You are on page 1of 8

“EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL SA IKA 8 AT 9 NA

BAITANG SA KANILANG AKADEMIKONG PAGGANAP SA

CONCEPCION ADVENTIST ACADEMY.S.Y 2022-2023”

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang implasyon ay salamin ng pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na nagiging dahilan

upang harapin ng pamahalaan ang suliranin na nagbunsod sa mataas na presyo. Sa madaling

salita, ito ang pagtaas ng halaga ng bilihin na dinudulot ng dami ng nakakalat na pera. Isang

suliraning hinaharap ng ating bansa ngayon ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Mula sa

mga pagkain gaya ng tinapay at mga sangkap sa pagluluto, hanggang sa mga pang araw araw

na gamit ng isang indibidwal gaya na lamang ng LPG at gasolina. Implasyon. Ito ay isang

“economic indicator” upang sukatin ang kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa.ito ay

tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. Ito

ay suliranin na kinakaharap ng maraming bansa sa daigdig. “Noong 2022 ay ang may

pinakamataas na implasyon sa ating bansa 7.7 na porsiento, at patuloy parin ito hanggang

ngayon ayon sa Philstar.


Marami ding mga estudyante ang naapektohan nito, kung noon ay maraming nabibili ang

baon nilang 30-50 na peso ay ngayon iilan nalang ang nabibili nito. Sumakatuwid, ang

implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang

presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya”

Ang mananaliksik ay napili ang paksang ito sapagkat napansin nila ang patuloy na

pagtaas-presyo ng mga bilihin. Ito ay ginanap upang masuri ang epekto ng implasyon sa mga

mag aaral sa ika– 8 at ika– 9 na baitang, Kung may natitira ba sa kanilang baon na binibigay

ng kanilang mga magulang, kung nabibili ba nila ang kanilang mga pangangailangan o hindi.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa mga estudyante sa ika-8 at ika-9 na baitang sa

Concepcion Adventist Academy,G.del Pilar,Ilocos sur.

Balangkas Teoritikal

Ayon sa Official Gazette ng Republika ng Pilipinas, ang implasyon o ang inflation ay ang

pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang produkto o serbisyong binibili ng mga

konsyumer. Ito rin ang pangunahing problema ng mga Filipino na may malaking epekto sa

isang bansa. Ayon kay Arao (2008), nagsimulang lumaganap ang implasyon o pagtaas ng

bilihin noong 1970s dahil sa biglang pagtaas ng langis.


Muli, ito ay nangyayari sa ating pamayanan at ang pangunahing rason muli nito ay ang

langis dulot ng gusot na patuloy na nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine na siyang

pangunahing pinagmumulan ng langis sa daigdig.

Conceptual Framework

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Propayl ng mga respondente sa: 1. Epekto ng implasyon sa mga mag-


aaral sa ika-8 at ika-9 na baitang batay
A. Pangalan
sa kanilang kasarian.
B. Edad
2. Epekto ng implasyon sa mga mag-
C. Baitang aaral sa ika-8 at ika-9 na baitang batay
sa kanilang Baitang.
D. Kasarian
3. Epekto ng implasyon sa mga mag-
E. Paaralan aaral sa ika-8 at ika-9 na baitang batay
sa kanilang Edad.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang epekto ng Implasyon sa mga mag-aaral,

kung sakto ba ang nakukuha nilang baon sa isang araw at kung sila ba ay nakakatipid ba ang

mga mag-aaral sa ika-8 at ika-9 na baitang sa Concepcion Adventist Academy,Gregorio del

Pilar, Ilocos sur.

Ang pananaliksik na ito ay naisagawa upang matamo at masagutan ang mga sumusunod na

mga tanong:

1. Ano ang sosyo-demograpikong anyo ng mga tagatugon sa mga tuntunin tungkol sa:

A. Kasarian

B. Baitang

C. Edad

2. Epekto ng implasyon sa mga mag-aaral sa ika-8 at ika-9 na baitang batay sa kanilang

kasarian.

3. Epekto ng implasyon sa mga mag-aaral sa ika-8 at ika-9 na baitang batay sa kanilang

Baitang.

4. Epekto ng implasyon sa mga mag-aaral sa ika-8 at ika-9 na baitang batay sa kanilang Edad.
Kahalagahan ng Pag– aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang suriin ang epekto ng implasyon o ang pagtaas

ng presyo ng mga bilihin sa mga mag aaral ng Concepcion Adventist Academy na nasa ika-8

at 9 na baitang. Ito ay para mabigyan sila ng karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang

pang-araw araw na gastusin at upang malaman nila na ang kanilang hinaharap ay ang

implasyon. Makatutulong din ito sa mga magulang na maintindihan ang hinain ng kanilang

anak at makita ang kanilang gastos sa araw araw na kanilang pagpasok sa paaralan.

Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga mananaliksik sapagkat ang pag-aaral na ito ay

hindi lamang makapagbibigay sa kanila ng pagkilala sa larangan ng ekonomiya kundi mapag-

aaraan din nila ang iba’t ibang salik ng implasyon na siyang mahaharapm nila sa asignatura

nilang ekonomiya sa pagpasok nila sa unibersidad o sa pag-aaral nila sa asignaturang

ekonomiya sa Sekondarya. Lubos nilang makikilala at maiintindihan ang implasyon sapagkat

ang kanilang pag aaral sa asignaturang PPITP ay sesentro dito.

Sa mga guro, mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat makatutulong ito sa kanila sa

pagbuo ng mga paraan upang matulungan ang kanilang mga mag-aaral sa aspeto ng

implasyon. Makakapagbigay ito ng ideya sa mga guro kung ano ang mga maaaring itinda sa

kantina at makatutulong din ito sa pagtuturo nila sa mga mag aaral sa aspetong ekonomiya.

Mas makikita nila ang suliraning dpat isaayos at maituturo nila ng maayos ang mga paraan

upang maiwasan ito sa susunod na mga taon o ngayon mismo na dinaranas natin ito.

Sa mga mamamayan, mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat isa ito sa mga

pinakamalaking suliraning hinaharap ng bansang Pilipinas ngayon. Lubos nilang

maiintindihan ang implasyon at magagalaw ang kanilang damdamin upang tumulong din na
tumuklas sa mga solusyong maaaring gawin upang mahanapan natin ito ng solusyon. Ang

pag aaral na ito magtutulak sa kanila na maging mapanuri sa gobyerno at mga namamahala

nito upang maayos na ang gusot na ito at higit sa lahat, makaalis na ang mga mamamayan sa

pagdurusang dulot ng implasyon.

Saklaw at Delimitasyon

Sa taong 2023,isinagawa ang pananaliksik na nakatuon sa epekto ngimplasyon sa paaralan ng

Concepcion Adventist Academy,Barangay Concepcion. Ang Barangay Concepcion ay isang

Barangay ng makasaysayang bayan ng G. del Pilar na matatagpuan sa mga bulubundukin ng

probinsya ng Ilocos Sur.Dito nakatuon ang pananaliksik sa mga mag-aaral upang malaman

ang kanilang karanasan sa patuloy na implasyon na siyang patuloy na lumalaganap sa ating

bansa-ang Pilipinas.

Depinisyon ng Terminolohiya

Implasyon. Sa ekonomiya, ang inplasyon o implasyon ( ingles: inflation, pagpintog, o

paglobo) ang pagtaaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal (goods) at mga

serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng isang panahon.

Hinaing. Ang pagpapahayag ng lungkot, paghihirap, o sakit na nararamdaman. Ito ay

tumutukoy sa sama ng loob na nararanasan ng isang tao; sakdal, sumbong, o reklamo.

Akademiko. Tumutukoy sa edukasyon, pagiging iskolar, o pag-aaral na nagbibigay ng pokus

sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral sa mga praktikal o teknikal na paksa.


Suliranin. Isang bagay na dapat malutas o isang hindi kaaya-aya hindi kasiya-siya o hindi

kanais-nais na sitwasyon na kailangang maitama.

Laganap. Pagdami ng isang bagay o ang malawakang pagkalat ng isang bagay sa isang lugar

o dito mismo sa daigdig.

Pangkalahatan. Ang kakayahang gumamit ng mga kasanayan na natutunan ng mag-aaral sa

bago at iba’tibang mga kapaligiran.

Nagbunsod. Tumutukoy sa isang sitwasyon o kilos kung saan ang isang tao, organisasyon o

pangyayari, ay nagpasimula o naglunsad ng isang bagay.

Baon. Pagkain, pera at iba pa na dinadala bilang pagtugon sa biglaang pangangailangan gaya

ng pagkagutom o pagkauhaw.

Presyo. ang halaga ng bayad o kompensasyon na binibigay ng isang partido sa isa pang

partido upang makuha ang produkto.

Ekonomiya. Kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon, pamayanan at institusyon na

may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto at

serbisyo.

Estado. Kasalukuyang ganap o nagaganap sa pinansyal o mental, pisikal o spiritwal na buhay

ng isang tao.

Sosyo-Demograpiko. Bilang ng isang bagay; ang pangkalahatang bilang ng isang bagay,

populasyon o ang sarbey na ginawa.

Estudyante. Mag-aaral sa ikalawang antas ng edukasyon o high school.


Gusot. Gulo o problemang hinaharap ng isang indibidwal

Gobyerno. Isang organisasyon na may kakayahang gumawa at magpatupad ng batas sa isang

bansa o isang teritoryo.

You might also like