You are on page 1of 30

Kabanata 3: Mga Hamon ng

Isyung Pandaigdigan

ARALIN 1: Hamon ng Pandarayuhan O Migrasyon


SURIIN NATIN

TEMA MAHALAGANG TANONG

Tao, Lipunan, at Kapaligiran Paano nakakaapekto sa lipunan ang


pandarayuhan ng mga tao?

Karapatan, Pananagutan, at Pagkamamamayan Paano napapangalagaan ang kapakanan ng


mamamayan at ng bansa sa isyu ng
pandarayuhan?

Ugnayang Panrehiyon at Pangmundo Paano nakaaapekto ang usaping pandarayuhan


sa ugnayan ng mga bansa sa mundo?
Talakayin Natin

Ang Konsepto ng Pandarayuhan


Pandarayuhan o migrasyon
-ay usaping naglalarawan sa paglipat Dalubwika
o paggalaw ng mga tao mula sa Migrasyon
pamayanang kinaroroonan nila -ito ay tumutukoy sa paglipat ng
patungo sa ibang pamayanan sa loob isang tao o grupo ng mga tao
ng lokal na komunidad o kaya ay sa mula sa isang lugar na kanilang
ibang bansa. tinitirhan patungo sa ibang lugar.
Ito ay maaaring lokal o
-ay maaaring sapilitan o kusang-loob internasyonal.
depende sa katayuan sa buhay at
mga salik na nagtutulak ng paglipat ng
tao.
Ang migrasyon ay maaaring nagaganap sa
sumusunod na mga anyo:

1. Paglipat ng tirahan sa pagitan ng mga pamayanan


na maaaring mula pook rural patungong pook urban,
o kaya naman pook urban patungong pook rural.
2. Permanente o panandaliang paglipat ng isang tao
mula sa sariling bansa patungo sa ibang bansa.
3. Ang pandarayuhan ay maaari din maging sapilitan
dahil sa kaguluhan at kalamidad.
Ang isyu ng pandarayuhan ay maituturing na isang hamon sa
isang bansa at sa ugnayan ng mga bansa sa daigdig. Dahil may iba't
ibang anyo ang migrasyon, ito ay maituturing na may malawak na
saklaw mula sa indibidwal, sa pamayanan, sa bansa, at hanggang sa
ibang mga bansa. Naaapektuhan nito ang sangay ng ekonomiya,
politika, at lipunan. Sa kasalukuyang panahon, masasabing ang
paggalaw ng mga tao ay pabago-bago batay sa kanilang kakayanan
na makuha ang kanilang mga kagustuhan at pangangailangan nang
hindi nalilimitahan ng mga pisikal na hangganan. Itinutulak din ng
globalisasyon ang migrasyon. Sa katunayan, pinadadali ng iba't ibang
aspekto ng globalisasyon ang paglipat ng tao mula sa isang lugar
patungo sa ibang lugar sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya,
paggawa ng mga makabagong kagamitan, at mas mabisang
transportasyon.
Isa sa mga salik ng globalisasyon na nagtutulak ng migrasyon
ay ang pag-unlad teknolohiya. Dahil sa teknolohiya, nagiging mabilis
ang pagpapalitan ng impormasyon at kaalaman. Halimbawa:
gamit ang internet ay maaaring makahanap ang isang tao ng trabaho
sa ibang bansa. Isa pang salik ng globalisasyon ay ang pag-unlad ng
transportasyon na nagpapalakas sa kakayahan ng mga tao upang
makapunta sa ibang mga lugar sa daigdig nang walang pagtatakda at
hadlang. Pinalawak din ng globalisasyon ang saklaw ng mga
negosyo. Halimbawa, ang mga empleyado ng isang kompanya ay
naipadadala sa iba't ibang lugar-lokal man o sa ibang bansa-upang
makapagtrabaho sa mga sangay ng negosyo roon.
Ang usaping pandarayuhan ay hindi lamang
itinuturing na pagtatakda ng ugnayan ng mga tao,
pamahalaan, at iba pang institusyon ng iba't ibang
bansa sa mundo. Bagkus, ang pandarayuhan ay
isang hamon na sumasalamin sa malalim na
ugnayan sa pagitan ng tao at ng kanyang
pamayanan dahil sa epekto ng kanyang kilos.
Gayundin, maituturing na may impluwensiya ang
globalisasyon sa pag-iral ng pandarayuhan hindi lamang sa
paghahanapbuhay ng mga tao. Minimithi ng mga tao na
mangibang-bansa upang maranasan ang paggamit ng teknolohiya
na may hatid na komportableng pamumuhay; makakalap ng
kaalaman sa mga unibersidad sa labas ng bansa; at makasabay sa
usong pananamit, pagkain, o mga libangan. Kung kaya pagdating
sa usaping pandarayuhan ay hindi maaaring maisantabi ang uri ng
pamumuhay at kalagayan ng isang tao dahil ito ay makagagawa ng
paraan upang makasabay sa pagbabago ng lipunan dala ng
paglipat ng tirahan.
Bilang isang isyu, ang migrasyon ay tinutugunan ng bawat mamamayan sa
pamamagitan ng paglipat ng mga tao, at pagpapalitan ng kaalaman at kasanayan. Ang
ganitong gawain ay mas kilala sa tawag na mobilisasyon ng tao batay sa ugnayan ng mga
bansa. Halimbawa nito ay ang mga bansang may kasunduan sa isa’t isa na magpalitan ng
mga eksperto gaya ng Initiative for Association of Southeast Asian Nations Integration. Sa
polisiyang ito, ang mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan ay papayagang makapagtrabaho
sa mga bansa na kasapi ng ASEAN.

Sa mas malawak na pagtingin, ang usaping migrasyon ay kinikilala ng International


Organization for Migration, isang ahensiya ng United Nations, bilang paggalaw ng mga tao,
samahan ng mga tao, maging ito man ay pagtungo sa ibang bansa o lokal na pamayanan ng
isang estado. Ang migrasyon ay nakatuon sa paggalaw ng populasyon ng tao, sa kahit anong
intensiyon, gawain, haba ng panahon, at dahilan. Isinasama rin dito ang paglipat ng isang tao
o grupo bunsod ng digmaan, kaguluhan, sakuna, at kawalan ng ikabubuhay sa kanilang
bansang pinanggalingan. Kung kaya ang usapin ng migrasyon ay sumasakop sa tao, sa
kanyang komunidad, at sa bawat bansa.
Pandarayuhan: Ugnayan sa Ekonomiya, Politika, at Lipunan

Upang mas mapalawak ang pag-unawa sa isyu ng pandarayuhan, marapat na ito


ay matalakay sa iba't ibang aspekto gaya ng ugnayan sa ekonomiya, impluwensiya ng
pamamahala at politika, at maging ng pagbabago sa lipunan. Masasabi na ang
pandarayuhan ay nakatutulong sa paglikha ng trabaho sa pamamagitan ng pagpapalitan
ng kaalaman at kalakal ng mga bansa batay sa nagagawa at naiaambag na yaman nito
sa ekonomiya. Dahil sa epekto ng pandarayuhan sa kaunlaran ng isang bansa, ang
gobyerno ay marapat na gumawa ng mga polisiya na magpoprotekta sa mga
nandarayuhan at mga mamamayan na nananatili sa ibang bansa. Sa kabuuan, ang
lipunan ang nakararanas ng malaking epekto na dulot ng pandarayuhan, partikular na sa
uri ng pamumuhay ng mga tao sa nililisan at pinupuntahang lugar. Ang mga bansa sa
mundo ngayon ay lumalawak ang pagtanggap sa pandarayuhan ng mga tao bunsod ng
iba't ibang layunin. Kung kaya ang pagbibigay-diin sa mga aspekto ng pandarayuhan ay
hindi maisasantabi.
Ang paggalaw at paglipat ng mga tao ay nangangailangan din ng pangangasiwa at
pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatakda ng iba't ibang alituntunin at polisiya na
magbibigay proteksiyon sa bawat mamamayan nito. Isa sa mahahalagang gawain ng gobyerno ay
ang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito, hindi lang sa sariling bansa, kundi
maging sa bansa o lugar na kanilang pinuntahan.

Ang integrasyon ng mga tao sa bansang kanilang pinupuntahan ay nagiging usaping


panlipunan dahil kinakailangan nilang iangkop ang kanilang sarili sa kultura at uri ng pamumuhay
ng mga tao sa mga bansang pinupuntahan. Ngunit, ang mga nandarayuhan ay nananatiling
nakaugnay sa bansang pinagmulan sa pamamagitan ng mga kamag-anak at pagsasabuhay ng
kanilang mga tradisyon. Ang ugnayan ng iba't ibang lahi ng tao ay maaari ding magkaroon ng
negatibong epekto. Ang kompetisyon sa pagkuha ng trabaho ay nagiging sanhi kawalan naman ng
oportunidad ng pagkakakitaan para sa mga katutubong mamamayan ng isang bansa.
Makikita sa takbo ng mga datos na ang pagtaas ng antas at konsentrasyon ng migrasyon ng
tao ay nagaganap sa mga pandaigdigang rehiyon. Ang migrasyon ay nagaganap hindi
lamang sa mga bansang nasa iisang rehiyon dahil nagpapatuloy rin ang pagpapalitan ng mga
tao, produkto, at kaalaman sa buong daigdig. Ayon sa Organisation for Economic Co-
operation and Development (OECD), ang mga tao sa mayayamang bansa ay siyang may
mas mataas na kakayanan na lumipat patungo sa ibang bansa o pamayanan. Hindi
maikakaila na ang mas makapangyarihang mga bansa ay may malakas na impluwensiya sa
teknolohiya, kaalaman, at kagamitan na maaaring magtulak mamamayan nito na maglakbay
sa ibang mga bansa. Ang karamihan sa mga mamamayan mula sa mga bansang ito ay may
taglay na sapat na yaman upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa paglipat sa
ibang pamayanan.
Ang migrasyon ay isang isyu na patuloy na humahamon sa bawat bansa,
pamayanan, at tao. Ang isyu ng pandarayuhan ay may malaking impluwensiya sa
pamumuhay ng tao at ng kanyang pamilya gaya na lamang ng patuloy na pagpapakilala ng
iba't ibang gawain, oportunidad, at kagamitan na siya ring magpapabago sa uri ng
pamumuhay ng tao at pamamahala ng estado. Ito ay humahamon sa pamumuhay ng mga
tao hindi lang sa sariling bansa kundi maging sa mga bansang apektado ng isyu mula sa
aspektong pampolitika, pang-ekonomiya, at panlipunan. Ang migrasyon ay patuloy na
bumabago sa pamamalakad ng komunidad dahil sa kaugnay na impluwensiya ng mga
nandarayuhan sa uri ng pamumuhay ng tao tulad ng pagpapakilala sa kanilang kagamitan
at teknolohiya, at sa aspektong kultural gaya ng pagpapakilala sa mga banyagang
kaugalian, pagkain, kasuotan, at iba't ibang paraan ng libangan. Ang migrasyon ay patuloy
ring nagbabago ng anyo gaya ng pagbabalitaan gamit ang internet, lawak sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng mga teknolohiya tulad ng selpon, at sakop gaya ng mas maraming mga
bansa ang napabibilis ang ugnayan at kalakalan. Dahil dito, ang bawat bansa, pamayanan,
at tao ay hinihikayat na kumilos at makibahagi sa mga gawain na tutugon sa isyu ng
migrasyon.
Noon at Ngayon

Dati, ang pananaw sa pandarayuhan ng mga Pilipino ay para


makapagtrabaho at magkaroon ng pagkakakitaan sa ibang bansa sa
pag-asang mapaunlad ang buhay ng kanilang pamilyang maiiwan sa
Pilipinas. Subalit sa kasalukuyan, ang pandarayuhan ay kadalasang
iniuugnay na sa pag-aaral, turismo, at paglipat ng pamayanan batay sa
pag-aaral na isinagawa ni Tabuga (2018) ng Philippine Institute for
Development Studies.
Pagtukoy sa Uri ng Pandarayuhan

Ang usapin ng migrasyon ay isyu ng paggalaw na pangkaraniwang ginagawa ng tao sa


loob ng sariling bansa o paglipat sa ibang bansa. Ngunit ang konsepto at pagkilos patungkol
sa pandarayuhan ay nakabatay sa iba't ibang pananaw at pagsasalarawan sa isyu ng
pandarayuhan na kaugnay ng kalagayan at karanasan ng tao.

1. Ang una sa mabibigat na dahilan kung bakit ang tao ay naaakit sa pandarayuhan, maging
sa ibang bansa man o lokal na pamayanan, ay upang magkaroon ng maunlad na
kabuhayan. Karaniwang malaki ang suweldo sa isang trabahong makikita sa ibang lugar
kompara sa mga hanapbuhay sa lokal na pamayanan.
2. Ang usapin ng migrasyon ay tumutukoy rin sa paglikas o paglipat ng malaking pangkat ng
mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar dahil sa tinatawag na "karaniwang
kalakaran" o trend sa loob ng tiyak na haba ng panahon. Ang ganitong pangyayari ay
tumutukoy sa migrasyon bilang isang diaspora. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao at ng
kanilang pamilya mula sa bansa ng kapanganakan patungo sa ibang bansa habang
napananatili ang matibay na ugnayan sa bansang pinanggalingan.
3. Ang mga tao ay humahantong sa pandarayuhan dahil sa mga kaguluhan tulad ng
giyera, sigalot sa pagitan ng mga lahi, tensiyon sa lipunan, at pagkakawatak-watak ng
isang pamayanan. Ang ganitong kalagayan ng migrasyon ang nagiging dahilan upang ang
mga tao ay maging refugee.

Karaniwang makikitang naninirahan ang mga refugee sa nga kampo refugee camp
4. Ang mga kalamidad at sakuna ay isa rin sa mga nagtutulak sa tao na lumipat ng
permanente sa ibang pamayanan sa kanyang bansa. Ang sapilitang paglikas ay madalas
naipakikita sa konsepto ng internally displaced person (IDP). Ang mga IDP ay mga tao na
napilitang lumikas sa ligtas na lugar upang maiwasan ang epekto ng sakuna o ng
kaguluhan. Ang ganitong kalagayan ay maaaring maging permanente gaya na lamang ng
nangyari sa mga komunidad na nasa tabing-dagat noong nanalasa ang bagyong Yolanda.

5. May mga pagkakataon din na ang pansamantalang paglipat ng mga tao upang makaiwas
sa sakuna, kalamidad, at kaguluhan ay nagiging uri din ng migrasyon. Ang ganitong
pandarayuhan ay kadalasang tinutukoy na temporary resettlement o pansamantalang
paglikas. Ang ganitong uri ng migrasyon ay kadalasang nangyayari sa mga sitwasyon ng
kalamidad, sakuna, o kaguluhan na nagiging dahilan upang ang mga tao ay pumunta sa
mas ligtas na lugar at manatili rito ng ilang buwan o taon.
Pagsasalarawan ng Isyung Pandarayuhan

Upang lubos na maunawaan ang konsepto ng migrasyon, marapat na ito ay


mailarawan gamit ang mahahalagang datos at impormasyon. Makatutulong ang mga ito
upang mas mapalalim ang pag-unawa sa isyu ng pandarayuhan mula sa pandaigdigan,
pambansa, pampamayanan, at maging sa personal na pananaw.

1. Sa loob ng nakaraang dekada, ang antas ng pandarayuhan ng mga tao, pandaigdigan


man o sa lokal na pamayanan, ay lubusang tumaas. Sa pagbabago ng kakayanan at
abilidad ng mga tao, pagkakaroon ng mas mataas na antas ng pinag-aralan, pag-usbong
ng maraming impormasyon dulot ng teknolohiya, at ang paglipat ng mga tao sa iba't
ibang parte ng mundo ay bumilis at mas napadali ang pagtaas ng antas ng
pandarayuhan.
2. Ang mayayaman at mauunlad na bansa ang siyang nangunguna sa pagtanggap ng mga
migrante mula sa iba't ibang bansa sa daigdig, gaya ng ipinapakita sa talahanayan 3 sa
susunod na pahina. Ito marahil ay dahil ang mga bansang ito ay may kakayanan na
makapagbigay ng magandang oportunidad at maayos na pamumuhay sa mga dayuhan.
Talahanayan 3 Destinasyon at Antas ng Pandarayuhan ng mga OFW noong 2018
Bansa Bilang (nasa Porsiyento
daang
libo)
Saudi Arabia 153 44.9
United Arab-Emirates 109 32.0

Middle East-Others 79 23.2


East Asia( e.g., Japan, Korea, Hongkong, China) 44 12.9
Africa (e.g., Libya) 40 11.7
South East Asia (e.g., Singapore, Malaysia, Brunei, Thailand) 33 9.7
Others 20 5.9
North America( USA, Canada) 16 4.7
Europe(e.g., Italy, Spain) 16 4.7
Australia or New Zealand 5 1.5

Pinagkunan : Philippine Institute for Development Studies, 2018


3. Maraming tao ang nahihikayat o kaya ay napipilitang mandarayuhan dulot ng mga
salik na pampolitika, pang-ekonomiya, at panlipunan. Ilan sa mga dahilang pampolitika
ng pandarayuhan ay mga alituntunin at polisiyang ipinapatupad ng pamahalaan na
siyang nagtutulak sa mga mamamayan na pumunta sa ibang bansa o pamayanan.

4. Ang mga batang propesyonal ang bumubuo sa malaking bilang ng mga


nandarayuhan. Ang kababaihan naman ang siyang may mas mataas na bilang ng
pandarayuhan dahil sa epekto ng kaguluhan, sakuna, at kalamidad.

5. Ang edad ng mga manggagawa ay pabata nang pabata dahil sa matinding


pangangailangan ng mga kompanya sa natatanging kasanayan at kakayanan.
Itinuturing na may tiyak at teknikal na kasanayan ang mga batang manggagawa kung
kaya mas akma sila sa pangangailangan ng mga kompanya. Isang halimbawa ay ang
kaalaman at pagiging bihasa sa paggamit ng teknolohiya.
Mga Epekto ng Pandarayuhan

Ang pandarayuhan ay isang usapin na nagdudulot ng kaunlaran ayon sa modernong pananaw ng lipunan at mga
bansa sa daigdig. Karaniwang ang pandarayuhan ay naghahatid ng iba't ibang epekto, maging mabuti o masama
man, sa lipunan at sa tao. Marapat na maunawaan ang iba't ibang epekto ng pandarayuhan upang makagawa ng
mga tamang tugon sa mga hamon nito sa komunidad. Ang mga karaniwang epekto ng migrasyon ay ang mga
sumusunod.
1. Ang migrasyon ay nakaaapekto sa kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa. Ang pagtanggap ng
mga migrante ng isang bansa ay maaaring makapag-ambag sa produksiyon, makabagong kaalaman,
impormasyon, at makalikha ng trabaho.

2. Sa aspektong politikal, ang pandarayuhan ay nakatutulong upang mapatatag ang ugnayan ng mga
bansa. Makikita ito sa mga kasunduang magpapalawig ng oportunidad na makapagpalitan ang mga
bansa ng mamamayan.

3. Sa pananaw na panlipunan, ang pandarayuhan ay nakatutulong upang magkaroon ng kaalaman ang


mga mamamayan tungkol sa pamumuhay ng mga mamamayan sa ibang mga bansa. Subalit ang isyu ng
pandarayuhan ay mayroon ding kaakibat na social cost o negatibong ambag sa lipunan dahil sa ilang
aksiyon ng tao.
4. Sa kultural at panlipunang aspekto, ang pandarayuhan ng mga tao upang makapag-aral at
mapagyaman ang kanilang kaalaman at kasanayan ay mga halimbawa ng mabubuting dulot ng
pandarayuhan. Ang ugnayan ng mga mayayamang bansa mula Europa at Amerika, mga papaunlad na
bansa sa Asya ay nagdulot ng pagpapalawak ng kaalaman sa medisina teknolohiya, at pagpapabilis
ng paggawa ayon kay Bosma (2011).

5. Ang pandarayuhan ang siyang nagiging tulay ng ugnayan ng mga propesyonal mula sa iba't ibang
panig ng mundo. Ang pagpapalitan ng kaalaman at karanasan ay nagpapalawig at nagpapatibay ng
kasanayan ng mga ito. Ang ganitong uri ng pandarayuhan ay nakatutulong sa mga nagtatrabaho sa
sektor ng kalusugan, inhenyeriya, edukasyon, siyensiya, at turismo.

Dalubwika
Migration displacement - Tumutukoy sa sapilitang paglipat o paglisan ng isang indibidwal o pamilya
mula sa lugar na kanilang tinitirhan patungo sa mas ligtas na lugar o pamayanan dahil sa usaping
politikal, suliraning panlipunan, at kalamidad.

Brain drain - Tumutukoy sa pag-alis ng mga propesyonal sa isang bansa patungo sa ibang bansa
upang makapagtrabaho dahil sa mas malaking kita at magandang benepisyo. Ang kakayahan at
kasanayan ng mga propesyonal na ito ay napakikinabangan ng mga bansa na kanilang pinupuntahan.
Usaping Migrasyon sa Konteksto ng Pilipinas

Ang Konteksto ng Pandarayuhan sa Pilipinas

Ang gawaing pandarayuhan ng mga Pilipino ay nangyayari na bago pa man dumating ang mga
mananakop mula sa Europa at Amerika. Nagkaroon ng pakikipag-ugnayan ang ating mga ninuno sa mga
Tsino at Indian. Sa pamamagitan naman ng kalakalang galeon ng Manila Acapulco noong ika-16 na siglo,
nagkaroon ng matibay at malalim na ugnayan ang Pilipinas at ang Europa dahil nagsisilbi itong daan at
transportasyon hindi lamang ng kalakal kundi pati ng mga tao (Lutz 2012). Ang ugnayan ng Asya sa mga
bansa sa Kanluran ay napanatili hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Pagsapit ng dekada 70 ay nagbago ang gawaing pandarayuhan ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino
ay nagtungo sa Gitnang Silangan dahil sa pagbubukas ng mga oportunidad dito. Ang karamihan sa mga
manggagawa ay nabigyan ng trabaho sa konstruksiyon, pagmimina ng langis. at sa sektor ng kalusugan.

Sa kasalukuyan, ang mga Pilipinong nandarayuhan ay binubuo ng mga propesyonal at mga skilled
worker. Ang Gitnang Silangan pa rin ang nananatiling destinasyon ng malaking porsiyento ng mga
manggagawang Pilipino. Ang mga bansang Hapon, Timog Korea, Taiwan, at Estados Unidos ay ilan pa sa
mga bansang tumatanggap ng mga manggagawang Pilipino.
Ang Manggagawang Pilipino sa Ibayong-dagat

Ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang bansa ay maaaring mailalarawan sa ganitong


pamamaraan:

a. Karamihan sa mga Pilipinong nangingibang bansa ay kalalakihan na nasa edad 25-35 taon at mga
propesyonal at dalubhasa sa isang sektor ng kasanayan ayon sa datos ng PSA noong 2017.

b. Ang karaniwang dahilan ng mga Pilipino sa pagpunta sa ibang bansa ay upang magtrabaho, kumita ng
mas malaking sahod, at mapabuti ang buhay ng pamilya.

c. Maraming Pilipinong manggagawa ay nagkakaroon din ng trabaho na tugma sa kanilang kasanayan at


kaalaman. Minsan, sila ay humahanap ng karagdagang mapagkakakitaan sa labas ng oras ng kanilang
trabaho.

d. Ang patuloy na pagdami ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay may malaking epekto sa
ating ekonomiya at lipunan. Ang kawalan ng mga eksperto sa bansa ay nangangahulugan ng kawalan ng
mahusay na pagpapaunlad ng karunungan at kaalaman. Ang mga pamilya ay maaaring makaranas ng
kaginhawaan sa buhay ngunit maaari din silang makaranas ng pagkakawatak-watak.
Pinagkukunan: https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.bworldonline.com%2Fby-the-numbers-overseas-filipino-workers/
Paglalarawan sa Manggagawang Pilipino

Malaki ang kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa o mga OFW sa ekonomiya
ng Pilipinas. Ayon sa PSA, mula noong 2014 hanggang 2019, ay nakapagpadala ng kabuuang 24 348
milyong dolyar ang mga OFW sa Pilipinas. Ito ay isang malaking patunay na hindi lamang mataas na
sahod ang nakukuha ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, kundi pati na rin ang pananatili ng
kanilang produktibong gawain.

Ang isyu ng pandarayuhan ay matagal nang kinakaharap ng mga papaunlad na bansa gaya ng
Pilipinas kung saan ang mga propesyonal at manggagawa ay pinipiling magtrabaho sa ibang bansa lalo
na doon sa mga bansang mauunlad dahil sa kaakibat na mataas na suweldo, maayos na pasilidad, at
mga benepisyong maaaring makuha. Kamakailan, ang gobyerno ng Pilipinas at ilang bansang papaunlad
sa Timog-Silangang Asya ay naglunsad ng mga programa gaya ng "Balik Scientist" at pagbibigay ng mga
insentibong pinansiyal upang dito sa bansa maipagpatuloy at maipamalas ng mga Pilipinong siyentipiko
ang kanilang kagalingan.
Ang pandarayuhan ay isang hamon sa bawat
bansa dahil may epekto ito sa politika, ekonomiya,
at lipunan, sa kabila ng mga benepisyong hatid nito.
Ang pagtugon sa isyung ito ay nangangailangan ng
pagtutulungan ng estado, mga organisasyon, at
mga mamamayan batay sa mga polisiya at mga
programang magsusulong ng kapakanan ng bansa
at ng komunidad. Ito ang siyang gagabay at
mangangalaga sa mga Pilipinong nandarayuhan.
Unawain Natin

Mahalagang Tanong Mahalagang Pag-unawa

Paano nakaaapekto sa lipunan ang pandarayuhan ng Ang pandarayuhan ng mga tao ay may positibo at
mga tao? negatibong epekto sa lipunan. Nakatutulong ang
pandarayuhan sa pagpapalitan ng kaalaman at kultura,
ngunit nakasasama rin ito sapagkat napakikinabangan ng
dayuhang bansa ang kasanayan at abilidad ng mga
propesyonal at manggagawa sa halip ng kanilang sariling
bayan.
Paano napangangalagaan ang kapakanan ng Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan
mamamayan at ng bansa sa isyu ng pandarayuhan? ng mamamayan at ang pambansang kapakanan. Maaari
itong gawin sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga
alituntunin upang mapangalagaan ang trabaho,
imbensiyon, at kaalaman ng mga mamamayan nito mula sa
kompetisyon na maaaring dulot ng pandarayuhan.
Paano nakaaapekto ang usaping pandarayuhan sa Ang pandarayuhan ay nagpapatibay sa ugnayan ng mga
ugnayan ng mga bansa sa mundo? bansa. Nakatutulong ang pandarayuhan dahil sa
pamamagitan nito ay napupunan ang kakulangan ng isang
bansa ng mga eksperto o manggagawa na magmumula sa
ibang bansa.
Pag-usapan Natin

1. Bakit nandarayuhan ang mga tao?

2. Bakit ginagamit ang pandarayuhan na paraan upang makahanap ng oportunidad


sa ibang lugar?

3. Paano nakaaapekto ang pandarayuhan sa lipunan, ekonomiya, at katatagan ng


isang bansa?

4. Ano-ano ang ilan sa positibo at negatibong epekto ng pandarayuhan sa pamilyang


Pilipino! Mas matimbang ba ang mga positibong epekto upang ipagpatuloy ang
pangingibang-bayan! Ipaliwanag.

5. Paano makatutulong ang pandarayuhan ng mga mamamayan sa pagkamit ng


mga adhikain ng isang bansa?
Isang buong papel
Pagsubok 3
Ano ang mga hamong dala ng usaping pandarayuhan at paano ito tinutugunan ng mga bansa,
komunidad, at mga indibidwal? Magtala ng limang kasagutan sa tsart.

Hamon Tugon
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
____________

You might also like