Tagapagsalsay:Sa araw na ito,matutunghayan natin ang kwento tungkol sa IBONG ADARNA
(Transition) Narrator:Isang araw sa Bayan ng San Trinidad… (Transition) Mia:Oh Cara,anong ginagawa mo d’yan?*nagulat at lumapit kay cara* Cara:*tumitingin kung saan at malungkot*Gusto ko sana mag-laro kaso ‘di ako pinayagan ni mama.:<< Mia:*umakbay*ahh,alam ko na!Si Lola! Cara:Si Lola? Mia:Oo,si lola yung matandang babaeng nakatira sa… Cara&Mia:YOU KNOW NA! AHHAHAHAH*sabay*Tara!*tumakbo* Cara&Mia:LOLAAAA! Lola:Oh ano iyon mga apo? Mia:May sasabihin daw po si Cara. Cara:Anong ako?! Mira:Pwede niyo po ba kaming kwentuhan tungkol sa ibong adarna? Lola:Oh sige,maupo kayo at kunin ang aking libro. Mia:*kinuha ang libro habang si cara ay umupo* Lola:Noong unang panahon sa kaharian ng berbanya… (Transition) (Insert a picture of a castle with introduction sound) Tagapagsalsay:Noong unang panahon may isang haring hinahangaan ng lahat sa kaharian ng Berbanya sya si Haring Fernando ang butihing hari ng bayan. (Maraming taong nagta-trabaho sa paligid) (Papasok si Haring Fernando) Tatlong Babae:magandang araw po (Yuyuko sila ganon din ang hari bilang pagpapakita ng paggalang) (napapansin nya ang matandang lalaki at makikipagkamastahan) Haring Fernando:Tatay Jose (lalapit) kamusta na po? Matandang Lalaki:Maayos lang apo. (Hihina ang pagkukwentuhan ng dalawa dahil mag-uusap ang mga kakabaihan) Babae 1:S.ino ang lalaking iyan, Napakagara ng suot niya! Babae 2: Hindi mo sya kilala?!*di makapaniwala* Babae 3:Hala!Oo nga,sya kaya ang hari ng napakagandang bayan na ito. Babae 2:Tama!Alam mo, Napakabait nyang hari, wala syang pinapanigan,para sakanya pantay pantay ang lahat Kaya nga marami ang humahanga sakanya. (Mapapatigil sa pag-uusap dahil natapos na ang kwentuhan ni Haring Fernando at matanda.) Haring Fernando:Opo,mag-iingat po kayo hanggang sa muli po…*titingin sa kababaihan*Sa inyo rin mga binibini. (Babalik sa kaharian,uupo sa hapag-kainan at iinom sa kupita) (Papasok ang reyna,makikipag beso sa hari,tatayo ang hari at ipag hihila ng upuan ang reyna,ngingiti ang reyna at hahawakan ang kamay ng hari) Reyna Valeriana:Nag bunga ang ating pagmamahalan.. (Transition) Haring Fernando:Mga kababayan aming ipinapakilala ang mga naging bunga ng aming pagmamahalan.Aming ipinapapakilala ang panganay na si Don Diego: (Papasok si Don Diego na may matapang na tindig at seryosong mukha,yuyuko ng panandalian bilang tanda ng paggalang) Haring Fernando:Sumunod ay si Don Diego. (Papasok sa eksena maglalakad ng malumanay at may katamtamang tingin sa madla.Makikipag beso sa ina at yuyuko ng panandalian sa ama) Haring Fernando:At ang pinaka-bunso na si Don Juan (Papasok ang prinsipe sa mabait na paraan.Maaliwalas din ang kanyang mukha.Magmamano sya sa hari at reyna) Reyna Valeriana:Kayong tatlo’y mapapalad,paggalang at respeto ng tao’y nasa inyo na ngunit laging tatandaan na gamitin ang inyong pangalan sa tama. Don Pedro:Makaka-asa ka sa amin,ama.Aming gagawin ang aming makakaya upang matuto sa paghawag ng patalim. Don Diego:Gagamitin naming ang lakas sa tama,ama. Don Juan: ( Malambing at malumanay)kayo ay makaka-asang aming gagawin anglahat upang kay ay mapangiti. Haring Fernando:Magaling mga anak. (Lumuhod ang mga anak sa harap at inilagay ang kanang kamay na may hawak na sandata at yumuko) (Ang mga tao ay nagpalakpakan) (Transition) Voice Over:Ang tatlo’y nagpakahusay sa paghawak ng patalim.Natupad nila ang kanilang mga pangako kaya ang kanilang samahan ay tumibay na nagging sanhi ng kasiyahan sa buong kaharian. (Nagsasanay ang tatlo with sound) (Transition:Babalik kila lola) Tagapagsalaysay(Lola):Ngunit ang buhay ay hindi habang buhay kasiyahan. Isang gabi habang mahimbing na natutulog ang lahat, isang di inaasahang panaginip ang makikita ng hari sa kanyang pagtulog. Cara&Mia:Hala Lola anong nangyari?!*sabay*(Transition:Back to the topic) Haring Fernando:(Kuliglig sound effect)(Natutulog ng mahimbing ng biglang umungol)(Suspense SFX) A short re-enactment of the king’s dream: costume:all black and red backround) Misteryosong Tao 1:(Pasigaw at naiirita)ATIN NANG IWAN SI DON JUAN! Misteryosong Tao 2:(Galit at pasigaw)HINDI MAARI!(Lalapit at bubulong)Dapat ay mawala ang ebidensiyang nabuhay siya sa mundong ito!Ihulog mo na yan sa balong iyon!(Titingin palayo kay Don diego -Misteryosong tao 1 na itinuturo ang balon) Misteryosong Tao 1:(Titingin kay Don Juan na susmusuka ng Dugo)(Palihim na iiling)(Bubulong) patawarin mo ako,kapatid. Misteryosong Tao 2:(Babaling kat MT1)(Sisigaw)Kay tagal mo naming kumilos!AKo na nga ang gagawa!(Bubuhatin si Don Juan)(Ilalaglag sa balon) (Nahuhulog sound effect) (bumagsak sfx) (Intense sfx fade up) Haring Fernando:*intense sfx stopped*AaaAaaAhhHh!(Mapapabaliwas sa higaan,hingal na hingal,nanghihina dahil sa napaginipan) (Maalimpungatan ang reyna at mapapansin ang kanyang asawa) Reyna Valeriana:Mahal kong asawa,anong nangyari sa iyo?(Aalalayan ang asawa) (Bibigyan ng tubig na bigay ng katulong) (Matapos painumn mapapabaling sa katulong) Tawagin mo ang aming mga anak! Katulong:(Kakaripas ng takbo) Haring Fernando:(Tinitigan ang asawa ng nanghihina)Ang ating bunso,nasaan siya? Reyna Valeriana:Kumalma ka aking mahal.Nasa mabuting kalagayan ang anak mo. (Transition:Pepito Manaloto lilipas ang mga araw at gabi) Reyna:Oh asawa ko,labi labis na ang pag-aalala ko,ilang araw ka nang hindi kumakain at puro tubig nalang ang laman ng iyong tiyan. Hari:*Hindi nagsalita* (Transition:Fade away) Katulong:Mahal na reyna,nandito na ang ipinatawag mong mediko. Mediko:Magandang umaga mahal na reyna,ano ang maipagilingkod ko sainyo? Reyna Valeriana:Maari mo bang gamutin ang mahal na hari? Mediko:Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya*sinuri ang pulso ng hari*(Time Lapse) Reyna Valeriana:Ano nalaman mo ba kung ano ang sakit ng hari? Mediko:Pasensya na mahal na reyna ngunit hindi ko matukoy ang sakit ng mahal na hari. Reyna Valeriana:Humayo ka at ipabalita sa kapwa mo manggagamot ang kalagayan ng hari. Mediko:Masusunod,Mahal na Reyna. (Transition) Manggagamot:Magandang umaga mahal na reyna narito ako upang suriin ang karamdaman ng mahal na hari.(May dalang dahon) Reyna:Mag-umpisa ka na. Manggagamot:(inumpisahang iwagayway ang dahon sa katawan ng hari) Pasensya na Mahal na reyna ngunit hindi ko matukoy ang karamdaman ng hari. Reyna:May dahon ka pang nalalaman. (Transition:maraming dumadating na manggagamot 2x faster pero normal kapag magsasalita) “Ang sakit ng hari ay maselan” “ANg sakit ng hari ay kakaiba” “Ang sakit ng hari ay masakit” Reyna:Gagaling pa kaya ang mahal na hari?*titingin sa malayo* Don Juan:Huwag tayong mawalan ng pag-asa,ina. (Biglang may sumulpot na manggamot:Kulubot at mahina). Manggagamot:Mahal na hari, mahal na reyna,mga prinsipe.Huwag na ho kayong mag- alala pa. Alam ko po ang sagot sa sakit ng hari ay dulot ng kanyang masamang panaginip.May isang ibon na nakatira sa bundok tabor na may napakagandang tinig na siguradong magpapagaling sa inyo mahal nahari. Adarna ang kanayang pangalan.Kaya huwag nyo pong masamain kung isusuhestiyon kong ipakuha nyo na ang Adarna ngayon din para mapabilis ang inyong lagay.*titingin sa hari* Hari:M-maraming *ubo* salamat sa ‘iyo,tatay. (Aalis ang manggagamot) Hari:Prinsipe Pedro,Tumawag ka ng mga sundalo na hahanap sa ibong adarna. Diego:Mahal na hari,bilang mas nakakatandang anak mo hinihingi kop o ang inyong basbas na ako ang kukuha sa ibong adarna. Hari:Humayo ka at mag-ingat,kunin moa ng ibong adarna para sa iyong ama. Reyna:Mag-iingat ka pedro *yakap at tapik sa balikat*. Diego:Mag-iingat ka,kapatid Juan:Patnubayan ka nawa ng birhen. Pedro:Huwag kayong mag-alala.Gagawin ko ang lahat upang mahuli ang ibon. *Yuyuko,hahawak sa dibdib ikukuyom at iwawagayway sa ulo*Tumalikod at ngumisi* (Transition:Kabayong nakaharang sa screen) (Text:Pagkalipas ng dalawa’t kalahatin buwan) Don Pedro:Wala kang kwentang kabayo!!Pero di bale na pabigat kalang naman sa buhay ko, alam kong malapit na ko sa aking dapat paroroonan baka ikaw pa ang maging hadlang sa aking tagumpay (Dumaan sa iba’t ibang mga pagsubok,halos tatlong buwan bago niya marating ang bundok tabor .=Time Lapse *sumasalambitin sa puno *umaakyat sa matatayog na bagay *tumatakbo *tumatalon *hinahabo *tinatabas ang mga dahonl) (Canarem Lake:May nadaanan na matandang ketongin) (Matandang ketongin;Uugod ugod,mahaba ang balbas,maraming sugat at gulagulanit ang suot na damit.) Matandang Ketongin:Anak,Paki-usap isama mo ako sa iyong pagtawid sa ilog,napakalakas ng agos ‘di ko kayang tawirin.*Humawak sa binti ni Don Pedro* Don Pedro:*tinulak*umalis ka sa paanan ko,matandang hukluban,Hindi moba ako nakikita?Nahihirapan din akong makatawid! (Slow Motion:Habang nakaturo yung sandata) (Agad iniwanan ni Don Pedro ang matandang kawawa). (Umaakyat ng bundok si Don Pedro) Don Pedro:Pagkalipas ng tatlong buwan,sawakas ay narating ko na ang bundok tabor ang kailangan ko na lamang hanapin ay ang Bahay ng Ibong Adarna (Lilinga-linga sa paligid) (Ibon sound effects) (Hangin sfx) (Kuliglig sfx) (Palakad-lakad si Don Pedro hanggang sa…) Don Pedro:*Nagulat* A-ano itong n-nakikita ko?!T-totoo ba ito?Kung panaginip lamang ito,gisingin ako ngayon na.*Umuupo sa puno habang nagsasalita*Napaka-ganda naman ng punong ito(Ilalabas ang litrato ng ama)Mahal kong Ama,Nandito na ako at sisiguraduhin kong babalik ako sa berbanya ng dala ang ibong adarna.*hinaplos ang litrato* (Sad Piano sfx) Nguni tama ko,Ako nama’y bigyang pansin ninyo.Mahal ko kayo ngunit bakit si Don Juan lamang ang napapansin ninyo?(iiyak ngunit titigil ng mapansing tila hindi dumadapo ang mga ibon sa punong kung saan siya umupo) Don Pedro:*Tatayo*Anong meron sa punong ito?,Bakit hindi dinadapuan ng mga ibon?Kataka-takang titingin lamang sila at lalagpasan ito. Voice Over:Sa kabila ng pag-kainip at halo-halong emosyon ,SInubukang aliwin ni Don Pedro ang kanyang sarili nagbabakasakaling sa punong iyon nga nakatira ang ibon,kung minsa’y titingin sa mga sanga baka hindi namamalayan nakadapo na paa ang ibon. (Time Lapse:iikot iikot sa puno,titingin tingin sa taas,Habang umiikot ay siya ring pagbago ng oras) Don Pedro:Tila umaasa lang yata ako sa wala.Mabuti pa’y magpahinga nalang ako upang makabawi ng lakas saka ako tutuloy at maghahanap ulit bukas. Voice Over:Tila isang tukso,pagka-idlip ni Don pedro ay siya namang dating ng ibong adarna. (Edit:Dadapo ang ibon sa isang puno,ipapagaspas ang pakpak at saka kakanta ng “Hintayin mo lang” by Jolina Magdangal.Unti unti magiging bato si Don Pedro;Papalitan ng bato). (Transition:Pepito Manaloto;Pagkalipas ng dalawang taon) Babae 1:Naku,hindi na yata babalik si don pedro?! Babae 2:Ang Don Pedro mong sinisinta? Babae 1:Grabe ka naman,crush ko lang siya ang gwapo niya keshe. Babae 2:Naku,magwalis nalang tayo at itigil mo na iyang pagpapantasya mo. Babae 1:Eto naman! Mamatay-kasiyahan ka! KJ. (Transition) Reyna:Mahabaging Birhen,patnubayan niyo ho nawa si Don Pedro. Hari:Don Diego,hanapin mo si Don Pedro nawa’y makabalik kayo kasama ang ibon. Don Diego:Opo,Mahal na hari.Masusunod *Yuyuko hahawak sa dibdib at iwawagayway ang palad* Reyna Valeriana:*Titingin ng nag-aalala kay haring Fernando* (Gaya ng kay don pedro yung mga pinagdaanan niya) Matandang Ketongin:Oh mama,palimos po ng pagkain ninyo.*ipinapakita ng kamay na kahit onti lang ang maibigay* Diego:Naku pasensya na ngunit mahaba pa ang aking lalakbayin,hindi pa nga yata kasya ang mga ito *ipapakita ang dalawag tinapay*Alam niyo po ba kung saan nakatira ang ibong adarna ? Matanda:Naku diyan lamang iyan sa taas ng bundok tabor.*umaabot ng kamay;humihingi* Diego:*Kunyari magbibigay ng tinapay pero itatago ito sa supot*