You are on page 1of 2

 Ilang videos ng tinaguriang “You do note me” girl ang patok ngayon sa mga netizens

 Nag-viral ang kaniyang mga videos sa social media dahil sa kaniyang panggagaya sa ilang
mga karakter sa Kadenang Ginto
 Kinaaliwan rin ang kaniyang mga sariling-gawa na dialogue habang ginagampanan ang role
nina Marga at Cassie
Maraming manonood ang patuloy na nag-aabang sa mainit na sagutan ng mga karakter nina Dimples
Romana at Beauty Gonzales sa programang Kadenang Ginto ng ABS-CBN.
Dahil sa sobrang pagka-hook sa programa, nagawa ng ibang mag-edit ng larawan nina Daniela at
Romina na hindi nagtagal ay nag-viral naman sa social media. Kumalat ang memes ni Daniela na
napadpad sa iba’t ibang lugar kasama ang kaniyang pulang maleta habang si Romina naman ay
kasama ang kaniyang golden apple.
Binansagan na nga itong “Kadenang Ginto effect” na mahirap nang maiwasan kapag napanood na
ang programa.
Subalit hindi lang memes at edited photos ang kinatutuwaan ng netizens sa patuloy na pag-viral ng
mga karakter sa social media.
Sa Facebook, ni-reupload ni Ryry Villacosta ang video ng isang batang babae na gumagaya sa mga
karakter ng Kadenang Ginto.
“Kadenang ginto pa more,” sabi nito sa post.
Sa video, kapansin-pansin na mag-isang umaarte ang batang babae. Gumawa ito ng eksena kung
saan nag-uusap ang mga karakter nina Andrea Brillantes (Marga) at Francine Diaz (Cassie) kasama na
rin sina Daniela at Romina. Maririnig din ang kakaibang dialogue na nagpatawa at nagpaiyak sa
netizens.
lan sa kaniyang sumikat na linya ay:
“Cassie, due note. Hindi kayo bagay ni phone stark me. Akin lang siya!”
“You do note Ims talking about!”
“You do note. Masakit sa akin. You do note lolo ko pa rin siya and daddy ko pa rin siya.”
Marami ring Facebook pages at account ang nagre-upload ng nasabing video.
___________________________________________________________________
Certified hit talaga ang “Kadenang Ginto” at lalo na ang mga eksena nito na pinagpe-piyestahan ng
netizens dahil kanya-kanya sila ng gawa ng memes na talaga namang nagba-viral.
Kamakailan lang, ang paghatak ni Daniela (Dimples Romana) ng bagahe niya ang trending online.
Ngayon naman, si “You Do Note” Girl ang pinag-uusapan.
You do not the liar is mah peyk, is da Cassie, im peyk. Hindi siya mukhang dragon,” iyan ang mga
linya ng bata sa viral video kung saan ginagaya niya ang isang confrontation scene sa KG.
Nakakatawa dahil siya na rin ang gumanap na Daniela, Margaret (Andrea Brillantes), at Cassie
(Francine Diaz)
Wala ka talagang maintindihan sa Ingles niya, kaya ang netizens ay tuwang-tuwa at gumawa pa ng
sarili nilang mga version. Sobrang sikat ang video ng batang babae, na kahit si Andrea mismo, ginaya
na ang kanyang hindi maintindihang mga linya.
Pero mukhang magkakaroon na ng career ang viral na bata dahil may fan ng KG na nag-tweet sa
direktor nito na si Jojo Saguin na gawing re-gular ang bata sa serye.
“Petition to make her part of Kadenang Ginto cast,” tweet ni @jericho-rayel na tinugunan naman ni
Jojo ng “Noted po.”
Naku ha, after ni Awra Briguela, magkakaroon na rin ulit ng viral sensation na magiging TV
star! (Dondon Sermino)

You might also like