You are on page 1of 12

Epekto ng Implasyon sa mga maliliit na negosyo sa

Angeles City

Mga Mananaliksik:

Victorino, Giniel
Tuazon, Stephanie
Carolino, Eumi Chantelle
Almeida, Asher Christian
Sanchez, Jaymart
Introduksyon
Malaki ang epekto ng Implasyon sa mga maliliit na negosyo sa lalawigan ng
Pampanga, dagdag parito malaki rin ang naitutulong ng mga maliliit na negosyo sa
ekonomiya ng bansa at sa mga kapwa Pilipino. Ang implasyon ay ang hindi inaasahan o
patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto o ng isang bagay. Bumababa ang halaga
ng pera, habang tumataas ang presyo ng mga bilihin at produkto na nag reresulta sa
epekto ng Implasyon (Estrañero, 2023). Isinalaysay naman ni John Carlo Tria, Presidente
ng Davao City Chamber of Commerce and Industry, Incorporation, sa isang birtwal na
press conference na malaki ang magiging epekto ng implasyon sa iba’t ibang aspekto ng
negosyo, kapag mahal ang materyales, gayundin ang presyo ng transportasyon at
naapektuhan nito ang kakayahan ng mga lokal na producer na mabenta ang mga
produkto (Espinosa, 2023). Ipinaliwanag naman sa datos ng Department of Trade and
Industry (DTI) na tungkulin ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) o mga
maliliit na negosyo na makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan at makatulong sa
pagtaas ng ekonomiya ng bansa. Dagdag pa dito 98% o mas mataas pa ang bilang ng
mga maliliit na negosyo sa karamihan ng mga bansa. Ipinapakita naman ng empirical na
pag-aaral na 55% ang naibibigay ng mga maliliit na negosyo sa Gross Domestic Product
(GDP) at halos 65% naman ang sumatotal ng estado ng mga mamamayang may trabaho
sa mga bansang may mataas na ekonomiya.

Sa panahon ngayon, ang mga presyo ng mga bilihin katulad ng pagkain, produkto,
materyales at iba pa ay mahal na at unti-unting pang tumataas, dahil sa epekto ng
implasyon at mayroong epekto sa paraan ng pamumuhay ng mga tao, kabilang na dito
ang mga maliliit na negosyo na muling nagsisimulang bumangon dahil sa naging epekto
ng COVID-19 o pandemya.Sa patuloy na pagdami ng mga nagsasara at nahihirapan na
maliliit na negosyo dahil sa epekto at impakt ng implasyon. Ang mga mananaliksik ay
nakapag desisyon na gawan ng pag-aaral ang problemang kinakaharap ng mga maliliit
na negosyo sa Angeles City dahil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng Implasyon na
mayroong kaakibat na impakt sa kanilang mga negosyo ngunit hindi lang ang mga
negosyante sa Angeles City ang makikinabang sa mga kasagutan na makikita sa
pananaliksik na ito, kundi pati ang iba pang mga negosyante at mamamayan ng ating
bansa. Sa pananaliksik na ito ay matutukoy kung ano ang mga epekto ng implasyon sa
mga maliliit na negosyo na nagpapahirap sa mga ito para kumita at magpalaki ng
negosyo. Kaakibat nito matutukoy rin sa pananaliksik na ito kung ano at paano nag-
sisimula ang implasyon na mayroong epekto sa ekonomiya at mga maliliit na negosyo.
Makikita rin sa pananaliksik na ito kung ano ang mga maliliit na negosyo sa Angeles City
na naapektuhan ng implasyon.

Ang mga mananaliksik ay pipilitin sagutin ang mga katanungan na may kinalaman
o koneksyon sa epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo. Sisikapin rin ng mga
mananaliksik na makapagbigay ng mga rekomendasyon at solusyon na maaring gawin
sa mga maliliit na negosyo na naapektuhan ng implasyon at ano ang kanilang maaring
gawin habang wala pang epekto ang implasyon. Sa ganitong paraan maka-paghahanda
at makagagawa ng paraan ang mga negosyante para sa kanilang mga maliliit na negosyo
sa oras na maapektuhan ng implasyon ang kanilang mga maliit na negosyo.

Kaugnay na Literatura at Pag-Aaral


Ayon kay (Camberato, 2022) ang implasyon ay laging nangyayari, kaya naman
kailangan na laging maging handa ang mga may ari ng maliliit na negosyo at importante
na alam at naiintindihan nila ang mga maaaring maging epekto ng implasyon sa negosyo
upang makaisip at makagawa sila ng solusyon para rito.

Ayon naman kay (Yolanda, 2017) ang implasyon ay isang sakit o virus na may
kalakip na epekto at impakt sa ekonomiya ng isang bansa. Dahil sa implasyon
naapektuhan ang halos lahat ng aktibidad sa ekonomiya ng isang bansa.

Ipinaliwanag naman ni (Katigbak, 2022) dahil sa implasyon patuloy na tumataas


ang halaga ng bawat produkto at serbisyo at ang mga Pilipino ay nahihirapan dahil
habang tumataas ang presyo ng mga bilihin, ang kanilang mga sahod ay nanatili paring
mababa at hindi tumataas.

Base naman sa pag-aaral nila (Gryttten, Nedal, & Muri, 2023) ang implasyon ay
ang pag alis o pagtanggi sa totoong balyu ng pera at pagkawala ng kapabilidad nito na
makabili ng isang bagay. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin, nababawasan ang
kapabilidad at halaga ng pera na makabili ng marami sa halip kaunti na lamang ang
maaaring mabili nito sa mga produkto at serbisyo. Ang pagtaas ng presyo sa produksyon
o produkto at serbisyo ay nag reresulta sa implasyon.

Binigyang diin naman nila (Munabdar, Mistar, Rimawan, Huda, 2020) maaring
makaapekto ang implasyon sa epekto ng kita, epekto sa kahusayan, at epekto sa awtput.
Maaring mapataas ng implasyon ang produksyon, dagdag parito tataas ang kita ng mga
negosyante kung nauna ang pagtaas ng presyo sa mga produkto bago ang pagtaas sa
mga bayarin, at dahil dito maaaring mahikayat ang pagtaas sa produksyon. Subalit, kung
mataas ang implasyon magkakaroon ito ng kabaligtaran na epekto sa negosyo at
maaaring bumababa ang awtput ng mga produkto.
Ayon naman kay (Fox, 2022) lalong naging malikhain ang mga may-ari ng mga maliliit
na negosyo dahil sa sitwasyon na kanilang kinakaharap, at naghahanap ng alternatibong
solusyon kagaya ng pagbabawas sa dami ng suplay sa produkto, at mga serbisyo na
ibinibigay sa mga mamimili, upang makatulong na mapanatili ang presyo o halaga.

Isinalaysay naman ni (Espinosa, 2023) ang sinabi ng isang may-ari ng maliit na


negosyo na nananatiling hamon ang mataas na implasyon dahil nakakaapekto ito sa
operasyon ng negosyo. Kung ang implasyon ay tumataas, nagmamahal lalo ang presyo
ng mga hilaw na materyales. Ito ay nagdudulot ng mas mataas na presyo ng mga bilihin
at serbisyo na nag reresulta ng mas mababa o kaunting kita.

Ipinaliwanag naman ni (Estrañero, 2023) naapektuhan ng implasyon ang pagtaas


ng presyo ng mga produkto at bilihin o mas dumaragdag ang mga binabayaran ng isang
tao para sa serbisyo at produkto, dahil rito mawawalan at mababawasan ang capabilidad
ng isang indibidwal na bumili sa kadahilanang hindi makasabay at aabot ang kanilang
sahod habang patuloy na tumataas ang presyo ng produkto at serbisyo dulot ng
implasyon. Dagdag pa dito, nahirapan ang ibang mga negosyo sa Pilipinas dahil sa
biglaang pag-konti ng suplay sa sibuyas at bawang, na nagresulta sa pagtaas ng presyo
sa sibuyas na umabot ng 140 pesos kada kilo.

Binigyang diin naman ni (Natividad, 2021) mahina at mababa ang takbo ng estado
sa mga maliliit na negosyo kapag mataas ang implasyon. Magkasalungat ang galaw sa
kategorya ng mga maliit at katamtamang negosyo, exchange-traded funds, at industriya,
sa galaw at takbo ng implasyon depende sa balyu o presyo ng kalakalan o
pakikipagpalitan. Sa kabaligtaran maaaring ang kategorya ng mga ari arian katulad ng
lupa, paupa, real-estate at iba pa ay sumabay at pareho ang galaw sa implasyon. Subalit
hindi lahat ng kategorya sa suplay ng merkado ay naapektuhan sa galaw ng implasyon.

Ayon sa pag aaral nina (Ballesteros, Salangsang, Espino, De Leon, & Velasco,
2022) nababawasan ang bilang ng mga mamimili ng mga may-ari ng sari-sari store o
tindahan, dahil maaaring sa mga malaking pamilihan o grocery stores na bumibili ang
kanilang mga mamimili o costumers kaysa sa mga sari-sari store o maliit na tindahan.
Dagdag pa dito, nakasalaysay sa kanilang resulta na tinataasan at dina-ragdagan ng mga
nagtitinda ang presyo ng kanilang mga itinitindang produkto kaakibat ng pagtaas sa
presyo ng mga produkto sa pamilihan dahil sa epekto ng implasyon.

Gayunpaman, may pagkakapareho at pagkakaiba ang epekto ng implasyon


depende sa estado ng ekonomiya sa isang bansa, at sa kakayahan ng mga maliliit na
negosyo na makasabay at labanan ang magiging epekto ng implasyon. Kaya naman sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito, tutukuyin at pag-aaralan ang epekto ng implasyon
sa mga maliliit na negosyo sa Angeles City upang mabigyang linaw at diin ang mga
nararapat na gawin sa epekto at impakt ng implasyon ngayon at sa hinaharap.

Batayang Konsptwal
Maisasagawa ang pananaliksik na ito sa konseptwal na naglalayong sumagot sa
mga tanong at bigyang linaw kung ano ang impakt at epekto ng implasyon sa mga maliliit
na negosyo sa Angeles City.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paradigma na Input-Process-Output (I-P-O)


na naglalarawan at magpapakita sa daloy ng pag-aaral. Makikita sa hanay ng Input ang
mga batayang gagamitin at gagabay sa mga mananaliksik na masuri at mapagaralan ang
epekto ng implasyon sa maliliit na negosyo. Ipinapakita naman sa hanay ng process ang
pagkolekta at pagsusuri sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa pamamagitan
ng Interbyu. Ang epekto ng Implasyon sa mga maliliit na negosyo sa Angeles City na
nagsisilbing resulta ay kumakatawan sa output.

Ang batayang konseptwal na ito ay magpapakita ng sistematikong paraan at


pananaw na nagpapakita ng daloy at proseso sa pagkuha ng datos na makakatulong sa
pagkuha ng resulta sa pinag-aaralan at sinasaliksik na isyu o problema.

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pananaliksik at pag-aaral na ito na maipakita ang epekto ng


implasyon sa maliliit na negosyo at makapagbigay ng rekomendasyon sa mga
negosyante na naapektuhan ang kanilang mga maliliit na negosyo dahil sa implasyon.

Partikular, ang mga mananaliksik ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga


sumusunod na katanungan:

1. Naaapektuhan ba ng implasyon ang halaga ng pera sa pagbili ng


produkto at serbisyo?
2. Anong uri o klase ng maliit na negosyo ang mas nakakaranas sa epekto
ng implasyon, at gaano katindi ang epekto nito?
3. Naaapektuhan ba ng Implasyon ang dami ng mamimili sa mga maliit na
negosyo?
4. Anong uri ng produktong itinitinda ang pinaka naapektuhan sa
Implasyon?
5. Ano ang epekto ng Implasyon sa kita ng isang maliit na negosyo?
6. Ano ang mga paghahanda ang kinakailangan na gawin para mabawasan
ang epekto ng Implasyon?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mga posibleng epekto ng


implasyon sa mga maliliit na negosyo particular sa Angeles City. Bibigyang linaw ng
pananaliksik na ito ang ideya ng bawat isa sa kung ano nga ba ang epekto ng implasyon
at bakit ito dapat paghandaan. Matutuklasan sa pag-aaral na ito ang epekto ng implasyon
sa mga negosyo at ilang mga rekomendasyon na nakalap galing sa mga respondente na
nakibahagi sa pananaliksik.

Ang pananaliksik at pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga negosyante- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga negosyante na


mabigyan ng solusyon ang epekto ng implasyon kung sakaling ito ay kasalukuyang
nararanasan okaya naman ay para sa paghahanda para sa hinaharap. Sa pamamagitan
nito maiiwasan ng mga negosyante ang malaking impakt ng implasyon sa kanilang mga
negosyo at mapaghahandaan ito ng maaga.

Sa mga taong balak maging negosyante- Makapagbibigay ang pag-aaral na ito ng


ideya sa mga indibidwal o grupo ng tao na balak mag umpisa ng negosyo tungkol sa
problema na maari nilang kaharapin at maranasan sa pagpapatakbo ng isang negosyo
at makakuha ng ideya kung paano nila ito haharapin at masosolusyunan sa pamamagitan
ng resulta at rekomendasyon na makikita sa pag-aaral na ito.

Sa mga mag-aaral ng ABM- Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga mag-
aaral ng ABM na magamit bilang isang reperensya sa isang aktibidad na kinakailangan
ng maayos at mapagkakatiwalaan na datos na tutulong na mapalinaw ang kanilang
ginagawang aktibidad.

Sa mga Lokal na Pamahalaan- Makatutulong ang pag-aaral na ito sa lokal na


pamahalaan na magawan ng paraan at solusyon ang epekto ng implasyon sa kanilang
lugar, sa pamamagitan nito nabibigyang aksyon ang epekto ng implasyon at maiiwasan
ang malaking impakt na maari nitong maidulot at maaaring makagawa ng programa ang
pamahalaan na susuporta sa mga maliliit na negosyo na may malaking pangangailangan
dahil sa epekto ng Implasyon.

Sa mga susunod pang mga mananaliksik- Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing


kapakipakinabang na sanggunian para sa mga mananaliksik sa hinaharap na mapalawak
at suportahan ang kanilang pag-aaral na konektado sa paksa ng pananaliksik na ito.

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay malaman at matukoy kung paano naaapektuhan


ng implasyon ang iba’t ibang uri ng maliliit na negosyo sa Angeles City at makapagbigay
ng rekomendasyon sa napiling isyu. Ang mga pangunahing respondente sa pananaliksik
na ito ay ang mga piling negosyante na nagpapatakbo ng maliliit na negosyo sa Angeles
City. Limitado ang pag-aaral na ito sa epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo,
at ang mga magiging respondente lamang dito ay ang mga negosyante sa Angeles City
na nakalimita sa sampo (10), sapagkat naniniwala ang mga mananaliksik na
matutugunan ng mga napiling respondente ang mga datos na kinakailangan ng mga
mananaliksik para sa pag-aaral na ito.

Metodolohiya

Disenyo at Pamamaraan ng Panaliksik

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng kwalitatibong pananaliksik na


tumutukoy sa malalimang pagsusuri sa mga datos na nakuha sa pamamagitan ng
pakikipanayam, obserbasyon, at iba pa. Ipinaliwanag nila (Ugwu & Eze, 2023) ang
kwalitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa nararamdaman, ideya, at karanasan. Ang
paghahanap ng ideya at pag intindi sa isang bagay na nag reresulta sa hypothesis na
maaring subukan at bigyan ang mga mananaliksik ng bagong pananaw sa isang bagay,
at ang kwalitatibong pananaliksik ay laging naka salaysay. Akma at sumasailalim rin ang
action research sa kwalitatibong pananaliksik kung saan sasaliksikin ang isang napiling
problema na nais gawan ng aksyon at solusyon. Ang mga mananaliksik ay
nangangailangan ng isang mabusising pag oorganisa at pag-aaral sa mga sagot na
ibinigay ng mga napiling respondente sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unstructured
interview. Ayon kay (George, 2022) ang unstructured interview ay isang paraan ng
pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa isang paksa para sa
pagkuha ng datos sa mga respondente. Ito ay kilala sa pagiging impormal at madaling
maibagay, na nakakakuha ng mas magaganda at maayos na mga kasagutan galing sa
mga respondente. Ang mga disenyo at mga pamamaraan na ito ay tutulong sa mga
mananaliksik na matukoy ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo sa
Angeles City at makagawa ng solusyon.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga sumusunod ay ang mga pamamaraan ng mga mananaliksik sa


pagsasagawa ng pag-aaral na ito:

1. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng unstructured-interbyu kung


saan walang kontrol ang mananaliksik sa magiging sagot ng kalahok at
gagawa ng mga katanungan para sa isasagawang interbyu. Sa pamamagitan
ng interbyu , matutukoy at makumpleto ang mga datos na kailangan upang
malaman ang epekto ng implasyon sa maliliit na negosyo sa Angeles City.

2. Matapos maihanda ang mga kagamitan at instrumento, ipapabalideyt at


ipasusuri ang mga katanungan na naihanda ng mga mananaliksik sa mga
eksperto, kagaya ng ekonomista upang malaman kung umaaayon at tama ba
ang mga tanong sa paksa, pangalawa sa isang guro na nagtuturo ng Filipino
upang masuri ang mga salita at maayos ang mga gramatika. Panghuli ay isang
negosyante na may karanasan, upang magabayan at malinawan ang mga
mananaliksik sa paggawa ng mga tanong na gagamitin sa interbyu.

3. Nabalideyt at nasuri na ang mga katanungan at instrumento para sa pag-


aaral, gagawa na ng iskedyul ang mga mananaliksik para sa isasagawang
interbyu, upang masiguro na lahat ng kalahok ay libre sa araw at oras na
nakatakda.

4. Isa-isang iinterbyuhin ang mga kalahok sa interbyu na isasagawa, at


oorganisahin ang kanilang mga sagot upang hindi maging magulo ang mga
datos at mapanatili ang kaayusan at kalidad ng datos.

5. Kumpleto na ang mga sagot o datos na kinakailangan galing sa mga piling


respondente.

6. Isa Isang aayusin at pag-aaralan ang mga sagot at datos galing sa mga
respondente na makakaimpluwensya sa magiging resulta ng pag-aaral tungkol
sa epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo.

Pagsusuri ng Datos

Sa pagsusuri ng datos, ang mga mananaliksik ay gagamit ng Thematic Coding.


Ipinaliwanag ni (Caulfield, 2019) ang thematic coding ay isang pamamaraan ng pag
aanalisa sa isang kwalitatibong datos. Mabusising susuriin at aanalisahin ng
mananaliksik ang mga datos upang matukoy ang mga tema, ideya, at mga datos na may
pagkakapareho at pagkakatulad. Gamit ang thematic coding makakaiwas ang pag-aaral
at pagsuri sa mga datos na maging isang bias, sa pamamagitan ng pagsunod sa anim
(6) na proseso ng thematic coding, ito ang mga pagkilala at pag intindi sa mga datos,
pag-eencode, paggawa ng tema, pag-suri sa mga tema, pagtukoy sa mga tema,
pagbibigay ng pangalan sa mga nasuri at natukoy na tema, at pagsulat sa mga datos at
temang nakalap. Dagdag pa dito ang thematic coding ay madaling maibagay at magamit
sa iba’t ibang uri ng pananaliksik. Matapos matukoy ang pinaka sentro ng datos gagamitin
ito ng mga mananaliksik upang matukoy ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na
negosyo sa Angeles City.

Konsiderasyon Etikal

Sa pananaliksik na ito titiyakin ng mga mananaliksik na isasagawa itong pag-aaral


alinsunod sa pamantayang etikal, at ang unang gagawin ng mga mananaliksik ay ang
paggawa ng sulat na ipapakita at ipalalagda kay G.Laurence Pasion tungkol sa permiso
ng pagsasagawa ng isang interbyu na aming ipapakita sa mga napiling kalahok bilang
patunay na kami ay nagsasaliksik para sa isang pag aaral. Ang mga pangalan ng mga
kalahok ay maaaring hindi bangitin at tutukuyin bilang unang respondente, pangalawang
respondente at sumunod pa, upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan at ang
ibang datos na kumpidensyal.

Mga Kalahok at Sampol ng Pag-aaral

Isasailalim sa unstructured-interbyu ang sampung (10) piling negosyante ng maliit


na negosyo. Sila ang magsisilbing kalahok at respondente sa isinasagawang pag-aaral
na naglalayon malaman ang kanilang karanasan sa larangan ng negosyo kung paano
naapektuhan ng implasyon ang kanilang mga maliliit na negosyo na magiging batayan
ng mga mananaliksik kung ano ba talaga ang epekto ng implasyon sa maliliit na negosyo
at makagawa ng mga posibleng solusyon. Sila ang napiling kalahok ng mga mananaliksik
dahil sila ay may lubos na karanasan sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo, at sila ay
angkop sa pag-aaral na ginagawa. Napili sila ng mananaliksik dahil sa paniniwalang
sapat ang datos na makukuha sa kanila ng mga mananaliksik upang makumpleto at
matapos ng maayos ang pag-aaral. Ang mga kalahok ay magsisilbing instrumento para
sa magiging resulta ng pag-aaral at sila ay napili ng mga mananaliksik gamit ang
Convenience Sampling. Ito ay isang non-probability teknik na madalas gamitin ng mga
mananaliksik sa pagkuha ng sampol o kalahok, kung saan pinipili ang mga pinakamalapit
sa mga mananaliksik upang hindi na mahirapan at mapadali ang pagkuha ng datos sa
mga kalahok.

Ang Angeles City ay isang lungsod sa Pampanga kung saan marami ang
nagpapatakbo ng maliliit na negosyo at mas magiging madali para sa mga mananaliksik
sa pagpili ng mga kalahok. Dito isasagawa ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral
dahil maraming negosyante ang nagpapatakbo rito ng maliit na negosyo at sa
paniniwalang sapat na at may kapasidad na matugunan at masagot ng mga piling
kalahok ang mga katanungan ng mga mananaliksik.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang sumusunod na walong (8) katanungan batay sa kanilang mga karanasan sa


pagpapatakbo ng negosyo ang magiging instrumento ng mga mananaliksik sa pagkolekta
ng datos para sa ginagawang pag-aaral. Ang mga katanungang ito ay sasagutin ng
sampung (10) napiling kalahok na negosyante ng maliliit na negosyo sa Angeles City.

1. Anong klase ng negosyo ang iyong pinapatakbo?


2. Gaano na kayo katagal sa negosyo?
3. Paano naaapektuhan ng implasyon ang mga produkto na inyong itinitinda?
4. Paano naman ang takbo ng inyong kita habang patuloy na tumataas ang
mga presyo ng bilihin dulot ng implasyon?
5. Naapektuhan din ba ng Implasyon ang dami ng inyong mga mamimili o
customer?
6. Sa halaga naman ng pera paano ito naapektuhan ng implasyon batay sa
iyong karanasan?
7. Para sayo ano ang pinakamatinding epekto na naidudulot ng implasyon sa
iyong negosyo?
8. Batay sa iyong karanasan ano ang maipapayo mo na dapat gawin ng mga
kapwa negosyante na nakakaranas ng epekto sa implasyon at sa mga balak
magsimula ng maliit na negosyo?

Holy Angel University


Basic Education Department
Senior High-School
Abril 20, 2023

Mahal naming Respondente,


Maligayang Araw!

Kami ay mga mananaliksik sa paaralan ng Holy Angel University mula sa 11- St.
Bernard sa strand ng ABM na naglalayong masagot ang pananaliksik patungkol sa Epekto ng
Implasyon sa mga maliliit na negosyo sa Angeles City. Kami ay humihingi sainyo ng
kooperasyon para sa isasagawang interbyu kung saan ang inyong pakikibahagi sa
pamamagitan ng pagsagot sa aming mga katanungan patungkol sa inyong mga karanasan sa
pagpapatakbo ng negosyo habang naaapektuhan ng implasyon ay magiging malaking tulong
para saamin na matapos ng maayos ang pag-aaral na isinasagawa,

Ang mga ibang impormasyon katulad ng pangalan ay maaring hindi banggitin para
ma protektahan ang inyong kapakanan at papanatilihin itong kumpidensyal.

Maraming Salamat po,

Lubos na Gumagalang,
Victorino, Giniel E.
Tuazon, Stephanie S.
Carolino, Eumi Chantelle S.
Almeida, Asher Christian
Sanchez, Jaymart T.
References
Ballesteros, E., Salangsang, F. L., Espino, K. G., De Leon, R. B., & Velasco, C. A. (2022, June). The
Effects of High Inflation Rate to Sari-Sari Store BusinessOwners in Remote Areas of
Tarlac City. Retrieved from studocu:
https://www.studocu.com/ph/document/tarlac-state-university/marketing-
research/practical-research-1/32544468
Camberato, J. (2022, May 25). The Impact Of Inflation On Small Businesses And How To
Manage It. Retrieved from Forbes:
https://www.forbes.com/sites/forbesfinancecouncil/2022/05/25/the-impact-of-
inflation-on-small-businesses-and-how-to-manage-it
Caulfield, J. (2019, September 6). Thematic Coding. Retrieved from Scribbr:
https://www.scribbr.com/methodology/thematic-analysis/
Espinosa, I. C. (2023, February 14). High Inflation adds Burden to businesses. Retrieved from
SunStar: https://www.sunstar.com.ph/article/1953399/davao/local-news/high-
inflation-adds-burden-to-businesses
Estrañero, J. (2023, January). Demystifying Inflation Rate in the Philippines. Retrieved from
Research Gate:
https://www.researchgate.net/publication/367030482_Demystifying_Inflation_Rat
e_in_the_Philippines
Fox, M. (2022, May 6). ‘We are being squeezed in every direction’ – As inflation grips small
businesses, here’s how they are responding. Retrieved from CNBC:
https://www.cnbc.com/amp/2022/05/06/as-inflation-grips-small-businesses-
heres-how-they-are-responding-.html
George, T. (2022, January 27). Unstructured Interview. Retrieved from Scribbr:
https://www.scribbr.com/methodology/unstructured-interview/
Gryttten, O. H., Nedal, R. C., & Muri, I. V. (2022, December). Inflation during Fluctuating
Business Cycles. Retrieved from RESEACH GATE:
https://www.researchgate.net/publication/368336686_Inflation_during_fluctuatin
g_business_cycles_NORWEGIAN_SCHOOL_OF_ECONOMICS
Katigbak, T. F. (2022, September 6). The trouble with inflation. Retrieved from philstar:
https://www.philstar.com/business/2022/09/06/2207584/trouble-inflation
Munandar, A., Rimawan, M., Mistar, M., & Huda, N. (2020, January). The Influence of Inflation
and Interest Rates on Working Capital Credit of Micro Small and Medium Enterprises.
Retrieved from RESEARCH GATE:
https://www.researchgate.net/publication/345079824_The_Influence_of_Inflation_
and_Interest_Rates_on_Working_Capital_Credit_of_Micro_Small_and_Medium_Enterp
rises
Natividad, S. T. (2021, December). IMPACT OF INFLATION ON STOCK MARKET
PERFORMANCE IN THE PHILIPPINES. Retrieved from RESEARCH GATE:
https://www.researchgate.net/publication/356816244_IMPACT_OF_INFLATION_O
N_STOCK_MARKET_PERFORMANCE_IN_THE_PHILIPPINES
PHILIPPINE SATISTICS AUTHORITY. (2023, January 6). SPECIAL RELEASE ON PAMPANGA
INFLATION AND CONSUMER PRICE INDEX (CPI) DECEMBER 2022. Retrieved from
PHILIPPINE SATISTICS AUTHORITY: http://rsso03.psa.gov.ph/article/special-
release-pampanga-inflation-and-consumer-price-index-cpi-december-2022
Ugwu, C. N., & Eze, V. H. (2023, January). Qualitative Research. Retrieved from Research Gate:
https://www.researchgate.net/publication/367221023_Qualitative_Research
Yolanda, Y. (2017, November). Analysis of Factors Affecting Inflation and its Impact on Human
Development Index and Poverty in Indonesia. Retrieved from RESEARCH GATE:
https://www.researchgate.net/publication/322615514_Analysis_of_factors_affectin
g_inflation_and_its_impact_on_human_development_index_and_poverty_in_Indonesi
a

You might also like