You are on page 1of 3

Pamagat ng Programa: “Kaalaman ko, Ipapahayag ko”

Ms. Planas (Host): Bawat taon, milyun-milyon ang nare-rape o namomolestiya, at ipinapakita ng
mga pananaliksik na karamihan sa mga biktima ay kabataan. Halimbawa, sa Estados Unidos,
tinatayang kalahati sa lahat ng biktima ng rape ay wala pang 18 anyos. Dahil napakalaganap ng
ganitong pang-aabuso, napakahalagang pag-usapan ang paksang ito.

Ms. Planas (Host): Ngayong araw, nandito nanaman tayong muli upang masolusyunan ang
panibagong paksa na ating tatalakayin. Ngunit bago yon, nais kong iparinig sa inyo ang kwento
ng isang babaeng itago nalang natin sa pangalang “Annette”. Narito sa iskreen ang kanyang
pahayag.

“Ang bilis ng mga pangyayari. Bigla niya akong sinunggaban at isinalya. Nanlaban ako
inilabas ko ang pepper spray ko pero tinabig niya ang kamay ko. Sumisigaw ako pero walang
boses na lumalabas. Itinulak ko siya, sinipa, sinuntok, at kinalmot. Pero nang nilagay niya ang
panyo sa aking ilong, bigla akong nanghina at nagising nalang na walang kasuotan sa kalsada”.

Ms. Planas (Host): Napakaraming kaso ngayon ng seksuwal na pang-aabuso, at mga kabataan
ang kadalasang biktima. Ang kabataang si Annette ay isa lamang sa napakaraming biktima.
Ngayon, nais kong ipakilala ang isang propesyonal na si Ms. Idette Bausa upang tayo’y samahan
sa araw na ito.

Ms. Bausa (Counselor): Magandang araw sa inyong lahat at maraming salamat sa imbitasyon,
ako si Idette Bausa isang Sexual Abuse Counselor at narito ako upang ibahagi ang aking
kaalaman sa publiko.

Ms. Planas (Host): Maraming salamat po sa pagtanggap ng aming imbitasyon. Hindi ko na


patatagalin pa, sa narinig niyong kwento kanina ni Annette, ang aking unang katanungan ay;
“Paano nakakaapekto sa isang tao ang pagiging biktima ng seksuwal na pagatake?”

Ms. Bausa (Counselor): Labis akong nalulungkot sa narinig kong kwento kanina at nakababahala
ang lalaking nagpasya sa kanya, sana’y mahuli na ang lalaking iyon. Para sa katanungan, Ang
bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan na harapin ang mga uri ng sexual assault. Ang mga
indibidwal ay maaaring makaranas ng iba’t ibang agaran, panandalian, at pangmatagalang
epekto sa kanyang pisikal at emosyonal na kagalingan. Kabilang dito ang:

 Pagkabigla o pagtanggi. Ang isang taong nabiktima ng sexual assault ay maaaring hindi
tanggapin na totoong nangyari.
 Ang isang nakaligtas ay maaaring maging tensyonado. Maaaring hindi mapalagay ang
kanyang loob o palagiang makaramdam ng nagbabadyang panganib.
 Mababang pagpapahalaga sa sarili. Ang isang nakaligtas ay maaaring makaramdam ng
kahihiyan o isiping siya ang marumi pagkatapos ng pag-atake.
 Mga bangungot at balik-gunita. Ang mga imahe at alaala ng karahasan ay maaaring
magpatuloy sa pang-araw-araw na buhay at maging sa pagtulog ng isang nakaligtas.
 Pagkawala ng tiwala sa iba. Matapos ang pag-atake, ang isang biktima ay maaaring
mahirapan na magtiwala sa ibang tao kahit wala silang kinalaman sa insidente, kasama
ang mga kaibigan at kapamilya.

Ms. Planas (Host): Ako ay tunay na sumasang-ayon po sa inyong nabanggit at alam ko madami
pang epekto na maaari nilang maranasan. Para sa pangalawang katanungan naman, “Anu-ano
ang mga palatandaan na ang isang bata ay inabuso?”

Ms. Bausa (Counselor): Maraming palatandaang pisikal at pag-uugali ng pang-aabuso sa bata.


Isang palatandaan ay pagbabago sa pag-uugali ng bata gaya ng paglayo sa ibang tao, pagbabalik
sa ugaling-bata, o mga di-angkop sa edad na seksuwal na pagkilos. Pangkalawang palatandaan
ay mga di-maipaliwanag na pasa, latay, mga palatandaan ng malnutrition at marami pang iba.

Ms. Planas (Host): Nawa’y nagsusulat ang mga tagapakinig at kung ang isa sa palatandaang
nabanggit ay makita niyo sa kakilala niyo ay ipagbigay alam agad. Ikatlong katanungan naman
ay, “Paano maprotektahan ang sarili mula sa sekswual na pang-aabuso?”

Ms. Bausa (Counselor):

 Maging alerto. Kapag nasa labas ka, maging alerto sa mga nangyayari sa paligid. May
mga lugar na talagang delikado, lalo na kung gabi.
 Magtakda ng limitasyon. Kung may kasintahan ka, pag-usapan ninyo kung ano ang
angkop at di-angkop na paggawi.
 Huwag matakot magsalita. Walang masama kung sasabihin mong, “Tumigil ka!” o “Alisin
mo ‘yang kamay mo!”.
 Maging maingat kapag nag-i-Internet. Huwag magbigay ng personal na impormasyon o
mag-post ng mga picture na magbibigay ng ideya sa iba kung nasaan ka.
 Magtiwala sa iyong mga instinct. Kung nag-iisa ka na kasama ang isang taong hindi mo
kilala o pinagkakatiwalaan, umalis ka. Kung hindi ka komportable sa anumang sitwasyon
sa anumang kadahilanan, umalis ka.
 Maging mapagmasid sa iyong paligid. Lalo na kung naglalakad mag-isa, iwasang
makipag-usap sa iyong telepono o makinig sa musika gamit ang iyong headphone.
Manatili sa maliwanag at mataong, lalo na sa gabi.

Ms. Planas (Host): Mga tagapakinig, maaari niyo itong ipamahagi sa inyong mga kakilala upang
sila ay maging ligtas. Para sa huling katanungan, “Ano ang dapat pag-usapan kapag
ipinapaliwanag ko ang kaligtasan sa isang bata?”

Ms. Bausa (Counselor): May mga bagay na magagawa mo sa iyong tahanan na magdaragdag
sa pag-unawa ng iyong anak sa ligtas at magalang na relasyon kabilang ang:

 Pakikipag-usap mo nang tapatan sa iyong anak tungkol sa kanyang mga damdamin at


mga relasyon.
 Paniniguro na nauunawaan niya na ikaw ay makikinig at kikilos kung siya ay nababahala
tungkol sa pagtrato ng sinuman sa kanya.
 Paggamit ng tamang katawagan sa mga bahagi ng katawan at pagkakaroon ng mga
angkop sa edad na pag-uusap tungkol sa paghipo at gawaing sekswal.
 Pagpapaalam sa iyong anak na ang mga adulto kailanman ay hindi dapat manakit o
kumilos sa isang sekswal na paraan sa sinumang bata.

Ms. Planas (Host): At ayon na nga po, Maraming salamat sa pagsagot sa ilang katanungan na
inihanda ng aming programa. Nawa’y makatulong ito hindi lamang sa mga nakakaranas ng
sekswal na pang-aabuso sa ngayo ngunit pati nadin sa mga maaaring makaranas nito na sana
ay huwag mangyari. Sana ay tandaan niyo ang mga kaalaman na ito at ibahagi sa madaming
tao. Muli, Maraming salamat Ms. Bausa.

Ms. Bausa (Counselor): Maraming salamt din po at paalala ko na kung kayo ay nangangailangan
ng tulong ay huwag matakot magsalita upang maagapan. At kung ikaw ay may kakilalang
nakakaranas ng sekswal na pang-aabuso ay ipagbigay alam upang matulungan sila. Tandaan na
kaligtasan ay importante.

Ms. Planas (Host): Mga tagapakinig, Maraming salamat at bukas uli ay magkita-kita tayo dito sa
programang, Kaalaman ko, Ipapahayag ko.

You might also like