You are on page 1of 9

SINO ANG NAGKALOOB?

MGA TAUHAN:

HARI : DARREN PAUL T. VILLEGAS

BUNSONG PRINSESA : BIANCA NICOLE M. ORILLANEDA

PANGANAY NA PRINSESA : MA. ALYSSA BEATRICE ENDAYA

BINATA : CHARLES M. MALIGALIG

PULANG DIWATA : JENNICA T. YBALEZ

GENIE : MARK RENIER GUEVARRA

UNANG TAGAPAGSALAYSAY : ALLEXCIA S. AGUILA

IKALAWANG TAGAPAGSALAYSAY : JULIUS CEAZAR NEPALES


(may isang mayabang na hari na may dalawang anak na dalagang
napakagaganda at may busilak na kawalang- malay)

(mahal na mahal niya ang kanyang mga anak lalo na ang pinkabata dahil siya
ang pinakamaganda at pinakamahusay na magluto sa kaharian)

(tuwing umaga ay tinatanong niya ang dalawa niyang anak)

Hari : Mga mahal kong anak, sino ang nagkaloob


ng inyong kinakain?

Panganay na prinsesa : Ikaw po ama ang nagkaloob ng aming


pagkain.

(ngunit ang bunso laging tahimik, isang araw ay pinilit siya ng hari na sumagot)

Bunsong prinsesa : Ama, ang Diyos po ang nagkaloob ng lahat.


Lahat ng ating kinakain at nasa atin ay mula
sa kanya.

Hari : (galit na sisigaw) LUMAYAS KA!!


MGA KAWAL ILABAS NIYO SIYA!!

(habang ang dalaga’y nakaupo sa gubat at pinagiisipan ang kanyang sitwasyon


ay nakatulog na lamang siya bigla)
(nagising siya at nakita niya ang isang binata na tumutugtog ng plawta)

Bunsong prinsesa : Paano ka napunta dito sa gubat?

Binata : Pinapastulan ko po ang mga kalabaw ng


aking amo ngunit nawala ko ang isa at
natatakot po akong umuwi kaya tinutugtog
ko ang aking plawta para bumalik na ang
nawawalang kalabaw. Pero ikaw po
prinsesa, paano ka po napunta rito sa
gubat?

Bunsong prinsesa : Ako ay hindi rin makauwi, bakit hindi ka


maging katulong ko at sabay tayo
maghanap ng ating matitirhan.

Binata : Sige po mahal na prinsesa.

(naglakad sila hanggang makaabot sa pader ng isang siyudad at inutusan ang


binata)

Bunsong prinsesa : Hanapin mo ang pinakamayamang mag-


aalahas sa siyudad at sabihin mong isang
prinsesa ang maghihintay sa kanya sa
labas ng pader.

(nagging matagumpay ang kanilang transaksiyon at nakuha ang hinihiling ng


prinsesa)

(Sila ay patuloy na naglakbay hanggang sa matagpuan nila ang isang lugar at


nagustuhan nila)

(pinatayuan nila ito ng munting palasyo at isang araw habang sila ay


namamasyal)

Bunsong prinsesa : Ikuha mo ng ako ng tubig at ako’y mamatay


na sa uhaw.

(sumunod agad ang binate at dahil ang Diyos ang nagkaloob ay may natagpuan
siyang batis at pinuno niya ng tubig ang dala niyang tasa)

(ngunit bago siya umalis…..)

Binata : Uy ano kaya yun? (tinignan niya ang rubi at


pumulot siya ng ilan ay ibinulsa niya ito)

(makalipas ang ilang buwan ay yari na ang palasyo at sila na ay lumipat doon)

Binata : (paglalaruan ang rubi at parang may iniisip)


Binata : Kung sundan ko kaya ang batis at
titignan ko kung saan nagmula ang
mga ito. (maglalakad papuntang
batis)

(siya ay inihatid palayo ng batis at dumating siya sa isang pader na may palasyo
sa likod)

(ito ay kanyang pinasok habang gumagapang ngunit parang walang tao roon)

Binata : (may makikitang ulo ng isang babae at


dugo) (habang nanginginig sa takot siya ay
tatakbo tapos biglang matatalisod)

(ang ulo ay umugnay na sa katawan ng babae)

Binata : (natatakot) Sino ka?

Pulang Diwata : Ako ay anak ng hari ng mga diwata. Ako ay


si Lai Puri o ang Pulang Diwata, gusto ako
mapangasawa ng ay ari ng palasyong ito
na isang genie ngunit ako ay galit sa
kanya kaya ako’y kinulong niya.

Pulang Diwata : Bago siya umalis tuwing umaga ay inilalagay


niya ako sa isang mahiwagang tabla at ang ulo
ko’y matatanggal at pagbalik ng gabi ay
binubuhay niya ako muli.

(maririnig ng diwata na paparating na ang genie)

Pulang Diwata : Dali ibalik mo na sa dati ang table para ako’y


mamatay muli at magtago ka dahil galit iyon.

Genie : Nakaaamoy ako ng tao, nakaaamoy ako ng tao!!


(binuhay niya ang babae)
Sabihin mo sa akin kung nasaan ang tao at ako’y
gutom na gutom na.

Pulang Diwata : (magmamaang- maangan) Ano? Anong tao?

(mula siyang pinatay ng genie at itinuloy na ng genie ang pangangaso)

Binata : (gagapang ito palabas) Nasaan na siya?

Pulang Diwata : Siya ay umalis na ulit.

Binata : Kailangan na natin tumakas dito. Ano ba ang


kailangan ko gawin?
Pulang Diwata : Pumunta ka sa isang munting kuwartong
madilim, matatagpuan mo ang isang loro sa
isang gintong hawla. Pag nangangaso ang
genie, iniiwan niya ang kanyang kaluluwa sa
lorong iyon, at kung wala siyang kaluluwa,
mamamatay siya.

Binata : Dali, dalhin mo sa akin ang loro.

(Kadadala pa lang ng binata ng loro nang biglang ang mundo ay yumayanig ng


kulog at bagyo. Sa paglabas ng usok ay lumitaw ang genie, na halos mabaliw sa
galit.)

(Tiyak na papatayin niya ang dalawa. Ngunit mabilis na kinuha ng Pulang Diwata
ang loro mula sa hawla, at sinakal ang ibon, pagkatapos ay bumagsak sa lupa,
ang genie at namatay na parang bato.)

(Siya ay dinala sa palasyo at tinanggap siya ng prinsesa ngunit makalipas ang


panahon ay nagpasya na siyang umalis)

(Gayunman, bago umalis, nagtayo siya ng isang bagong palasyo para sa prinsesa
sa tulong ng mahiwagang tabla, at inanyayahan nila ang maraming panauhin sa
malaking handaan sa bagong palasyo.)
(Kabilang sa mga panauhin ay ang amang hari ng prinsesa. Ang prinsesa mismo
ang nagluton ng mga paboritong pagkain ng hari para sa handaang iyon.)

Hari : (iiyak)
Pulang Diwata : Ano po ang nangyari, ba’t po kayo
malungkot?

(sinabi ng hari ang dahilan)

Pulang Diwata : Pero mahal pa po ba ninyo ang


inyong anak?

Hari : Oo, ang tanging hiling ko lamang ay


makita siya bago ako mamatay.

(Bilang sagot, pumalakpak ang Pulang Diwata, at hayun! Sa harap ng hari ay


nakatayo ang prinsesa, ang kanyang nawalang anak.)

Bunsong Prinsesa at Hari : (magyayakapan)

Bunsong prinsesa : (luluhod) O, Ama kong Hari, hindi po


ba ang Diyos na mabait, ang Diyos na
mahabagin, ang siyang nagkakaloob
sa lahat ng bagay? Tignan ninyo
lahat ng ikinaloob niya samantalang
hindi man lamang ninyo matagpuan
ang isang nawawalang anak.

Hari : Oo, ang Diyos ang tunay na


nagkakaloob ng lahat.
(At ang hari at ang kanyang anak ay nabuhay na maligaya mula noon)

You might also like