You are on page 1of 12

UNIVERSITY OF CEBU-BANILAD

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


UNANG SEMESTRI, TAONG 2019-2020
(Gov. Cuenco Ave. Banilad , Cebu city)

PINAL NA KATUPARAN NG MGA KINAKAILANGAN PARA SA


ASIGNATURANG FILIPINO 1

Iba’t ibang uri at epekto ng pamilya sa mga mag-aaral

Ipinasa kay:

Bb. Maria Lea Carmille N. Murillo


Guro
Filipino 1

Ipinasa nina: Basaca, Troy Joshua


Castro, Angeline
Faeldonea, Terrenz
Moroña, Hannah Marie
Sumibay, Brenda

Petsa ng Pagsusumite: ______________


I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pamilya at epekto nito sa mga mag-aaral.

Ang pamilya ay isang importanteng bahagi ng ating lipunan, dito nabubuo ang mga

bagay na mahalaga sa atin, ang ating ambisyon at mga pangarap. Ang pananaliksik na

ito ay naglalayong malaman ang mga salik na nakakaapekto sa relasyon ng anak sa

magulang at ang epekto nito sa pakikipag-ugnayan sa pamilya. Malaki ang papel ng

mga magulang sa usaping ito at mas nararapat lamang na sila ang magbigay at

magpahayag ng kanilang mga saloobin patungkol sa usaping ito. Sa pananaliksik na ito

malalaman, mauunawaan, masasagutan at matutugunan ang katanungan ng

nakakarami ukol sa problemang kinakaharap ng mga apektadong kabataan. Ang mga

problemang pinagdaraanan ng mga mag-aaral na nakakaranas ng di-maayos na

ugnayan sa kanilang magulang o pamilya ay malaki ang epekto sa kanilang pagkatao at

pag-iisip. Sa pag-aaral na ito mas mauunawaan ng mga guro ang mga dahilan kung

bakit nagkakaroon ng di-mabuting pag-uugali ang mga apektadong mag-aaral.

Mahalaga ang pamilya sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang

pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema at dito

rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema.

Ang ibang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon

ng kanilang pamilya ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa

broken family ay nasisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin

silang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng kabataan na

galing sa broken family ay napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong

inspirasyon sa buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap.


Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga

panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problem alang ang

dumadarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong pamilya na ito ay kaya mong

humarap sa mundo na buo iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang may buong

pamilya (Juanitez, 2015).

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga magulang at mga anak ay may iba’t-ibang

mga persepsyon ng kasidhian ng pag-igting, sa mga magulang sa pangkalahatang ulat

ng mga mas matinding tensyon kaysa sa mga anak lalo na patungkol sa mga isyu na

kinakailanang gawin ng mga anak sa pamumuhay o pag-uugali. Nakasaad rin sa pag-

aaral na iyon na mas Malaki ang naiaambag ng mga magulang sa kanilang anak

sapagkat sila ang nagpapakahirap upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang

mga anak. Ngunit , maraming kaso dito sa Pilipinas na kung saan, may mga magulang

na nagpapabaya, o hindi nagpaparandam ng apeksyon sa kanilang mga anak na

nagreresulta sa paglayo ng loob ng kanilang mga anak (Birditt, 2013).

II: RASYONAL/LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito sapagkat layunin ng mga mananaliksik na malaman

ang mga salik na nakakaapekto sa relasyon ng anak sa magulang at ang mga epekto

nito sa pakikipag-ugnayan sa pamilya. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong

sa mga mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga salik na nakakaapekto sa

relasyon nila sa kanilang mga magulang at ang mga epekto nito sa pakikipag-ugnayan

nila sa kanilang pamilya. Ito rin ay makapagbigay sa kanila ng karagdagang


impormasyon gayundin sa mga gagawin nilang paag-aaral o pananaliksik. Maari nila

itong gamitin sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay upang sila ay maging aktibo

pagdating sa usaping ito.

Ang mga magulang dapat ang gumabay at mag –aruga sa kanilang mga anak sa

pamamagitan na pagbibigay ng isang masaya at mapayapang pamilya. Ngunit sa mga

hindi maiiwasang pagkakataon tulad ng pagkakaroon ng alitan sa pamilya o

pagkakaroon ng di-magandang ugnayan ng anak sa magulang, ay nararapat lamang

na maging responsible ang mga magulang sa paag-gabay, pagpapayo at paagmumulat

sa kanilang mg anak sa mga sitwasyon. “Ang magulang-anak na relasyon ay isa sa

pinakamahabang pangmatagalan panlipunan kurbatang tao magtatag:, sabi ni Kira

Birditt,humantong may akda ng ang pag-aaral at isang researcher sa University of

Michigan Institute para sa social Research (ISR). Ayon sa pahayag ni Kira Birditt,

mahaba o pangmatagalan ang relasyon ng bawat magulang sa kanyang anak. Hindi

mapapantayan ng sinuman ang relasyon na mayroon ang anak at ang kanyang

magulang dahil ang pagmamahal ng magulang ay higit pa sa anumang bagay. Marami

man sa mga pamilyang Pilipino ngayon ang may magandang ugnayan sa isa’t isa, hindi

naman maiiwasan na may mga pamilya na hindi maayos ang relasyon sa isa’t isa.

Maraming pamilyang Pilipino ngayon ang humaharap ng matinding ugnayan, lalo na

ang relasyon ng anak sa magulang. Malaki ang epekto nito sa pakikipag-ugnayan ng

anak sa kanyang pamilya.

Ang relasyon ng bawat miyembro ng isang pamilya ay napakahalaga sapagkat

ito ang pundasyon ng pakikipag-ugnayanng bawat miyembro sa isa’t isa. Matatag na

pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Nakakatulong ito sa paghubog ng


pagkatao ng bawat miyembro ng pamilya. May mga katangiang kailangan sa

pagkakaroon ng matatag na pamilya. Una, ang may pananagutan sa bawat miyembro

at pagpapakita ng pagpapahalaga sa isa’t isa. Ikalawa, ang pagkakaroon ng mabuting

komunikasyon at pagsasama-sama ng pamilya. Mahalaga ang nasabing kayangian

dahil ito ang nagbubuklod at nagpapatibay sa relasyon ng bawat miyembro ng pamilya

(Tamayo, 2012).

Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat layunin ng mga mananaliksik na

malaman ang mga epekto ng iba’t ibang uri ng pamilya sa mga mag-aaral. Layunin din

ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na mga katanongan:

A. Ano ang pamilya?

B. Anu-ano ang mga epekto nito sa mga mag-aaral?

C. Anu-ano ang mga paraan para masolusyonan ito?

AYUSIN ANG INYONG MGA LAYUNIN. HINDI KAILANGANG KATANUNGAN. SEE

https://www.scribd.com/doc/111903375/Thesis-sa-Filipino-docx FOR SAMPLE

III: PAMAMARAAN

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pangangalap ng datos

tulad ng sarbey, interbyu, obserbasyon at pangangalap ng impormasyon sa kaparehong

pananaliksik.

Gagamit ang mga mananaliksik ng sarbey upang malaman kung aling uri ng

pamilya ang pinakamataas na naka-epekto ng husto sa mga mag-aaral. Sa

pamamagitan ng sarbey, malalaman dito kung ilang porsyento ang may pinakamataas

na uri ng pamilya ang nakakaapekto sa mga kabataan. Sa interbyu naman, dito


malalaman ang mga dahilan kung bakit nagkakaganun ang kanilang pamilya kung bakit

nagkawatak watak ang kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng interbyu, dito malalaman

ang mga opinion ng bawat miyembro ng pamilya. Dahil ang opinion ng ina, ama, at

anak ay mahalaga upang maisagawa ang ang pananaliksik na ito. Magagamit rin ang

obserbasyon upang maipahayag ng mga mananaliksik kung ano ang kanilang opinyon

tungkol sa kanilang isinagawang pananaliksik. At ang panghuli ay ang pangangalap ng

impormasyon sa kaparehong pananaliksik, dahil dito magkakaroon ng ideya ang mga

mananaliksik patungkol sa kanilang isinasagawang pananaliksik.

IV: PANIMULA

Ang pamilya ay tumutukoy sa pagkakaroon ng ama, ina at anak. Ang pamilya ay

ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Maihahalintulad din natin ito sa

isang pamahalaan o gobyerno, kung saan ang mga magulang ang nagsisilbing

pamahalaan at ang mga anak ang mga mamamayan. Ang pamilya ay talagang isang

mahalagang salita sa bawat tao. Sila ay regalo na ibinigay sa atin ng Diyos. Sa pamilya

nagsisimula ang pakikipag-ugnayan sa iba. Sa pamilya rin nagmumula ang pakiramdam

na pagiging ligtas, pagkakaroon ng mga taong maaasahan at maaari mong ibahagi ang

iyong mga problema. At sa kabilang dako, nangangahulugan din ito na mayroong

paggalang at responsibilidad sa bawat isa. Ang kahalagahan ng pamilya ay tunay na

pag-ibig at pagkakaroon ng isang taong laging naroon para sa iyo, maging sa

magagandang panahon o kapag nakaranas ng kasamaang palad. Sa loob ng pamilya,

mayroong pag-unawa, pag-asa, ginhawa, payo, moralidad, mithiin, at


pananampalataya. Ang mga bagay na ito ay mahalaga sapagkat ito ay nakakadulot ng

seguridad at kasiyahan ng loob kahit anong mangyayari sa buhay. Ilan lamang ito sa

mga pangunahing dahilan kung bakit ang pamilya ay mahalaga sa ating pang-araw-

araw na buhay.

Ayon kina Anastacio M.G et. al.(2009), ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng

isang taona hindi kalianman mababago sa mundo. Ang ating ama, ina at mga kapatid

ay hindi mapapalitan ng sinuman. Malaki ang impluwensya ng pamilya sa ating buhay.

Pamilya man ang itinuturing pinakamaliit na yunit ng isang pamayanan, sila ang

humuhubog sa ating pagkatao. Sila rin ang unang nagparamdam sa atin ng

pagmamahal, kasiyahan at kalungkutan. Ang pangkaraniwang depinisyon ng pamilya

ay isang grupo ng mga tao na binubuop ng ama, ina, at mg anak kung saan ang bawat

isa ay pinagbubuklod ng pagmamahal. Sa paglipas ng panahon, marami ng pagbabago

ang nagaganap sa buong mundo. Marami na ang pamilyang nagkawatak-watak kaya’t

patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pamilyang binubuo na lamang ng mga anak at

isang magulang.

Napakaraming mga problema na ang naglalabasan ngayon mula sa iba’t-ibang

panig ng ating bansa. Mga problemang nangyari na noon at nangyayari pa rin sa

ngayon at nananatiling walang mga kongkretong solusyon. Ang mga suliraning ito’y

kadalasang nagmumula sa loob ng isang tahanan. Nadisgrasyang indibidwal na

umuuwing luhaan, awayan ng mag-asawa, hiwalayan na humahantong sa


pagtataguyod ng magulang ng mag-isa o ang pagiging single parent. Mahirap maging

isang Ama o Ina ngunit mas mahirap ang magtaguyod ng pamilya ng mag-isa lamang,

ito ay ang Single Parenting. Ito ay ang pagkakaroon ng isang pamilya ngunit

pagtataguyod dito ng magulang ng mag-isa lamang. Ito ang isa sa pinakamalaking

problemang kinahaharap ng Pilipinas. Ito’y marahil dahil na rin sa iba’t ibang dahilan

gaya ng krimen sa Chastity, Pagkamatay ng Asawa, Separation, Annulment,

Abandonment at iba pa.

V: PAGTATALAKAY

Pamilya ang lakas at kahinaan ng mga Pilipino. Handa nating gawin ang lahat

para sa kanila. Ano mang uri ng pamilya mayroon ang isa tao, ito ay pamilya pa ring

matatawag depende sa interpretasyon sa isang tunay na pamilya. May mga uri ang

pamilya. Nuclear, binubuo ng magulang at mga anak lamang at extended na uri kung

saan maaaring kasama ninyo ang iyong mga lolo,lola,tita at tito. Ayon sa pag-aaral ng

World Family Map noong 2015, ang nuclear na uri ng pamilya talaga ang mayroon sa

buong Asya at Middle East. Sa pag-aaral naman ng Philippine Statistics Authority, may

humigit kumulang 2.2 million na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba't ibang parte

ng mundo. Ibig sabihin ay ganoon din karami ang nasa ganoong uri ng pamilya.

Maraming positibong epekto sa kabataan ang isang extended na uri ng pamilya.

Ang mga nakapaloob daw sa isang extended na uri ng pamilya ay madalas na

hindi nakararanas ng pakiramdam na mag-isa, mahusay makipagkapwa tao,


matulungin at higit sa lahat, nakatitipid daw ang pamilyang ito dahil nakahiwa-hiwalay

ang mga gastusin. Sa kabilang banda, ang negatibong epekto naman nito ay maraming

gastusin, maaaring wala masyadong kontrol sa mga bata at mapadalas ang mga

pagkakaroon ng argumento.

Ang single parenting ay isang simbolo at daan na rin sa pagkakaroon ng broken

family. Sa Pilipinas tinatayang may halos 14 na milyon ang single parent. Kung ang

isang pamilya’y hindi buo ito’y nagdudulot ng hindi magandang epekto sa bawat

miyembro nito. Pagkakaroon ng epekto sa magulang. Dahil sa pagkakataong ito’y mag-

isa na lamang itataguyod ng magulang ang kaniyang pamilya, kailangan niyang mag

multi-tasking para sa ikatataguyod ng kaniyang pamilya. Dahil sa lahat naman ng oras

at pagkakataon gaanuman kahirap ang mga bagay ay kaya itong harapin ng mga

magulang para magkaroon pa sila ng mas masaya at mas maayos na pamilya. Ang

single parenting ay isang simbolo at daan na rin sa pagkakaroon ng broken family. Sa

Pilipinas tinatayang may halos 14 na milyon ang single parent. Kung ang isang

pamilya’y hindi buo ito’y nagdudulot ng hindi magandang epekto sa bawat miyembro

nito. Pagkakaroon ng epekto sa magulang. Dahil sa pagkakataong ito’y mag-isa na

lamang itataguyod ng magulang ang kaniyang pamilya, kailangan niyang mag multi-

tasking para sa ikatataguyod ng kaniyang pamilya. Dahil sa lahat naman ng oras at

pagkakataon gaanuman kahirap ang mga bagay ay kaya itong harapin ng mga

magulang para magkaroon pa sila ng mas masaya at mas maayos na pamilya.


Huli ito’y may malaking epekto sa gawi ng pamumuhay ng lahat. Dahil ang

pagkakaroon ng isang pamilya’y parang isang hugis na tatsulok na kapag nawala ang

isang parte o bahagi nito’y maaaring mauga at magbago ang itsura, kaya’t upang

muling mabalanse ay kailangang gumawa ng panibagong hugis at itsura. Sa isang

pamilya kailangan na ang bawat bagay ay pantay-pantay, sapagkat pagtutulungan,

pagbibigayan at pagmamahalan ang daan upang mas maging matatag ito.

Ayon kay Ruksana Saikia, ang pamilya ay sinasabing ang unang institusyon

kung saan nagsisimula ang isang tao upang magbigay ng kasangkapan sa sarili. Ngunit

pagkakaiba ay natagpuan sa bawat pamilya. Ang pagkakaroon ng malusog at

maligayang pamilya ay kung ano pangarap ng lahat. Ngunit marami ang hindi

magtagumpay. Dahil sa iba't ibang mga problema, ang malusog nasira din ang mga

pamilya. Kapag darating ang mga hindi gustong mga bagay, maraming pamilya ay

nasira, at ang mga miyembro ay pinaghiwalay. Ito ay isang trahedya na nangyayari sa

labas walang hadlang na mga kadahilanan pati na rin ang mga kapus-palad na

kadahilanan. Kapag sinabi nating nasira ang pamilya, hindi ito naiiba at kakaibang

bagay, sa halip karaniwan at nakakaranas ng problema sa at sa paligid natin. Ang

buhay ng pamilya ay nasa isang krisis kapag ang ilang mga problema pukawin at na

nagiging sanhi ng paghihiwalay ng mga miyembro sa mga pamilya, na kung saan ay

tinatawag na simpleng sirang pamilya. Gayunpaman, isang paghihiwalay lamang dahil

sa edukasyon, trabaho, atbp ay hindi sirang pamilya, kahit na ang mga miyembro ng

pamilya ay naglalayo sa bawat isa. Upang masira sa pamilya, dapat mayroong ilang

mga krisis na lumabas dahil sa maling kuru-kuro, maling pag-iisip, hindi


pagkakaunawaan, maling katanggap-tanggap, atbp Pagkatapos ang mga naganap na

krisis ay humantong sa diborsyo ng mga magulang, pagtatapon ng mga anak na lalaki o

mga anak na babae at umaalis sa bahay ng sinumang mga miyembro ng pamilyang

iyon. Ito ay napaka-kontrobersyal na kung angkinin ang bawat paghahati ay nasira ang

pamilya, habang pinapatakbo pa rin nila ang pamilya. Maraming mga pamilya na

walang ama, ina, at iba pang mga miyembro ngunit may kondisyon pa rin at

sistematikong tumatakbo. Maaaring hindi nila nais na tawagan silang sira. Syempre

hindi sila nasira, sa halip ilang mga miyembro lamang ang umalis.

Ayon naman kay Vic Groze, ang katayuan sa kasal ay tila kaunti, kung mayroon

man, epekto sa kinalabasan ng pag-aampon. Ang mga pamilyang nag-iisang magulang

ay tulad ng pag-aalaga at mabubuti bilang mga pamilya na may dalawang-magulang.

Ang isang solong may sapat na gulang, na walang pinag-aralan sa mga hinihingi ng

isang relasyon sa pag-aasawa, ay maaaring magbigay ng uri at dami ng paglahok at

pangangalaga na kinakailangan ng ilang mga bata na malubhang nakakasira ng mga

karanasan.

BAKIT HINDI TAPOS ANG INYONG PAG -AARAL?

SUNDIN ANG FORMAT NA IBINIGAY

SIGURUHING MAY SARILING PAGPAPALIWANAG ANG BAWAT BAHAGI NA

INYONG NILAGYAN NG REFERENCES. BAKIT ITO MAHALAGA? ANO ANG

KAUGNAYAN SA PAG -AARAL?

You might also like