ng ipot ng
manok at tae ng tao.
5. Isang gabing tinatanglawan ng liwanag ng buwan ng
kalangitan.
Pagpapayaman
Gawain 1.8
Pasasagutan ang graphic organizer na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan, at kagandahan na napakinggan sa
nobela.
Tungkol saan ang mga pahiwatig?

Para kanino ang mga pahiwatig na


isinaad?
Tunggaliang-Tao vs. Sarili

Sa isang panitikan may mga tunggaliang nakapaloob sa isang obra.


Ang tunggaliang ito ang nagsisilbing “spice” upang maging maganda
ang takbo ng banghay.
May tunggaliang tao laban sa sarili – ito ang tunggaliang ang
kaaway ng pangunahing tauhan at ang kanyang sarili. Halimbawa ng
ganitong tunggalian ay ang:
1. Ang pagkakaroon ng tunggalian sa pagkatao (identity crisis)
2. Ang pagkakaroon ng tunggalian ng konsiyensiya (guilt feeling)
3. Tunggaliang nilalabanan ang isang Gawain o trabaho
 Ano ang naging papel ng tunggalian-tao vs. sarili
sa binasang nobela?
 Paano nito naipakita ang mga suliranin sa nobela?
 Anongmga tunggalian tao-vs. sarili ang iyong
nararanasan?
 Anoang kahalagahan ng pagkakaunawa sa mga
tunggaliaang nagaganap sa iyong sarili?
Gawain 1.9- Tunggaliang- tao vs. Sarili
 Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs.
sarili.
 Tatalakayin ang tunggaliang naganap sa sarili ng mga tauhan sa nobela.
Isusulat ang mga tunggaliang nakapaloob sa nobela batay sa pahiwatig na
binigyan ng kahulugan sa Pagpapalawak ng Talasalitaan.
Pagbibigay Opinyon
 Sa aking palagay, dapat mas pag-isipan muna ng isang tao
ang kanyang mga sasabihing salita tulad ng kanyang gawa.

 Sa tingin ko, mas ibig niya ang ube kaysa asul.

Ano ang napapansin sa mga pangungusap?

Ano ang tawag sa mga pahayag na ito?


Pagbibigay ng Opinyon
 Sa pagbibigay ng opinyon ng mga tao, gumagamit siya ng mga
pahayag tulad ng sa tingin ko, akala ko, ipinahahayag ko, palagay
ko, sa opinyon ko, at iba pang katulad upang iparating ang
kanyang pagbibigay ng opinyon.
Halimbawa:
 Maraming nasisilaw sa liwanag ng kalunsuran, siguro dahil literal
na maliwanag tuwing gabi. Sa aking opinyon, hindi naman
masamang makarating o mangarap makapunta sa kalunsuran basta
tiyakin lamang ang patutunguhan.
Saan karaniwang ginagamit ang mga pahayag na ito?
Gawain 1.10- Pagpapahayag ng
Opinyon

 Magtatanong tungkol sa opinyon ng mga mag-aaral


tungkol sa mga kasambahay na minamaltrato ng amo. Ano
ang kanilang magagawa ukol rito batay na rin sa batas ng
kasambahay? 
 Gumamit ng mga pahayag na nagpapakita ng opinion at
salungguhitan ito.

You might also like