100% found this document useful (1 vote)
559 views9 pages

Thesis It

Ang dokumento ay tungkol sa epekto ng implasyon sa paggasta ng mga mag-aaral ng Grade 9 sa Jose P. Laurel Sr. High School para sa taong panuruan 2018-2019. Tinukoy nito ang mga pinagkakagastusan ng mga mag-aaral sa kantina, ang pagbabago sa presyo nito dahil sa implasyon at kung sapat pa rin ang kanilang baon.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
559 views9 pages

Thesis It

Ang dokumento ay tungkol sa epekto ng implasyon sa paggasta ng mga mag-aaral ng Grade 9 sa Jose P. Laurel Sr. High School para sa taong panuruan 2018-2019. Tinukoy nito ang mga pinagkakagastusan ng mga mag-aaral sa kantina, ang pagbabago sa presyo nito dahil sa implasyon at kung sapat pa rin ang kanilang baon.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

__________________________________________________________________________________

ANG EPEKTO NG IMPLASYON SA PAGGASTA NG BAITANG 9 SA


JOSE P. LAUREL SR. HIGH SCHOOL SA TAONG PANURUANG: 2018-
2019
____________________________________________________________________________
BILANG BAHAGI NG PANGANGAILANGAN NG
ASIGNATURANG EKONOMIKS 9

Isinumite nina:

Faith Ashley Torres Cabello


Althea Gwyneth Lamac Wale
Christine Joyce Abella Alba
Victor Jr. Duron de Leon
Mark Daniel Pajares Alburo

Grado:

9-Star

Isusumite kay:

G. Mc Kenneth Baluyot

Jose P. Laurel Sr. High School


KABANATA 1

1. Introduksyon ng Pananaliksik

Panimula

Ayon sa isang pananaliksik ng Department of Education, Culture and Sports (DECS),

ang implasyon ay ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon

na karaniwang nagaganap. Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas

ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay

bunga ng implasyon. Karaniwan itong mararamdaman sa mga pamilihan kung saan bumubili ang

mga mamimili. Dahil dito,naaapektuhan ang dami ng produkto na maaaring mabili.

Naipahayag sa isang balita ng ABS-CBN ang ukol sa implasyon. Ayon dito, umarangkada

sa 6.4 porsiyento ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o ang tinatawag na

inflation para sa buwan ng Agosto, base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority

(PSA). Iyon ang pinakamabilis na pag-akyat ng inflation rate sa loob ng 10 taon. Sa

pinakamalalaking ekonomiya sa Southeast Asia, nangunguna ang Pilipinas sa may mataas na

antas ng inflation rate simula pa nitong taon.

Ang kantina sa eskwelahan ay isang halimbawa ng pamilihan. Dito nararamdaman ng mga

estudyante ang pagtaas ng mga bilihin.Isang halimbawa ay ang kantina sa aming eskwelahan.

Nagbebenta sila ng kanin at ulam na halos isang sandok lang sa halagang 40 pesos. Dahil dito,

nalilimitahan ang kayang bilihin ng isang estudyante gamit ang kanyang baon. Mas nagiging

mahirap sa isang estudyante na ibadyet ang kanyang baon dahil ang mismong

pangangailangan nila ay nagtaas ng presyo.


Layunin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay:

 Mabigyang kamalayan ang mga Grade 9 Laurelians sa implasyon.

 Malaman ang koneksiyon ng implasyon sa paggasta.

 Magbigay kaalaman kung ano ang epekto ng implasyon sa paggasta ng Grade 9

Laurelians.

Saklaw ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magpapakitra ng totoong kahulugan ng implasyon at kung paano

ito nakakaapekto sa mga estudyante. Ito ay para lamang sa ika-siyam na baitang ng paaralang

Sekondaryang Jose P. Laurel,Ama sa taong panuruang 2018-2019. Ang mga mananaliksik ay

nag handa ng survey para sa 80 na estudyante. Pumili sila ng 10 estudyante sa 8 seksyon ng

ika-siyam na baitang upang tanungin kung paano nakakaapekto sa kanila ang pagtaas ng mga

bilihin.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipagbigay-alam ang patuloy na pagtaas ng presyo ng

mga bilihin dahil sa implasyon. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

 Mag-aaral – Mabigyang kaalaman ang mga mag-aaral ng baitang 9 sa Paaralang

Sekondarya ng Jose P. Laurel ukol sa Implasyon at ang epekto nito sa kainilang paggasta.
 Magulang – Upang sila mismo ay mabigyang kamalayan sa epekto ng implasyon at

makapagbigay ng sapat na baon para sa kanilang mga anak.

 Guro – Upang magabayan nila ang kanilang mga estudyante tungo sa matalinong

paggasta ng kanilang mga salapi.

 DepEd – Upang sila ay mabigyang kamalayan sa kasalukuyang sitwasyon ng mga

estudyante at mabigyang aksyon ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga mananaliksik ay naglalayong ipakita ang epekto ng implasyon sa paggasta ng

mga mag-aaral ng Grade 9 sa Jose P. Laurel Sr. High School. Sinusubukan na masagot ang mga

sumusunod:

1) Ano-ano ang mga pinagkakagastusan sa kantina ng Grade 9 Laurelians?

2) Mayroon bang nakitang pagbabago sa presyo ng kanilang mga pinagkakagastusan sa

kantina? Kung oo, ipagpatuloy sa pangatlong tanong.

3) Sapat ba ang kanilang baon para tugunan ang mga ito?


Balangkas Konseptual

Ginamit ng mga mananaliksik ang input-process-output na paraan. Ang input-process-

output ay nagpapakita ng konsepto ng pag-aaral. Inilalarawan ng input frame ang mga hakbang

na gagawin ng mga mananaliksik para makumpleto nila ang pag-aaral. Inilalarawan ng proseso

kung paano pipili ang mga mananaliksik at kung paano magtitipon ng impormasyon para sa

pananaliksik. Ang output frame ay nagtatanghal ng kinalabasan ng pag-aaral sa tulong ng mga

mag-aaral.

Input Process Output


Nais malaman ng
mga mananaliksik
kung ano ang Ang mga Ang resulta ng
epekto ng mananaliksik ay pananaliksik ay
implasyon sa naghanda ng naka-base sa
paggasta ng mga survey form makakalap na
Grade 9 sa upang makakalap impormasyon ng
Paaralang ng impormasyon. mga
Sekondarya ng mananaliksik.
Jose P. Laurel.
KABANATA 2

2. Paraan ng Pananaliksik

Disenyo sa Pananaliksik

a). Paraan ng Pananaliksik

Upang makakuha ng kinakailangang datos, naghanda ang mga mananaliksik ng isang survey

sheet para mapunan ng mga mag-aaral. Ang natipon na impormasyon ay gagamitin upang suriin

kung paano naapektuhan ang kanilang paggasta sa pagtaas ng presyo ng mga produkto.

b). Mga Instrumento

Ang isang survey sheet ay gagamitin bilang instrumento ng pananaliksik upang kumalap ng

impormasyon mula sa mga sumasagot. Para makakolekta ng mas maraming sagot, humingi ng

tulong ang mga mananaliksik sa kanilang mga kamag-aral.

c). Mga Sumasagot

Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay 80, sila ay nakatala sa mga estudyante ng Grade

9 sa Paaralang Jose P. Laurel,Ama para sa taong panuruang 2018-2019.Ang mga estudyante

ng Grade 9 ay nahahati sa 8 seksyon na mayroong 40-50 na estudyante. Nagplano ang mga

mananaliksik na mag-survey ng 10 mga mag-aaral sa bawat seksyon.


KABANATA 3

3. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura

Upang malaman kung paano nakakaapekto ang implasyon sa Grade 9 laurelians,

kinakailangan pag-aralan ng mga mananaliksik ang tungkol dito. Ang kabanatang ito ay ukol sa

pagsusuri ng mga kaugnay na literaturang local at dayuhan. Ito ang magpapakita ng mga idea

tungkol sa nasabing paksa.

Implasyon

Sa ekonomiks, ang implasyon (Ingles: inflation, literal na pamimintog, pagpintog, o

paglobo) ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang

ekonomiya. Kung ang pangkalahatang antas ng presyo ay tumataas, ang bawat yunit ng salapi

ay makakabili ng mas kaunting mga produkto at serbisyo. Ang pangunahing sukatan ng

implasyon ay ang antas ng taunang persentaheng pagbabago sa pangkalahatang indeks sa

presyo at normal na indeks ng presyo ng mamimili sa paglipas ng panahon. Ang implasyon ay

salamin ng pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na nagiging dahilan upang harapin ng

pamahalaan ang suliranin na nagbunsod sa mataas na presyo. Sa madaling salita, ito ang

pagtaas ng halaga ng bilihin na dinudulot ng dami ng nakakalat na pera.

( URL:https://tl.wikipedia.org/wiki/Inplasyon_(presyo), nai-publish noong February 9, 2017 )


Mga Dahilan ng Implasyon

 Kapag tumaas ang suplay ng salapi pati ang kita at demand kaysa produksyon,

mahahatak pataas ang presyo.

 Kapag malaki ang gastos ng pamahalaan kaysa kita mula sa buwis, tataas ang suplay

ng salaping kita at mahihila ang presyo ng mga kalakal at serbisyo paitaas.

 Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar dahil sa kakulangan ng dolyar na pumapasok

sa bansa (suplay), bumababa ang halaga ng piso katumbas ng dolyar. Ang kailangan ay

higit na maraming pisong kapalit sa dolyar. Kaugnay nito, tataas ang presyo ng mga

produkto at serbisyo.

 Nakaaapekto rin sa presyo ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Kapag tumaas ang

presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig, tataas din ang presyo ng mga kalakal at

serbisyo na inaangkat mula sa ibang bansa. Bunga nito, tataas ang gastos sa produksyon

na magiging sanhi naman ng pagtaas ng presyo sa lokal na pamilihan.

Solusyon sa Implasyon

 Matalinong pagdedesiyon sa pagbili ng produkto.

 Maghanap ng pamalit sa isang produkto.

 Unahin ang mga pangangailangan kaysa kagustuhan

 Pagtaas ng sahod.

 Pagtitipid

( URL:https://brainly.ph/question/1647611#readmore )
Aksyon ng Pamahalaan

Maglalabas ng Executive Order (EO) ang Malacañang para mapigilan ang patuloy na

pagtaas ng pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinumite na ng Economic

Manager kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang suhestyon para mapigilan ang pagmahal

ng mga bilihin. Aniya, laman ng ipinasang draft EO ng Economic Managers ang pagmamadali sa

importasyon ng isda, asukal, gulay, karne at bigas.

Kasama rin sa hakbang ang pagsusulong sa rice tariffication bill, pagbebenta ng mga

inangkat na isda sa palengke at pagpayag sa mga malalaking kumpaniya na gumagamit ng

asukal na sila ang mag-aangkat.

You might also like