You are on page 1of 11

I

PANIMULA (INTODUCTION)

Ang Migrasyon ay paraan ng paglipat mula sa isang lugar papunta sa malayong lugar.

Ang isang uri ng migrasyon ay paraan ng isang tao upang mangibang-bansa. Kung sa mga OFW

o (Overseas Filipino workers) ay ang paghahanap ng trabaho at ang iba naman ay nagdedesisyon

na doon na manirahan. Ayon kay Paul Christian Tanguilan, Sa pananaw ng maraming tao , Isa

itong oportunidad para sa kanila. Maraming maaaring benepisyong hatid ang pagpunta o pag-alis

ng isang tao sa isang lugar. Ngunit kabila ng maraming maganda at mabuting epekto ng pag-alis

may kaakibat rin itong masamang resulta kasama na rito ang mga pamilyang maiiwan, at ang

panganib sa buhay. Ito pa ang mga di mabuting resulta, una ang labis na dami ng tao sa iisang

lugar at nagsisiksik ang mga tao sa lungsod. Kakulangan ng sapat na trabaho. Pang-abuso ng

mga recruitment agency, illegal recruiter, nagiging biktima ng International Syndicate o

Organized Crime Syndicate. Bunsod sa kakulangan ng hanap-buhay dito sa bansa, humahanap

ang mga kababayan natin o tinatawag na OFW upang doon makilala at makatagpo ng

kabuhayan. Kung dito satin hindi sila makikilala sa ibang bansa mas makikilala sila dahil sa mga

trabaho nila,kung dito sa atin hindi matagpuan ang ina-nais nilang trabaho kaya malaking

oportunidad ang mangibang bansa. May Iba’t-ibang uri ng migrasyon kung saan ang ating mga

kababayan ay nagtratrabaho kasama na rito ay ang may mga permit o walang permit kung

magtrabaho, ang mga turista na nagbibisita o namamasyal sa ibang bansa, ang pang huli ay ang

ating mga kababayan na doon na manirahan sa ibang bansa at ang pagkakaroon ng citizenship.

Mayroon ding tayong mga kababayan na nagpupunta lamang sa ibang-bansa dahil sa mga

negosyo nila.
II

SULIRANING PANG-EKONOMIYA

Para saakin marami ang salik at mga dahilan kung bakit ang mga kababayan natin

nangingibang-bansa. Ito ang mga halimbawa ng salik at dahilan ng ating mga kababayan.

Paghahanap ng ligtas na tirahan, Paghahanap ng mataas na sahod ng trabaho, Pag-aaral o

pagkuha ng mga teknikal na kaalaman particular sa mga bansang industriyalisado, Paghihikayat

ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.

Ito yung mga suliraning mahirap matugunan sa ating generasyon dahil sa kakulangan ng

mga pasilidad at pera sa mga nag-tratrabaho dito. Ito din ang mga dahilan kung bakit ang ibang

mamamayan natin ay handang umalis para sa kanilang pamilya para mabigyan nila ng

magandang buhay ng kanilang pamilya.


III

ANALYSIS

Sa aking napag-aralan tungkol dito, ang migrasyon ay tumutukoy sa mga taong umaalis

upang maghanap ng trabaho, pero hindi lamang ang migrasyon ay tungkol sa pag-alis maaari rin

itong maging dahilan, halimbawa na dito kung aalis ka upang mangibang-bansa para mamasyal

at ang iba naman umaalis lang dahil sa mga negosyo nila na naroon sa ibang bansa. Marami ang

nangingibang-bansa dahil sa opportunidad na magkaroon ng hanap-buhay at magkaroon ng

magandang kita upang maging masagana ang pamumuhay nila at maging sa mga pamilya nila.

Ang Pananaw ng nakararami, ay wala ng naganap na pagbabago ang migrasyon o

pandarayuhang paglilipat patungo sa ibang bansa.

Ayon kina Stephen Castles at Mark Miller, sa akdang “The Age Of Migration”

binigyan nila ang buong mundo ng iba’t-ibang uri ng migrasyon.

Mabilisang paglaki ng migrasyon, dahil dito marami na ang mga migrante ang nangingibang-

bansa dahil diyan mas lumulubo ang populasyon sa isang lugar kung saan marami ang mga

migrante.

Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon, marami pang uri ng migrasyon ang nararanasan ng mga

bansang nakapasaloob dito. May mga bansang nakararanas ng labor migration, refuges migration

at maging ng permanent migrasyon nang sabay-sabay.


Irregular migrants, ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,

o walang permit. Ito yung mga taong nagtratrabahong walang permit o mas tinatawag nating

illegal na trabaho.

Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may

kaukulang permiso at mga papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.

Ito yung mga taong may mga papeles upang magtrabaho halimbawa dito ay yung mga taong may

negosyo sa ibang bansa.

Permanent migrants, ito yung mga taong may permit na manirahan, mag negosyo, at pwede ring

magpalit ng citizenship para mas maging legal ang paninirahan niya.

Sa aking pag-aaral tungkol dito sa migrasyon marami ang pweding mangyari sa mga

kababayan natin kung mangingibang-bansa sila kesa dito sa ating bansa. Kung nakapagtapos ka

ng College malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng mgandang trabaho at hindi ka rin

mahihirapan kung mangingibang-bansa ka kung ikaw ay may pinag-aralan. Ang Kakulangan ng

sapat na trabaho. Pang-abuso ng mga recruitment agency, illegal recruiter, nagiging biktima ng

International Syndicate o Organized Crime Syndicate, dahil sa di mabuting pamamalakad ng

mga agency nila ang iba naa-abuso at dahil mismo sa kakulangan ng ating bansa ng mga

trabahong pweding pasukan nila. Bakit kaya marami ang nangingibang-bansa kesa manatili rito

sa sarili nilang bansa? Bakit mas pinipili nila na umalis kesa sa manatili dito? Ito lang ang

masasabi ko sa mga tanong na bumabagabag sa ating lahat, nangingibang-bansa ang mga tao

upang makahanap ng maganda at mataas na sahod ng trabaho, kung dito satin mababaw lang ang

sahod hindi sila uunlad pero dahil sa pag-alis nila dito maaaring umunlad ang pamumuhay nila.
Karamihan sa mga nag a-abroad ay may mga pamilya na, dahil rin sa kakulangan ng

pasilidad at mga trabaho na nababagay sa ating mga kababayan mas pinipili nilang mangibang-

bansa o isakripisyo ang kaligayahan nila alang-alang sa kanilang pamilya.

Ang Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa o International Labour Organization ay isang

ahensiya ng United Nations na nangangasiwa sa mga isyung may kaugnayan sa paggawa,

partikular ang mga pamantayan sa pandaigdigang paggawa, proteksiyong panlipunan, at

pangkalahatang pagkakataon sa trabaho.

Ito ang pangunahing ahensiyang pandaigdigang nangangasiwa sa mga OFW o (Overseas

Filipino Workers) kung saan kaya silang proteksyonan gamit ang organisasyong ito. Ayon sa

Commission On Filipino Overseas, may tinatayang 8.6 milyong mga Pilipino noong 2009 ang

nanirahan sa iba’t-ibang bansa. Sa loob naman ng Pilipinas, nakatatanggap ng pinakamaraming

migranteng Pilipino ang malaking lungsod, lalo na sa kalakhang Maynila. Ayon sa international

labor organization, may tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa

kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo. Ito yung kabuuan ng mga kababayan

nating nandadarayuhan sa buong mundo. Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na

halos dumarami pa para maghanapbuhay. Dito mo naman makikita na karamihan sa mga

kababaihan ay nag tratrabaho na sa ibang bansa para kumita ng pera para kanilang pamilya.

Taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng

kanilang bansa. Dito mo naman mapapansin na ang may pinaka malaking bilang ng mga taong

lumalabas sa ating bansa noong 2013 dahil narin sa kakulangan ng trabahong pweding pasukan

ng ating kababayan. Karamihan ng mga nandarayuhan ay naghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90

porsiyento ay mga manggagawa kasama ang kanilang mg pamilya. Ang ating mag kababayan

ay nag-hahanap ng trabaho na kung saan nababagay ito sa kanila. Tinatayang isa sa walong
imigrante ay nasa edad na 15-24. Ito yung mga taong handang magtrabaho sa ibang bansa, at ito

rin ang mga edad ng mga kabataan na umaalis sa ating bansa dahil sa kakulangan ng

mapapasukan nilang trabaho.


IV

KONGKLUSYON

Para sa aking kongklusyon patungkol sa migrasyon dito ko nalaman na kaakibat palagi

nito ang mabuti at masamang epekto. Ang mabuting epektong naidulot nito sa kababayan natin

ay pwede silang magkaroon ng masaganang pamumuhay dahil sa laki ng sahod na pinapasahod o

pinapadala mula ibang bansa patungo rito. Halimbawa dito ay kung andoon ang mga magulang

mo sa ibang bansa upang magtrabaho at palagi kang pinapadalhan ng mga gusto mo mapa-pera o

gamit pero kaakibat nito ang masamang dulot una ang kalungkutan, pagkasabik sa atensyon ng

mga magulang, at marami pang iba. Kayang isakripisyo ng ating kababayan kahit ang mu-

munting kaligayahan nila alang-alang sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

At dito ko rin nalaman na ang ILO o (International labor Organization) ang pangunahing

ahensiyang tumutulong sa mga Overseas Filipino Worker o mga taong nasa ibang bansa.
V

SOLUSYON

Para saakin ang mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nangingibang bansa ,una

sa lahat naghahanap ang ating kababayan na mapapasokan na Malaki ang sahod ,sunod ang

paghahanap ng trabaho na di matagpoan sa ating bansa dahil sa kakulangan ng pasilidad, kaya

maraming nangingibangbansa dahil sa kakulangan ng ating kagamitan at kakulangan ng trabaho

kung dito satin hindi sila makapasok ng trabaho sa ibang bansa maraming oportunidad ang

naghihintay sa kanila, at dahil dyan maraming nangingibang-bansa.

Ang aking solusyon sa ating problema , sana mas rumami pa ang mga trabahong pweding

pasokan ng ating mga kababayan at sana taasan ang mga sahod ng mga trabahador. At kung

mangyari man ito hindi na mahihirapan ang mga OFW sa kanilang mga pamilya , hindi na nila

isasakripisyo ang kaligayahan alang-alang sa kanilang pamilya, hindi na sila lalayo para

magtrabaho. Mababawasan na ang kalungkotan nila at ang pagkasabik na Makita ang mga

kamag-anak o pamilya nila.


VI

REFERENCES

 https://www.slideshare.net/kheesa/grade-10-migrasyon

 http://pchristiantanguilan.blogspot.com/2016/

 https://www.jstor.org/stable/41110396
TABLE OF CONTENT

PANIMULA (INTRODUCTION) I

SULIRANING PANG-EKONOMIYA II

ANALYSIS (PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS) III

KONGKLUSYON IV

SOLUSYON V

REFERENCES VI
CRITICAL

ANALYSIS PAPER

(MIGRASYON)

SUBMITTED BY:
NERILYN VALENCIANO
10-KALAYAAN

SUBMITTED TO:
MR. ROCKY TUBALLAS
10-A.P.

You might also like