You are on page 1of 10

Thea Toñacao II- BSCS

WF 8:30 – 10:00

ANG POLITIKAL NA DINASTIYA NG PAMILYANG DUTERTE

I. INTRODUKSYON

Kapansin-pansin ang monopolyo ng iilang pamilya sa politika ng bansa. Silang

nakatatakbo sa eleksyon ay nagmumula sa iilang pamilya lamang. Silang nakatatakbo sa halalan

ay sila ring matagal nang may kapangyarihang pampolitika at kapangyarihang pang-ekonomiya.

Ang konsentrasyong ito sa politika ay tinatawag na politikal na dinastiya.

Sa anti-political dynasty bill na inilatag ng mga kongresista ng Bayan Muna Partylist

binigyang-depinisyon ang political dynasty bilang konsentrasyon, konsolidasyon o pananatili sa

pampublikong opisina at politikal na kapangyarihan ng mga magkakapamilya o magkakamag-

anak. Kasama rito ang halinhinan o salit-salitang pagtakbo at pag-upo sa politikal na posisyon ng

mag-asawa o magkamag-anak.

Matagal nang naging katangian ng politika sa Pilipinas ang pagkakaroon ng mga dinastiya.

Ang pinagmulan ng sosyo-politikal na penomenang ito ay mula pa noong bago pa naging kolonya

ng Espanya ang bansa. Ang istruktura ng kapangyarihang ito ay tila nakabatay sa monopolyo.

Ayon sa makabayang historyador na si Renato Constantino sa kanyang aklat na The Making of a

Filipino, malalim ang ugat sa kolonyal na kasaysayan ang tumitinding politikal na monopolyo ng

iilang pamilyang Pilipino.

Natagpuan ng mga Kastilang kolonisador ang ilang indibiwal at pamilya na nagpapatakbo

ng mga naunang katutubong Austronesyanong barangay sa bansa. May mga barangay na nakatali

sa Islamikong kapangiyarihan tulad ng supra-baiirangay na pinamunuan ng raja. May mga cacique

1
at maharlika rin na namumuno sa mga tribo, clan, at iba pang naunang pormasyong etniko. May

mga datu o buyung na silang pampolitika at pang-ekonomiyang lider ng mga sinaunang barangay.

Sila ang mga itinuturing na lokal na naghaharing uri noon. Silang may monopolyo sa pera at

ekonomiya ang sila ring may monopolyo sa pamahalaan. Ayon kay Halili (2004) sa kanyang aklat

na "The Philippine History", noon pa lamang naging kaugalian na ng mga ninuno na ibigay ang

kapangyarihan sa iisang pamilya lamang. Naging tradisyon na na ang pagkapinuno ay isinasalin

lamang sa mga kadugo.

Pinatindi ito ng kolonyal na pananakop ng mga Kastila at Amerikano. Nagmula sa lokal

na naghaharing uri ang mga itinalaga o tinalagaan ng kakarampot na kolonyal na kapangyarihan

ng mga Kastila hanggang itinalaga nila ang uring principalia. Kasama ng principalia bilang lokal

na naghaharing oligarkiya sa bansa ang mga mestiso, ilustrado, mestizo-sangley, creole at

mestisong Tsino. (Constatino, 1969)

Sa pananakop ng mga kolonyalista at imperyalistang Amerikano, ang pagtataguyod ng

“pekeng demokrasya” sa pamamagitan ng suffrage o pagboto ay naging mekanismo lamang ng

mga mananakop upang lumikha ng mga “puppet” na lider at gobyerno. Pinatindi ang pagtataguyod

ng mga partido politikal na dinodomina ng mga naghaharing uri at naghaharing pamilya. Ang

mekanismong ito ay nagtitiyak ng kapangyarihan para sa iilang pamilya, iilang naghaharing uri at

sa imperyalistang pamahalaan ng Amerika. (Constatino, 1969)

Ipinagmamalaki sa kasaysayan na ang Pilipinas ang itinuturing na “unang konstitusyunal

na republika” at may “tiyak na demokrasya” sa Asya. Ngunit kung tutuusin, bagama’t may

nabuong konstitusyon ang bansa at may ehersisyo ng demokrasya tuwing halalan, lumalabas na

ang pamahalaan o pamamahala sa Pilipinas ay mas malapit sa pagiging oligarkiya.

2
Ang oligarkiya ay isang porma ng gobyerno kung saan ang kapangyarihang mamuno at

mamahala ay nasa kamay lamang ng iilang tao o dominanteng uring panlipunan. Madalas nating

marinig na kapag pinag-uusapan ang political dynasty ay hindi lamang sila iilang pamilya kundi

nagmumula ang iilang pamilya na ito sa iilang naghaharing uri sa bansa – ang mga panginoong

maylupa (haciendero, landed class, landed elite) at ang mga burgesya komprador (comprador

bourgeoisie, kapitalista, dambuhalang negosyante, monopolista). (Britannica, n.d)

Silang nasa poder ng kapangyarihang politikal ang sila ring may hawak ng malalaking

negosyo sa mga bayan, probinsiya at bansa. Ang balwarte ng kapangyarihang politikal ay

nagpapanatili ng balwarte ng kapangyarihang pang-ekonomiya nila. At isa sa mga pangunahing

pamilyang mayroon namamalaging politikal na dinastiya ay ang pamilya ng mga Duterte mula sa

Lungsod ng Davao na tatalakayin sa bahagi ng diskusyon.

II. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mahalagang magkaroon tayo ng kamalayan sa kasalukuyang sitwasyon ng pamamahala

bilang isang mamamayang Pilipino. Ayon sa Artikulo II, Seksyon 26 ng konstitusyon ng Pilipinas,

“Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang

pambayan, at ipagbawal ang mga dinastyang pulitikal ayon sa maaaring ipakahulugan ng batas..”

Ang konstitusyong ito ay naghahayag na ang umiiral na mga dinastiya ay nagpapahiwatig nang

hindi pagkakaroon ng pantay na oportunidad at pagkakataon para sa serbisyong totoo. Bagama't

hindi lahat, hindi maikakaila na malaki ang posibilidad na samantalahin ng mga pamilyang ito ang

pagkakaroon ng kapangyarihan at gamitin ito sa kanilang sariling interes.

Bilang isang botante, dapat lamang na makilala at makilatis ang mga kasalukuyang

namamahala ng gobyerno. Karapat-dapat lamang na magkaroon tayong mga Pilipino ng sapat na

kaalaman patungkol sa pinagmulan ng mga pamilya ng mga opisyal na ito upang sa gayon ay

3
maging gabay sa pagpipili ng mga karapat-dapat na mga pinuno lalo't lalo na sa panahon ngayon

na karamihan sa mga tao ay ibinoboto lamang ang mga pangalang popular.

III. DISKUSYON

Hindi maitatanggi ang kasikatan ng pamilyang Duterte mula pa man noong hindi pa

naitalaga bilang Pangulo si Rodrigo Roa Duterte. Ang mga Duterte ay isa sa mga dinastiya na

kilalang nagmula sa Lungsod ng Davao. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang Pangulong Duterte ay

nagmula na sa pamilya ng mga politiko na mula pa sa Cebu. Mayroong dalawang angkan ng mga

duterte sa Cebu noon, isa mula sa hilaga at isa naman sa timog.

Maaring masubaybayan ang pinagmulan ng angkan ng mga Duterte sa hilagang Cebu kung

saan nagmula ang mag-asawang sina Facundo Duterte at Zoila Gonzales na mayroong limang anak

na sina Ramon,Sr.,Mariano, Soledad, Jorge at ang ama ng kasalukuyang pangulo na si Vicente.

Dalawa lamang sa kanilang mga anak ang sinadyang tahakin ang daan ng pulitika, sila ay sina

Ramon at Vicente.

Si Ramon Duterte ay nakapag-aral ng Bachelor of Laws sa Philippine Law School noong

1925. Pagkalipas ng tatlong dekada, siya ay naihalal bilang bise mayor ng Lungsod ng Cebu

kasama si Sergio Osmeña Jr., ang kanyang katambal, bilang mayor. At nang magbitiw si Osmeña

sa kanyang posisyon para tumakbo sa Kongreso, itinalagang mayor si Ramon Duterte noong

Setyembre 13, 1957 hanggang Disyembre 31, 1959. Sa katunayan, isang kalye sa Cebu ang

ipinangalan sa kaniya mula sa City Ordinance No. 719, na pinirmahan noong Agosto 5, 1971.

Ganoon din ang kanyang anak na si Ronald Duterte. Si Ronald rin ay naging bise mayor ng Cebu

noong Oktubre 16, 1978 at umakyat sa pwesto bilang mayor noong 1983 nang italaga ng dating

Pangulong Marcos bilang Director of the Nutrition Center of the Philippines ang dating mayor na

si Dr. Florentino Solon. (Oaminal, 2018)

4
Figure 1. Vicente Duterte from the 1967 Philippine Officials Review

Si Vicente Duterte, isa sa mga anak ni Facundo Duterte, ay malawak din ang naging papel

sa pulitika. Napangasawa niya si Soledad Roa at nakaroon sila ng limang anak na sina Eleanor,

Jocelyn, Rodrigo, Don at Benjamin. Si Vicente ay naitalaga ng dating Pangulong Sergio Osmeña

bilang Acting Mayor ng Danao, Cebu mula Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Naging

maikli lang ang panahon ng pangunguna ni Vicente sa Danao. Nang matalo si Osmeña ng dating

pangulo na si Manuel Roxas, napalitan si Vicente at naitalagang bilang bagong mayor si Pedro

Sepulveda. Lumipat sila ng kaniyang pamilya sa Mindanao at doon ipinagpatuloy ang kanyang

karera sa pulitika. Siya ay naihalal bilang gobernador ng dating

Figure 2. Gov. Vicente Duterte Proclamation Figure 3. Soledad Roa in a ribbon cutting event
in Tagum(1960)

5
probinsya ng Davao (Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental) mula 1959 hanggang

1965. Matapos nito ay naging inaktibo na ang pamilya Duterte hanggang 1988. (Reyes, 2019)

Naging malaki ang papel ng asawa ni Vicente Duterte na si Soledad Roa sa kilusan laban

sa diktaturya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Siya ang isa sa mga nanguna ng Yellow

Friday Movement sa Davao City na sumuporta sa kandidatura ng dating Pangulong Corazon

Aquino noong February 1986. Pagkatapos ng pagkapanalo ni Cory Aquino, inalok siya na maging

bise mayor ng Lungsod ng Davao. Tinanggihan ni Soledad ang alok na ito, sa halip ay iminungkahi

na ibigay na lamang ito sa kanyang anak na si Rodrigo na noong panahon ay nagsisilbi bilang

prosekyutor ng lungsod. (Reyes, 2019)

Figure 4. Rodrigo Duterte induction of office as Mayor of Davao (1988)

Naging bise mayor ng lungsod ng Davao si Rodrigo Duterte noong 1986. Tuluyan siyang

pumasok sa pulitika nang siya ay tumakbo bilang mayor ng lungsod noong 1988. Nanatili siya sa

kanyang posiyon at naglingkod hanggang 1998. Dahil sa limitasyon ng termino sa pagka-mayor,

tumakbo siya bilang Congressman ng 1st District ng Davao City at siya ay muling nagwagi. Muli

siyang naihalal sa pagka-mayor noong 2001 hanggang 2010. Kung susumahin, 22 taon siyang

nagtagal sa posiyong ito. (Paddock, 2017)

Si Rodrigo Duterte ay ikinasal kay Elizabeth Zimmerman at mayroon silang tatlong anak.

Sila ay sina Paolo, Sara at Sebastian. Lahat ng kaniyang mga anak ay nagka-interes sa politika at

sinunod ang yapak ng kanilang ama at ng kanilang mga lolo.

6
Unang pumasok sa eksena si Sara Duterte na siyang kilala bilang 'Inday Sara'. Noong 2007,

nagtagumpay ang pamilyang Duterte na mailuklok ang mag-ama sa pinakamataas na mga posisyon

sa lungsod. Naihalal bilang bise mayor si Sara kasama ang kanyang ama na si Rodrigo bilang

mayor. Ang pagkakahalal ng tambalang ito ang siyang nagpatunay na malakas ang hawak ng

kanilang pamilya sa lungsod. Noong 2010, nagpalitan ng pwesto ang mag-ama dahil sa term-limit

na inabot ni Rodrigo Duterte. At muli ay nanatili sa posiyon sa nakaraang halalan noong 2016

kasama ang kanyang kapatid na si Paolo Duterte. Sa taong ding ito, nagtagumpay si Rodrigo

Duterte sa halalan bilang Pangulo ng Pilipinas. Kamakailan lamang, noong halalang Mayo 2019,

ay naglunsad si Sara ng isang political party na tinawag niyang Hugpong ng Pagbabago na nag-

endorso ng mga kandidatong may malalaki ng mga pangalan sa politika. (Robles, 2019)

Si Paolo Duterte ay ang panganay na anak ni Rodrigo Duterte. Nagsimula siya bilang isang

kapitan ng Brgy. Catalunan, Davao City sa loob ng anim na taon mula Nobyembre 15, 2007

hanggang Hunyo 30, 2013. Siya ay naging bise-mayor noong 2013 hanggang 2016. Sa taong 2017,

nag-resign siya sa kanyang posiyon bilang bise dahil nasangkot siya sa isang iskandal na may

kinalaman sa droga. Sa kanyang pagliban sa posiyon, ay itinalaga si Sebastian Duterte o mas kilala

bilang 'Baste' bilang kapalit ng kaniyang nakakatandang kapatid. Sa kasalukuyan, si Paolo ay ang

Deputy Speaker of the House of Representatives of the Philippines. (Ranada, 2018)

Sa mga nakalipas na mga taon, mula nang mailuklok ang Pangulong Rodrigo Duterte sa

posisyon, ay tila mas lalong lumakas ang impluwensya ng pamilyang Duterte sa bansa. Hindi

aakalaing mula sa lungsod ng Davao ay narating ang kataastaasang posiyon, indikasyon lamang

na mabilis ang pag-angat ng pamilyang ito sa pulitika.

May mga mabuti at di-mabuting dinastiya. May mga mapang-abusong dinastiya at

mayroon din namang sapat lang ang pagganap at sakto lang ang ibinibigay na satispaksyon sa mga

7
nasasakupan. Kung pagbabasehan ang paglalarawan ng media sa pamilyang Duterte, maraming

negatibong reaksyon ngunit mas marami ang patuloy na sumusuporta sa paraan ng kanilang

pamamalakad.

IV. KONKLUSYON

Napakatagal na ng mga Duterte sa mundo ng politika at sa paglipas ng ilang henerasyon

ay mas tumitindi ang kanilang impluwensya sa lipunan. Kung tutuusin, isa lamang sila sa

napakaraming pamilya na nakasentro ang buhay sa politika. Kung iisipin, ang mga pamilyang ito

ay hindi naman magtatagal sa industriya kung ang mga tao ay hindi naniniwala sa kanilang

kakayahan na mamuno o hindi kaya ay sadyang karamihan sa mga botante ay hindi edukado at

walang kaalaman sa politika lalung-lalo na sa mga nagpapatakbo sa pamahalaan. Kakarampot na

impormasyon lamang ang alam patungkol sa mga senador, kongresista at kahit sa mga mayor. At

kapag kakaunti lamang ang alam sa mga kandidato, sino ang iboboto? Malamang ang sagot ay

kung sino ang may pinakamalaking pangalan. Maraming nagtuturo na ang dahilan ng pagtindi ng

korapsyon ng bansa ay ang mga dinastiyang ito. Ngunit bakit nga ba namamalagi ang mga angkang

ito sa pulitika? Tayo din ang dahilan. Marahil ay panahon na upang imulat ang mga mata sa tunay

na kalagayan ng lipunan nang sa gayon ay makamit na ang matagal na inaasam na tunay na

pagbabago sa bansang ito.

V. MGA SANGGUNIAN

[1] Prohibiting The Establishment of Political Dynasties Act, H.R. 332, 17th Cong. (2016).

[2] Constantino, R. (1969). The making of a filipino.Philippines: Malaya Books.

[3] Halili, M. C. (2004). The Phillipine history. Manila, Philippines:Rex Bookstore.

[4] Oligarchy. (2012). In Encyclopedia Britannica. Retrieved from

https://www.britannica.com/topic/oligarchy

8
[5] Article II Section 26 (1987). Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. In Philippine

Official Gazette Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-

konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/

[6] Oaminal, C. (2018, September 28). The osmeñas and dutere of cebu. Philstar: The Freeman.

Retrieved from https://www.philstar.com/the-

freeman/opinion/2018/09/28/1855384/osmeas- and-dutertes-cebu

[7] Figure 1. Reyes, M. P. (Photographer). (2019, September 20). Vicente Duterte taken from

1967 Philippine Officials Review. Retrieved from https://news.abs-

cbn.com/spotlight/09/30/19/the- duterte-marcos-connection

[8] Figure 2. Gov. Vicente Duterte Proclamation. Southern Leyte solon wants Maasin airport

renamed after Duterte’s father Photo Retrieved from

https://mindanao.politics.com.ph/southern-leyte-solon-wants-maasin-airport-renamed-

after- dutertes-father/

[9] Figure 3. Soledad Roa in a ribbon cutting event in Tagum(1960). Politiko Mindanao. Photo

Retrieved from https://mindanao.politics.com.ph/flashback-mrs-soledad-duterte-

leads- ribbon-cutting-in- tagum/

[10] Figure 4. Rodrigo Duterte induction of office as Mayor of Davao (1988). Rodrigo Duterte:

The Man The Mayor The President. Rappler, Photo Retrieved from

https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/137583-rodrigo-duterte-philippine-

president- profile

[11] Reyes, M. P. (2019, September 20). The Duterte and Marcos Connection. ABS-CBN News.

Retrieved from https://news.abs-cbn.com/spotlight/09/30/19/the-duterte-marcos-

connection

9
[12] Robles, R. (2019, April 21). Sara Duterte: First Daughter, Davao city mayor – and

Philippine president in waiting?. This Week. Retrieved from

https://www.scmp.com/week-asia/people/article/3006963/sara-duterte-first-daughter-

davao-city-mayor-and- philippine

[13] Ranada, R, (2019, October 12). Paolo Duterte running for Davao City congressman,

Rappler. Retrieved from https://www.rappler.com/nation/politics/elections/2019/214146-

paolo-duterte- running-davao-representative

[14] Paddock, R. C. (2017). Becoming Duterte: The Making of a Philippine Strongman. The

New York Times. Retrieved from

https://www.nytimes.com/2017/03/21/world/asia/rodrigo-duterte- philippines-president-

strongman.html

10

You might also like