You are on page 1of 5

*SCENE 1:SA BAHAY

*linis linis walis walis punas punas ng lamesa dito ang mga anak: ZEN, Marianne, AJ*

Gia: Mga anak paki-linis na mun ng bahay ha, magluluto muna ako habang wala si tatay * punta ka sa
kitchen tapos pretend ka na nagluluto*

AJ: sige po inay…

Marianne: Ano po ulam natin inay?

Gia: AY balak ko sana magluto ng adobo * tikman kunwari ang niluluto* * pretend that you are cooking
then act like may hinahanap ka na ingredient tapos wala ka pala noon* Teka lang parang kulang ito…
Zen anak lumabas ka nga muna at ibili mo ako ng suka kay Ka Alice *dumukot ng 25 pesos sa wallet*
Eto oh *iabot 25 pesos kay ZEN*

ZEN: *binitawan ang walis* ay sige po inay *lalabas kana sa bahay niyo pero hind isa pinto ng
classroom natin haha*

SCENE 2: TINDAHAN SA LABAS

*ZEN Maglakad lakad na parang beki hahaha lang u here habang may hawak na pera hanggang sa…*

*nagkasalubong ang 2 girlaloo si Lyka bestie mo dito Zen*

Lyka: Uy hi accla!!

ZEN: Uy hi girlaloo💅 *GIRLY VOICE DAPAT*

Lyka: Girlll napadaan ka dito ahhh ano meron?

Zen: ayyyy inutusan ako ni inay bumili ng suka here *GIRLY VOICE*

Lyka: ay di bagay sa’yo tehhh yung utos utusan HAHAHAHAHAH


Zen: Baliw ka talaga noh girlll? *GIRLY VOICE* ayyy bet ko ootd mo gurll shala ka talagaaa Catriona ang
peg EMZ! Isang rampa nga diyarn *Girly Voice*

Lyka: hay nako girlll

*PAREHAS TUMAWA AS IN YUNG HALAKHAK NA*

* Ayun kunting lakad lakad lang tapos kunwari nag chichika kayo tapos boom nakarating na kayo sa
tindahan kaso….*

Zen:*pa bading na lakad tapos biglang aayusin mo lakad mo nung Nakita mo yung 2 marites*
HAHAHAHAH*

*ARCEL AT NICOLE mataray dapat tapos tinitingnan niyo ng masama dito si Lyka at Zen nainom kayo ng
softdrink na nasa plastic na may straw*

Lyka: Ay Ate Alice pabili ho ng suka

Veniz: Ilan ineng?

Lyka isa lang ho

Veniz: Are ineng, 25 pesos ano pa?

Lyka: Girlaloo akina 25 mo

ZEN: SHHH wag ka maingay pre.. eto po ate *inabot 25*

Veniz: salamat! May kukunin lamang ako sa likod antay lang

Nicole: Ay bading HAHAHAHAH

Lyka: ano ho?! Mawalang galang na po ah pero wala po kayong Karapatan na sabihin yan sa kaibigan ko

Arcel: hoy babaita! Chaka chaka mo dami mo pa dada manahimik ka nalang

Nicole: AY nako mare balita na talaga dito sa looban na beki iyang bata na iyan. Bakit hindi ka naka
bestida Zen? Ay oo nga pala ma jubis ka kasi GIRL AHAHAHAAHAH*ARCEL NICOLE TATAWA MALAKAS*

Arcel: sample nga ulit sis ng lakad mo kanina, HHAHAHAHAHAH!

Nicole: Sampolan mo din nanay at tatay mo ha! Total hindi pa nila siguro alam! Surprise! HAHAHAHAH
*Naiinis na dito si Lyka gusto na niya saktan yung 2 marites*

ZEN: Teh hayaan mo na sila pabayaan mo nalang, wala lang sila magawa sa buhay nila

Nicole: Oh ano? Bakit hindi ka makalaban girlaloo? HAHHAHAHAH

Lyka: *di na talaga kinaya sa sobrang galit niya ay ..* KAPAL NG MUKHA MO *SINUGOD SI NICOLE
TAPOS SINABUTAN SIYA AYUN NAG LUPAGI ANG DALAWA SA SAHIG NAG SASABUNUTAN*

Nicole: ARGHHH ARAY YUNG REBOND KO! LUMALABAN KA PALA HA

Arcel: HUYYY BEH NAMAN YUNG FESLAK MO SISSS ANDUMI DIYANNN OMGGG

ZEN:Lyka tama na yan ano ba ?! *tinatry na awatin si Lyka at Nicole*

Lyka: ANO LALABAN KA PA?

Nicole: Malamang ikaw naghamon eh!

*cheer ka lang dito Arcel HAHHAHA*

*NAKADATING NA SI VENIZ*

Veniz: Hoi mga babaita! Wag kayo dito magsimula ng gulo sa harap ng tindahan ko! Tinatakot niyo mga
customer ko! Layas layas!! Palibhasa mga walang pinag aralan! Ano pa iniintay niyo LAYAS!

Nicole:Eto nan ga aalis na! sayo na tong tsitsirya mong basura! Kasing chaka ng face mong balhakin! Tara
na Mare

Arcel: Gora na sis, ilang hibla ng buhok naalis sayo sis

Nicole: Baliw…

*Alis na sa scene ARCEL AT NICOLE*

*ZEN TUTULUNGAN MO DITO SI LYKA TUMAYO*

ZEN: BOI! Bakit mo ba ginawa iyon? Nasaktan ka tuloy

Lyka:Hay nako maliit na bagay lang iyonn


ZEN: kung ako sayo di ko nalang pinansin mga yun! Mahahaggard lang feslak natin

Lyka: Teh haggard na nga hair ko ohhh

ZEN: HAHAHAHHA oo sis parang kang sinalpok ng 4 na kalabaw

Lyka: UY BOI ANG DALDAL MO YUNG SUKA NG INA MOOOO

ZEN: AYAN KASE MANG SABUNOT KA ULIT HA

LYKA: KILOS NA GIRL

*TAKBO NA KAYO PAUWI IKAW ZEN PA BADING PARIN DAPAT TAKBO MO PERO IIBAHIN MO LAKAD
GAGAWIN MONG PANG LALAKI PAG MALAPIT KANA SA BAHAY*

*JACOB NAKAUPO KA NA DAPAT SA PART NA ITO SA MAY HAPAGKAINAN TAPOS DAPAT PARANG GALIT
KA RIN*

*nakabantay na si GIA kay ZEN*

Gia: at bakit ang tagal mo? Naka dating na tatay mo mag mano ka muna sa kaniya… Oh Lyka andito ka
pala

*MGA ANAK: AJ, MARIANNE MAGHAYIN KAYO DITO SA PART NA TO TAPOS AYUSIN NIYO HAPAG
KAINAN*

Lyka: Hi po Tita mano po *magmano ka girlaloo*

Gia: siya sige upon a kayo doon at nakahayin na ang pagkain

ZEN: The pano na tong suka

Lyka:Pang ligo mo nalang the total maasim ka nanaman sadya HAHAHAHAHAHA

*LAPIT SA HAPAG KAINAN KAY JACOB*

Lyka: Hello po Tito mano po

Jacob Oh Lyka, kaawaan ka ng Diyos. Ineng bakit ganiyan ang buhok mo?

Lyka: ay hehe wala lang po tito mahangin lang po

ZEN: Mano po Tay- *TINABIG NI JACOB KAMAY MO*

Jacob: Huwag mo akong hawakan!

ZEN: tay bakit po? Ano po ang ginawa ko?


Jacob: ano ang akala mo sa akin? Mang mang? Alam ko ang nangyari! HUWAG MO AKO NILOLOKO

ZEN: Tay hindi po totoo iyon!


Gia: Teka anong nangyayari dito?

Jacob: IYANG ANAK MO BADING, ABA WALA AKONG ANAK NA BADING DITO! HINDI KITA PINALAKI NA
GANIYAN! SALOT KA SA LIPUNAN WALA KANG KWENTANG ANAK TUONG NAKIPAGBABAG KA PA KAYNA
NICOLE AT ARCEL HA

*IIYAK KA ZEN PATAY KA SAKIN TAMO*

Gia: Tama na iyan! Huwag mo pagsalitaan ng ganiyan si ZEN! Anak mo pa rin siya kaya tanggapin mo na
kung ano man siya

AJ:Tay, huwag po kayo magalit kay kuya tao pa rin naman po siya… kahit ano man po ang kaniyang
kasarian ang mahalaga po ay wala po siyang tinatapakan ng kapwa.

Marianne: Oo nga po Tay…

Jacob:JUSKO NAMAN PAGOD NA PAGOD AKO SA TRABAHO TAPOS GANITO ANG MADADATNAN KO!
LYKA, MATAGAL MO NA BA ITONG ALAM?

Lyka: *napa tungo ang ulo* Opo Tito…

Jacob: ARGHHHHH *Tinapon plato at baso* Hindi na ako kakain! Nawalan ako ng gana. Lalabas muna
ako at ako’y mag papahangin. *TURO MO SI ZEN BOI* At ikaw, hindi pa tayo tapos mag-uusap tayo
mamaya.

*IYAK ZEN IYAK*

Lyka: *comfort mo si ZEN* okay lang iyan girl, ang mahalaga tanggap ka namin ni Tita at ng mga kapatid
mo

ZEN: Salamat talaga Lyka at sainyo nay, AJ at Marianne. Napaka buti niyo sa akin, mahal na mahal ko
kayo sobra….

GROUP HUG!

-ANG WAKAS-

You might also like