You are on page 1of 11

Pagsusuri sa

Pelikulang

Parsyal na Kahingian sa Kursong


Mga Sining sa Bansa
Para sa Titulong Pantas ng Sining sa
Filipinolohiya
Pamantasan ng Lungsod ng
Marikina

Isinumite ni:
Bb. Shaira Ann R. Columna
Oktubre 20, 2023
Isinumi
te kay:
Dr. Erico M.
Habijan

I. PAMAGAT

II. MGA ARTISTA

PANGUNAHING ARTISTA

Jerald Napoles Althea Ruedas Ryza Cenon MC Calaquian


bilang Val Roxas bilang Mira bilang Kate bilang Whitney

SUPORTANG ARTISTA

Jao Mapa
Danita Paner Nikko Natividad Marnie Lapus
bilang Tatay ni Val bilang Julie bilang Rico bilang School Principal

Benj Manalo Nicco Manalo Jobelyn Manuel Luke Selby


bilang Mitoy bilang Jani bilang Ina ni Val bilang kasintahan ni Julie
Hurry Up
Tingson Kurt Delos Reyes Rabin Angeles
Bilang Isa sa babae ni Val bilang batang Val bilang batang Whitney

III. DIREKTOR

Si Crisanto B. Aquino ay kilala bilang

direktor sa Pilipinas. Itinuturing na

pinakamahusay na direktor sa paglikha

ng mga pelikulang nakatuon sa pamilya

at mga drama na napapanood sa

industriya sa loob ng maraming taon.

Ilan sa mga pelikulang nalikha niya ay:

2022 2019 2016

2015 2009
2007
IV. ISTORYA

Si Valentine Roxas o kilala sa palayaw na Val ay iniwan ng ina sa puder

ng kanyang ama. Nadiskubre ni Val na hindi galing sa ina niya ang natatanggap na

liham kundi galing sa ama upang hindi nito malaman na sila ay iniwan na ng kanyang

ina. Dahil sa galit, sumama siya kay Whitney (kaibigan ni Val ) sa pagluwas nito sa

Maynila. Sa pag-alis nila, ibinilin ng ama kay Whitney na ibigay ang pulseras ni Val

noong baby pa lamang siya.

Lumipas ang panahon. Siya ay naging taxi driver sa Maynila. Lahat ng

bagay sa kanya ay naging instant. Kaliwa’t kanan na iba’t ibang babae ang kanyang

nakikilala na madalas ay nakakalimot ng pangalan ng mga babaeng nakikilala niya.

Nagbago ang kanyang buhay nang maging instant daddy siya dahil iniwan sa kanya

ni Julie (isa sa naging babae ni Val) ang isang sanggol sa kanyang taxi. Noong una

ay nag-aalinlangan na tanggapin at nagnanais pang hanapin si Julie upang ibalik ang

sanggol ngunit nakaramdam siya ng ibang koneksyon sa sanggol , kalauna’y

pinangalanan nila itong Mirasol o Mira. Si Mira ang nagpabago sa pagtingin at

pananaw ni Val sa buhay. Para kay Val ay hindi instant ang lahat para kay Mira kundi

constant dahil sa panghabang buhay na pagmamahal, pag-aaruga, at pag-aalaga,

miski kumayod maghapon at magdamang ay balewala para kay Val para lamang kay

Mira, hindi niya iniinda ang pagod at anumang sama ng kanyang pakiramdam.
Naging magulo ang kanilang buhay nang bumalik si Julie upang kuhanin

si Mira. Pinatunayan ni Julie na hindi nito anak si Mira sa pamamagitan ng DNA.

Hindi pa din pumayag si Val kahit pa nalaman niyang hindi niya tunay na anak si Mira

Itinakas ni Val si Mira papunta sa kanyang probinsya at upang mapuntahan nila ang

Magic Land. Nang makarating sila sa dating bahay ay nagbalik-tanaw siya sa mga

alaala ng

kanyang pamilya noon. Kaya’t dinalaw nila ang

puntod ng kanyang ama at ipinakilala si Mira.

Sa kanilang pag-uwi sa dating bahay,

natunton na sila ni Julie kasama si Whitney.

Batid ni Val na alam na ni Julie ang kalagayan ng anak na may sakit itong aneurysm

kaya’t hinayaan na ang anak na makasama si Val.

Tinunton nila Val ang magic land upang ipakita ito kay

Mira at dito na binawian ng buhay si Mira

dahil sa kanyang sakit.

V. ELEMENTO (POKUS)

A. PRODUKSIYONG DISENYO

Ang pelikulang “ Instant Daddy” kung susuriin ay angkop ang ginamit na

disenyong pamproduksyon sapagkat nakatulong ang mga ito upang mas


mapalutang ang karakter ng bawat tauhan. Masasabing pinaghandaan at pinag-

isipan talaga ang disenyong pamproduksyon ng pelikula.

Sa eksena na kanilang ginampanan naging mahalaga ang kanilang

kasuotan sa bawat tagpo dahil ito ay nagpakita at nagpakilala sa karakter na

kanilang ginagampanan. Angkop samakatuwid ang kasuotan nila tulad na lamang

ng kasuotan ng mga karater sa probinsya, akma ang kasuotan ni Val bilang taxi

driver, ang mga makukulay na pananamit ni Mira bilang bata, ang kasuotan ni

Whitney bilang bakla, ang pagbabago ng kasuotan ni Julie noong nasa Pilipinas

pa

siya at noong galing na siya sa ibang bansa, ang pananamit ni Kate na nakasuot

ng uniporme ng guro na akma sa propesyon niya sa pelikula.

Nasa tamang kaayusan o hitsura din ang bawat karakter sa bawat

eksena na nakabatay sa bawat sitwasyon. Ang ayos ni Val na tulad ng ayos ng

simpleng taxi driver, ang pagkaputla ni Val kasabay ng pamumuong pawis niya

nang nalaman niya na namatay ang kanyang ama at ipinagpatuloy niya ang

pamamasada ng taxi, ang pustura o make-up ni Julie sa kanyang pagbabalik

galing ibang bansa, at ang pagkakatali ng buhok ni Whitney bilang tanda ng

kanyang karakter. Ang mga detalyeng ito ay nakadagdag sa kaayusan at

pagkakaroon ng magandang daloy ng bawat eksena.

Makikita rin na naging epektibo ang setting o pinangyarihan ng bawat

eksena. Ang setting sa probinsya na ginamit sa pelikula’y ipinadama sa mga

manonood ang sariwang hangin at buhay probinsya, mas naging akma pa ang
pagkaprobinsya sa ginamit na bahay na kawayan nila Val na karaniwang bahay na

makikita sa probinsya. Ang napakagandang tanawin na ginamit nila para sa

setting ng “Magic Land.” Nakakapanindig balahibo ang eksenang naganap dito

nang bawian na ng buhay si Mira kasabay nang paggamit ng High Angle Shot at

Long Shot sa pagpapakita ng kabuuan ng lugar, ang malakas na hangin na

sinasabayan pa ng background music. Nakakatulong ang lugar na ginamit upang

madala at sabayan ng manonood ang karater sa mabigat na eksenang nangyari

rito. Nakakaluha at nakaka-iyak bilang manonood.

B. ISKRENPLEY

DIYALOGO A

“Hindi mo kasi matanggap na iniwan tayo ni nanay” – Batang Val

MGA ARTISTA:

Jao Mapa bilang ama ni Val

Kurt Delos Reyes bilang Batang Val

MENSAHE:

Minsan sa buhay natin may mga bagay tayong ikinakaila, nagbubulag-

bulagan tayo sa katotohanan dahil hindi natin kayang harapin at matanggap

ang katotohanan. Sa linya ni Val na “Hindi mo kasi matanggap na iniwan tayo ni

nanay,” masakit pakinggan ito sa parte ng ama sa pelikula ang sambitin ito ng

kanyang anak dahil labis niyang mahal ang kanyang asawa. Sa parte naman ni

Val na madadamang nasasaktan. Ang kawalan ng pag-asa na hindi na babalik

ang kanyang ina at hindi na magkakaroon ng anumang ugnayan sa pagitan ng

mag-ina.
Ipinaparating lang sa atin na bilang manonood, matuto tayong harapin

ang katotohanan para makapamuhay tayo ng masaya at ipagpatuloy ang

buhay. Kapag tayo ay nabubuhay sa mga alaala at hindi natin matanggap ang

mga pangyayari sa ating buhay sa nakaraan, nakakalimutan nating mabuhay

para sa mga taong naiwan sa atin sa kasalukuyan. Magigising na lamang tayo

isang araw na nawala na ang lahat dahil nabuhay tayo sa nakaraan at

nakalimutan natin ang kasalukuyan.

DIYALOGO B

“Iniwan mo sakin yung anak mo, tapos ngayon babalik ka sasabihin mo babawin mo

siya? Ano ‘to gamit na hiniram mo? Anong iniisip mo, Julie?” – Val

MGA ARTISTA:

Jerald Napoles bilang Val

Danita Paner bilang Julie

MENSAHE:

“Iniwan mo sakin yung anak mo, tapos ngayon babalik ka sasabihin mo

babawin mo siya? Ano ‘to gamit na hiniram mo? Anong iniisip mo, Julie?”, linya

ni Val kay Julie. Sa buhay natin akala natin kapag iniwan natin ang taong mahal

natin at kapag bumalik tayo ay ganoon pa rin ang lahat. Parang isang bagay

kung ituring na kapag naiwan sa isang lugar ay maaaring pang balikan.

Bilang isang tao lalo bilang anak, kailangan nating maunawaan na kapag

bumalik tayo sa kanilang buhay ay hindi na ganoon kadali ang lahat para

muling pumasok at tanggapon sa kanilang buhay. Dapat nating malaman na


may damdamin din ang mga iniwan. Nagpatuloy sila sa buhay ng wala ka at

kailangang mong irespeto iyon bilang tao. Sa kabilang banda, lahat ng bagay

may tamang panahon, maaaring bumalik ka na hindi ka matanggap ngunit

darating ang araw na mapapatawad ka nila at maghihilom ang lahat ng sakit at

sama ng loob sa isa’t isa.

DIYALOGO C

“Mabuti kang ama, ginawa mo ngang prinsesa si Mira diba?” – Kate

MGA ARTISTA:

Jerald Napoles bilang Val

Ryza Cenon bilang Kate

MENSAHE:

Paano at saan nga ba nasusukat upang matawag kang mabuting

magulang? Bilang anak, ang isang mabuting magulang ay mapagmahal, iniisip

at ginagawa ang lahat para sa kanyang mga anak, inuuna ang anak sa halip na

kanilang sarili at marami pang dahilan. Sa linyang ito, tama ang sinabi ni Kate

kay Val, itinuring niyang prinsesa si Mira. Lahat ay ginawa nya, miski pagtakpan

si Julie upang magkaroon lamang ng magandang pagtingin si Mira sa kanyang

ina. Ipinaparating lamang sa atin bilang manonood, ang mga magulang natin

ang unang nagpaparamdam sa atin na tayo ay espesyal sa lahat. Sila ang

nagpaparamdam sa atin na tayo kanilang prinsesa o prinsipe na handang

gawin ang lahat upang makapamuhay tayo ng maayos at lumaking may takot

sa Diyos.
DIYALOGO D

“Umire ka lang! Pero ako nagpalaki, ako nag-alaga! Wala kang alam sa

paghihirap namin, wala kang alam sa nangyayari! Kaya mabuting gawin mo

bumalik ka sa pinanggalingan mo at manatling walang alam tutal iniwan mo

yung bata pinagpalit mo sa Amerika diba?” – Val

MGA ARTISTA:

Jerald Napoles bilang Val

Danita Paner bilang Julie

MENSAHE:

Ang ganitong eksena sa totoong buhay ay tipikal na nangyayari. May

mga anak na iniwan sa kanilang mga ama /ina, sa kamag-anak, o mga kakilala, o

sa kasamaang palad ay ipina-aampon kapalit ng pera at biglang na lamang

magpapakita o magbabalik na parang walang ginawa o nangyari. Dapat lamang

sabihin ito sabihin ni Val kay Julie upang malaman ni Julie na iniwan niya ang

obligasyon at responsibiladad niya kay Mira na dapat siya ang gumagawa. Bilang

manonood, ipinaparating nito sa atin bago tayo gumawa ng isa pang

responsibilidad ay paka-isipin kung handa na ba sa ganitong buhay upang hindi

nalalagay sa alanganin ang sarili nating anak. Laging tandaan na hindi pinili ng

anak na mabuhay sa mundo, bilang magulang o ina na nagluwal sa kanila sa

mundo ay dapat gampanan ang responsibilidad at obligasyon sa kanilang anak.

DIYALOGO E

“Hihilingin ko po na maging katulad niyo po ako paglaki ko po.” – Mira

MGA ARTISTA:

Jerald Napoles bilang Val


Althea Ruedas bilang Mira

MENSAHE:

Ipinaparating lang ng diyalogong ito na kapag nakikita natin na ang

magulang natin ay minamahal tayo, ipinaparamdam ang pag-aaruga, at

ipinapakita nila ang pagiging isang mabuting tao. Ang mga iyon ay nagsisilbing

pagtingin natin sa kanila. Kung maganda ang pagtingin natin sa ating magulang

ay nanaisin nating maging katulad nila. Nagiging magandang ihemplo rin sila sa

atin bilang anak. Kaya’t bilang manonood, ipinapahiwatig sa atin na lahat ay

nagsisimula sa tahanan. Ang pag-uugali at kilos ng isang anak ay nag-uugat sa

kanyang natutunan sa kanyang tahanan.

You might also like