You are on page 1of 7

ALBERT BANDURA:

SOCIAL LEARNING THEORY


PAGSASAKATUTUBO
MULA SA LABAS

Isang Proyektong Papel

sa

Sikolohiyang Pilipino

Isinumite Nina:

Asaula, Jenny Rose

Eje John Carlo

Ilano, Anne Desiree

Jomoc, Angel Joy L.

Rosales, Billy Jones

Sacome, Ariane S.

Tuyor, Aubrey

Isinumite Kay:

Mark Joven Dumas

1
I. Introduksyon

Sa kasalukuyang panahon, ang pag-aaral ay naging batayan ng isang tao upang


tumuon sa pormal na edukasyon tungkol sa mga napapanahon at nagaganap sa
ating lipunan. Batay sa pag-aaral ni Cherry (2022), ang learning ay isa sa mga
nagpapabago sa kaugalian ng isang tao na nag reresulta ng karanasan na maaaring
mapagkukunan ng impormasyon, kaalaman, at kasanayan. Ito ay naging
pangunahing pokus ng pag-aaral tungkol sa sikolohiya na hanggang ngayon ay isa
pa rin sa nananatiling mahalagang konsepto sa iba’t-ibang larangan ng sikolohiya
kabilang ang cognitive educational, social, at developmental psychology (Cherry,
2022).

Ang Social Learning Theory ay pag-aaral ng isang Psychologist na si Albert Bandura


na kung saan ay itinuturing niyang pangunahing papel upang matuto ang isang tao
sa kung ano ang kanilang na-obserbahan at ang proseso ng pag modelo. Batay sa
teorya ni Bandura, ang pagkatuto ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng
pagmamasid sa kanyang paligid maging sa gawi ng iba at ito ay direktang resulta
bilang karanasan sa kapaligiran. Base sa panitikan, ang SLT ay mayroong tatlong
konsepto: Pagmamasid (Observational Learning), Intrinsic Reinforcement, at Pag
momodelo (Modeling Process). Sa pamamagitan ng mga konseptong ito, dito na
naimpluwensyahan ang atensyon, motibasyon, emosyon, at saloobin na nagbibigay
malay para matuto ang isang tao (Cherry MSEd, 2022).

Noong 1960, nagsagawa si Bandura ng isang eksperimento tungkol sa pagmamasid


(Observational Learning) ito ay kilala sa eksperimento bilang isang Bobo Doll. Batay
sa pag-aaral ni (Mcleod, 2023), nagpapatunay na ang Bobo Doll ay nakikita sa
pag-uugali ng isang bata na sila ay agad na natututo sa pamamagitan lamang ng
pagmamasid at panonood sa gawi ng ibang tao. Pinag-aralan dito kung ano ang
mga pattern na pag-uugali na natutunan ng indibidwal na humuhubog sa kanilang
pag-uugali at aksyon. Sa pamamagitan ng Bobo Doll experiment ni Bandura ang
naging daan upang mapabago ang takbo ng moderno ng sikolohiya at pagbibigay

2
tuon upang mailipat ang akademikong sikolohiya mula sa purong behaviorism
hanggang cognitive.

Pagmamasid (Observational Learning)


Isa sa mga pangunahing pag-aaral ay ang pagmamasid na kung saan maaari nating
pagmasdan ang ating, pamilya, kaibigan, at paligid na nagbibigay daan upang
maintindihan natin ang lipunan at mundo. Ang proseso ng pagkatuto ng isang tao ay
nakukuha sa pamamagitan ng pagmamasid at kung ano ang nakagawiang panoorin,
isinasaulo, at ito ay gagayahin. Isa rin ito sa mga kilala bilang isang modelo at
paghubog sa mga bata habang pinagmamasdan nila ang mga pag-uugali na
ipinakita ng mga nasa hustong edad (DeBell, 2022).

Intrinsic Reinforcement
Ito ay naglalarawan bilang isang panloob na gantimpala halimbawa ay
pagmamataas, kasiyahan, at ang pakiramdam na matagumpay. Ito ay
nagbibigay-diin upang maikonekta ang teorya sa pag-unlad ng kamalayan ng isang
tao sa kanilang panloob na kaisipan at kaalaman. Inilarawan ni Bandura ang teorya
sa pag-aaral ng teorya sa pag-uugali bilang “social cognitive theory (Cherry, 2016)

Pagmo-modelo (Modeling Process)


May mga salik na maaaring gumanap sa papel na kung matagumpay ang
panlipunang pag-aaral. May mga hakbang na kasama sa pag-aaral ng
pagmomodelo: Pansin (Attention), Pagpapanatili (Retention), Reproduksiyon
(Reproduction), Gana (Motivation) (Cherry, 2016).

II. Paliwanag (Rationale)

Ang Social Learning Theory ni Albert Bandura ay pinili bilang teorya dahil ito'y
naglalaman ng diin sa kahalagahan ng pagsasakatutubo mula sa labas o pag-aaral
mula sa paligid sa pag-usbong ng karanasan at kaisipan ng isang tao. Ito'y isang
makapangyarihang teorya na nagtuturo na ang mga tao ay natututo mula sa
kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pagmamasid, obserbasyon, at pagsunod sa
mga gawain ng iba.

3
Ang Social Learning Theory ay konektado sa proseso ng modeling, kung saan ang
isang tao ay natututo sa pamamagitan ng pagsusuri at pag unlad sa kilos at gawain
ibang tao. May kaugnayan ito sa konsepto ng pagsasakatutubo mula sa labas
dahil ipinaliwanag nito kung paano ang mga tao ay maaaring magkaroon ng
kaalaman mula sa kanilang mga kapaligiran, kasama ang social norms, values, at
inaasahang asal.

Sa larangan ng pagsasakatutubo mula sa labas, ipinapakita ng Social Learning


Theory ni Bandura kung paano ang mga tao ay maaaring isama ang kanilang mga
karanasan mula sa ibang tao at lipunan, at paano ito ay maaaring magbukas ng
oportunidad para sa pag-unlad ng kanilang mga kaisipan, paniniwala, at ugali.

Sa pagpili ng teoryang ito, inaasahan na ito ay nagbibigay-liwanag at paglalarawan


nang maayos kung paano ang mga external na pagsiklab at impluwensya ay
maaaring maging bahagi ng pagbabago mula sa negatibong persepsyon ng katawan
patungo sa positibong pananaw, lalo na sa yugto ng adolescence.
Ang kabuuang konsepto ng Social Learning Theory ni Albert Bandura ay ang
“pagkatuto sa karanasan ng iba”. Ayon kay Bandura hindi naman kailangan
maranasan ng bawat indibidwal ang isang bagay o desisyon upang malaman kung
ano ang angkop o akma na desisyon sa isang bagay. Kapag nakikita ng isang
indibidwal ang kanyang kapwa, o mas nakakatanda, o personalidad na may
impluwensya at nais niyang gayahin ito ay sa pamamagitan ng pagmamasid,

aalamin ng indibidwal ang gawain o habits ng personalidad na iyon nang sa ganun


ay kaya ding ma i apply sa kanyang sarili o reinforcing. Kapag nakikita ng isang
indibidwal na ang isang behavior ay may magandang kapalit o reward, bilang resulta
ay gagayahin na tinatawag na observational learning. Kaya nga mahalaga na ang
indibidwal ay mayroong maayos at positibo na mga taong nakapaligid sa kanila.

Sa kasalukuyang panahon ay lalong dumadami ang mga pwedeng matutunan at


dapat na matutunan ng kasalukuyang henerasyon partikular na ang mga kabataan
dahil na rin sa mas mabilis na access lalong lalo na ng impluwensya ng social
media. Bukod pa ay mas mabilis nang matuto ang mga kabataan sa henerasyong ito

4
dahilan upang malaman ng mga tao lalong lalo na ng mga magulang, kamag-anak,
at mga kapatid ng isang indibidwal, ang nararapat na aksyon, angkop na salita at iba
pa na maaaring makaapekto sa natutunan ng isang indibidwal. Mahalaga ang role o
ginagampanan ng mga magulang, kamag-anak, kapatid sa bawat indibidwal bilang
mga modelo. Kasabay nito ay ang mga kilalang personalidad sa social media, na
nagpapakita ng ibat ibang aksiyon na maaring gayahin ng mga kabataan partikular
ng mga bata.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ng Social Learning Theory ni Bandura ay upang


magkaroon ng kamalayan ang mga magulang, at ibang mas nakakatanda na ang
kanilang aksiyon ay may nakakaapekto sa posibleng maging aksiyon din ng bata.
Bukod dito ay upang mabigyan ng halaga ang iba't ibang paraan o istilo ng
pagkatuto ng mga kabataan, at magamit sa mas positibing at mas angkop na
paraan.

III. Paraan ng Pagsasakatutubo (Indigenization)

Ayon kay Enriquez, dalawa ang pwedeng metodong gamitin ng mga nagsasa
katutubo upang pag-aralan ang mga konsepto at teoryang sikolohikal: ang
"indigenization from within" o pagsasa katutubo mula sa loob, at "indigenization from
without" o pagsasakatutubo mula sa labas. Ayon kay Enriquez, ang dalawang uri ng
indigenization o pagsasakatutubo ay mahalaga sa paglago ng katutubong sikolohiya.
Magkaiba man ang layunin o adhikain, kinukompleto ng dalawang metodo ang isa’t
isa upang mailarawan ang buong konsepto ng lokal na penomena. Giit ni Yacat
(2013), malaki ang kontribusyon ng mga papel sa Sikolohiyang Pilipino sa Sikolohiya
sa Pilipinas kung isasaalangalang lamang ng mga pananaliksik sa Sikolohiya ng
Sikolohiyang Pilipino pagdating sa kaalaman, metodo, at kabuluhan.

Ayon sa paliwanag tungkol sa Interaktibong Teorya ng Pagkatuto ni Albert Bandura,


maaaring makakuha ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagmamasid sa ibang tao
tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon. Ayon rin sa
teoryang ito, mahalaga na ginagamit ng tao ang kanyang isip upang matuto ngunit
hindi nangangahulugang magbubunga ito ng pagbabago sa kilos. Mahalagang

5
tandaan na ang Child and Youth Welfare Act, o Presidential Decree No. 603 (1974)
ng Pilipinas, ay nagsasabi na "bawat bata ay may karapatang palakihin sa isang
kapaligiran ng moralidad at katwiran para sa pagpapayaman at pagpapatibay ng
kanyang pagkatao" at na "bawat bata ay may karapatang mamuhay sa isang
pamayanan at isang lipunan na maaaring mag-dulot sa kanya ng isang kapaligiran...
nakakatulong sa... paglinang ng kanyang mga kanais-nais na katangian at
katangian" (Artikulo 3). Dahil ang mga bata ay gumugugol ng maraming oras sa mga
aktibidad na kaugnay sa paaralan, kinakailangan na sila ay mabigyan ng tamang
kapaligiran sa silid-aralan para sa kanilang moral na pag-unlad.

Ang pagbuo ng mabisang modelo ng pag-uugali ayon kay Bandura ay


nangangailangan ng ilang mahahalagang salik. Una, ang atensyon, kung saan iba't
ibang aspeto tulad ng kakaibang katangian, damdamin, karamihan, komplikasyon, at
utilidad ay maaaring pagtaas o pagbaba ng halaga ng atensyon. Ang mga personal
na katangian tulad ng kakayahang pandama, antok, perceptual set, at nakaraang
pagsusuri ay nakakaimpluwensya rin sa atensyon ng isang tao.

Pangalawa, ang pagpapanatili ng impormasyon o retention ay kasama ang symbolic


coding, mental images, cognitive organization, symbolic rehearsal, at motor
rehearsal. Ito ang bahagi kung saan iniingatan ng isang tao ang mga naunang
natutunan at nakatuon sa pagbuo ng mga imahe at organisasyon ng mga ito sa
kanyang isipan.

Ang pangatlong aspeto naman ay ang pagpapalahi o reproduction, kung saan


kasama ang pisikal na kakayahan at pagsusuri sa sariling pag-aaksyon. Ang mga
natutunan ay iniuugma at kinopya sa pamamagitan ng pisikal na gawain.

Huli, ang gana o motivation ay may malaking bahagi sa pagpapakita ng inaasam na


pag-uugali. Ang mga motibo ng tulad ng nakaraang karanasan (tradisyunal na
behaviorismo), inaasahan (imagined incentive), at nakikita o naaalala ang
inaasahang pagganap ng modelo (vicarious reinforcement) ay mga nagtutulak sa
isang tao na tularan ang inobserbang ugali. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga
rason at inspirasyon upang gawin ang isang partikular na pag-uugali. Sa kabuuan,

6
ang mga nabanggit na batayan ay nagtataglay ng mga kritikal na elemento na
nagbubukas ng pinto tungo sa epektibong pag-modelo ng mga asal at kilos ng tao.

IV. Resulta at Diskusyon

Ang parte ng ito ay tatalakayin ang kinalabasan ng pag aangkop ng teoryang Social
Learning sa kultura ng mga Pilipino. Ang teoryang ito ay lubos na naaangkop sa
anumang kultura, kaya hindi ito mahirap gamitin sa kultura ng mga Pilipino. Ang
teorya ng Social Learning ay nagsasabi na ang mga tao ay natural na ginagaya ang
nakikitang pag - uugali at pag akto ng ibang tao na kanilang naoobserbahan sa
kanilang kapaligiran. Ang pag aangkop ng teoryang Social Learning sa kultura ng
mga Pilipino ay naglalarawan na ang pagmamasid ay isa sa mga dahilan upang ang

isang tao ay makakuha ng ideya or humango sa kanilang nakita. Isa sa mga


halimbawa ng Social Learning ay ang mga Social Media Trends o ang mga uso (hal.
fashion trends, dance challenges, trending na pagkain at iba pa.) na talaga namang
sinusunod o ginagawa ng mga tao para masabing sila ay “in’ sa uso. Bagaman,
bawat isa ay may kanya-kanyang kakayahang pumili, kaya naman nasa kanila na
kung pipiliin nilang sundin ang isang tao o isang bagay o hindi.

Ang social learning theory ay hindi lamang naaangkop sa kahit anong aspeto upang
matuto ang isang indibidwal. katulad na lamang ng observational o pagmamasid, sa
pamamagitan nito ay natututo ang isang indibidwal. ang pag aaral na ito ay
nagpapakita lamang na ito ay aplikable sa bawat aspeto na pwede tayong matuto.
Pinapatunayan din ng pag aaral na ito na angkop sa ating mga Pilipino ang social
learning theory dahil na lamang sa nakapaloob dito kung paano tayo natututo.

Sa kabuuan, mahalaga na dapat ay alam natin kung saan nakapaloob sa apat na


yugto ng social learning theory ang kakayahan ng bawat isa sa atin.

You might also like