Professional Documents
Culture Documents
(Esasahi Juwo)
Mga tauhan:
Yama, ang hari ng impyerno
Kiyoyori, isang tagahuli ng ibon
Mga demonyo
Koro
Yama: Ako ang hari ng impyerno, si Yama! At nandito ako upang dumalo sa pulong ng anim na paraan. Yai, yai, nandyan
baa ng aking mga alalay?
Ako si Kiyoyori, isang tagabuli ng ibon. Isang bantog na tagahuli sa kapatagan. Pero ang buha’y ko’y umabot nasa
sa katapusan. Tinangay ako ng bangin at ngayo’y naglalakbay sa kadiliman. Walang bahid ng pait ay iniwan ko ang
mundong aking kinamulatan. Tinangay ako ng aking mga paa dito sa anim na paraan. Sa aking palagay, sa langit pa rin
ako mahihimlay.
Mga Demonyo: Ha! Ha! May naamoy akong parating na tao. Sigurado akong isa itong makasalanan, at may ihaharap na
kami sa’yo Haring Yama. Mahal na Hari, ang unang makasalanan ay dumarating na.
Yama: Bilisan ninyo’t itulak kaagad siaya sa impyerno.
Mga Demonyo: Abot-kamay lang ang imperno kaya halika na. Ang langit ay hindi madaling marating kaya sumama ka
na.(May hihila sa kamay ni Kiyoyori ngunit manlalaban sya) Halika na. (Isang demonyo ang hihila kay kiyoyori pero
manlalaban siya) Yai! Yai! Ibang klase ito sa mga makasalanan sa balat ng lupa. Ano bang pinagkakakitaan mo sa lupa?
Kiyotori: Hindi kayo nagkakamali sa tinuran ninyo tungkol sa akin, pero ipinakakain sa mga palkon ang mga ibong
hinuhuli ko. Wala namang ibang nasasaktan sa ginagawa ko.
Yama: at dahil hindi pa ako nakakatikim ng ibon sapul na ako’y nagging hari, ihuli mo ako ng isa, at gusto kong matikman
ngayon din. Pagkatapos ibibigay ko sa iyo ang hiling mo nang walang away.
Kiyoyori: Napakadali nyan. Manghuhuli ako ng ilang ibon ngayon at iaalay ko sa inyo.
Koro: Manghuli, manghuli, kailangang manghuli at lumabas na nga sila, isang kumpol na ibon at pinukol na ang panang
panghuli upang sa gayon ay maihaw na at maialay sa hari ng impyernong may kapangyarihang taglay
Sanggunian: Baisa-Julian, A.G., Del Rosario, MG. G., Lontoc, N. S. (2017). Pinagyamang Pluma 9. Quezon City.
Phoenix Publishing House, Inc.