You are on page 1of 6

Bawat taon, milyun-milyon ang nare-rape o namomolestiya, at ipinapakita ng mga pananaliksik na

karamihan sa mga biktima ay kabataan. Halimbawa, sa Estados Unidos, tinatayang kalahati sa lahat ng
biktima ng rape ay wala pang 18 anyos. Dahil napakalaganap ng ganitong pang-aabuso, napakahalagang
pag-usapan ang paksang ito.

Sitwasyon(pwede mong baguhin):

“Ang bilis ng mga pangyayari. Bigla niya akong sinunggaban at isinalya. Nanlaban ako. Inilabas ko ang
pepper spray ko pero tinabig niya ang kamay ko. Sumisigaw ako pero walang boses na lumalabas.
Itinulak ko siya, sinipa, sinuntok, at kinalmot. Pero nang saksakin niya ako, bigla akong nanghina.”—
Annette.

NAPAKARAMING kaso ngayon ng seksuwal na pang-aabuso, at mga kabataan ang kadalasang biktima.
Ang kabataang si Annette ay nabiktima ng hindi niya kakilala. Ang iba naman ay ng kapitbahay nila.
Ganiyan ang nangyari kay Natalie, na sampung taóng gulang nang mamolestiya ng tin-edyer nilang
kapitbahay. “Takót na takót ako at hiyang-hiya na magsumbong,” ang sabi niya.

Paano nakakaapekto sa isang tao ang pagiging biktima ng seksuwal na pag-


atake?
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan na harapin ang mga uri ng sexual assault. Ang mga
indibidwal ay maaaring makaranas ng iba’t ibang agaran, panandalian, at pangmatagalang epekto sa
kanyang pisikal at emosyonal na kagalingan. Kabilang dito ang:

Pagkabigla o pagtanggi. Ang isang taong nabiktima ng sexual assault ay maaaring hindi tanggapin na
totoong nangyari.

Matapos maganap ang anumang anyo ng sexual assault, maaaring matakot ang isang tao sa
nagkasala, ibang tao, o gustuhin na mapag-isa. Ang isang tao ay maaari ring matakot na harapin ang
mga medikal, ligal o sosyal na kahihinatnan ng krimen, at sa posibilidad na itakwil siya ng mga mahal
niya sa buhay dahil sa eskandalo.

Ang isang nakaligtas ay maaaring maging tensyonado. Maaaring hindi mapalagay ang kanyang loob o
palagiang makaramdam ng nagbabadyang panganib.

Pagkakasala (guilt) at paninisi. Ang isang nakaligtas ay maaaring patuloy na balikan ang mga pangyayari
na humantong sa marahas na kaganapan, at maghanap ng kasalanan sa kanyang sarili, o sa iba pa para
sa pag-atake.

Mababang pagpapahalaga sa sarili. Ang isang nakaligtas ay maaaring makaramdam ng kahihiyan o


isiping siya ang marumi pagkatapos ng pag-atake.

Mga bangungot at balik-gunita. Ang mga imahe at alaala ng karahasan ay maaaring magpatuloy sa
pang-araw-araw na buhay at maging sa pagtulog ng isang nakaligtas.

Pagkawala ng tiwala sa iba. Matapos ang pag-atake, ang isang biktima ay maaaring mahirapan na
magtiwala sa ibang tao kahit wala silang kinalaman sa insidente, kasama ang mga kaibigan at kapamilya.
Anu-ano ang mga palatandaan na ang isang bata ay inabuso?
Maraming palatandaang pisikal at pag-uugali ng pang-aabuso sa bata. Pinakamahalaga na kumilos ka
kung may napapansin kang anuman upang makatwiran mong ipalagay na ang isang bata ay inabuso, o
may peligro na maaabuso, kabilang (nguni’t hindi limitado sa):

Isang pagbabago sa pag-uugali ng bata (hal. paglayo sa ibang tao, pagbabalik sa ugaling-bata, o mga di-
angkop sa edad na seksuwal na pagkilos)

Pangkatawang palatandaan ng pang-aabuso (hal. mga di-maipaliwanag na pasa, latay, mga palatandaan
ng malnutrition)

Isang di-naangkop na relasyon sa pagitan ng isang adulto at isang bata (hal. di-nababagay na pisikal na
kontak, mga dimaipaliwanag na regalo o telepono/email na kontak)

Paano tukuyin ang karahasang seksuwal?


Karamihan sa seksuwal na pag-atake ay nangyayari sa loob ng isang relasyon (matalik na kapareha,
miyembro ng pamilya) o sa pamamagitan ng isang taong kakilala. Ang minorya ng mga sexual assault ay
kagagawan ng mga estranghero. Maaari ring maganap ang sexual assault kahit na ang isang tao ay hindi
pisikal na inaatake. Ang seksuwal na pamimilit ay hindi kanais-nais na seksuwal na aktibidad na
nagaganap pagkatapos ang isang tao ay pilitin, linlangin, o pwersahin sa isang hindi pisikal na paraan.

Kahit sino ay maaaring gumamit ng pamimilit — halimbawa, asawa, kapareha, kasintahan, kaibigan,
katrabaho, boss, o mga ka-date.

Ang sexual assault na nangyayari sa pamamagitan ng pamimilit ay mahirap mapansin o makilala.

Maaaring subukan ng isang tao na pilitin ka sa pamamagitan ng paghiling ng sex nang paulit-ulit, nang sa
gayon ay mapilitan kang sumang-ayon na lamang. Maaaring sabihin nila ang mga bagay tulad ng, “Kung
mahal mo talaga ako, gagawin mo ito,” o “Hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo sa akin.”

Maaaring iparamdam sayo ng isang tao na huli na upang umayaw ka at sabihin sayo na, “Ngunit na
nakapagsimula na ako,” o “Hindi mo pwedeng basta pigilan ang isang lalaki”.

Maaari nilang iparamdam sayo na kapag hindi ka nakipagtalik ay mapapasama ang inyong relasyon at
sasabihin ang mga bagay tulad ng, “Makikipaghiwalay ako sa iyo kung hindi ka makikipagtalik sa akin.”

Ang isang tao ay maaaring gumawa ng mga pangako at sabihin sayo na, “Gagawin ko itong sulit sa oras
mo,” o

“Alam mong marami akong koneksyon.”

Maaari silang magbanta sa kaligtasan ng iyong mga anak, pamilya, trabaho, tahanan o paaralan sa
pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay tulad ng “Nirerespeto ko ang trabaho mo dito. Sayang naman
kung may magbago, ‘di ba? ”o” Gagawin ko ito sa mga anak mo kung hindi mo ito gagawin para sa akin.”

Ang pagpilit sayo na makipagtalik ay hindi mo kasalanan. Kung pinipilit ka na gumawa ng isang bagay na
hindi mo nais gawin, huwag kang pumayag o uamlis ka sa sitwasyon. Mas mainam na ipagsapalaran na
matapos ang relasyon o masaktan mo damdamin ng isang tao kaysa sa paggawa ng isang bagay na hindi
mo handa o nais gawin.

Narito ang mga maaari mong isagot:

“Gusto kita, ngunit hindi pa ako handa para sa sex.”

“Kung talagang may pakialam ka sa, igagalang mo na ayaw kong makipagtalik.”

“Wala akong utang na loob sa iyo o anumang bagay.”

Maging malinaw at direkta sa taong pumipilit sa iyo. Sabihin sa kanya kung ano ang iyong pakiramdam at
kung ano ang hindi mo nais na gawin. Kung sila ay hindi nakikinig sa iyo, iwanan ang sitwasyon. Kung
ikaw o ang iyong pamilya ay nasa panganib, subukang lumayo mula sa tao sa lalong madaling panahon.

Paano maprotektahan ang sarili mula sa sekswual na pang-aabuso?


Maging alerto. Kapag nasa labas ka, maging alerto sa mga nangyayari sa paligid. May mga lugar na
talagang delikado, lalo na kung gabi. Hangga’t maaari, huwag dumaan sa mga lugar na iyon o kaya’y
siguraduhing may kasama ka.—Kawikaan 27:12.

Magtakda ng limitasyon. Kung may kasintahan ka, pag-usapan ninyo kung ano ang angkop at di-angkop
na paggawi.* Magtakda ng limitasyon at umiwas sa mga alanganing sitwasyon para hindi ka
mapagsamantalahan.—Kawikaan 13:10.

Huwag matakot magsalita. Walang masama kung sasabihin mong, “Tumigil ka!” o “Alisin mo ‘yang
kamay mo!” Huwag kang matakot na iwan ka ng boyfriend mo. Kung makikipag-break siya sa iyo dahil
dito, okey lang. Hindi mo kailangan ng ganiyang kasintahan! Ang bagay sa iyo, isang tunay na lalaki na
irerespeto ang iyong pagkababae at prinsipyo.*

Maging maingat kapag nag-i-Internet. Huwag magbigay ng personal na impormasyon o mag-post ng


mga picture na magbibigay ng ideya sa iba kung nasaan ka.* Kung nakatanggap ka ng mahalay na
mensahe, makabubuting huwag mag-reply. Wala silang magagawa sa iyo kung hindi ka kakagat sa pain
nila.

Magtiwala sa iyong mga instinct. Kung nag-iisa ka na kasama ang isang taong hindi mo kilala o
pinagkakatiwalaan, umalis ka. Kung hindi ka komportable sa anumang sitwasyon sa anumang
kadahilanan, umalis ka.

Maging mapagmasid sa iyong paligid. Lalo na kung naglalakad mag-isa, iwasang makipag-usap sa iyong
telepono o makinig sa musika gamit ang iyong headphone. Manatili sa maliwanag at mataong, lalo na sa
gabi.

Ano ang dapat pag-usapan kapag ipinapaliwanag ko ang kaligtasan sa isang


bata?
May mga bagay na magagawa mo sa iyong tahanan na magdaragdag sa pag-unawa ng iyong anak sa
ligtas at magalang na relasyon kabilang ang:

Pakikipag-usap mo nang tapatan sa iyong anak tungkol sa kanyang mga damdamin at mga relasyon
Paniniguro na nauunawaan niya na ikaw ay makikinig at kikilos kung siya ay nababahala tungkol sa
pagtrato ng sinuman sa kanya

Paggamit ng tamang katawagan sa mga bahagi ng katawan at pagkakaroon ng mga angkop sa edad na
pag-uusap tungkol sa paghipo at gawaing sekswal

Pagpapaalam sa iyong anak na ang mga adulto kailanman ay hindi dapat manakit o kumilos sa isang
sekswal na paraan sa sinumang bata

Paano masusuportahan ang isang kaibigan na naatakeng sekswal?


Kapag ang isang tao ay nakakaranas ng seksuwal na karahasan, ang taong pinili nilang kausapin tungkol
dito ay may mahalagang papel. Ang isang magaling sumuportang miyembro ng pamilya, kaibigan, o
kasamahan sa trabaho ay maaaring isang mahalagang pagmumulan ng suporta at tulong. Maaaring
mahirap na malaman kung paano tutugon at maaaring mag-aalala ka tungkol sa paggawa ng maling
bagay. May ilang mga simpleng bagay na maaari mong gawin at ang sumusunod na impormasyon ay
makakatulong sa iyong tumugon.

Pagkuha ng tulong. Ang mga serbisyo para sa seksuwal na panghahalay ay isang pansimulang punto
para sa pagkuha ng tulong. Nagbibigay ang mga ito ng payo at impormasyon para sa mga taong
kamakailan lang ay seksuwal na hinalay, at para sa mga taong nagbibigay ng suporta. Ang mga detalye
ng mga serbisyo para sa seksuwal na panghahalay ay maaaring makita dito [sa Ingles]. Ang karamihan sa
mga serbisyo ay may makukuhang mga tagasalinwika at suporta pagkalipas ng mga oras ng tanggapan.

Maniwala. Kung sasabihin ng isang tao sa iyo na sila ay seksuwal na hinalay, ang iyong tungkulin ay
maniwala, sumuporta at tulungan silang magsaliksik ng mga opsiyon para sa kung ano ang susunod na
gagawin. Natural lang na naisin mong magtanong ng maraming katanungan, pero ang pagtatanong ay
maaaring labis na mapanghimasok. Bago magtanong, makinig muna.

Makinig. Ang ilang tao ay gusto kaagad na pag-usapan ang tungkol sa kanilang karanasan, ang ibang tao
naman ay hindi. Ang pag-alok na makikinig nang hindi nakikisabad, at ang pagiging naroroon at hindi
humuhusga kapag handa na ang biktima/nakaligtas na makipag-usap, ay isang mahalagang sangkap ng
pagsuporta.

Huwag kailanman manisi. Ang mga biktima/nakaligtas ay hindi kailanman dapat sisihin sa seksuwal na
panghahalay. Hindi kailanman ok ang seksuwal na panghahalay. Ang suot ng tao, kanyang kultura, edad,
paggamit ng droga o alkohol, o relasyon sa taong gumawa ng panghahalay ay hindi kailanman
responsable para maging sanhi upang siya ay seksuwal na halayin ng ibang tao.

Tumulong sa pagsaliksik ng mga opsiyon. Sa pamamagitan ng pagsiguro na batid ng biktima/nakaligtas


ang kanyang mga karapatan at opsiyon, kinikilala mo ang kanyang karapatan upang magkaroon ng
kontrol hangga't maaari hinggil sa kung ano ang susunod na mangyayari. Makakatulong ka sa
pamamagitan ng pag-alam tungkol sa mga serbisyo at kung paano ito gagamitin. Ang mga epekto ng
seksuwal na panghahalay ay maaaring magpapahirap sa biktima/nakaligtas na pag-isipan ang mga
bagay-bagay na ito kaagad. Ang pagtulong upang makahanap at makagamit sa mga serbisyo ay isang
magandang lugar na pagsisimulan kapag gusto ng biktimang nakaligtas na ituloy ang opsiyon na ito.
Mga isyu sa kalusugan
Ang pagsuporta sa isang tao na nakakaranas ng seksuwal na karahasan kamakailan lang ay maaari ring
mangahulugan nang pakikipag-usap sa kanila tungkol sa anumang mga pisikal na pinsala at/o seksuwal o
iba pang mga isyu sa kalusugan. Kabilang sa mga bagay na maaaring alalahanin ng isang
biktima/nakaligtas ay:

Pagbubuntis

Mga impeksiyon na naipapasa sa pagtatalik (sexually transmitted disease o STI)

Pagkalantad sa HIV

Mga pangkalahatang alalahanin sa kalusugan

Dapat na isaalang-alang ng isang nanunungkulan sa pangangalaga ng kalusugan na tinatanggal ng


karanasan ng seksuwal na panghahalay ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kontrol ng
biktima/nakaligtas sa sarili nilang katawan sa isang malalim na paraan. Ang anumang interbensiyon sa
kanila ay kailangang mag-maximize sa kanilang pakiramdam ng pagkakaroon ng kontrol sa sarili nilang
katawan at sa paggawa nila ng sarili nilang desisyon.

Kung Nagi-guilty Ka
Hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin si Annette sa nangyari. “Sarili ko ang kalaban ko,” ang sabi niya.
“Lagi kong naaalala ang gabing iyon. Naiisip ko, sana mas nanlaban pa ako. Ang totoo, nang masaksak
ako, hindi na ako nakagalaw sa sobrang takot. Pero sinisisi ko pa rin ang sarili ko kasi dapat sana, may
ginawa pa ako.”

Sinisisi rin ni Natalie ang sarili niya. “Hindi ako dapat basta-basta nagtiwala,” ang sabi niya. “Sinabihan na
kami ng mga magulang namin na dapat lagi kaming magkasama ng kapatid ko kapag naglalaro sa labas,
pero hindi ako nakinig. Kaya parang binigyan ko ng pagkakataon ang kapitbahay namin na
pagsamantalahan ako. Sobrang nasaktan ang pamilya ko, at pakiramdam ko, ako ang may kasalanan.
‘Yan ang pinakamasakit.”

Kung kagaya mo sina Annette at Natalie at sinisisi mo rin ang iyong sarili, ano ang puwede mong gawin?
Una sa lahat, tandaan na hindi mo gusto ang nangyari. May mga nagsasabing hindi masisisi ang mga
lalaki, at baka ginusto pa nga iyon ng biktima. Pero sino ba naman ang gustong ma-rape? Kung biktima
ka ng ganitong karumal-dumal na krimen, wala kang kasalanan!

Napakadaling basahin ang pananalitang “wala kang kasalanan,” pero baka nahihirapan kang kumbinsihin
ang sarili mo na totoo ito. Pinabibigatan naman ng iba ang kanilang sarili dahil hindi nila ipinagtatapat
ang nangyari. Pero kung mananahimik ka, sino ang talo—ang nang-abuso sa iyo o ikaw? Huwag kang
paagrabyado. May magagawa ka.

Ipagtapat ang Nangyari


Nang magkapatung-patong ang problema ng tapat na si Job, sinabi niya: “Ako ay magbubulalas ng aking
pagkabahala tungkol sa aking sarili. Ako ay magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa!” (Job 10:1)
Makikinabang ka kung gagawin mo rin iyan. Kung ipagtatapat mo sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan
ang nangyari, matutulungan ka nito na maka-recover.

Kung isa kang Kristiyano, mahalagang sabihin mo sa mga elder sa kongregasyon ang nangyari. Bilang
maibiging pastol, titiyakin nila sa iyo na hindi ka nadungisan dahil sa kasalanan ng iba. Iyan ang
napatunayan ni Annette. Sinabi niya: “Nakipag-usap ako sa isang malapít na kaibigan, at pinayuhan niya
akong lumapit sa mga elder sa kongregasyon namin. Buti na lang, sinunod ko siya. Ilang beses nila akong
kinausap at sinabi sa akin ang mga kailangan kong marinig—na hindi ko ito kasalanan. Wala akong
kasalanan.”

Kung magtatapat ka sa iba at ilalabas ang nadarama mo, maiiwasan mong madaig ng galit at hinanakit.
(Awit 37:8) Kung matagal mo na itong itinatago, gagaan ang pakiramdam mo oras na may mapagsabihan
ka. Ganiyan ang naranasan ni Natalie nang magtapat siya sa mga magulang niya. “Sinuportahan nila
ako,” ang sabi niya. “Sinabi nilang huwag akong mahiyang magkuwento, at nakatulong iyon para hindi
maipon ang lungkot at galit na nararamdaman ko.” Malaking tulong din sa kaniya ang panalangin.
“Natulungan ako ng pakikipag-usap sa Diyos,” ang sabi niya, “lalo na noong mga panahong hindi ko pa
kayang magtapat sa iba. Kapag nananalangin ako, nasasabi ko lahat, kaya napapanatag ako.”*

Mararamdaman mo rin ang “panahon ng pagpapagaling.” (Eclesiastes 3:3) Humingi ng tulong sa


maaasahang mga kaibigan, gaya ng mga elder na itinulad sa “taguang dako sa hangin at dakong kublihan
sa bagyong maulan.” (Isaias 32:2) Ingatan ang iyong pisikal at emosyonal na kalusugan. Kailangan mo rin
ng sapat na pahinga. Higit sa lahat, umasa sa Diyos ng buong kaaliwan, kay Jehova, na nangangako ng
isang bagong sanlibutan kung saan “ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin, ngunit yaong mga
umaasa kay Jehova ang siyang magmamay-ari ng lupa.”—Awit 37:9.

You might also like