You are on page 1of 2

1. Ano ang paksa ng binasa?

Ang paksa nito ay ang pagbabago na naganap at nagaganap ngayon at nang nakalipas
na mga taon at panahon kung saan maaaring maikumpara ang naging karakter ng mga
kababaihan na namuhay at namumuhay ngayon sa bansang Taiwan. Napalitaw dito
ang mga dinanas na pighati at sakripisyo ng mga tag-Taiwan. Ito ang naging pokus at
paksa ng salayasay at istorya ng Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang
50 Taon.
2. Ano ang layunin ng sumulat nito?
Ang layunin ng sumulat nito ay bigyang halaga ang mga babae at tratuhin sila ng tama
at pantay. Layunin nito na maipahayag sa mambabasa ang dinanas o kalagayan ng
mga kababaihan noong nakaraang 50 taon at kung ano ang naging pagbabago sa
panahon ngayon.
3. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan:
I1. "ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan
sa lipunan"
- Iniisip ng ilan na ang mga babae ay nakabababa sa mga lalaki. Kaya hindi sila
napagkakalooban minsan ng mga pribilehiyo.
2. "ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung ihahambing 50 taon
ang nakalipas"
- Higit na ipinagsasawalang bahala ang mga babae noon may kinalaman sa gawain at
trabaho. Kadalasan ng, iniiwan lang sila sa bahay.
3. "karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay halaga sa kakayahan kaysa kasarian"
- Ngayon, hindi na mahalaga ang kasarian. Sa halip, kapag ang isang gawain at
trabaho ay kaya ng isa, maaari ito sa kaniyang ipagkaloob.
4. Ano ang masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay?
Ang masasabi ko sa sanaysay na ito ay tungkol sa pagtatangol sa mga kababaihan at
tratuhin sila ng tama. Ito ay naglalahad o umiikot ang impormasyong inilalahad sa
sanaysay na may kinalaman sa Taiwan at kung ano ang pagkakapareho at pagkakaiba
ng Taiwan ngayon at nang nakalipas na 50 na taon. It ay naglalahad ng mga
impormasyon kasabay ang mga ebidensyang magpapatunay sa mga ito.
5.Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng
Silangang Asya?
Nasasalamin ito dahil sa pagbabago ng panahon mula sa makaluma hanggang sa
makabagong panahon ng teknolohiya nagbabago rin ang mga pag-uugali o tradisyon
ng mga kababaihan ng Taiwan, mula sa mahigpit nilang tradisyon noon at walang
kalayaan ngayon sa pagbabago ng panahon sila ay naging malaya nadin

You might also like